Home / Romance / Fake Marriage With The CEO / Chapter 123: Tree House

Share

Chapter 123: Tree House

Author: Purplexxen
last update Last Updated: 2024-12-08 21:22:42

Tuluyang bumuhos ang ulan kaya pareho silang nababasa pero dahil sa mahigpit na yakap ni Greig hindi siya makawala.

“Greig, umuulan na!”

Ngunit nanatili itong nakatayo, ayaw pa rin siyang pakawalan.

“I’d treat you better.” Nangangako nitong saad.

Muli ay umihip ang malamig na hangin, bahagyang nanginig ang kaniyang katawan pero hindi niya maitatanggi ang init na naramdaman sa kaniyang puso.

Hindi dapat siya umaasa.

Hindi niya dapat hinahayaan na baguhin ni Greig ang kaniyang desisyon.

Pero naroon pa rin ang dating Ysabela, nakasiksik sa dulo ng kaniyang isipan at tila mahinang bumubulong na bigyang pagkakataon ang lalaki.

Ipinikit niya ang mga mata. Basang-basa na silang dalawa kaya wala na rin silbi kung sisilong pa.

“We’re… just making things complicated, Greig.” Nanghihina niyang saad.

“Hindi ko alam kung saan ako lulugar kapag nariyan si Natasha. I felt like someone you’ve only used to satisfy your need. Nanliliit ako, dahil alam kong noong una palang… si Natasha na ang gusto mo.”
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (11)
goodnovel comment avatar
Vima Galleras
sana c Ada ang mamatay para wala ng kakampi c Natasha sa kanyang kasamaan
goodnovel comment avatar
Lovely Mei
grabe naman si ysabella kay greig, nakakainis na
goodnovel comment avatar
Ludy Perez
otor panira ka bakit singit mo si natasha.ayun na eh .
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 237

    "Dad joined us in the meeting." Ngumiti ng maliit si Rizzo. Hindi iyon umabot sa kaniyang mga mata. "Well, he's thinking that you could work under the architectural team of our construction firm." Tuloy niya. Bahagya na umawang ang bibig ni Yvonne. Hindi siya agad nakapagsalita sa tinuran ni Rizzo. Ilang sandali bago siya napaiwas ng tingin at dahan-dahan na umiling. "Tingin ko hindi dapat na sa linyang iyan ang magiging trabaho ko." Sagot niya. Naramdaman naman agad ni Rizzo ang mabilis na pagbabago ng kaniyang mood. Napatitig ito sa kaniya at marahan na nag-buntonghininga. "I'm sorry." He said. "Naisip lang siguro ni Daddy na ialok sa’yo na magtrabaho sa construction firm dahil... doon ka magaling." Nanlamig ang sikmura ni Yvonne. Hindi siya makapag-angat ng tingin kay Rizzo. Hindi niya gustong pag-usapan ito, ngunit alam niya na ginagawa lamang ito ni Rizzo para bigyan siya ng pagkakataon na pumili kung anong negosyo o trabaho ang gusto niyang hawakan. Tama nga naman si Ri

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 236

    Dahil hindi na makapagpokus sa kaniyang trabaho, nagpasya na lamang siyang tumigil na muna upang pakalmahin ang kaniyang sarili. Inilapat niya ang likod sa swivel chair at dahan-dahan na bumuga ng hangin na kanina ay pumupuno sa kaniyang baga. Mabigat ang kaniyang paghinga, masikip ang kaniyang dibdib at nanginginig pa rin ang kaniyang mga kamay. Ngunit nakakabawi na siya. Thanks god, unti-unti na rin na humuhupa ang biglaang atake ng anxiety. Hindi niya gustong humarap kay Rizzo na nagpapanic pa rin. As much as she wanted to, gusto niyang patunayan din sa kaniyang sarili na nakokontrol na niya ang kaniyang emosyon. Mapagtatagumpayan niya ito. Magiging maayos din siya. Lumipas ang ilang minuto— oras marahil, dahil hindi na niya nasundan ang oras— naging maluwag na ang kaniyang paghinga at nawala na ang tila ulap sa kaniyang ulo na nagiging sanhi ng paglabo ng kaniyang pag-iisip. Nang maayos na kahit paano ang kaniyang pakiramdam, hinila niya ang isa sa mga hunos ng kaniyang

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 235

    Pabalik sa kaniyang opisina ay unti-unting rumihestronsa kaniyang isip kung gaano kaseryoso si Archie na patunayan ang kaniyang totoong pagkatao. Hindi ito pupunta sa kaniyang store kung hindi ito nakakuha ng sapat na ebidensya na maaari nitong panghawakan laban sa kaniya.Tama nga naman si Archie, hindi tutugma sa kaniyang DNA ang DNA ng labi ng taong inilibing noon, limang taon na ang nakakalipas, dahil hindi naman siya ang babaeng iyon.Kumuha lamang ng bangkay mula sa ospital sila Klaus at Agatha, bangkay na hindi kinukuha ng mga kamag-anak dahil walang sapat na pangbayad sa hospital bill. Si Klaus ang gumawa ng paraan para mabili ang bangkay, at mailibing para palabasin na siya iyon.Nang makapasok sa kaniyang opisina, agad na dumiretso si Yvonne sa kaniyang bag na nasa ibabaw ng mesa para hanapin ang kaniyang gamot. Bumibilis ang tibok ng kaniyang puso, pinagpapawisan siya ng malamig at nag-aangat-baba ang kaniyang dibdib.Mabuti na lamang at nang pabalik na siya sa kaniyang opi

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 234

    TALAGA? Naging miserable ba ang buhay ni Archie dahil sa kaniya? Paanong magiging miserable ang buhay nito kung ang tanging nais lamang naman talaga nito ay pahirapan siya hanggang sa mawalan na siya ng ganang mabuhay pa? Tapos ngayon sasabihin nitong siya ang lunas sa buhay nitong miserable? Talaga ba? He's pathetic! He's a pathetic liar! Sigaw ng kaniyang isip. Umiling siya, at tuluyang tinalikuran si Archie. Hindi niya sasayangin ang kaniyang oras para lang makipagdiskurso sa taong nasisiraan na ng ulo. Hindi rin siya si Yvonne para patunayan ang kaniyang sarili sa hayop na ito. The more she wastes time to talk to this fool, the more he will believe that she's Yvonne. Kaya tama na. Hindi na niya pag-aaksayahan ng lakas at panahon ang baliw na ito. Ilang hakbang pa lang ay tumigil siya ulit at nilingon si Archie na nakasunod ang tingin sa kaniya. Dumaan ang pag-asa sa mga mata nito nang makita siyang tumigil at lumingon. Ngunit agad niyang binasag iyon. "I don't want to

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 233

    Marami siyang gustong sabihin kay Archie. Gusto niya itong isumpa at murahin. Ngunit hindi niya ginawa. Hindi niya maaaring hayaan na lang na pangunahan siya ng kaniyang emosyon. Kailangan niyang kumalma at ipakita sa lalaki na hindi siya naaapektuhan dahil hindi siya Yvonne.. Kailangan na manatili ang kalmadong demeanor upang mapapaniwala niya ito sa kaniyang pagpapanggap. Kahit na mahirap. "I don't know what you're talking about, Mr. Garcia." That's the only thing she could say now. Na wala siyang alam sa mga sinasabi at ibinibentang nito. Tumitig naman si Archie sa babae. Blangko na ang ekspresyon ng mukha nito at pilit na pinaninindigan na hindi siya nito kilala at wala itong koneksyon sa kaniya. The betrayal in his heart is growing. Kung noon ito nangyari, baka hindi na siya nakapagtimpi. Baka napilitan na siyang paaminin ito gamit ang dahas. Ngunit sa lumipas na mga taon, nagawa na niyang kontrolin ang kaniyang emosyon. Hindi na siya nagpapadala sa kaniyang galit.

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 232

    Sarkastikong ngumiti si Yvonne. Siguro nga ay hindi niya maitatago ang totoo kay Archie lalo pa't gagawin nito ang lahat para malaman nito ang kaniyang totoong pagkatao. At base sa sinabi nito, mukhang naghahanap na ng ebidensya ang lalaki na pwedeng magamit laban sa kaniya.She still looks like her old self. Sa panlabas na anyo ay agad siyang makikilala nito dahil wala namang nagbago sa kaniya. Ngunit hangga't hindi nito napapatunayan na siya ay siya, hindi siya dapat matakot.Isa pa, patay na ang Yvonne na kilala ng lahat. Nailibing na ito kasama ng ama nitong si David Santiago. Kaya hindi na dapat na matakot siyang baka may gawin na naman ito sa kaniya. Wala na siyang dapat na ikatakot pa, tapos na ang lahat. "I have nothing to do with you, Mr. Garcia. Kaya kung napagkamalan mo ‘ko na ibang tao, nasa sa’yo na kung maghanap ka ng ebidensya para may panghawakan ka diyan sa ibinibentang mo. But I must tell you this," tumiim ang kaniyang titig kay Archie. "I don't want to see you aga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status