Nanatili sa loob ng silid si Greig katulad ng pangako nito. Ipinikit naman ni Natasha ang mga mata pero nanatiling gising ang kaniyang diwa.Masaya siya't nanatili ito kahit na pakiramdam niya na pinagdudahan siya nito tungkol sa pagkakatulak sa kaniya ni Ysabela.Naalala niya ang mukha ng babae, kahit paano ay nakaramdam siya ng kasiyahan nang makita ang pagkabigo at hinagpis sa mga mata nito nang piliin siya ni Greig.Dapat alam ng babaeng ‘yon kung saan ang lugar niya. Bulong ng kaniyang isip.Isa pa, tama lamang na sinabi niya kay Greig na aksidente lamang ang pagkakatulak sa kaniya ni Ysabela, at nagmamagandang-loob lang ito ngunit nauwi sa disgrasya.Sa pamamagitan nito, kung sakaling magsusumbong si Ysabela kay Greig at siraan siya, mas lalo lamang na magagalit ang lalaki rito.She couldn't frame me up. Aniya sa sarili.Maliban pa roon, sisiguraduhin niyang aalisin niya ito sa buhay ni Greig nang hindi dinudumihan ang kaniyang kamay.Ikinuyom niya ang kaniyang palad at halos b
“Ano?” Naguguluhan niyang tanong sa lalaki.Tumango ito at saka inilabas ang cellphone. Nagtipa ito at pagkaraan ay ipinakita sa kaniya ang screen.Kumunot ang kaniyang noo habang tinitingnan kung ano ang meron doon.Isa iyong text message, nakalagay ang pangalan niya sa contact at ang laman ng mensahe ay simpleng “Happy New Year, Ysabela.”Nagsalubong ang kaniyang kilay habang inaalala kung may natanggap ba siyang mensaheng ganoon.“You messaged me?” Nagtataka niyang tanong.“Yes.” Sagot nito.“And you blocked me.”Muli niyang ibinalik ang tingin sa screen at nakitang nagreply siya sa lalaki.“Who's this?”Kasunod ay ang reply ni Alhaj.“Alj.”Parang pinukpok ang kaniyang ulo nang maalalang may natanggap nga siyang mensahe galing sa isang unknown number.Pagkatapos siya nitong batiin ng Happy New Year ay nagpakilala bilang si Alj.Naalala niya iyon. Pero hindi siya naniniwala na ang kagaya ni Alhaj ay mag-aaksaya ng panahon para batiin siya, akala niya ay niloloko lamang siya.Kaya n
Nang makarating sila sa village ay gusto pa sanang manatili ni Yvonne para mabantayan siya. Pero pinaalis niya ang babae.“Your Dad called you, Von. Umuwi ka na, kaya ko naman ang sarili ko.”“H**k! That was fast though? Sino naman ang nagsabi sa kaniya tungkol sa nangyari?”Lukot ang mukha ng babae dahil nalaman na ng daddy nito ang tungkol sa nangyaring problema sa parking lot.“Kaya kailangan mo nang umuwi, Von. Baka mamaya ay magalit lang lalo si Tito Adonis.”Umirap sa hangin si Yvonne bago ito naglakad papunta sa pinto.“Just call me if you ever need anything, okay?” Bilin nito.Pagod siyang ngumiti at tumango na lamang.Hindi na niya nahatid sa labas ang kaibigan. Narinig niya na lamang na nakaalis na ang sasakyan nito.Pumikit siya para makapagpahinga.Mabilis na nakatulog si Ysabela. Dala iyon marahil ng pagod.Pero apat na oras lamang ang tulog niya.Dahil nagising siyang muli nang maramdaman na kumakalam ang kaniyang sikmura.Hinaplos niya iyon at napabangon.Naalala niyang
Mariin ang pagkatitig ni Greig sa kaniya dahilan para mas lalo lamang siyang kabahan.Humakbang ito palapit at mabilis naman siyang umatras.Sumagi sa kaniyang isip ang naging panaginip niya sa ospital. Kung paano siya nito tingnan ng masama at pagsabihan ng mga katagang hindi niya inaasahan.Umiling siya sa lakaki.“W-wala ‘to, masama lang siguro ang pakiramdam ko.” Pagsisinungaling niya.Naalala niya kung paano sabihin ni Greig na ipalaglag ang bata. Kahit pa panaginip lang iyon, parang sinas*ks*k pa rin ang puso niya.Posibleng iyon din ang sabihin ng lalaki pagnalaman nito ang pagbubuntis niya.“You should get back to your room and take a rest,” sagot ni Greig.Humakbang ito palapit at kahit gusto niyang lumayo rito ay hindi na niya nagawa. Kinain na ng lalaki ang pagitan nilang dalawa at inilapat ang palad nito sa kaniyang noo.Parang napaso siya. Napansin naman ni Greig ang pagkislot niya.Pinagmasdan siya nito.“Lalabas ako. I'll buy you something to eat. And some medicine.”Hi
Pero hindi natigil ang pagring nito, dahilan para magbuntong-hininga si Greig.Unti-unti itong lumayo at pagkaraan ay tumayo. Sinundan ng tingin ni Ysabela ang lalaki.Ngayon ay naramdaman niyang may kung anong nawala sa kaniya. Dapat ay masaya siyang lumayo ito, pero kasalungat ang kaniyang naramdaman.Lumayo si Greig at tumuloy sa balkonahe.Nagbaba ng tingin si Ysabela sa kaniyang mga kamay. Napansin niyang dumudugo ang kaniyang daliri, marahil dahil iyon sa pagpupumiglas niya kanina.Ngunit hindi niya man lang naramdaman na humapdi iyon.Inabot niya ang bulak at naiinis na pinunasan ang dugo. Pilit niyang kinumbinsi ang sarili na hindi siya nadarang sa h*l*k ng lalaki.Sinubukan niyang itulak si Greig.Sinubukan niyang lumayo.Naghihimutok pa siya sa kaniyang sarili nang bumalik ito. Inaayos na nito ang butones ng suot na long sleeve.Seryoso na ang mukha nito kaya naman napatitig siya sa lalaki.“I'll order food for you, or I'll tell Christoff to send you here some food and medici
Bago pa man hawakan ni Greig ang seradura ng pinto ay bumukas na iyon. Bumungad ang nurse sa kaniya at mabilis na ngumiti.“Miss Natasha is already awake, sir.” Imporma nito.Tinanguan niya ito.Umalis rin agad ang nurse at naiwan muli sila ni Patrick. Narinig niyang nagbuntong-hininga ang kaibigan. “Sige na, pumasok ka na. Kanina ka pa niyan hinahanap. I'll wait for you at the bar.” Saad nito.Hindi na niya nilingon ang lalaki, tumuloy siya sa kuwarto ni Natasha at naabutan itong kausap si Ada.“G-greig?” Utal nitong tawag sa pangalan niya nang makita siya sa may pinto.“How are you feeling?” Naglakad siya palapit sa babae.Humarap sa kaniya si Ada, ang personal na nag-aalaga kay Natasha, at bumati.“Sabi ng doktor bumaba na ang lagnat ni Natasha, pero kung patuloy na magpapabalik-balik ang lagnat niya, magiging banta iyon sa buhay ni Natasha.” Malamig ang boses ng babae.“Dahil sa bone marrow transplant niya ay mas naging mahina ang immune system ni Natasha. Repeated fevers were no
“Natasha.” Dumulog agad si Ada sa babae para pakalmahin ito.Matagal na siyang nagtatrabaho sa pamilya ni Natasha kaya alam na niya ang ugali ng babae.Mula pa man pagkabata ay pinagsisilbihan na niya ito kaya sanay na siya sa biglaang pagbabago ng mood nito at sa pagiging malupit nito.“You shouldn't have done that.” Paalala niya sa babae.“Kung natamaan ang nurse ay mas malaking—”“I don't care!” Putol nito sa kaniya.“I don't f*ck*ng care at all! Nakita mo ba si Greig? He walked away from me! He left again.”Tumango siya ng marahan.Ngayon ay madaling uminit ang ulo ni Natasha dahil kay Greig. Lalo pa kapag hindi nito makita ang lalaki, mabilis na nagagalit.“Ada,” tawag nito sa kaniya.“Why do you think Greig is so cold to me? Ni ayaw niyang hawakan ko siya! He even refused to k*ss me, Ada.”Namumula ang mga mata nito sa galit.“Ano, ayaw na niya sa akin?”Mabilis siyang umiling.“Hind naman siguro sa ganoon, Natasha.” Sagot niya.“Then, why? Why would he leave me here? Why would
Napasimsim siya sa inumin at natatawang umiling.“Wala, wala ‘yon. Just ignore me.”Nang magkaroon ng malaking problema ang pamilya ni Archie, si Adonis Santiago, ang daddy ni Yvonne ay pinakansela ang engagement ng dalawa. Tila nagsisisi ito sa pagpayag na maengage ang kaniyang anak kay Archie.Dahil sa nangyari, mas lalo lamang na naglakas-loob ang mga shareholders na bumitaw na sa kompanya, dahilan para mabilis na bumagsak ang kompanya.Wala nang nagawa ang kaniyang pamilya, at para hindi siya madamay sa nangyayaring gulo ay pinadala siya sa ibang bansa.Doon ay mas lalong naging miserable ang kaniyang buhay. Iba't ibang panganib ang kinaharap niya, at ilang insidente na ang muntik na siyang m*m*tay.Dahilan kung bakit marami ang kaniyang pilat sa mukha at katawan. Parang walang katapusang paghihirap ang pinagdaanan niya noon, mabuti na lamang at hindi siya sumuko.Napangiti ng mapait si ArchieYvonne Santiago, that beautiful woman who once was his heaven, but only brought him suff
Nang manganak siya kay Akhil, bumalik si Yvonne sa pagthetheraphy. Hindi na ito umuuwi sa kanila dahil sa takot na baka masaktan nito si Akhil. Naniniwala ito na hindi ligtas ang kaniyang anak kapag mananatili si Yvonne sa kanilang puder. Pakiramdam palagi ni Yvonne ay magdudulot lamang siya ng panganib sa mga paslit. Kaya kahit sa malayo ay hindi nito matingnan si Akhil. Hindi nito kayang pakinggan ang tawa at iyak ng bata. Agad itong inaatake ng anxiety at parang nababalisa agad. Madalas ay nagkukulong ito sa kuwarto ar hindi na sa kanila nagpapakita. Nang hindi na nito makayanan ay nagpa-alam itong aalis muna para humingi ng tulong sa therapist nito. Nitong nakaraang buwan lang bumalik si Yvonne sa kanila. Hindi pa gaanong maayos ang babae kahit pa halos apat na buwan itong nawala para magtheraphy. Alam niyang malalim ang pinangggalingan nitong sakit kaya hindi niya pwedeng hayaan na lang mas lalong maexpose sa mas mahirap na sitwasyon ang kaniyang pinsan. "I know where yo
"You've already met him?" Tanong niya sa babae. Tumibok ng mabilis ang kaniyang puso at nanatiling malamig ang kaniyang palad. Hindi niya nakita si Archie sa labas. Pero dahil sa sinabi nito, mas lalo siyang naging kabado. Natahimik saglit ang babae. Hindi ito sumagot, ngunit ramdam niya na hindi na niya kailangan na marinig mula sa labi nito ang kasagutan sa kaniyang tanong. Nagkita na nga ang dalawa. "You know that this would happen, right?" Marahan niyang tanong. Huminga ng malalim si Anais bago pagod na pumikit. Umangat ang dibdib nito nang humugot ng malalim na hininga. "I know." Sagot nito pagkaraan. "But I couldn't let my fear control me, Agy." Mahina nitong sambit, tila nabibigatan. "For the past five years, I tried my best to overcome everything that once held me back. Ang tagal kong nagtago. Ang tagal kong natakot." Huminga na naman ito ng malalim. "But I was able to face him without showing much of my fear. I was able to fake my reaction when I saw him." Bumalin
Marahan siyang umiling. Alam niyang mabigat na naman ang loob nito. Ayaw niyang maramdaman muli ng babae ang parehong sakit na naramdaman nito noon, kaya hinaplos niya ng magaan ang likod ng palad nito bago maliit na ngumiti."I know how you feel now. Alam kong nag-aalala ka ng husto kay Coleen, but everything's fine now. Maayos na si Coleen, wala ka nang dapat na ipag-alala."Tumitig siya ng mabuti sa mga mata ni Anais. Gusto niyang makita nito ang sensiridad niya.Kung maaari lamang na pawiin ang lungkot at pagsisisi sa puso nito ay gagawin niya. Ngunit alam niya na kahit anong subok niya, hindi niya iyon magagawa, dahil tanging ito lamang ang mag kakayahan na gawin iyon. Si Anais lamang ang may kakayahan na itaboy ang lungkot sa puso nito at gamutin ang mahapding sugat na dala ng pagsisisi."And a failure doesn't define you as a person. It doesn't define you as a mother. Because motherhood is not a perfect thing. Kahit ako, I'm still learning how to take care of Akhil. May mga pagk
Samantalang kabado si Agatha nang makarating sa pasilyo ng private pediatric ward. Sa elevator pa lang ay hindi na siya mapakali kaya nagmamadali niyang tinahak ang pridadong silid ni Coleen .Naabutan niyang nasa labas si Rizzo at may kausap sa telepono.Nakita niyang tensyunado ang lalaki at mukhang hindi komportable sa taong kausap nito. Hinilot ng lalaki ang sintido bago bumuga ng hangin.Hindi man lang nito napansin ang kaniyang presensya."Dad, I know it's an important meeting. Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang ang anak ko. Coleen has a severe allergy reaction. She needs me now. I don't care about anything else, I just want to make sure that my daughter is safe."Saglit na natahimik si Rizzo, tila pinapakinggan ang sinasabi ng taong nasa kabilang linya."It's not her fault, Dad." Matigas na tugon nito pagkaraan."It's not her carelessness or my daughter's recklessness that caused this. Coleen is fond with furred animals, while Anais is unaware about Coleen's allergy w
Nang mawala sa kaniyang paningin si Agatha ay saka lamang siya bumalik sa kasalungat na pasilyo kung saan naghihintay si Archie sa impormasyon na ibibigay niya. Mabagal ang bawat niyang hakbang habang inaalala ang tensyunadong ekspresyon ng mukha ni Agatha.Bakit nga ba magiging tensyunado si Agatha?Wala naman siguro siyang nagawang kasalanan? Bulong niya sa hangin. Muli niyang naabutan si Archie na tulalang nakaupo sa bench. Malayo ang tingin nito at walang partikular na bagay na tinitingnan. Halatang malalim ang iniisip nito. Pagkalapit sa kaibigan ay naupo na siya sa katabing upuan nito. "The patient's name is Malia Coleen." Panimula niya para makuha ang atensyon ni Archie. At kagaya ng kaniyang inaasahan, mula sa pagkatulala, ay napaangat ito ng tingin sa kaniya. Napansin din sa wakas ang kaniyang presensya, at tila ngayon pa lamang naputol ang sumpa nito na matulala sa kawalan. "Malia Coleen Javier Galvez is her fulle name. She's still young. Her biological father is Riz
Pagkatapos na makuha ang impormasyon ng pasyente ay lumabas si Patrick para kausapin muli si Archie. Sigurado siya na hindi aalis ang kaniyang kaibigan hangga't hindi nito nakukuha ang gusto.At alam niya kung gaano kadesperado sa impormasyon ngayon si Archie.Alam niya ang pakiramdam nito ngayon. Dahil kagaya ni Archie, hindi rin siya mapakali noon nang malaman niyang may anak si Suzzane.Alam niyang kung may anak ito ay malaki ang tyansa na kaniya ang batang iyon.Ngunit kahit gaano kadesperado ang kaniyang kaibigan na makilala ang batang pasyente ay hindi niya maaaring hayaan na lamang itong gawin kung ano ang maisipan nitong gawin. Istrikto ang ospital. Malaking bagay ang privacy ng mga pasyente sa ospital na ito.Kaya kung papasok ito sa isang pribadong silid para lamang makita ang pasyente nang walang pahintulot mula sa pasyente o sa pamilya ng pasyenteng ay magdudulot lamang ng malaking gulo.Pabalik na siya sa upuan kung saan naghihintay si Archie, nang bigla siyang matigilan
Napahinga na lamang ng malalim si Patrick, alam niya sa kaniyang sarili kung ano ang tumatakbo sa isip ngayon ni Archie. Hindi nito maituloy ang gustong sabihin dahil magiging sinsitibo lamang ito pagpinag-usapan na ang tungkol sa pagkakaroon ng anak. Kahit hindi sabihin sa kaniya ng kaibigan, alam niyang nagsisisi ito ng husto sa nangyari noon kay Yvonne. Sinisisi pa rin nito ang sarili hanggang ngayon. Lalo pa at hindi lamang isang tao ang nawala sa buhay nito nang mangyari ang insidente noon. Nagdadalang-tao si Yvonne. Sabay na nawala sa kaniya ang kaniyang mag-ina. Dahil sa kagagawan niya. Kaya siguro ganito na lamang si Archie kung umakto. Maybe he’s thinking that he could also experience Greig’s luck. Maybe he's considering the idea that Yvonne is alive and the child also was able to survive. Sa kanilang tatlo, si Greig ang pinakamaswerte sa lahat. Kung kailan akala nila ay wala na talagang pag-asa na maging maayos pa ang buhay nito ay saka naman aksidenteng natagpuan ni
“What’s wrong with you?” Ibinaba ni Patrick ang dala-dalang chart at tinitigan ng matiim si Archie. Hindi nito napansin na nakalapit na siya dahil sa sobrang lalim ng iniisip. Sa malayo pa lang ay natanaw na niya si Archie. Sa laki ng katawan nito ay agad na mapapansin ang lalaki, lalo pa't mag-isa lamang ito sa mahabang upuan at nakatulala sa kawalan. Kung hindi niya kilala ang lalaki ay baka naisip na niyang wala na ito sa katinuan. Nang marinig nito ang kaniyang boses ay agad na tumayo si Archie at hinarap siya. Umawang ang bibig nito, ngunit halatang hindi alam ang sasabihin sa kaniya, kaya nagsalubong naman ang kaniyang kilay. He looks confused and f*ck*d. What happened? Bulong ng kaniyang isip habang pinagmamasdan ang reaksyon ng kaniyang kaibigan. “Hindi ka pa ba aalis? Kanina ka pa ah?” Sita niya sa kaibigan. Itinikom ni Archie ang bibig dahil sa kaniyang sinabi. Mahigit tatlong oras na ito sa may bench, naghihintay na mapadaan siya sa koridor para makapag-usap sila.
"I don't want to cause trouble—" "Then, don't do this." Putol agad sa kaniya ng babae. Nakita niyang nagtagis ang bagang nito bago matalim siyang tiningnan. "Don't trouble us. And if it's not too much, please, don't make a scene. I don't know you, and I don't even know why you want to take me when obviously I don't know you! May batang naghihintay sa amin. Kaya kung ayaw mo naman pala ng mangugulo, then let us go." Lumingon ito kay Rizzo at humawak sa braso. Hinila nito ang lalaki at tuluyan na naglakad. Walang siyang nagawa nang lagpasan na lamang siya ng babae at ni Rizzo pagkatapos niyang matulala dahil sa mga sinabi nito. Nanigas ang kaniyang katawan sa gulat at pagtataka. Hindi niya inaasahan na ganoon siya kakausapin ng babae. Oo at kamukhang-kamukha ng babae iyon si Yvonne, ngunit sa pananalita at kilos ay ibang-iba ito. This woman is fearless. She's cold and straight forward. She isn't afraid of anything. She's not afraid of me. Isip niya. Kung si Yvonne, alam niya