Ibinaba ni Natasha ang kaniyang kubyertos. Bumaling siya ng tingin kay Greig. “I have an appointment with Dra. Menso, k-kung hindi ka pupunta ngayong umaga sa trabaho, baka pwede mo ‘kong samahan.” Malumanay nitong saad. Ysabela uncomfortably shifted on her seat. Nakatutok ang kaniyang tingin sa pagkain at ayaw sanang pansinin si Greig at Natasha pero masyadong sensitibo ang kaniyang pandinig. “Where’s Ada?” “I’m scared, Greig. It’s just an appointment, titingnan lang ni Dra. Menso ang kalagayan ko. Please, come with me.” May pagmamakaawa nitong sabi. “I cannot come with you, Nat. Ysabela and I have something to do.” Napaangat siya ng tingin dahil sa sinabi ni Greig. Si Natasha ang una niyang nakita, nakakunot ang noo nito at may dumaang sakit sa mga mata nito. Unti-unti niyang nilingon si Greig, nakatingin ito sa kaniya at tila hinihintay lamang na tapunan niya ito ng tingin. “Come on, Nat. Let’s go, ako na ang maghahatid sa iyo kay Dra. Menso.” Ani Patrick. Nagbaba
“Good morning, Sir.” Bati ng staff nang makita nito si Greig.Marahan na nakasunod si Ysabela sa lalaki, at madalas ang pagtingin sa mga muwebles at dekorasyon sa hall.“Is everything ready?” Tanong ni Greig.“Yes, right this way.”Naunang maglakad ang babaeng staff kaya lumingon sa kaniya si Greig, napansin nito ang pagsuyod niya ng tingin sa lugar.“Let’s go?” Mataman nitong tanong.Binalingan niya ng tingin ang lalaki. Hindi niya napansin na masyado na siyang nawiwili sa pagpuna ng mga bulaklak at halaman.“Are those real?” Itinuro niya ang mga naglalakihang dahon sa isang sulok. Mukhang totoo iyon at hindi synthetic.“Of course, Ysabela.” Sagot ni Greig saka hinawakan ang kaniyang kamay na nakaturo sa halaman.Bago niya pa mabawi ang kamay, nakapaglakad na ito at sumunod sa babaeng staff.Nilingon niya pa saglit ang naglalakihang halaman.Pagkalabas ng reception hall, bumati agad sa kaniyang paningin ang mga baging. Nag-angat siya ng tingin sa mga halaman at bulaklak na nakasabit
“Ysabela!” Nag-angat siya ng tingin nang marinig ang sigaw ni Greig. Muli ay dinampot niya ang rosas at inilagay sa basket. Ininda niya ang mahapding sugat lalo pa't muli niyang narinig ang sigaw ni Greig. Tumayo siya dala ang basket na nangalahati na ang laman. “Ysabela!” “I’m here!” Sigaw niya pabalik. Nasa hilera na ng mga puting bulaklak si Greig. “H*ck, I thought I already lost you!” Sigaw na naman nito, pero medyo natatawa naman. Hindi siya sanay na ganoon ang reaksyon ni Greig kaya nag-iwas siya ng tingin at naglakad patungo sa hilera ng mga puting bulaklak. “Iyan lang ang nakuha mo?” Tanong nito nang makalapit siya. Tiningnan niya ang basket ni Greig at nakitang punong-puno iyon ng mga kulay pula at kulay magentang rosas. “You could get more.” Panghihikayat nito. Kaso mahirap. Mahina niyang daing. Napangiwi siya nang maalala ang dumudugong hintuturo. Nagbaba siya ng tingin at nakitang dumudugo pa rin iyon. Sinundan ni Greig ang kaniyang tingin at napansin ang sugat
Tuluyang bumuhos ang ulan kaya pareho silang nababasa pero dahil sa mahigpit na yakap ni Greig hindi siya makawala.“Greig, umuulan na!”Ngunit nanatili itong nakatayo, ayaw pa rin siyang pakawalan.“I’d treat you better.” Nangangako nitong saad.Muli ay umihip ang malamig na hangin, bahagyang nanginig ang kaniyang katawan pero hindi niya maitatanggi ang init na naramdaman sa kaniyang puso.Hindi dapat siya umaasa.Hindi niya dapat hinahayaan na baguhin ni Greig ang kaniyang desisyon.Pero naroon pa rin ang dating Ysabela, nakasiksik sa dulo ng kaniyang isipan at tila mahinang bumubulong na bigyang pagkakataon ang lalaki.Ipinikit niya ang mga mata. Basang-basa na silang dalawa kaya wala na rin silbi kung sisilong pa.“We’re… just making things complicated, Greig.” Nanghihina niyang saad.“Hindi ko alam kung saan ako lulugar kapag nariyan si Natasha. I felt like someone you’ve only used to satisfy your need. Nanliliit ako, dahil alam kong noong una palang… si Natasha na ang gusto mo.”
Naupo sa tabi ni Ysabela si Greig kaya nilingon niya ito saglit. Nakapagpalit na ang lalaki ng ternong damit kagaya niya. Ang isang staff ay naglapag ng kape sa harap ni Greig. Samantalang tsokolate naman ang sa kaniya.“Inaayos na po ang mga bulaklak, Sir.” Imporma nito.Tumango lang si Greig. Umalis ang babaeng staff kaya naiwan sila sa maliit na silid. Mula rito ay matatanaw naman ang malawak na taniman ng mga daffodils, chrysanthemum, daisies, at dahlia.Hindi niya alam na ekta-ektaryang lupain ang pinagtataniman ng iba’t ibang klase ng mga bulaklak.Pumapatak pa rin ang ulan sa labas at medyo malakas ang ihip ng hangin. Tila nagsasayaw ang mga bulaklak habang naliligo sa ulan.Walang kasingganda ang flower plantation na kaniyang natatanaw.Tahimik silang dalawa ni Greig, pero ramdam niya ang madalas nitong paglingon para tingnan siya.“I already ordered our lunch.” Basag nito sa katahimikan.Ipinalibot niya ang malamig na kamay sa mainit na tasa at nakaramdam ng ginhawa.“Hindi b
Umawang ang kaniyang labi at hindi alam ang sasabihin. Hindi niya rin alam kung ano ang mararamdaman. “Greig.” Parang may nakadagan sa kaniyang dibdib habang pinagmamasdan ang maamo nitong mukha. “I missed you, Ysabela.” Marahan niyang bulong. Hinaplos niyang muli ang pisngi nito at hinalikan ang noo, saka niya niyakap. Ang kaniyang kamay ay pumalibot sa tiyan nito para yakapin ang babae, sumiksik naman sa kaniya si Ysabela na parang naghahanap ng kumot. Ngumiti siya sa kaniyang sarili. Paano niya pakakawalan si Ysabela kung sa mga simple nitong salita’y bumabalik agad ang mga pirasong akala niya’y nadurog na’t tinangay na. “I missed you.” He whispered painfully. Tumitig siya ngayon sa gulat na mukha ni Ysabela. Napaatras ang babae pero huli na, ayaw niyang pakawalan ito at hinding-hindi na niya pakakawalan pa. Hindi siya kailanman natakot na mawalan ng kahit na anong bagay. Pakiramdam niya, palaging nakaayon sa kaniya ang tadhana, at lahat ng gusto niya’y— paghirapan niya s
Pabalik ng villa ay magaan na ang dibdib ni Ysabela. Tahimik silang pareho ni Greig sa loob ng sasakyan pero wala na ang tensyon sa kanilang dalawa. “I’d visit Lolo Gregory this evening, Ysabela.” Marahan nitong sabi. Nilingon niya saglit ang lalaki at napansin na nakatutok ang tingin nito sa daan kaya medyo nagtagal pa ang kaniyang tingin. “Sure.” Sumulyap ito sa kaniya, naabutan ang paninitig niya. “Susunduin kita mamaya pagkatapos ko sa trabaho, saka tayo tutuloy kay Lolo.” Kumunot ang kaniyang noo. “Kasama ako?” Umangat ang sulok ng labi ni Greig nang marinig ang gulat sa kaniyang tinig. “Yes, I'd tell him our date.” Lumingon ito saglit at kumindat sa kaniya. Nag-iwas naman siya ng tingin. Kinagat niya ang ibabang labi at pilit pinaseryoso ang mukha pero mayroong tumatakas na ngiti kaya ibinaling niya ang tingin sa bintana ng sasakyan. Dapat ay kanina pa sila umuwi, pero pagkatapos ng lunch ay naisipan pa nitong manood ng kahit isang movie lang. Sa loob ng
“Greig…” Napailing siya. Hindi niya mahanap ang mga tamang salita. Umiling din ang lalaki. Lumapit ito’t niyakap ang kaniyang bewang. “Nuh-uh, no more excuses and reasons. I’m doing my very best to win you over.” Saad nito. “I’m not gonna ask for a chance. I’d get my chances, Ysabela. Ipipilit ko, hanggang sa magustuhan mo ‘ko. Hanggang sa mahulog ka sa akin.” Umawang ang labi niya. Gusto niyang sabihin kay Greig na hindi na nito kailangan na pilitin siya para lang mahulog siya sa lalaki. Dahil noon pa man, kusa na siyang tumalon sa bangin ng pag-ibig, kahit walang kasiguraduhan. Iyon din ang dahilan kung bakit sa huli, siya ang talunan. Kung bakit sa huli, siya itong maraming sugat na kailangan indahin. Inaayos ng mga katulong ang kaniyang damit nang mahiga siya sa pamilyar na kama. Nakaalis na si Greig kaya tahimik na rin sa wakas ang silid. “Orange juice mo, Ysabela.” Nakangiting sabi ni Manang Lora nang pumasok ito dala ang orange juice. Dahan-dahan siyang bumangon sa kama
Nang manganak siya kay Akhil, bumalik si Yvonne sa pagthetheraphy. Hindi na ito umuuwi sa kanila dahil sa takot na baka masaktan nito si Akhil. Naniniwala ito na hindi ligtas ang kaniyang anak kapag mananatili si Yvonne sa kanilang puder. Pakiramdam palagi ni Yvonne ay magdudulot lamang siya ng panganib sa mga paslit. Kaya kahit sa malayo ay hindi nito matingnan si Akhil. Hindi nito kayang pakinggan ang tawa at iyak ng bata. Agad itong inaatake ng anxiety at parang nababalisa agad. Madalas ay nagkukulong ito sa kuwarto ar hindi na sa kanila nagpapakita. Nang hindi na nito makayanan ay nagpa-alam itong aalis muna para humingi ng tulong sa therapist nito. Nitong nakaraang buwan lang bumalik si Yvonne sa kanila. Hindi pa gaanong maayos ang babae kahit pa halos apat na buwan itong nawala para magtheraphy. Alam niyang malalim ang pinangggalingan nitong sakit kaya hindi niya pwedeng hayaan na lang mas lalong maexpose sa mas mahirap na sitwasyon ang kaniyang pinsan. "I know where yo
"You've already met him?" Tanong niya sa babae. Tumibok ng mabilis ang kaniyang puso at nanatiling malamig ang kaniyang palad. Hindi niya nakita si Archie sa labas. Pero dahil sa sinabi nito, mas lalo siyang naging kabado. Natahimik saglit ang babae. Hindi ito sumagot, ngunit ramdam niya na hindi na niya kailangan na marinig mula sa labi nito ang kasagutan sa kaniyang tanong. Nagkita na nga ang dalawa. "You know that this would happen, right?" Marahan niyang tanong. Huminga ng malalim si Anais bago pagod na pumikit. Umangat ang dibdib nito nang humugot ng malalim na hininga. "I know." Sagot nito pagkaraan. "But I couldn't let my fear control me, Agy." Mahina nitong sambit, tila nabibigatan. "For the past five years, I tried my best to overcome everything that once held me back. Ang tagal kong nagtago. Ang tagal kong natakot." Huminga na naman ito ng malalim. "But I was able to face him without showing much of my fear. I was able to fake my reaction when I saw him." Bumalin
Marahan siyang umiling. Alam niyang mabigat na naman ang loob nito. Ayaw niyang maramdaman muli ng babae ang parehong sakit na naramdaman nito noon, kaya hinaplos niya ng magaan ang likod ng palad nito bago maliit na ngumiti."I know how you feel now. Alam kong nag-aalala ka ng husto kay Coleen, but everything's fine now. Maayos na si Coleen, wala ka nang dapat na ipag-alala."Tumitig siya ng mabuti sa mga mata ni Anais. Gusto niyang makita nito ang sensiridad niya.Kung maaari lamang na pawiin ang lungkot at pagsisisi sa puso nito ay gagawin niya. Ngunit alam niya na kahit anong subok niya, hindi niya iyon magagawa, dahil tanging ito lamang ang mag kakayahan na gawin iyon. Si Anais lamang ang may kakayahan na itaboy ang lungkot sa puso nito at gamutin ang mahapding sugat na dala ng pagsisisi."And a failure doesn't define you as a person. It doesn't define you as a mother. Because motherhood is not a perfect thing. Kahit ako, I'm still learning how to take care of Akhil. May mga pagk
Samantalang kabado si Agatha nang makarating sa pasilyo ng private pediatric ward. Sa elevator pa lang ay hindi na siya mapakali kaya nagmamadali niyang tinahak ang pridadong silid ni Coleen .Naabutan niyang nasa labas si Rizzo at may kausap sa telepono.Nakita niyang tensyunado ang lalaki at mukhang hindi komportable sa taong kausap nito. Hinilot ng lalaki ang sintido bago bumuga ng hangin.Hindi man lang nito napansin ang kaniyang presensya."Dad, I know it's an important meeting. Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang ang anak ko. Coleen has a severe allergy reaction. She needs me now. I don't care about anything else, I just want to make sure that my daughter is safe."Saglit na natahimik si Rizzo, tila pinapakinggan ang sinasabi ng taong nasa kabilang linya."It's not her fault, Dad." Matigas na tugon nito pagkaraan."It's not her carelessness or my daughter's recklessness that caused this. Coleen is fond with furred animals, while Anais is unaware about Coleen's allergy w
Nang mawala sa kaniyang paningin si Agatha ay saka lamang siya bumalik sa kasalungat na pasilyo kung saan naghihintay si Archie sa impormasyon na ibibigay niya. Mabagal ang bawat niyang hakbang habang inaalala ang tensyunadong ekspresyon ng mukha ni Agatha.Bakit nga ba magiging tensyunado si Agatha?Wala naman siguro siyang nagawang kasalanan? Bulong niya sa hangin. Muli niyang naabutan si Archie na tulalang nakaupo sa bench. Malayo ang tingin nito at walang partikular na bagay na tinitingnan. Halatang malalim ang iniisip nito. Pagkalapit sa kaibigan ay naupo na siya sa katabing upuan nito. "The patient's name is Malia Coleen." Panimula niya para makuha ang atensyon ni Archie. At kagaya ng kaniyang inaasahan, mula sa pagkatulala, ay napaangat ito ng tingin sa kaniya. Napansin din sa wakas ang kaniyang presensya, at tila ngayon pa lamang naputol ang sumpa nito na matulala sa kawalan. "Malia Coleen Javier Galvez is her fulle name. She's still young. Her biological father is Riz
Pagkatapos na makuha ang impormasyon ng pasyente ay lumabas si Patrick para kausapin muli si Archie. Sigurado siya na hindi aalis ang kaniyang kaibigan hangga't hindi nito nakukuha ang gusto.At alam niya kung gaano kadesperado sa impormasyon ngayon si Archie.Alam niya ang pakiramdam nito ngayon. Dahil kagaya ni Archie, hindi rin siya mapakali noon nang malaman niyang may anak si Suzzane.Alam niyang kung may anak ito ay malaki ang tyansa na kaniya ang batang iyon.Ngunit kahit gaano kadesperado ang kaniyang kaibigan na makilala ang batang pasyente ay hindi niya maaaring hayaan na lamang itong gawin kung ano ang maisipan nitong gawin. Istrikto ang ospital. Malaking bagay ang privacy ng mga pasyente sa ospital na ito.Kaya kung papasok ito sa isang pribadong silid para lamang makita ang pasyente nang walang pahintulot mula sa pasyente o sa pamilya ng pasyenteng ay magdudulot lamang ng malaking gulo.Pabalik na siya sa upuan kung saan naghihintay si Archie, nang bigla siyang matigilan
Napahinga na lamang ng malalim si Patrick, alam niya sa kaniyang sarili kung ano ang tumatakbo sa isip ngayon ni Archie. Hindi nito maituloy ang gustong sabihin dahil magiging sinsitibo lamang ito pagpinag-usapan na ang tungkol sa pagkakaroon ng anak. Kahit hindi sabihin sa kaniya ng kaibigan, alam niyang nagsisisi ito ng husto sa nangyari noon kay Yvonne. Sinisisi pa rin nito ang sarili hanggang ngayon. Lalo pa at hindi lamang isang tao ang nawala sa buhay nito nang mangyari ang insidente noon. Nagdadalang-tao si Yvonne. Sabay na nawala sa kaniya ang kaniyang mag-ina. Dahil sa kagagawan niya. Kaya siguro ganito na lamang si Archie kung umakto. Maybe he’s thinking that he could also experience Greig’s luck. Maybe he's considering the idea that Yvonne is alive and the child also was able to survive. Sa kanilang tatlo, si Greig ang pinakamaswerte sa lahat. Kung kailan akala nila ay wala na talagang pag-asa na maging maayos pa ang buhay nito ay saka naman aksidenteng natagpuan ni
“What’s wrong with you?” Ibinaba ni Patrick ang dala-dalang chart at tinitigan ng matiim si Archie. Hindi nito napansin na nakalapit na siya dahil sa sobrang lalim ng iniisip. Sa malayo pa lang ay natanaw na niya si Archie. Sa laki ng katawan nito ay agad na mapapansin ang lalaki, lalo pa't mag-isa lamang ito sa mahabang upuan at nakatulala sa kawalan. Kung hindi niya kilala ang lalaki ay baka naisip na niyang wala na ito sa katinuan. Nang marinig nito ang kaniyang boses ay agad na tumayo si Archie at hinarap siya. Umawang ang bibig nito, ngunit halatang hindi alam ang sasabihin sa kaniya, kaya nagsalubong naman ang kaniyang kilay. He looks confused and f*ck*d. What happened? Bulong ng kaniyang isip habang pinagmamasdan ang reaksyon ng kaniyang kaibigan. “Hindi ka pa ba aalis? Kanina ka pa ah?” Sita niya sa kaibigan. Itinikom ni Archie ang bibig dahil sa kaniyang sinabi. Mahigit tatlong oras na ito sa may bench, naghihintay na mapadaan siya sa koridor para makapag-usap sila.
"I don't want to cause trouble—" "Then, don't do this." Putol agad sa kaniya ng babae. Nakita niyang nagtagis ang bagang nito bago matalim siyang tiningnan. "Don't trouble us. And if it's not too much, please, don't make a scene. I don't know you, and I don't even know why you want to take me when obviously I don't know you! May batang naghihintay sa amin. Kaya kung ayaw mo naman pala ng mangugulo, then let us go." Lumingon ito kay Rizzo at humawak sa braso. Hinila nito ang lalaki at tuluyan na naglakad. Walang siyang nagawa nang lagpasan na lamang siya ng babae at ni Rizzo pagkatapos niyang matulala dahil sa mga sinabi nito. Nanigas ang kaniyang katawan sa gulat at pagtataka. Hindi niya inaasahan na ganoon siya kakausapin ng babae. Oo at kamukhang-kamukha ng babae iyon si Yvonne, ngunit sa pananalita at kilos ay ibang-iba ito. This woman is fearless. She's cold and straight forward. She isn't afraid of anything. She's not afraid of me. Isip niya. Kung si Yvonne, alam niya