Hi Len Avenido, kung hindi niyo po nabasa, on-going po ang story na ito. ibigsabihin wala pa pong ending. Hi Naya, thank you sa grabehang comment. Very helpful po ang maraming comments dahil may binabalik-balikan akong opinion/reaction from my readers. Thank you sa walang sawang suporta! 9-10 pm bukas ang next update.
Madilim ang buong mansyon nang pumasok siya. Nakapatay ang ilaw sa baba, ngunit bukas ang ilaw sa dalawang mas mataas na palapag.Naningkit ang kaniyang mga mata habang binabaybay ang pasilyo paakyat ng marmol na hagdan. Tila alam na niya kung ano ang sasalubong sa kaniya pagpasok niya ng mansyon.Dahan-dahan niyang itinulak ang pinto at hinanda ang sarili, pinanatili niya ang inosinteng ekspresyon ng mukha.Nang makapasok siya, bumukas ang mga ilaw at nagsigawan ang mga tao.“Surprise!” Sabay-sabay nilang sigaw.Kahit na alam naman niya ang mangyayari, nagulat pa rin siya nang makita ang mga taong naghihintay sa kaniya.Sumabog ang mga confetti dahilan para maghiyawan muli ang mga kasambahay.“Happy birthday!” Sigaw nila.Mabilis na umangat ang sulok ng kaniyang labi at nanubig ang kaniyang mga mata.“Grazie mille!” Hinawakan niya ang kaniyang dibdib para ipakita na nagpapasalamat siya ng buong puso sa inihandang surpresa para sa kaniya.“Happy birthday, Bella.” Lumapit si Alhaj sa k
Tumayo si Athalia sa upuan at inabot ang kaniyang batok para hilahin siya. Hinalikan nito ng mariin ang kaniyang pisngi.“Mahal kita, Ina.” Saad nito sa matigas na tono.Minsan ay naiintindihan naman ni Athalia at Niccolò ang kaniyang mga sinasabi kahit na nagtatagalog siya, ngunit Englis pa rin ang kanilang unang lengguwahe.Pangalawa ang Italian, at panghuli na ang Filipino.Medyo magulo ang nakagisnan ni Athalia at Niccolò, pero nakikita niyang pinaghuhusayan ng dalawa na matuto sa mga lengguwahe lalo pa't multilingual ang tahanan nila.Gusto niyang turuan ng Filipino ang kaniyang mga anak, pero baka mas lalong mahirapan lamang ang dalawa kung sabay-sabay na aaralin ang Englis, Italian, at Filipino.Kumuha na sila ng tutor para sa mga bata para mapabilis ang kanilang pag-aaral ng Italian, ngunit mas madalas pa rin an Englis sa kanilang normal na pag-uusap.“Mahal na mahal ko rin kayo, Athalia. I love you so much. You’re my greatest treasure.” Siya naman ang humalik sa pingi nito. S
Tiningnan niya ang itinuturo ni Athalia. Nakita niya ang isang batang nasa may gitnang bahagi ng pool, malalim na parte na iyon. Umawang ang kaniyang bibig at mabilis na tumakbo palapit sa pool. Walang pagdadalawang-isip siyang tumalon sa pool para tulungan ang batang nalulunod. Nag-iiyakan na sila Athalia dahil sa takot. Samantalang lumangoy siya palapit sa batang nalulunod. Nang maabot niya ang batang lalaki, iniangat niya ito para makahinga. Yumakap ito sa kaniya at sa kagustuhan na makaangat at makahanap ng hangin, siya naman ang naitutulak nito pailalim. Malalim ang parteng iyon kaya hindi umaabot ang kaniyang paa sa tiles ng pool. Hindi niya magawang umahon dahil naitutulak siya ng batang lalaki. Nauubusan na siya ng hangin at lakas. Tumalon din si Alhaj nang makitang nahihirapan siyang tulungan ang bata. Saka lamang siya nakaahon nang mahawakan ni Alhaj ang batang lalaki. Si Alhaj na ang humila sa bata patungo sa mas mababaw na parte. Umubo siya ng ilang beses, par
“Bella.” Marahan na tawag ni Alhaj.Malayo ang kaniyang tingin habang yakap ang kaniyang sarili.Nilingon niya ang lalaki at nakitang nakaroba na ito. Madalas kasi ay hindi ito nagsusuot ng damit kapag natutulog, tanging boxer lamang.“Did you had a bad dream again?” Nag-aalala nitong tanong.Umiling siya bilang sagot sa tanong nito.Naglakad palapit sa veranda si Alhaj kung nasaan siya, ngunit nanatili ito sa may pinto at hindi tuluyang lumapit sa kaniyang kinauupuan.“Bakit gising ka pa?” Tanong nito.“I visited the twin's room.” Sagot niya.“Nag-aalala ako sa kanila.”Ibinalik niya ang tingin nakahilerang mga batong bahay hindi kalayuan sa kanilang tahanan.“They will understand, Bella. Hindi pa maayos ang kalagayan mo, and they knew about your situation. Athalia and Nics are wonderful kids, matalino at mabilis na makaunawa.” Kumento nito.Hinaplos ni Alhaj ang kaniyang braso at marahan na pinatakan ng halik ang gilid ng kaniyang buhok.Nakita niya ang pag-aalala ni Athalia at Nicc
“Bella?” Kumunot ang noo ni Alhaj sa kaniyang pagkakatulala.“Maybe I should start to teach Athalia and Niccolò how to speak Tagalog? Magaling na sila sa Italian, fluent naman sila sa English, kaya baka pwede ko silang paunti-unting turuan ng Tagalog?”Kumunot ang noo nito.“No.” Matigas na sagot ni Alhaj.“It would only confuse them, Bella. Kuryuso lamang si Athalia sa mga salita mo kaya iyon nagtatanong kay Felipa. But you don’t have to teach her how to speak our language, hindi na muna. Baka mas lalong mahirapan ang mga bata kung maraming salita ang ituturo sa kanila.”“But—”“Enough, Bella.” Putol ni Alhaj, gusto nang tapusin ang diskusyong iyon.He’s been a good father to our children. But… why is he so afraid to introduce our culture and language to our children?Napaiwas siya ng tingin.Matagal na niyang napapansin na tila binabago ng husto ni Alhaj ang pagkakakilanlan ng kanilang mga anak. Ayaw na ayaw ni Alhaj na magkwento ang mga kasambahay na Pilipino tungkol sa kultura sa
“I’d be off to work the whole day, but since Daddy’s already here,” nilingon niya si Alhaj. “He will look after the two of you. So don’t be naughty, kiddos.” Bilin niya. Madalas kapag galing sa trip si Alhaj, dalawa hanggang tatlong araw ito kung magpahinga sa bahay bago bumalik ulit sa trabaho. Iyon na rin ang panahon para bumawi ang lalaki sa kanilang mga anak. “Nakapag-schedule na ako ng appointment mamayang hapon.” Saad ng lalaki na nagpatigil sa kaniya. Nilingon niya muli si Alhaj at kinunutan ng noo. Nag-tagalog na ito para hindi maintindihan ng mga bata ang kaniyang sinabi. “Hindi ba sinabi ko naman na—” “Kailangan, Bella.” May diin nitong sabi. “Ngayon lang naman, baka kailangan nang palitan ang gamot na inireseta sa iyo.” “Alj…” Nag-iwas ito ng tingin, kaya naman napabuntong-hininga na lamang siya. Mukhang desidido na itong patingnan ang kalagayan niya kaya wala na siyang magagawa kahit hindi naman na dapat. “Fine.” Mahina niyang saad. “Sige na, magpapaalam ako ma
Bago itulak ang pinto ng sasakyan ay binalingan niya ng tingin si Alhaj. Seryoso pa rin ang ekspresyon ng mukha nito.“Baka ma-late ako sa pag-uwi, but I will send you a message kapag pauwi na ako.” Saad niya.Dahan-dahan na bumaling sa kaniya ang lalaki at tumango.Galing sila kay Dr. Greco, maayos naman ang check up niya at maliban sa ilang painkiller na reseta ay wala nang ibang binigay sa kanila ang doktor, pero kanina niya pa napapansin ang pagiging tahimik ni Alhaj.“Tell Athy and Nics to sleep early. Huwag na nila akong hintayin.”Tumango ang lalaki at lumapit para halikan ang kaniyang pisngi.“Just say hi to Keith for me.” Mahina nitong sabi, tila walang gana at lakas.Hindi niya gustong kwestyunin ang lalaki dahil hahaba lamang ang kanilang usapan, mas lalo lamang siyang mahuhuli sa usapan nila ni Keith kaya pilit niyang binaliwala ang pagtataka sa pananamlay nito.Itinulak niya ang pinto saka lumabas. Hindi na niya muling nilingon ang sasakyan dahil tuloy-tuloy siyang pumaso
Natawa ng marahan si Keith.“Of course, if that’s what you want.”Naglakad ang tatlo palapit sa kanila. Ihinanda naman niya ang sarili, puminta na sa kaniyang labi ang magandang ngiti.Natigilan ang lalaki. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito nang mapatingin sa kaniya. Nakalapit na si Keith at Cadmus ay nanatili pa rin ang lalaki kung saan ito tumigil.Lumingon si Keith, nagtataka na naiwan si Archie.“Archie?” Tawag ni Cadmus sa kaibigan.Napakurap ang lalaki, pagkaraan ay humakbang ito ng dahan-dahan at sumunod na kayna Keith. Tumigil sa kanilang tapat ang lalaki, ngunit hindi maalis ang tingin nito sa kaniya.“Good evening, Mr. Garcia.” Bati ni Dior.“Good evening, Mr. Garcia.” Sabay nilang bati ni Martha.“By the way, these are my top designers. This is Dior Basquez, Bella Jimenez and Martha Branciforte.” Pakilala ni Keith sa kanila.“This is Archimedes Garcia.” Pakilala naman nito sa lalaki. Naglahad agad ng kamay si Dior para sa lalaki, tinanggap iyon ni Mr. Garcia ngunit sumu
"Are you alright, Coleen? Are you hurting somewhere?" Nag-aalalang tanong ng babaeng kasama ni Anais. Napatingin siya sa mukha nito, ngunit hindi niya agad na namukhaan ang babae dahil sa suot nitong mascara. Hindi rin pamilyar sa kaniyang pandinig ang boses nito ngunit ramdam niyang kilala niya ito. Sumulyap si Coleen sa babae at mahina itong sumagot. "Yes, Tita Agatha." Agatha... Yvonne's cousin? Tinitigan niya ng matagal ang babae. Naramdaman niya ang biglang pag-akyat ng asido sa kaniyang dibdib. Hanggang ngayon ay naaalala niya pa rin kung paano siya ipinagtabuyan ni Agatha nang minsan siya nitong makita na aaligid-aligid sa mansyon ng mga Santiago habang ibinuburol si Yvonne at Adonis. Malaki ang galit nito sa kaniya. Dahil kay Agatha, naging mahirap para sa kaniya na makalapit kay Yves Santiago. Kahit na nasa ibang bansa ito nitong mga nakaraang taon ay mahigpit pa rin nitong pinapabantayan si Yves Santiago laban sa kaniya. Kung hindi lamang siya mapamaraan ay hindi san
Hindi siya nakatanggap ng imbitasyon, sapat na iyon para malaman niya na hindi siya gustong imbitahan ni Damian Galvez sa kaarawan nito. Nitong lumipas na mga taon, nagkakaroon naman sila ng kaunting interaksyon ni Architect Damian Galvez. Nakakameeting niya rin ang ibang Galvezes. Ngunit hindi gaanong maganda ang relasyon niya sa kanila. Tila mahirap na magkaroon ng malapit na koneksyon sa pamilyang Galvez. Ang totoo niyan, hindi niya rin gusto na magkaroon ng koneksyon sa mga Galvez dahil nagpupukos na siya ngayon sa pagpapalawak ng kaniyang negosyo sa labas ng bansa. Kaya hindi na niya kailangan ng koneksyon sa mga negosyanteng lokal. May negosyo rin naman ang mga Galvez sa ibang bansa, ngunit hindi kagaya niya na mas malawak ang negosyo sa labas ng Pilipinas. "Good evening, Atty." Bati ng isang lalaking miyembro ng security team. Inilahad ni Reinella ang hawak nitong invitation card at ngumiti ng matamis. "Here's my invitation card. Do I still need to show you my ID?"
Litong-lito na si Archie. Iba ang nakukuha niyang impormasyon sa impormasyon na gusto niyang matanggap. Kaya nang dumating na ang kaarawan ni Damian Galvez ay hindi na siya nag-atubiling dumalo sa selebrasyon para makakuha ng iba pang impormasyon tungkol sa nobya ni Rizzo Galvez. Kung dadalo siya sa birthday party ni Damian Galvez ay mas malaki ang tyansa na may makalap siyang impormasyon na makakatulong sa kaniya na mapag-aralan ng mabuti ang katauhan ni Anais Acosta. Sa tuwing naiisip niya na kamukhang-kamukha ng nobya ni Rizzo si Yvonne ay naaalala niya palagi na naging magkasintahan noon si Yvonne at si Rizzo. Posible na hanggang ngayon ay hindi pa rin makalimut si Rizzo kay Yvonne... kagaya niya. Baka nabaliw na rin ito kay Yvonne, kaya ngayon na may natagpuang babae na kamukha ni Yvonne ay pakakasalan nito agad. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman na papalit-palit ng babae ang mga Galvez. Habulin ng mga babae ang mga lalaking Galvez kahit na kasal na ang iba. Kaya para magpa
Gabi na nang makauwi si Archie mula sa hospital. Hindi man lang siya nakapagpahinga sa paghahanap ng kasagutan sa mga tanong niya. Ngunit ayon sa nakuha niyang impormasyon, lihitimong anak ni Rizzo ang batang naospital. Anak nito si Coleen sa pagkabinata. Sa Pilipinas ipinanganak ang batang babae, ngunit sa ibang bansa pinalaki. Maliban sa mga impormasyong iyon ay wala na siyang nakuhang iba pa. Hindi na rin nakapagbigay ng impormasyon sa kaniya si Patrick dahil iyon lang din ang laman ng database ng ospital. Binuksan niya ang kaniyang computer pagkauwi galing sa ospital. Sa kaniyang opisina siya tumuloy para tingnan ang pinadalang email ng kaniyang assistant sa kaniya. May sarili siyang office sa kaniyang condo unit. Gusto niyang nakabukod lamang ang kaniyang opisina sa kaniyang kuwarto para maging productive pa rin siya kahit na nasa condo lamang siya. Buong araw yata siyang hindi nagpakita sa kompanya. Nasa ospital lamang siya maghapon, naghahanap ng mga bagay na makakatulong s
Nang manganak siya kay Akhil, bumalik si Yvonne sa pagthetheraphy. Hindi na ito umuuwi sa kanila dahil sa takot na baka masaktan nito si Akhil. Naniniwala ito na hindi ligtas ang kaniyang anak kapag mananatili si Yvonne sa kanilang puder. Pakiramdam palagi ni Yvonne ay magdudulot lamang siya ng panganib sa mga paslit. Kaya kahit sa malayo ay hindi nito matingnan si Akhil. Hindi nito kayang pakinggan ang tawa at iyak ng bata. Agad itong inaatake ng anxiety at parang nababalisa agad. Madalas ay nagkukulong ito sa kuwarto ar hindi na sa kanila nagpapakita. Nang hindi na nito makayanan ay nagpa-alam itong aalis muna para humingi ng tulong sa therapist nito. Nitong nakaraang buwan lang bumalik si Yvonne sa kanila. Hindi pa gaanong maayos ang babae kahit pa halos apat na buwan itong nawala para magtheraphy. Alam niyang malalim ang pinangggalingan nitong sakit kaya hindi niya pwedeng hayaan na lang mas lalong maexpose sa mas mahirap na sitwasyon ang kaniyang pinsan. "I know where yo
"You've already met him?" Tanong niya sa babae. Tumibok ng mabilis ang kaniyang puso at nanatiling malamig ang kaniyang palad. Hindi niya nakita si Archie sa labas. Pero dahil sa sinabi nito, mas lalo siyang naging kabado. Natahimik saglit ang babae. Hindi ito sumagot, ngunit ramdam niya na hindi na niya kailangan na marinig mula sa labi nito ang kasagutan sa kaniyang tanong. Nagkita na nga ang dalawa. "You know that this would happen, right?" Marahan niyang tanong. Huminga ng malalim si Anais bago pagod na pumikit. Umangat ang dibdib nito nang humugot ng malalim na hininga. "I know." Sagot nito pagkaraan. "But I couldn't let my fear control me, Agy." Mahina nitong sambit, tila nabibigatan. "For the past five years, I tried my best to overcome everything that once held me back. Ang tagal kong nagtago. Ang tagal kong natakot." Huminga na naman ito ng malalim. "But I was able to face him without showing much of my fear. I was able to fake my reaction when I saw him." Bumalin
Marahan siyang umiling. Alam niyang mabigat na naman ang loob nito. Ayaw niyang maramdaman muli ng babae ang parehong sakit na naramdaman nito noon, kaya hinaplos niya ng magaan ang likod ng palad nito bago maliit na ngumiti."I know how you feel now. Alam kong nag-aalala ka ng husto kay Coleen, but everything's fine now. Maayos na si Coleen, wala ka nang dapat na ipag-alala."Tumitig siya ng mabuti sa mga mata ni Anais. Gusto niyang makita nito ang sensiridad niya.Kung maaari lamang na pawiin ang lungkot at pagsisisi sa puso nito ay gagawin niya. Ngunit alam niya na kahit anong subok niya, hindi niya iyon magagawa, dahil tanging ito lamang ang mag kakayahan na gawin iyon. Si Anais lamang ang may kakayahan na itaboy ang lungkot sa puso nito at gamutin ang mahapding sugat na dala ng pagsisisi."And a failure doesn't define you as a person. It doesn't define you as a mother. Because motherhood is not a perfect thing. Kahit ako, I'm still learning how to take care of Akhil. May mga pagk
Samantalang kabado si Agatha nang makarating sa pasilyo ng private pediatric ward. Sa elevator pa lang ay hindi na siya mapakali kaya nagmamadali niyang tinahak ang pridadong silid ni Coleen .Naabutan niyang nasa labas si Rizzo at may kausap sa telepono.Nakita niyang tensyunado ang lalaki at mukhang hindi komportable sa taong kausap nito. Hinilot ng lalaki ang sintido bago bumuga ng hangin.Hindi man lang nito napansin ang kaniyang presensya."Dad, I know it's an important meeting. Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang ang anak ko. Coleen has a severe allergy reaction. She needs me now. I don't care about anything else, I just want to make sure that my daughter is safe."Saglit na natahimik si Rizzo, tila pinapakinggan ang sinasabi ng taong nasa kabilang linya."It's not her fault, Dad." Matigas na tugon nito pagkaraan."It's not her carelessness or my daughter's recklessness that caused this. Coleen is fond with furred animals, while Anais is unaware about Coleen's allergy w
Nang mawala sa kaniyang paningin si Agatha ay saka lamang siya bumalik sa kasalungat na pasilyo kung saan naghihintay si Archie sa impormasyon na ibibigay niya. Mabagal ang bawat niyang hakbang habang inaalala ang tensyunadong ekspresyon ng mukha ni Agatha.Bakit nga ba magiging tensyunado si Agatha?Wala naman siguro siyang nagawang kasalanan? Bulong niya sa hangin. Muli niyang naabutan si Archie na tulalang nakaupo sa bench. Malayo ang tingin nito at walang partikular na bagay na tinitingnan. Halatang malalim ang iniisip nito. Pagkalapit sa kaibigan ay naupo na siya sa katabing upuan nito. "The patient's name is Malia Coleen." Panimula niya para makuha ang atensyon ni Archie. At kagaya ng kaniyang inaasahan, mula sa pagkatulala, ay napaangat ito ng tingin sa kaniya. Napansin din sa wakas ang kaniyang presensya, at tila ngayon pa lamang naputol ang sumpa nito na matulala sa kawalan. "Malia Coleen Javier Galvez is her fulle name. She's still young. Her biological father is Riz