I've already warned you, guys! Bukas po ng gabi ang next kong update. Mwaa
Tahimik na pinagmasdan ni Ysabela ang karagatan. Malakas na umiihip ang hangin at isinasayaw nito ang kaniyang buhok. Tumigil ang yate hindi kalayuan sa daungan. Mula sa kanilang pwesto ay nakikita niya ang malaking bahay nila Greig na siyang nagiging atraksyon sa mga dumadaan na bangka at sasakyang pandagat. “I like this place.” Naisatinig niya sa wakas. Pino ang maputing buhangin, malinaw at malinis ang tubig dagat, at payapa ang buong isla. Maganda ang sikat ng araw at malamyos ang haplos ng hangin sa kaniyang balat. “Let's go to the stern, Ysabela. I want to swim.” Marahan nitong saad. Hinila siya ng lalaki hanggang sa marating nila ang likod ng yate. Nakita niya ang maliit na hagdan sa likod na siyang gagamitin para makalusong pababa sa tubig dagat. “Sige na, titingnan nalang kita. Ayaw ko pang maligo.” Aniya. Ngumiti ang lalaki saka nag-alis ng damit pang-itaas. Tumambad sa kaniyang paningin ang hubad nitong katawan. Bakat na bakat ang abs nito at ang matigas na dibdib. Ma
Hapon na nang bumalik sila sa boardwalk. Sinalubong sila ni Mang Carding para ito naman ang magmaniubra ng yate nang bumaba sila.“Sir, may package pong dumating. Galing sa Manila.” Rinig niyang balita ni Mang Carding kay Greig.“Package?”Nilingon ni Greig ang lalaki kaya nauna siyang maglakad.“Kanino raw galing?”Hindi na niya narinig ang sagot ni Mang Carding dahil malayo na siya sa dalawa. Itinulak niya ang mababang gate ng bahay at pumasok sa bakuran. Saka niya lang nakitang sumunod na pala si Greig.“Why didn't you wait for me?” Nagtaas ito ng kilay.Pinagtaasan niya rin ng kilay ang lalaki.“I’m cold, Greig. Malakas ang ihip ng hangin sa labas.” Sagot niya.Unti-unting umangat ang sulok ng labi ni Greig saka ito naglakad palapit sa kaniya. Hinawakan nito ang kaniyang kamay at niyakap siya.“Yeah, let's go inside. It's quite cold here.” Saad nito at sabay na silang pumasok.“May package sa bahay?”“Oo, galing daw sa Manila. Hindi alam ni Mang Carding kung galing kay Mommy dahil
“May problema ba?” Nag-alala niyang tanong kay Greig. Nag-iwas ng tingin si Greig, nang makitang wala siyang makukuhang sagot ay napalunok na lamang siya at dahan-dahan na naupo sa tapat ng lalaki. Binalot sila ng katahimikan, dahilan para kabahan lalo si Ysabela. “Greig, may problema ba?” Maingat niyang tanong. Nagsalin muli ng wine si Greig sa wineglass at ininom iyon. Isang lagok lamang ay naubos na agad ang laman no'n. Ramdam niya ang tensyon, ngunit hindi niya matukoy kung saan ito nagmumula at kung ano ang dahilan. “Greig.” “Are you pregnant?” Malamig nitong tanong nang maibaba ang wine glass. Natigilan siya. Umawang ang kaniyang labi, hindi inaasahan na magtatanong ng ganoon kadirekta si Greig. “Are you pregnant, Ysabela?” Ulit nito. “Greig…” nangapa siya ng sasabihin. Bakit? Bakit ito nagtatanong? Ngayon niya naman talaga sasabihin kay Greig ang tungkol sa kaniyang pagbubuntis, ngunit hindi niya naisip na magtatanong ang lalaki. Iba ang kaniyang iniisip na magiging t
Nagising si Ysabela na dahan-dahan siyang ibinabababa sa stretcher at inilipat sa isang kama. Mabigat ang talukap ng kaniyang mga mata ngunit pinilit niya ang sarili na magmulat para tingnan kung ano ang nangyayari. Natanaw niya ang babaeng nakasuot ng puting terno. Nakapungos ang buhok nito at may kausap na isa pang babae. “Nahimatay Dra. Velasco, galing pa po sila sa isla.” Rinig niyang sabi nito. “Sinong kasama? May bantay ba?” “Nasa labas po ang asawa ng pasyente Doc, kinakausap ang iba pa nilang kasama. Nagtatanong si Mr. Ramos kung pwede po ba natin kuhanan ng blood sample ang kaniyang asawa, buntis po ito at gusto sanang ipa-DNA test ang bata.” Napasinghap ang doktora. “DNA test? Si Greig Ramos ba ang tinutukoy mo, Dina?” “Oo, Dra. Velasco.” Ipinikit niya ang mga mata nang makitang palapit sa kaniya ang doktor. Naramdaman niyang inilapat nito ang stethoscope sa kaniyang dibdib. “Sa blood sample ay makakakuha tayo, pero kung gustong magpa-DNA test ni Greig, dalawang kla
Madaling araw nang dalhin nila Mang Carding ang kanilang mga gamit dahil iyon ang bilin ni Greig. Nasa sasakyan na ang kanilang mga gamit, nakahanda na si Greig na bumalik ng Manila, at dahil kilala naman ang lalaki, kahit walang tao sa cashier ay nakapagbayad pa rin ito ng discharge f*e niya. Malaki ang kahungkagan sa dibdib ni Ysabela nang sumakay siya sa sasakyan. Pareho silang tahimik ni Greig at ayaw kumibo. Nasa likod sila ng sasakyan samantalang si Mang Carding naman ang nagmamaneho ng sasakyan. Tahimik din si Mang Carding, halatang nakikiramdam lamang sa kanilang dalawa. Ramdam niyang desidido si Greig na bumalik ng Manila, hindi na mahalaga kung ano ang kalagayan niya. Kahit medyo nahihilo pa ay napilitan siyang sumama na lamang. Kung ito ang ikakatahimik ni Greig ay ibibigay niya. Hindi na nito binanggit ang tungkol sa pagpapa-DNA test pero ramdam niyang iyon pa rin ang plano nito. Isa’t kalahating oras bago nila marating ang airport kaya pinilit niya ang sarili na makai
Hinila siya ng pandak na lalaki. Pumiksi siya sa hawak nito ngunit mas lalo lamang na humigpit ang hawak nito sa kaniyang braso.“Huwag kang maarte!”“Hindi mo naman ako kailangan hilahin!” Reklamo niya nang halos kaladkarin na siya nito papasok sa lumang bahay.Kanina pa siya naglalakad at namamaga na ang kaniyang mga paa dahil sa ilang beses na pagkatalisod. Mabuti na lamang at inalis na ang takip sa kaniyang mata kung hindi ay baka humandusay na siya sa lupa.Matatayog ang mga punong nakapalibot sa kanila at parang nasa gitna sila ng kawalan. Sa tuwing lumilingon siya kung saan sila galing, hinihila agad ng lalaki ang kaniyang braso.Binuksan ng isa pang lalaki ang pinto ng lumang bahay. Gumawa iyon ng kakaibang ingay na nagpalukot sa mukha ni Ysabela.Parang matagal na ang bahay na ito, iba’t ibang kalamidad na ang kinaharap at isang ihip nalang ng malakas na hangin ay babagsak na.Itinulak siya ng lalaki papasok ng bahay. Nakita niya kung gaano kadumi ang sahig. Nagkalat ang mga
“Nasa amin ang asawa mo.” Malalim na boses ang ginamit ng babae. Natahimik ang kabilang linya. “Kung gusto mo pang makita ng buhay ang asawa mo, kailangan mong makipagkasundo sa amin, Mr. Ramos.” “Who’s this?” Sinenyasan ni Tere ang lalaking nasa pinto. Pumasok ito. “Hindi na mahalaga kung sino ako. Ang mahalaga, matubos mo ang asawa mo. Kaonti lang ang hihilingin namin. Dalawang milyon kapalit ng asawa mo.” Muling natahimik sa kabilang linya. “Huwag mo rin susubukan na magreport sa pulisya, Mr. Ramos. Hindi mo alam kung ano ang kaya naming gawin sa asawa mo.” Pagbabanta nito. Lumapit ang lalaki. Kumunot ang kaniyang noo at mabilis na dumaloy ang dugo sa kaniyang katawan nang makitang siya ang pakay nito. “Anong gagawin— bitiwan mo ‘ko!” Marahas siya nitong itinulak sa pader. Nasagi sa upuan ang kaniyang paa dahilan para kumirot iyon kasabay ng pamamanhid ng kaniyang likod. Hinuli nito ang kaniyang kamay at itinaas iyon sa kaniyang uluhan. “Bitiwan mo ‘ko!” Natataranta niya
Madilim ang anyo ni Greig habang tinitingnan ang computer ng IT expert na nagtra-track down sa GPS ng cellphone ni Ysabela.“Maaring naka-off na ang cellphone ni Mrs. Ramos, hindi na nasasagap ng satellite ang location ng kaniyang GPS.” Saad ng pulis nang hindi na bumalik ang pulang marka sa mapa.“What else can we do?”“May mga pulis at sundalo nang naka-standby sa checkpoint ng mga kalsadang maaaring daanan ng sasakyan ng mga kidnapper. Sa ngayon, hindi tayo pwedeng magpadalus-dalos para sa kaligtasan ng iyong asawa. Hintayin nating tumawag muli ang numero.”“What the h*ck?!” Frustrated na naihilamos ni Greig ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha.“That’s the best thing that we can do now? My wife’s in danger, at gusto niyong maghintay lang ako rito?”“Sir.” Lumapit ang mas matandang pulis sa kaniya.“My lead na kami, hindi ang mga malalaking sindikato ang sangkot sa pagkakadukot ng asawa mo. Maliit ang dalawang milyon para sa hinihingi nila bilang ransom, kaya may posibilidad na iil
Hindi siya nakatanggap ng imbitasyon, sapat na iyon para malaman niya na hindi siya gustong imbitahan ni Damian Galvez sa kaarawan nito. Nitong lumipas na mga taon, nagkakaroon naman sila ng kaunting interaksyon ni Architect Damian Galvez. Nakakameeting niya rin ang ibang Galvezes. Ngunit hindi gaanong maganda ang relasyon niya sa kanila. Tila mahirap na magkaroon ng malapit na koneksyon sa pamilyang Galvez. Ang totoo niyan, hindi niya rin gusto na magkaroon ng koneksyon sa mga Galvez dahil nagpupukos na siya ngayon sa pagpapalawak ng kaniyang negosyo sa labas ng bansa. Kaya hindi na niya kailangan ng koneksyon sa mga negosyanteng lokal. May negosyo rin naman ang mga Galvez sa ibang bansa, ngunit hindi kagaya niya na mas malawak ang negosyo sa labas ng Pilipinas. "Good evening, Atty." Bati ng isang lalaking miyembro ng security team. Inilahad ni Reinella ang hawak nitong invitation card at ngumiti ng matamis. "Here's my invitation card. Do I still need to show you my ID?
Litong-lito na si Archie. Iba ang nakukuha niyang impormasyon sa impormasyon na gusto niyang matanggap. Kaya nang dumating na ang kaarawan ni Damian Galvez ay hindi na siya nag-atubiling dumalo sa selebrasyon para makakuha ng iba pang impormasyon tungkol sa nobya ni Rizzo Galvez. Kung dadalo siya sa birthday party ni Damian Galvez ay mas malaki ang tyansa na may makalap siyang impormasyon na makakatulong sa kaniya na mapag-aralan ng mabuti ang katauhan ni Anais Acosta. Sa tuwing naiisip niya na kamukhang-kamukha ng nobya ni Rizzo si Yvonne ay naaalala niya palagi na naging magkasintahan noon si Yvonne at si Rizzo. Posible na hanggang ngayon ay hindi pa rin makalimut si Rizzo kay Yvonne... kagaya niya. Baka nabaliw na rin ito kay Yvonne, kaya ngayon na may natagpuang babae na kamukha ni Yvonne ay pakakasalan nito agad. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman na papalit-palit ng babae ang mga Galvez. Habulin ng mga babae ang mga lalaking Galvez kahit na kasal na ang iba. Kaya para magpa
Gabi na nang makauwi si Archie mula sa hospital. Hindi man lang siya nakapagpahinga sa paghahanap ng kasagutan sa mga tanong niya. Ngunit ayon sa nakuha niyang impormasyon, lihitimong anak ni Rizzo ang batang naospital. Anak nito si Coleen sa pagkabinata. Sa Pilipinas ipinanganak ang batang babae, ngunit sa ibang bansa pinalaki. Maliban sa mga impormasyong iyon ay wala na siyang nakuhang iba pa. Hindi na rin nakapagbigay ng impormasyon sa kaniya si Patrick dahil iyon lang din ang laman ng database ng ospital. Binuksan niya ang kaniyang computer pagkauwi galing sa ospital. Sa kaniyang opisina siya tumuloy para tingnan ang pinadalang email ng kaniyang assistant sa kaniya. May sarili siyang office sa kaniyang condo unit. Gusto niyang nakabukod lamang ang kaniyang opisina sa kaniyang kuwarto para maging productive pa rin siya kahit na nasa condo lamang siya. Buong araw yata siyang hindi nagpakita sa kompanya. Nasa ospital lamang siya maghapon, naghahanap ng mga bagay na makakatulong s
Nang manganak siya kay Akhil, bumalik si Yvonne sa pagthetheraphy. Hindi na ito umuuwi sa kanila dahil sa takot na baka masaktan nito si Akhil. Naniniwala ito na hindi ligtas ang kaniyang anak kapag mananatili si Yvonne sa kanilang puder. Pakiramdam palagi ni Yvonne ay magdudulot lamang siya ng panganib sa mga paslit. Kaya kahit sa malayo ay hindi nito matingnan si Akhil. Hindi nito kayang pakinggan ang tawa at iyak ng bata. Agad itong inaatake ng anxiety at parang nababalisa agad. Madalas ay nagkukulong ito sa kuwarto ar hindi na sa kanila nagpapakita. Nang hindi na nito makayanan ay nagpa-alam itong aalis muna para humingi ng tulong sa therapist nito. Nitong nakaraang buwan lang bumalik si Yvonne sa kanila. Hindi pa gaanong maayos ang babae kahit pa halos apat na buwan itong nawala para magtheraphy. Alam niyang malalim ang pinangggalingan nitong sakit kaya hindi niya pwedeng hayaan na lang mas lalong maexpose sa mas mahirap na sitwasyon ang kaniyang pinsan. "I know where yo
"You've already met him?" Tanong niya sa babae. Tumibok ng mabilis ang kaniyang puso at nanatiling malamig ang kaniyang palad. Hindi niya nakita si Archie sa labas. Pero dahil sa sinabi nito, mas lalo siyang naging kabado. Natahimik saglit ang babae. Hindi ito sumagot, ngunit ramdam niya na hindi na niya kailangan na marinig mula sa labi nito ang kasagutan sa kaniyang tanong. Nagkita na nga ang dalawa. "You know that this would happen, right?" Marahan niyang tanong. Huminga ng malalim si Anais bago pagod na pumikit. Umangat ang dibdib nito nang humugot ng malalim na hininga. "I know." Sagot nito pagkaraan. "But I couldn't let my fear control me, Agy." Mahina nitong sambit, tila nabibigatan. "For the past five years, I tried my best to overcome everything that once held me back. Ang tagal kong nagtago. Ang tagal kong natakot." Huminga na naman ito ng malalim. "But I was able to face him without showing much of my fear. I was able to fake my reaction when I saw him." Bumalin
Marahan siyang umiling. Alam niyang mabigat na naman ang loob nito. Ayaw niyang maramdaman muli ng babae ang parehong sakit na naramdaman nito noon, kaya hinaplos niya ng magaan ang likod ng palad nito bago maliit na ngumiti."I know how you feel now. Alam kong nag-aalala ka ng husto kay Coleen, but everything's fine now. Maayos na si Coleen, wala ka nang dapat na ipag-alala."Tumitig siya ng mabuti sa mga mata ni Anais. Gusto niyang makita nito ang sensiridad niya.Kung maaari lamang na pawiin ang lungkot at pagsisisi sa puso nito ay gagawin niya. Ngunit alam niya na kahit anong subok niya, hindi niya iyon magagawa, dahil tanging ito lamang ang mag kakayahan na gawin iyon. Si Anais lamang ang may kakayahan na itaboy ang lungkot sa puso nito at gamutin ang mahapding sugat na dala ng pagsisisi."And a failure doesn't define you as a person. It doesn't define you as a mother. Because motherhood is not a perfect thing. Kahit ako, I'm still learning how to take care of Akhil. May mga pagk
Samantalang kabado si Agatha nang makarating sa pasilyo ng private pediatric ward. Sa elevator pa lang ay hindi na siya mapakali kaya nagmamadali niyang tinahak ang pridadong silid ni Coleen .Naabutan niyang nasa labas si Rizzo at may kausap sa telepono.Nakita niyang tensyunado ang lalaki at mukhang hindi komportable sa taong kausap nito. Hinilot ng lalaki ang sintido bago bumuga ng hangin.Hindi man lang nito napansin ang kaniyang presensya."Dad, I know it's an important meeting. Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang ang anak ko. Coleen has a severe allergy reaction. She needs me now. I don't care about anything else, I just want to make sure that my daughter is safe."Saglit na natahimik si Rizzo, tila pinapakinggan ang sinasabi ng taong nasa kabilang linya."It's not her fault, Dad." Matigas na tugon nito pagkaraan."It's not her carelessness or my daughter's recklessness that caused this. Coleen is fond with furred animals, while Anais is unaware about Coleen's allergy w
Nang mawala sa kaniyang paningin si Agatha ay saka lamang siya bumalik sa kasalungat na pasilyo kung saan naghihintay si Archie sa impormasyon na ibibigay niya. Mabagal ang bawat niyang hakbang habang inaalala ang tensyunadong ekspresyon ng mukha ni Agatha.Bakit nga ba magiging tensyunado si Agatha?Wala naman siguro siyang nagawang kasalanan? Bulong niya sa hangin. Muli niyang naabutan si Archie na tulalang nakaupo sa bench. Malayo ang tingin nito at walang partikular na bagay na tinitingnan. Halatang malalim ang iniisip nito. Pagkalapit sa kaibigan ay naupo na siya sa katabing upuan nito. "The patient's name is Malia Coleen." Panimula niya para makuha ang atensyon ni Archie. At kagaya ng kaniyang inaasahan, mula sa pagkatulala, ay napaangat ito ng tingin sa kaniya. Napansin din sa wakas ang kaniyang presensya, at tila ngayon pa lamang naputol ang sumpa nito na matulala sa kawalan. "Malia Coleen Javier Galvez is her fulle name. She's still young. Her biological father is Riz
Pagkatapos na makuha ang impormasyon ng pasyente ay lumabas si Patrick para kausapin muli si Archie. Sigurado siya na hindi aalis ang kaniyang kaibigan hangga't hindi nito nakukuha ang gusto.At alam niya kung gaano kadesperado sa impormasyon ngayon si Archie.Alam niya ang pakiramdam nito ngayon. Dahil kagaya ni Archie, hindi rin siya mapakali noon nang malaman niyang may anak si Suzzane.Alam niyang kung may anak ito ay malaki ang tyansa na kaniya ang batang iyon.Ngunit kahit gaano kadesperado ang kaniyang kaibigan na makilala ang batang pasyente ay hindi niya maaaring hayaan na lamang itong gawin kung ano ang maisipan nitong gawin. Istrikto ang ospital. Malaking bagay ang privacy ng mga pasyente sa ospital na ito.Kaya kung papasok ito sa isang pribadong silid para lamang makita ang pasyente nang walang pahintulot mula sa pasyente o sa pamilya ng pasyenteng ay magdudulot lamang ng malaking gulo.Pabalik na siya sa upuan kung saan naghihintay si Archie, nang bigla siyang matigilan