Beranda / Romance / Fake Marriage With The CEO / Chapter 175: Search Warrant

Share

Chapter 175: Search Warrant

Penulis: Purplexxen
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-16 21:21:33

Hindi halos namalayan ni Ysabela na nakatulog pala siya sa sasakyan ni Greig. Pagod na pagod ang kaniyang katawan at ang kaniyang mga mata.

Hindi siya kailanman umiyak ng ganito kalakas at katagal sa tanang buhay niya. Pagkatapos nila sa mausoleum na para kay Yvonne, dumiretso sila sa libingan ng kaniyang Lola.

Akala niya ay naiyak na niya lahat, pero nang makita ang lumang litrato ng kaniyang Lola na nakaukit malapit sa lapida nito, muli na naman siyang humagulhol.

Limang taon din halos ang itinagal bago niya tuluyang nalaman na wala na talaga ang nag-iisa niyang pamilya. Kagaya sa libingan ni Yvonne, ramdam ni Ysabela ang bigat ng kaniyang dibdib nang makita ang libingan ng kaniyang mahal na Lola.

Puno ng pagsisisi ang kaniyang puso. Wala siya sa tabi nito nang malagutan ito ng hininga. Hindi niya man lang nasabi ng personal kung gaano niya ito kamahal at kung gaano siya nagpapasalamat na inalagaan at minahal siya nito na parang isang tunay na anak.

Dumating sila sa mansyon, hindi p
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (4)
goodnovel comment avatar
Jayk Morre
Parang tinago ni archie c Yvonne
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Hindi siguro namatay SI Yvonne
goodnovel comment avatar
josephine castro
sana po buhay pa po si Yvonne nagpahinga lang po sana sya Kasi maganda kwento nila no archie
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 175: Search Warrant

    Alam ni Greig na nagkakahalaga ng milyones ang mausoleum na pinagawa ni Archie para kay Yvonne. Ang linings na ginto sa libingan nito ay totoong ginto. Kahit ang gate na kulay ginto ay totoong ginto rin.Marami ang pwedeng magkainteres na sirain at nakawin ang mga muwebles at ginto sa mausoleum. Baka iyon ang pinoproblema ni Archie.Pagkatapos ng kanilang usapan ni Archie, tinawagan naman niya ang numero ng kaniyang ina.“Mom.” Tawag niya nang sagutin nito ang tawag.“Greig, oh, hi. Nakauwi na kayo? Pasensya na, dinala na namin si Athalia at Niccolò sa mall. They’re so excited. Ito nga at tuwang-tuwa sila sa arcade.” Masayang balita ni Gretchen.“Mom, alam mong maraming tao sa mall. We’re not sure if it’s safe there.”“Ano ka ba? Huwag ka mag-alala. May mga kasama kaming bodyguards, at hindi naman matao sa arcade! Si Athalia at si Niccolò lang ang narito.”“Ano?” Naguguluhan niyang tanong.“Binayaran ng Daddy mo ang buong arcade para kay Athalia at Niccolò.” Simple nitong sabi.Umawan

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-16
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 175.3: Search Warrant

    Sandaling nakaramdam ng awa si Archie para sa kaniyang sarili. Nilingon niya ang malamig na libingan ni Yvonne at parang paulit-ulit na sinas*ks*k ang kaniyang dibdib. Who would have thought that Greig could still have Ysabela? And now… Patrick is making his way to win his family. T*ng*n* may anak na rin pala si Patrick. Sinabi niyang nasa mausoleum siya at kung gustong makuha ang card ng kaniyang condo ay pumunta ito sa kaniya. “Five minutes.” Sagot nito saka ibinaba ang tawag. Napapailing siya sa kaniyang sarili. Gusto niyang matawa at maiyak na rin. Kagaya ng sabi ni Patrick, limang minuto lang ay nakarating ito agad sa sementeryo at dumiretso sa mausoleum ni Yvonne. “Where’s the key?” Tanong agad ng lalaki. Nagtaas ng kilay si Archie, dahan-dahan siyang tumayo. “Nasa kotse ang wallet ko.” Aniya. Naglakad siya at lumabas. Sumunod naman agad si Patrick. “Dito ka na naman matutulog?” Tanong ni Patrick. Sinulyapan niya saglit ang lalaki at mapait na ngumiti. “Bakit? Sasam

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-16
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 176: Ada's Presscon

    Isinugod sa ospital si Ada, Rumulo Entrata, at Natasha. Ang ilang tauhan ni Rumulo ay nasawi sa nangyaring engkwentro, samantalang may ilan naman na umabot pa sa ospital at naagapan ng mga doktor.Nabalita sa media ang nangyari. Pumutok agad ang balita tungkol sa ginawang pagtago ni Rumulo kay Ada, at sa pagpapahirap nito upang hindi tumestigo laban kay Natasha.Kinabukasan, kahit mayroon pang benda sa kamay at sa paa, humarap pa rin sa press conference si Ada para sumagot sa ilang katanungan ng media. Upang ilahad na rin ang katotohanan na alam niya.Si Ysabela, Greig at Archie ay nasa likod lamang ng mga reporter. Pinagmamasdan nila si Ada na dumugin ng mga tanong mula sa mga news team.“Ano ang ugnayan mo sa mga Entrata?”“Totoo ba na si Natasha ang ulo sa pagkadukot at pagkamatay noon ni Ysabela Ledesma na asawa ni Greig Ramos?”“Ano ang alam mo sa nangyaring murder case sa Iloilo kung saan ang mga kasamahan ni Teresa ay nasawi?”Halata sa mukha ni Ada ang pagiging kabado. Kasama

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-17
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 176.2: Ada's Presscon

    Hindi na natukoy ni Ada kung sino ang nagtanong, pero tumango na lamang siya bilang tugon.“Because that’s the only way to win Greig back. Alam namin na… na b-buntis si Ysabela.” Nanginig ang boses ni Ada.Samantalang mas lalong lumamig ang loob ni Ysabela. Nangalit ang kaniyang mga ngipin.Alam na talaga noon pa ni Natasha na nagdadalang-tao siya, ngunit hindi man lang ito naawa sa batang dinadala niya.Para kay Natasha, sagabal lamang siya at ang kaniyang dinadala kaya dapat silang dispatsahin.Hindi niya alam ang kaniyang mararamdaman, para siyang ibinabalik sa panahon na lumalaban siya para lang mabuhay.Pumatak ang malalaking butil ng luha ni Ada. Nanginginig ang kaniyang kamay.“Kaya naisip kong… ipakidnap nalang namin si Ysabela. A-ako ang nakaisip no'n. Sinang-ayunan lang ni Natasha.” Amin niya.Bumuhos ang mga luha ni Ada. Humikbi siya, hindi na kayang pigilan na lamunin siya ng kaniyang konsensya.“H-hindi ko kayang makita nalang si Natasha na nasasaktan. Sabay kaming lumaki

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-17
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 176.3: Ada's Presscon

    “Pinilit ko siyang itigil na ang mga ginagawa niya, pero ayaw niyang makinig. Nang umuwi siya ulit ng Pilipinas, pinapatay niya ang mga tauhan na kumidnap noon kay Ysabela para walang maging ebidensya. Ang grupo ni Tere, pina-hunting sila ni Natasha upang makasigurado na walang makakaalam sa nangyari noon. Kahit ang mga pulis at doktor na pumeke sa DNA test result ni Ysabela, hindi niya pinalampas.”“Sinasabi niyo na hindi lang ang grupo ng mga kumidnap kay Ysabela Ledesma ang pinap*t*y ni Natasha Entrata? Ang lahat ng kasabwat nila ay pinatahimik niya?”Marahan na tumango si Ada at malungkot na ngumiti.Noong mga panahon na 'yon, pagod na pagod na siyang intindihin si Natasha.Parang naging ibang tao si Natasha. Takot na takot itong mabuko ng awtoridad, kaya lahat ng nakakaalam sa nangyari kay Ysabela ay pinatahimik nito.Maliban sa kaniya.“Oo, kaya alam ko… kung hindi ako nasagip ng mga pulis… patatahimikin din nila ako. Alam ni Mr. Rumulo Entrata ang mga kasalanan ni Natasha, sina

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-17
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 176.4: Ada's Presscon

    “You f*ck*ng b*tch!” Halos magwala si Natasha. Sinubukan nitong abutin siya, ngunit nakita niyang may posas ang kanan nitong kamay kaya hindi makaalis sa higaan. Gigil na gigil ang babae. Kahit na namumula na ang kamay nito sa paghila sa posas ay pinipilit pa rin nitong abutin siya. “H*y*p ka! H*y*p ka!” Histerikal nitong sigaw. “Ang kapal ng mukha mo! Sinira mo ang buhay ko! Sinira mo kami ni Greig! Dapat namatay ka nalang!” Sigaw nito, pilit siyang inaabot ng isang kamay. Tinitigan niya ng mariin si Natasha. Namumutla ang mukha nito. Malalim ang mga mata at halos maitim na ang mga malabi. Malaki rin ang ipinayat ng babae. Sa malayo, halos iisipin mo na hindi ito si Natasha Entrata. Magulo ang buhok ng babae at parang ilang linggo nang hindi nagsusuklay. Namumula ang pisngi at ilong nito dahil sa pag-iyak at kapansin-pansin ang tuyong labi. Kung sa iba itong pagkakataon, baka maawa pa siya sa kalagayan ng babae. Nilingon niya saglit ang television screen at nakitang tapos na a

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-17
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 177: Peaceful Night

    Dahil sa pagtestigo ni Ada, Alhaj, at Teresa laban kay Natasha ay naging mabilis ang pag-usad ng kaso. Hindi rin nagamit ng abogado nito ang tungkol sa mental health issue ni Natasha. Gusto sana ipagpaliban ng abogado ng mga Entrata ang trials dahil hinihintay pa ang resulta ng schizophrenia test ni Natasha. Ngunit ayon sa husgado, hindi pa rin matatakasan ni Natasha ang bigat ng kaniyang kaso kahit pa may problema ito sa pag-iisip, dahil maayos ito noong panahon ng pagsasagawa ng krimen. “Ysabela.” Ililipat ng correctional si Ada kasama si Tere ngayong araw, dahil tapos na ang kaso ni Natasha. Kasama ng mga pulis si Ysabela, Greig, at Atty. Reinella. Tumigil sa kanilang tapat si Ada, samantalang tumuloy si Teresa sa van na sasakyan nila. “Alam kong malaki ang kasalanan ni Natasha sa inyo. Ganoon din ako… pero nakikiusap ako, sana matingnan niyo ang kalagayan niya. She’s barely hanging on there. Wala nang ibang mag-aalaga sa kaniya kung hindi ang sarili na lamang niya.” N

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-19
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 177.2: Peaceful Night

    Kagaya ng kanilang plano, maagang nagsara ang restaurant ni Archie sa downtown para sa selebrasyon mamayang gabi. Alas tres pa lang ng hapon ay pinasara na niya ang restaurant upang paghandaan ng mga empleyado ang selebrasyon na gaganapin mamayang gabi.Ilan lamang silang pupunta, kaya naisip ni Archie na sa likod na lamang sila ng restaurant pupupwesto para maganda ang ambiance. Pinaayos ni Archie ang likod ng restaurant sa isang professional decorator upang makasigurado na maganda ang lugar. Gusto niyang gawing intimate ang gabing ito para sa mag-asawang Greig at Ysabela.Nangako siyang ilang bisita lamang ang papasukin niya para kasama nilang magdiwang sa pagkapanalo ng kaso.Kaya inihanda niya rin ang loob ng restaurant para sa ilang bisita na makakasama nila.Alas sais ng palitan ni Ysabela si Athalia ng damit. Tapos na si Niccolò kaya bumaba na ito para sumunod kay Greig at sa Lolo Rene nito.“Mom…” marahan nitong tawag.Naayos na niya ang huling butones sa likod ng dress nito k

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-19

Bab terbaru

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 219.3: Recklessness

    Samantalang kabado si Agatha nang makarating sa pasilyo ng private pediatric ward. Sa elevator pa lang ay hindi na siya mapakali kaya nagmamadali niyang tinahak ang pridadong silid ni Coleen .Naabutan niyang nasa labas si Rizzo at may kausap sa telepono.Nakita niyang tensyunado ang lalaki at mukhang hindi komportable sa taong kausap nito. Hinilot ng lalaki ang sintido bago bumuga ng hangin.Hindi man lang nito napansin ang kaniyang presensya."Dad, I know it's an important meeting. Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang ang anak ko. Coleen has a severe allergy reaction. She needs me now. I don't care about anything else, I just want to make sure that my daughter is safe."Saglit na natahimik si Rizzo, tila pinapakinggan ang sinasabi ng taong nasa kabilang linya."It's not her fault, Dad." Matigas na tugon nito pagkaraan."It's not her carelessness or my daughter's recklessness that caused this. Coleen is fond with furred animals, while Anais is unaware about Coleen's allergy w

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 219: Recklessness

    Nang mawala sa kaniyang paningin si Agatha ay saka lamang siya bumalik sa kasalungat na pasilyo kung saan naghihintay si Archie sa impormasyon na ibibigay niya. Mabagal ang bawat niyang hakbang habang inaalala ang tensyunadong ekspresyon ng mukha ni Agatha.Bakit nga ba magiging tensyunado si Agatha?Wala naman siguro siyang nagawang kasalanan? Bulong niya sa hangin. Muli niyang naabutan si Archie na tulalang nakaupo sa bench. Malayo ang tingin nito at walang partikular na bagay na tinitingnan. Halatang malalim ang iniisip nito. Pagkalapit sa kaibigan ay naupo na siya sa katabing upuan nito. "The patient's name is Malia Coleen." Panimula niya para makuha ang atensyon ni Archie. At kagaya ng kaniyang inaasahan, mula sa pagkatulala, ay napaangat ito ng tingin sa kaniya. Napansin din sa wakas ang kaniyang presensya, at tila ngayon pa lamang naputol ang sumpa nito na matulala sa kawalan. "Malia Coleen Javier Galvez is her fulle name. She's still young. Her biological father is Riz

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 219: Recklessness

    Pagkatapos na makuha ang impormasyon ng pasyente ay lumabas si Patrick para kausapin muli si Archie. Sigurado siya na hindi aalis ang kaniyang kaibigan hangga't hindi nito nakukuha ang gusto.At alam niya kung gaano kadesperado sa impormasyon ngayon si Archie.Alam niya ang pakiramdam nito ngayon. Dahil kagaya ni Archie, hindi rin siya mapakali noon nang malaman niyang may anak si Suzzane.Alam niyang kung may anak ito ay malaki ang tyansa na kaniya ang batang iyon.Ngunit kahit gaano kadesperado ang kaniyang kaibigan na makilala ang batang pasyente ay hindi niya maaaring hayaan na lamang itong gawin kung ano ang maisipan nitong gawin. Istrikto ang ospital. Malaking bagay ang privacy ng mga pasyente sa ospital na ito.Kaya kung papasok ito sa isang pribadong silid para lamang makita ang pasyente nang walang pahintulot mula sa pasyente o sa pamilya ng pasyenteng ay magdudulot lamang ng malaking gulo.Pabalik na siya sa upuan kung saan naghihintay si Archie, nang bigla siyang matigilan

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 218.3: Coleen

    Napahinga na lamang ng malalim si Patrick, alam niya sa kaniyang sarili kung ano ang tumatakbo sa isip ngayon ni Archie. Hindi nito maituloy ang gustong sabihin dahil magiging sinsitibo lamang ito pagpinag-usapan na ang tungkol sa pagkakaroon ng anak. Kahit hindi sabihin sa kaniya ng kaibigan, alam niyang nagsisisi ito ng husto sa nangyari noon kay Yvonne. Sinisisi pa rin nito ang sarili hanggang ngayon. Lalo pa at hindi lamang isang tao ang nawala sa buhay nito nang mangyari ang insidente noon. Nagdadalang-tao si Yvonne. Sabay na nawala sa kaniya ang kaniyang mag-ina. Dahil sa kagagawan niya. Kaya siguro ganito na lamang si Archie kung umakto. Maybe he’s thinking that he could also experience Greig’s luck. Maybe he's considering the idea that Yvonne is alive and the child also was able to survive. Sa kanilang tatlo, si Greig ang pinakamaswerte sa lahat. Kung kailan akala nila ay wala na talagang pag-asa na maging maayos pa ang buhay nito ay saka naman aksidenteng natagpuan ni

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 218.2: Coleen

    “What’s wrong with you?” Ibinaba ni Patrick ang dala-dalang chart at tinitigan ng matiim si Archie. Hindi nito napansin na nakalapit na siya dahil sa sobrang lalim ng iniisip. Sa malayo pa lang ay natanaw na niya si Archie. Sa laki ng katawan nito ay agad na mapapansin ang lalaki, lalo pa't mag-isa lamang ito sa mahabang upuan at nakatulala sa kawalan. Kung hindi niya kilala ang lalaki ay baka naisip na niyang wala na ito sa katinuan. Nang marinig nito ang kaniyang boses ay agad na tumayo si Archie at hinarap siya. Umawang ang bibig nito, ngunit halatang hindi alam ang sasabihin sa kaniya, kaya nagsalubong naman ang kaniyang kilay. He looks confused and f*ck*d. What happened? Bulong ng kaniyang isip habang pinagmamasdan ang reaksyon ng kaniyang kaibigan. “Hindi ka pa ba aalis? Kanina ka pa ah?” Sita niya sa kaibigan. Itinikom ni Archie ang bibig dahil sa kaniyang sinabi. Mahigit tatlong oras na ito sa may bench, naghihintay na mapadaan siya sa koridor para makapag-usap sila.

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 218: Coleen

    "I don't want to cause trouble—" "Then, don't do this." Putol agad sa kaniya ng babae. Nakita niyang nagtagis ang bagang nito bago matalim siyang tiningnan. "Don't trouble us. And if it's not too much, please, don't make a scene. I don't know you, and I don't even know why you want to take me when obviously I don't know you! May batang naghihintay sa amin. Kaya kung ayaw mo naman pala ng mangugulo, then let us go." Lumingon ito kay Rizzo at humawak sa braso. Hinila nito ang lalaki at tuluyan na naglakad. Walang siyang nagawa nang lagpasan na lamang siya ng babae at ni Rizzo pagkatapos niyang matulala dahil sa mga sinabi nito. Nanigas ang kaniyang katawan sa gulat at pagtataka. Hindi niya inaasahan na ganoon siya kakausapin ng babae. Oo at kamukhang-kamukha ng babae iyon si Yvonne, ngunit sa pananalita at kilos ay ibang-iba ito. This woman is fearless. She's cold and straight forward. She isn't afraid of anything. She's not afraid of me. Isip niya. Kung si Yvonne, alam niya

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 217.2: Daughter

    There was confusion. Then fear.Ngunit mabilis na kumurap ang babae kaya nawala iyon. Ang pagkalito at takot na saglit niyang nasulyapan ay napalitan ng lungkot at pagsisisi.Humakbang ito palapit kaya naman nahigit ni Archie ang kaniyang hininga.She's definitely the woman I've been dreaming of. Bulong niya sa sarili.Sigurado siya na ang babaeng ito ay si Yvonne. Dahil kung hindi si Yvonne ang nasa harap niya, bakit bumibilis ang tibok ng kaniyang puso?Bakit nabubuhol ang kaniyang dila?Bakit nagiging mababaw ang kaniyang paghinga?"Hon." Mahina nitong sambit.Umawang ang kaniyang labi at tuluyang nawalan ng hangin ang kaniyang baga.Isang hakbang pa'y inaasahan na niyang titigil ito sa harap niya ngunit nabasag lamang ang kaniyang pagpapantasya nang humakbang pa ito at nilagpasan siya nang tuluyan na para lamang siyang isang hangin."Hon." Tawag muli ng babae.Nang lingunin niya ito para sundan ng tingin, nakita niyang sinalubong ng babae si Rizzo Galvez na nagmamadaling lumapit.

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 217: Daughter

    Maraming tao sa loob ng ospital. Maliban sa mayroong pila ng check-up para sa mga buntis sa may entrance ay kapansin-pansin din na paroo't parito ang mga pasyente, nurse at mga doktor sa koridor.Hindi makapagtanong si Mexan sa hospital staff dahil abalang-abala ang lahat. Kaya naman dumiretso ang kaniyang assistant sa nurse station para ipagtanong kung saan ang pediatric ward."Sa kaliwa, Sir." Sagot ng attending nurse sabay turo sa pasilyo."Mayroong elevator sa dulo, sa second floor sa kanan na koridor ang pediatric ward. Pinakadulo naman ng koridor ang private pediatric ward." Imporma nito.Nang marinig niya ang sinabi ng nurse, hindi na niya hinintay na ulitin pa ni Mexan ang impormasyon. Naglakad na siya patungo sa direksyon na itinuro nito.Nakahabol naman agad sa kaniya ang assitant nang nasa elevator na siya.Nang sumarado na ang elevator ay saka naman niya tiningnan ang oras sa suot na relo.It's already 9:45 in the morning. Bulong ng kaniyang isip.Alas dyes ay may meeting

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 216.2: Years of Guilt

    Naiwan siyang nakatulala nang umalis si Lindsy.Ang sugat na matagal nang nakakubli ay tila inalisan ng harang. Nalantad iyon ay humapdi dahil sa mga matatalim na salita ng babae. Ngayon niya napagtanto na mas malalim pala ang sugat kumpara sa kaniyang iniisip. O baka mas lumalim iyon dahil hinayaan niyang nakakubli?Maybe she was right. Bulong niya.Maybe I've been so guilty for the past years that I no longer care about money. It means nothing to me. Humugot siya ng malalim na hininga at nang mapuno ng hangin ang kaniyang baga ay sumikip naman ang kaniyang dibdib.Noon pa man, alam na niya na nagkakaroon lamang ng halaga ang pera kapag nagagamit niya iyon sa may kabuluhang bagay.Kagaya na lamang nang magpagawa siya ng mausoleum.Milyones ang inilabas niyang pera para lamang maging maganda ang libingan ni Yvonne. Binayaran niya rin ang ilang pulitiko at mambabatas para lamang mabigyan siya ng legal na permiso na hukayin ang labi ng babae at ilipat iyon sa mausoleum na kaniyang pina

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status