Home / Romance / Fake Marriage With The CEO / Chapter 122.2: Flower Fields

Share

Chapter 122.2: Flower Fields

Author: Purplexxen
last update publish date: 2024-12-07 22:24:28
“Ysabela!”

Nag-angat siya ng tingin nang marinig ang sigaw ni Greig. Muli ay dinampot niya ang rosas at inilagay sa basket. Ininda niya ang mahapding sugat lalo pa't muli niyang narinig ang sigaw ni Greig.

Tumayo siya dala ang basket na nangalahati na ang laman.

“Ysabela!”

“I’m here!” Sigaw niya pabalik.

Nasa hilera na ng mga puting bulaklak si Greig.

“H*ck, I thought I already lost you!” Sigaw na naman nito, pero medyo natatawa naman.

Hindi siya sanay na ganoon ang reaksyon ni Greig kaya
Purplexxen

Student pa po ako, college student po. I'm already a 4th year college student. Naglalaan po talaga ako ng oras sa pagsusulat, pero sana po maging patient naman po kayo dahil marami din po akong ginagawa. Maglalapag naman po ako ng 2-3 update per day. Kahit sobrang pagod na pagod na ako from school pinipilit ko pa rin pong mag-update dahil sa mga masusugid na mambabasa. Pero sa iba po, sana maging patient naman po kayo.

| 99+
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (24)
goodnovel comment avatar
Vena Dalipe
pumayag kana ysabel..
goodnovel comment avatar
Maricel Marquez
mag aaway na nman to dahil ung isa mag iinarte na nman . sa sunod chapter cguradong nandyan na nman ung aswang pra manggulo, wla ng katapusan puro away.
goodnovel comment avatar
Torremocha Cristina
sorry author Sana hindi na sila mag divorce Sana malaman na ni greg na buntis si ysa
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 280

    Nalagpasan niya si Damian nang hindi siya nito napapansin. Kabado siya, ngunit pilit niyang ginawang normal ang paglalakad papunta sa laboratory room. Nasa front desk na siya ng laboratoryo, ibinigay niya ang pangalan ng pasyente at hiningi ang lab result na kailangan. Nang umalis ang attendant ay napatulala siya sa kawalan.. Tama ba siya ng narinig? May ilang tauhan na si Benjamin Galvez sa Norte at tila may natagpuan na itong clue sa paghahanap kay Anais— kay Yvonne. Maliit lamang ang Pilipinas, alam niya na kahit na anong tago ni Archie kay Yvonne sa isang liblib na lugar ay posible pa rin itong mahanap ng mga tauhan ng pamilyang Galvez. Mayaman din ang mga Galvez, maraming mga tauhan, at maraming pera na maaaring waldasin sa paghahanap sa isang babae. Nag-aalala siya sa maaaring mangyari kay Archie kung sakaling mahanap ito ng mga tauhan ni Benjamin Galvez. Alam niyang hindi basta-bastang isusuko ni Archie si Yvonne. Hindi nito ibibigay ang babae ng gano’n kadali. Marami

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 279

    Kung iisipin ng mabuti, wala sana ngayon si Archie sa kinauupuan nito kung hindi dahil sa kanilang mag-ama. Kung hindi nila ito tinulungan, hindi ito makababalik sa Pilipinas para makapaghiganti sa mga taong nagkasala rito at hindi sana nito mababawi ang buhay at katanyagan na tinatamasa nito ngayon. Akala niya, kapag naalis sa landas nila si Yvonne ay tuluyan nang mapag-iisa ang kanilang apelyido, yaman, at kapangyarihan. Isa na sana siyang Mrs. Garcia kung hindi lamang… nagbago ang isip ni Archie. Umalis si Jorge dala ang bago nitong misyon. Naiwan siyang mag-isa sa loob ng pribadong silid na kaniyang nirentahan para sa kanilang pagkikita. Natutulala pa rin siya at malamig pa rin ang kaniyang pakiramdam. Sa nakalipas na mga taon, pilit niyang isinantabi ang kahihiyan at sakit na idinulot sa kaniya ni Archie. Natutunan niya itong mahalin, ngunit kung kailan totoo na ang kaniyang nararamdaman para rito ay saka naman ito natakot na panagutan siya. Hindi ito sumipot sa kanilang kasal

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 278

    Hindi maintindihan ni Lindsy ang kaniyang nararamdaman habang pinagmamasdan ang mga larawan ni Archie. Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nasundan ng kaniyang tauhan si Archie sa isang probinsya sa Norte. Sa pribadong port bumaba ng sasakyan si Archie, at sumakay ito sa isang maliit na yate kasama ang ilang tauhan na naghihintay rito. Hindi na rin lingid sa kaniyang kaalaman na may ilang private island nang nabili si Archie. Ang ilan pa nga rito ay ginawang resort ng lalaki at ang ilan naman ay private vacation island nito. Ngunit dahil sa balitang dala ng kaniyang tauhan, nalalason ang kaniyang isip. “What were you trying to say?” Nagtaas siya ng kilay Jorge, ang lalaking nasa kaniyang harap. Maliit lamang ito. Patpatin at bansot kaya hindi maipagkakamaling ispiya o tauhan ng isang malaking kompanya at nagtratrabaho bilang freelance investigator. Ang totoo, dahil sa mga katangian nito kaya kinuha niya ang lalaki sa trabaho dahil alam niyang mahirap itong pagdudahan lalo pa’t

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 277

    Nang gabing ‘yon, isinarado ni Yvonne ang kaniyang pinto para hindi na muling makapasok si Archie sa kaniyang silid. Hindi rin siya bumaba para kumain ng hapunan. Maliban sa wala siyang ganang kumain, ayaw niya munang makita ang lalaki.Isang maiksing komprontasyon lang, parang bibigay agad ang emosyon niya, hindi niya kayang kontrolin kung anuman ang nararamdaman niya. Parang bumubuhos agad lahat. It’s overwhelming.Siguro dahil simula noong bumalik siya sa Pilipinas pilit niyang isinasantabi ang totoong nararamdaman. Nagpapanggap siya bilang ibang tao kaya hindi niya rin maipakita ang totoong emosyon bilang si Yvonne— ang galit, ang pagkamuhi, ang poot sa mga taong karapatdapat no’n. Pilit siyang nagpapanggap na hindi niya kilala si Archie at wala siyang nararamdaman para rito kaya pinipigilan niya ang kaniyang emosyon. Pilit niyang kinokontrol ang emosyon sa tuwing nagkikita sila upang hindi nito mahalata ang pagpapanggap niya. Kaya ang sandaling komprontasyon ngayon ay malaking

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 276

    “Maybe…” he answered. Slowly and painfully. Kahit na maririnig sa tono ng pagsasalita niya ang sakit ay hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha ni Archie. “Maybe I'm still a bad person. Gagawin ko lahat kahit pa marami ang madamay o kahit na may masaktan, kung ang kapalit no'n… makasasama ulit kita.” Natigilan si Yvonne. Nawala sa isip niya na kontrahin agad si Archie kapag sumagot ito sa kaniya. “Akala mo ba nakalimutan ko na ang ginawa ko sa'yo? It hunted me for years. It killed me a thousand times.” Ngumiti ng maliit si Archie ngunit hindi man lang nagbago ang lungkot at sakit sa mga mata nito. Hindi siya makapaniwala na pagkatapos ng mga pinagdaanan niya, mas magaan pala kapag sinabi niya ng harapan kay Yvonne ang lahat ng nararamdaman niya. Noon, sa mausoleum siya pumupunta at nagpapalipas ng gabi kapag pakiramdam niya hindi na kayang pawiin ng alak ang sakit na nararamdaman niya. Doon, magdamag niyang kinakausap ang libingan ni Yvonne, sa pag-aakalang tama ang

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 275

    Hindi siya makapagpahinga, dahil kapag humihiga siya naiipit ang kaniyang hita at medyo sumasakit iyon. Kaya naman, nakatayo lang siya sa harap ng bintana at tinatanaw ang labas ng bahay. Umuulan na naman. Madilim na naman ang kalangitan dahil sa paunti-unting buhos ng ulan. Kailan kaya gaganda ang panahon?Huminga siya ng malalim, naalala ang mga kasambahay at tauhan na hindi pa bumabalik sa isla. Ilang araw nang sila lamang dalawa ni Archie sa isla, walang ibang kasama. Kailan kaya babalik ang mga tauhan? Kapag maayos na ang panahon?Hanggang kailan si Archie sa isla? Hindi pa ba ito aalis?Magtatagal pa ba ito?Kinagat niya ang ibang lalabi. Hindi pa nga pala sila nakakapag-usap ni Archie tungkol sa pagdukot nito sa kaniya.Ano bang plano ng lalaking 'yon? Kagaya ng sabi ni Archie, pinagluto siya nito ng crab soup. Nagdala ito sa kaniyang kuwarto kasama na ang ibuprofen at tubig. “Kapag hindi nababawasan ang sakit, inumin mo ‘tong ibuprofen.” Bilin nito nang mailapag sa mesa

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 205: Files

    “T*ng*n*. Seryoso na ba?” Mabilis na sumunod si Patrick kay Archie nang maglakad ito papunta sa kusina.Umagang-umaga ay sira na agad ang kaniyang araw. Hindi pa man nasisimulan ay may hindi siya inaasahang matutuklasan ngayong araw.Maaga siyang nagising dahil sa ingay ng doorbell. Ayaw tumigil ng

    last updateLast Updated : 2026-04-01
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 204.2: Heartache

    Ang usapan nila, sa lumang parke malapit sa kalye Del Real sila magkikita dahil iyon ang pinakamalapit na lugar na maaaring lakarin ni Yvonne mula sa kanilang mansyon.Hindi siya maaaring magpakita sa mga magulang ni Yvonne, lalo pa’t binigyan na siya ng babala ni Adonis Santiago na kung makikipagk

    last updateLast Updated : 2026-04-01
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 204: Heartache

    Parang pasan ni Archie ang buong mundo nang pabalik na siya sa kaniyang condo. Mabigat ang kaniyang bawat yapak at madalas siyang magbuntong-hininga.Hindi niya nagawang pumuslit sa loob ng bahay ng mga Santiago dahil nanatili ang mag-pinsang Galvez sa labas at patuloy na nag-usap tungkol sa planon

    last updateLast Updated : 2026-03-31
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 203.5: Hidden

    Nagtagis ang bagang ni Archie. Walang sinuman ang may karapatan na magbigay ng opinyon kung sino ang nagkasala at kung sino ang hindi nagkasala sa kaniya at sa kaniyang pamilya. Siya lamang ang nakakaalam sa bagay na iyon dahil siya ang dumanas ng kalupitan ng mga tao. “Agatha told me that Yvonne e

    last updateLast Updated : 2026-03-31
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status