Hello peps, baka po may bedscene sa mga next na kabanata. Advance warning for all the readers below 18 years old. Thank you for reading.
"Are you alright?" Sumunod sa kaniya si Klaus sa kusina. Nakasandal na siya sa island counter at umiinom ng tubig. Maputla ang kaniyang mukha at malalamig ang kaniyang pawis. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin kay Klaus at pagod na ngumiti. Nakakahiya na ganito pa rin ang reaksyon niya sa tuwing naririnig niyang umiiyak ng malakas si Akhil. Sinubukan niyang tumango, ngunit natigilan siya nang makita si Agatha na pumasok na rin ng kusina. Puno ng pag-aalala ang mga mata nito. Mabilis na dumalo sa kaniya ang babae, hinawakan nito ang kaniyang braso at agad na sinuri ang kaniyang kabuuhan. "Are you okay? Do you need some meds?" Agatha worriedly asked. Ngumiti si Yvonne at umiling. Hindi na niya kailangan ng gamot na pangpakalma dahil hindi na nanginginig ang kaniyang katawan. Hindi na kagaya noon. Somehow, her therapies in America had given her a little help. "I can manage, Agy. I'm sorry if..." "No, don't apologize." Mariin na umiling si Agatha. "Wala kang kasalanan. Nag-aa
Nasa labas na ng kompanya si Xian, naghihintay na dumating ang tauhan na ipinapatawag ng kaniyang amo. Kabado siya, ngunit pinanatili niyang blangko ang ekspresyon ng kaniyang mukha.Nanginginig ang kaniyang kamay kaya itinago niya iyon sa bulsa ng kaniyang trouser. Malamig ang kaniyang palad, ngunit pinagpapawisan iyon sa loob ng kaniyang bulsa.Nang mamataan niya ang pamilyar na itim na SUV ni Jethro ay agad siyang tumuwid ng tayo. Sinundan niya ng tingin ang pagpark nito sa isang parking space na inilaan ng kanilang empleyado para sa lalaki.Nang bumaba sa sasakyan si Jethro ay dumagundong ang kaniyang dibdib. Naglakad siya para salubungin ito kagaya ng dapat niyang gawin.Laking pasasalamat niya na nagagawa niyang ikubli ang kaniyang kaba sa blangkong ekspresyon ng kaniyang mukha. Dahil kung hindi, baka pinagtatawanan na siya ngayon ng kaniyang mga kapwa empleyado.Ngunit sino nga ba ang hindi kakabahan kay Jethro?Pinapasok ito ng security guard. Natanaw siya agad ng lalaki kaya
Alas sais y media nang umaga. Kapapasok niya pa lang sa kaniyang opisina nang matanaw niya si Vine at Xian. Nakaupo ang una sa mahabang sofa, samantalang ibinabababa naman ng huli ang kapeng dala nito. "Archie." Vine greeted him. Tumayo ito para pormal siyang salubungin. Matuwid naman na tumayo ang kaniyang sekretaryo at magalang na bumati nang malaman nitong naroon na siya. "Good morning, Mr. Garcia." "Where's the result?" Tanong niya kay Vine, hindi na bumati sa dalawa. Naglakad siya palapit sa lounge area. Puyat siya at parang lumilipad ang kaniyang diwa papunta sa iba't ibang dimensyon, ngunit malinaw ang kaniyang pag-iisip tungkol sa resulta ng DNA Test. Ngumisi naman si Vine. Napapamura na lamang siya sa kaniyang isip, ngunit hindi na niya hinayaan na lumabas iyon sa kaniyang bibig lalo pa't nakikita niyang seryoso masyado ang ekspresyon ng mukha ni Archie. Inabot niya ang folder na nasa kaniyang tabi at dahan-dahan iyong inilahad kay Archie. Mabilis naman iyong tinangg
Umusad saglit ang sasakyan na nasa kaniyang harap kaya umabante rin siya. Nagriring ang numero ni Vine ngunit hindi ito sumasagot. Pagkalipas ng ilang segundo, idinirekta lamang siya ng operator sa voicemail nito. Nagtagis naman ang kaniyang bagang. He pressed the button for the voicemail. “I need your expertise here. DNA test for two hundred thousand pesos— No, five hundred thousand pesos for a f*ck*ng DNA test now. If you don’t return my call I'd get someone from the government to do it for me.” Iritado niyang sabi. Saka niya tinapos ang voicemail para ipadala kay Vine. Mataas na opisyales si Vine noon sa gobyerno. Dati itong empleyado sa forensic department, kaya malaki ang tiwala niya na matutulungan siya nitong ipa-DNA test ang labi na nasa mausoleum. Nga lang, hindi tumatanggap ng maliit na halaga ang lalaki para sa serbisyo nito. Kaya naman para tulungan siya nitong lutasin ang kaniyang suliranin, handa siyang magbayad ng malaking halaga. Umabante siyang muli nang u
Now, Archie was mad. Nakita niyang iniakyat ni Rizzo ang mag-ina nito. At alam niya kung bakit iyon ginawa ng lalaki. Halatang inilalayo sa kaniya ni Rizzo si Anais. Nagtagis na lamang ang kaniyang bagang nang makita na pababa na ng hagdan si Rizzo at mag-isa na lamang ito. Kagaya ng kaniyang naisip, iniakyat nito si Anais at ang anak nito para hindi na siya makalapit sa dalawa. Mahigpit niyang hinawakan ang babasaging baso habang sinusundan ng tingin si Rizzo nang pababa na ito. Hindi itatago ng g*g*ng ito si Anais kung wala itong iniingatan na impormasyon na maaari niyang magamit laban dito. Mukhang hindi na niya kailangan ng DNA test dahil mas lumalakas lamang ang kaniyang kutob na may koneksyon si Anais kay Yvonne. Itinungga niya ang inumin at ibinigay ang baso sa waiter na dumaan. Tinanggap naman iyon ng waiter. Saka lamang siya humalo sa iba pang bisita para tuluyang makalayo at makapagtago mula sa security team na patuloy na naghahanap sa kaniya. Hayaan mo, mailap man a
Hinawakan ni Rizzo ang kamay ni Anais at inalalayan itong makababa sa stage. Sa gilid sila dumaan, kaya sinalubong sila ni Yara. Ngumiti sa kanila ng may pang-aasar ang babae bago nagbaba ng tingin kay Coleen na nakakapit naman sa kamay ni Anais. "Hi there, little angel." Yara sweetly smiles at Coleen. Ngumiti rin pabalik si Coleen. "Hi, Tita Pretty." Ngiting bati ni bata. Napangiti na rin siya nang makita na masaya ang kaniyang anak na makita ulit ang Tita Yara nito. Ngunit dahan-dahan din na naglaho ang kaniyang ngiti nang maalala na si Yara nga pala ang nag-alaga kay Coleen noong baby pa ito. Dahil hindi niya pa kayang mag-alaga ng sanggol, humingi siya ng tulong kay Yara. Coleen is so fond with Yara na noong una, naisip nito na si Yara ang totoo nitong ina. Yara has no experience of taking care a baby, but his sister willingly help him to take care Coleen when she was an infant. Tatlong buwan pa lang nang ipinapanganak si Coleen ay ibinigay na ito sa kaniya ng ina