Tahimik na ang pasilyo ng 4th floor. Walang mga pasyente sa labas, tanging mga nurse lamang ang dumadaan para bisitahin ang mga pasyente. Bawat nakakasalubong niya ay tumutungo at nag-iiwas ng tingin. May ilan na lumilingon, hindi mapigilan na hangaan siya saglit dahil sa lakas ng kaniyang karisma, ngunit nawawala rin ang paghanga sa tuwing naiisip na masama siyang tao. Tumigil si Archie sa paglalakad nang makita ang pamilyar na bulto ni Klaus Galvez sa parehong palapag. Naglalakad ito sa pasilyo, mabagal at tumitigil sa bawat pinto ng madadaanang ward. Tila may hinahanap itong eksatong silid. Lahat ng silid sa ikaapat na palapag ay private ward. Madalas, dito dinadala ang mga pasyente na may extreme cases upang ma-isolate. O ‘di kaya naman, mga pasyente na kayang magbayad ng mahal para masolo lamang ang buong ward. Muling kumunot ang noo ni Archie nang makitang tumigil si Klaus sa tapat ng silid ni Yvonne. Naisip niya kanina na baka may pamilya o kaibigan si Klaus Galvez na bibi
Nanatili sa ospital si Yvonne ng isang linggo. Her head was badly injured. Madalas siyang mahilo at masuka, kaya hindi siya makaalis sa ospital dahil natatakot si Agatha na madehydrate siya. Yvonne badly wants to go home and see her mother. Walang kaalam-alam ang kaniyang Mommy sa nangyayari sa kaniya, buong akala nito, nasa Batangas siya para sa isang importanteng event na dadaluhan ng executives ng kanilang kompanya. Nagawang papaniwalain ni Archie ang lahat ng tao na maayos lamang siya sa ilang araw niyang pagkawala. Kaya pala hindi siya hinanap ng kaniyang pamilya, dahil akala ng lahat ay abala lamang siya sa pag-aayos sa problema ng kanilang kompanya. “Do you need some water?” Marahan na tanong ni Agatha. Dahan-dahan siyang bumangon. Inayos niya ang pagkakasandal sa headboard ng ospital. Mahina pa ang kaniyang katawan, pero mas maayos na ang kaniyang kondisyon kumpara noong mga nagdaang araw. “Yes, please.” She said hoarsely. Si Agatha ang tumatayong executive consultant ng
Dalawang araw pa bago tuluyang pumayag si Dra. Meffor na lumabas siya ng ospital. Tumigil na ang kaniyang pagsusuka at hindi na siya gaanong nahihilo, pero kailangan pa rin na gamutin at palitan ng benda ang sugat sa kaniyang ulo kadaaraw.“I will take care of myself, Doc.” Ngumiti si Yvonne sa babaeng doktor.Tumitig si Dra. Meffor kay Yvonne, medyo nagtagal ang tingin nito, at pagkaraan ay tumikhim.“Can you go back here after one week? We’ll run another test if possible.”Tumango si Yvonne, kahit na hindi siya sigurado sa kaniyang sagot. Gusto niya lamang na payagan na siya nitong umuwi, kaya para matapos na ang usapan nila ay tumatango na lamang siya.“Sure, Doc.”Si Agatha ang kaniyang kasama nang lumabas sa ospital. Nakasakay siya sa wheelchair at itinutulak iyon ng isang hospital staff hanggang sa parking lot.Agatha’s wearing her usual office attire. Galing pa ito sa kompanya, pumunta lamang ito ng ospital nang balitaan niyang pumayag na ang doktor na e-discharge siya ngayong
Nang sumunod na araw, maagang umalis si Agatha para pumasok sa kompanya. Naiwan sa condo si Yvonne. Nag-uwi ng mga files si Agatha kagabi kaya iyon na lamang ang pinagkaabalahan niyang basahin at tingnan.Madalas pa rin na matulala si Yvonne, lumilitaw lagi sa kaniyang alaala ang pahirap na naranasan sa mga kamay ni Lindsy at Archie.Dahil sa nangyari, alam na niya ngayon na mas mahirap pa na yugto ang kaniyang kahaharapin.Lindsy is a war freak. Sa tuwing magkikita sila, sigurado siyang gagawa palagi ng paraan ang babaeng iyon na hiyain siya kahit na sa harap ng maraming tao. Kapag maabutan siya nitong kasama si Archie, kahit na aksidente man o hindi, asahan na niyang pagbubuhatan siya nito ng kamay.Maybe that’s what scares me the most. I don’t want Lindsy to find out my secret. Hindi ko ginusto na maging babae ni Archie. Hindi ko ginusto na maging parausan at laruan ng g*g*ng iyon! Sigaw ng kaniyang isip.Napuno ng matinding frustrasyon ang isip ni Yvonne. Ibinaba niya ang mga pape
Kahit na nasa condo lang si Yvonne, nabalitaan niya pa rin ang paglipat ng araw ng kasal ni Archie at Lindsy.Naisip niyang baka naapektuhan ang schedule ni Archie dahil sa paglahok nito sa pandaigdigang kalakalan ng langis. Ang orihinal na araw ng kasal ay ngayong katapusan ng buwan, ngunit binago iyon.16th day of April. Tatlong linggo mula ngayon.Sa bagay. Kung hindi siya nagkakamali, kaarawan din iyon ni Lindsy. Isasabay ang kasal sa kaarawan ng babae upang mas maging engrande at espesyal ang araw na iyon.“Von?”Dalawang katok ang pumukaw sa kaniya. Narinig niyang bumukas ang pinto at sumunod ang mga yabag ni Agatha.“Von?”Lumundo ang kama nang maupo sa gilid si Agatha. Inalis nito ang kaniyang kumot at inilapat ang palad sa kaniyang noo. Dalawang araw na siyang nilalagnat.Sa umaga, medyo nahihilo siya at naduduwal pero hindi naman sumusuka. Sa tanghali, nagiging normal ang temperatura ng kaniyang katawan at nagiging maayos ang kaniyang pakiramdam. Samantalang sa gabi ay nilal
Alas nuebe ng umaga nang nasa opisina na si Yvonne ni Dra. Meffor. Medyo natagalan ang doktor na makipagkita sa kaniya dahil binisita pa nito ang ibang pasyenteng nasa ospital. “I’m glad that you’re doing great now.” Nakangiting sabi ni Dra. Meffor nang makita na naghihilom na ang sugat sa gilid ng kaniyang ulo. “Sumasakit pa ba ang ulo mo, Miss Santiago?” Marahan siyang tumango. “Nitong nakalipas na dalawang araw, nahihilo ako kapag gigising sa umaga. Nawawala rin naman iyon kapag malapit nang magtanghali. Sa hapon naman hanggang gabi, malamig ang katawan ko at inaapoy ng lagnat. I don’t know if my wounds and broken bones were to blame for my nuisance and fever.” Tumitig si Dra. Meffor sa kaniya. Tumayo ito pagkaraan at lumapit. Inayos ng babae ang stethoscope at inilapat iyon sa kaniyang likod, pagkatapos ay sa kaniyang dibdib. Mabilis lamang nito na pinakinggan ang kaniyang pulso at tumango na. “Let me run some test first.” Nasa labas ng opisina si Agatha, naghihintay na mat
Mas mahirap pala ito kumpara sa kaniyang inaasahan. Siguro, mas naging payapa ang isip at puso ni Yvonne kung narinig niya kay Dra. Meffor na may malubha siyang sakit. Mas naging payapa sana ang kaluluwa ni Yvonne kung nalaman niyang may taning ang kaniyang buhay at hindi na siya magtatagal sa mundong ibabaw.Mas gugustuhin niya sanang marinig mula sa babaeng doktor ang isang masamang balita, kaysa marinig ang mga katagang binitawan nito kanina.“Yvonne?”Maingat na itinigil ni Agatha ang sasakyan sa gilid ng daan nang masulyapan niyang umiiyak si Yvonne.Tahimik ito, nakatulala lamang habang tumutulo ang mga luha sa maputla nitong pisngi. Para itong matigas na bato, walang kibo at hindi gumagalaw, ngunit ang tahimik nitong pagtangis ay nakakaalarma.The shock, fear, and disbelief were written all over her face, when the doctor delivered the news.Kahit si Agatha ay nagulat nang malaman niyang buntis si Yvonne. Ang alam niya, wala itong boyfriend. Wala itong kinikitang lalaki at walan
“I have to get rid of this. I h-have to abort it.” Dahan-dahan na lumayo si Yvonne sa kaniyang pinsan. Ang kaninang namumutlang mukha ay pulang-pula na ngayon. Basa ang kaniyang pisngi ng mga luha, mapula ang kaniyang ilong at mga mata. Ang kaniyang labi ay nanginginig sa takot. “I have to abort it, Agatha.” Sambit niya muli. Laglag ang panga ni Agatha. Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam ang sasabihin kay Yvonne. Nakikita niya ang desperasyon sa mukha ni Yvonne. Ang sakit sa mga mata nito’y sumusungaw. Nakita niya ang takot at pangamba. Ang pagkalito, ang pagtataka, ang panghihina— halo-halo ang emosyon na dumadaan sa mga mata ng kaniyang pinsan. “Von…” paos niyang tawag sa pangalan nito. “That’s a mortal sin.” Saglit na ipinikit ni Yvonne ang kaniyang mga mata. Parang may tumutusok sa kaniyang puso. There is guilt and hesitation. Ngunit ayaw niyang isipin pa iyon, dahil mas nangingibabaw ang galit at desperasyon sa kaniyang puso at isip. Bakit ganoon? Hindi ba’t binab
Nang manganak siya kay Akhil, bumalik si Yvonne sa pagthetheraphy. Hindi na ito umuuwi sa kanila dahil sa takot na baka masaktan nito si Akhil. Naniniwala ito na hindi ligtas ang kaniyang anak kapag mananatili si Yvonne sa kanilang puder. Pakiramdam palagi ni Yvonne ay magdudulot lamang siya ng panganib sa mga paslit. Kaya kahit sa malayo ay hindi nito matingnan si Akhil. Hindi nito kayang pakinggan ang tawa at iyak ng bata. Agad itong inaatake ng anxiety at parang nababalisa agad. Madalas ay nagkukulong ito sa kuwarto ar hindi na sa kanila nagpapakita. Nang hindi na nito makayanan ay nagpa-alam itong aalis muna para humingi ng tulong sa therapist nito. Nitong nakaraang buwan lang bumalik si Yvonne sa kanila. Hindi pa gaanong maayos ang babae kahit pa halos apat na buwan itong nawala para magtheraphy. Alam niyang malalim ang pinangggalingan nitong sakit kaya hindi niya pwedeng hayaan na lang mas lalong maexpose sa mas mahirap na sitwasyon ang kaniyang pinsan. "I know where yo
"You've already met him?" Tanong niya sa babae. Tumibok ng mabilis ang kaniyang puso at nanatiling malamig ang kaniyang palad. Hindi niya nakita si Archie sa labas. Pero dahil sa sinabi nito, mas lalo siyang naging kabado. Natahimik saglit ang babae. Hindi ito sumagot, ngunit ramdam niya na hindi na niya kailangan na marinig mula sa labi nito ang kasagutan sa kaniyang tanong. Nagkita na nga ang dalawa. "You know that this would happen, right?" Marahan niyang tanong. Huminga ng malalim si Anais bago pagod na pumikit. Umangat ang dibdib nito nang humugot ng malalim na hininga. "I know." Sagot nito pagkaraan. "But I couldn't let my fear control me, Agy." Mahina nitong sambit, tila nabibigatan. "For the past five years, I tried my best to overcome everything that once held me back. Ang tagal kong nagtago. Ang tagal kong natakot." Huminga na naman ito ng malalim. "But I was able to face him without showing much of my fear. I was able to fake my reaction when I saw him." Bumalin
Marahan siyang umiling. Alam niyang mabigat na naman ang loob nito. Ayaw niyang maramdaman muli ng babae ang parehong sakit na naramdaman nito noon, kaya hinaplos niya ng magaan ang likod ng palad nito bago maliit na ngumiti."I know how you feel now. Alam kong nag-aalala ka ng husto kay Coleen, but everything's fine now. Maayos na si Coleen, wala ka nang dapat na ipag-alala."Tumitig siya ng mabuti sa mga mata ni Anais. Gusto niyang makita nito ang sensiridad niya.Kung maaari lamang na pawiin ang lungkot at pagsisisi sa puso nito ay gagawin niya. Ngunit alam niya na kahit anong subok niya, hindi niya iyon magagawa, dahil tanging ito lamang ang mag kakayahan na gawin iyon. Si Anais lamang ang may kakayahan na itaboy ang lungkot sa puso nito at gamutin ang mahapding sugat na dala ng pagsisisi."And a failure doesn't define you as a person. It doesn't define you as a mother. Because motherhood is not a perfect thing. Kahit ako, I'm still learning how to take care of Akhil. May mga pagk
Samantalang kabado si Agatha nang makarating sa pasilyo ng private pediatric ward. Sa elevator pa lang ay hindi na siya mapakali kaya nagmamadali niyang tinahak ang pridadong silid ni Coleen .Naabutan niyang nasa labas si Rizzo at may kausap sa telepono.Nakita niyang tensyunado ang lalaki at mukhang hindi komportable sa taong kausap nito. Hinilot ng lalaki ang sintido bago bumuga ng hangin.Hindi man lang nito napansin ang kaniyang presensya."Dad, I know it's an important meeting. Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang ang anak ko. Coleen has a severe allergy reaction. She needs me now. I don't care about anything else, I just want to make sure that my daughter is safe."Saglit na natahimik si Rizzo, tila pinapakinggan ang sinasabi ng taong nasa kabilang linya."It's not her fault, Dad." Matigas na tugon nito pagkaraan."It's not her carelessness or my daughter's recklessness that caused this. Coleen is fond with furred animals, while Anais is unaware about Coleen's allergy w
Nang mawala sa kaniyang paningin si Agatha ay saka lamang siya bumalik sa kasalungat na pasilyo kung saan naghihintay si Archie sa impormasyon na ibibigay niya. Mabagal ang bawat niyang hakbang habang inaalala ang tensyunadong ekspresyon ng mukha ni Agatha.Bakit nga ba magiging tensyunado si Agatha?Wala naman siguro siyang nagawang kasalanan? Bulong niya sa hangin. Muli niyang naabutan si Archie na tulalang nakaupo sa bench. Malayo ang tingin nito at walang partikular na bagay na tinitingnan. Halatang malalim ang iniisip nito. Pagkalapit sa kaibigan ay naupo na siya sa katabing upuan nito. "The patient's name is Malia Coleen." Panimula niya para makuha ang atensyon ni Archie. At kagaya ng kaniyang inaasahan, mula sa pagkatulala, ay napaangat ito ng tingin sa kaniya. Napansin din sa wakas ang kaniyang presensya, at tila ngayon pa lamang naputol ang sumpa nito na matulala sa kawalan. "Malia Coleen Javier Galvez is her fulle name. She's still young. Her biological father is Riz
Pagkatapos na makuha ang impormasyon ng pasyente ay lumabas si Patrick para kausapin muli si Archie. Sigurado siya na hindi aalis ang kaniyang kaibigan hangga't hindi nito nakukuha ang gusto.At alam niya kung gaano kadesperado sa impormasyon ngayon si Archie.Alam niya ang pakiramdam nito ngayon. Dahil kagaya ni Archie, hindi rin siya mapakali noon nang malaman niyang may anak si Suzzane.Alam niyang kung may anak ito ay malaki ang tyansa na kaniya ang batang iyon.Ngunit kahit gaano kadesperado ang kaniyang kaibigan na makilala ang batang pasyente ay hindi niya maaaring hayaan na lamang itong gawin kung ano ang maisipan nitong gawin. Istrikto ang ospital. Malaking bagay ang privacy ng mga pasyente sa ospital na ito.Kaya kung papasok ito sa isang pribadong silid para lamang makita ang pasyente nang walang pahintulot mula sa pasyente o sa pamilya ng pasyenteng ay magdudulot lamang ng malaking gulo.Pabalik na siya sa upuan kung saan naghihintay si Archie, nang bigla siyang matigilan
Napahinga na lamang ng malalim si Patrick, alam niya sa kaniyang sarili kung ano ang tumatakbo sa isip ngayon ni Archie. Hindi nito maituloy ang gustong sabihin dahil magiging sinsitibo lamang ito pagpinag-usapan na ang tungkol sa pagkakaroon ng anak. Kahit hindi sabihin sa kaniya ng kaibigan, alam niyang nagsisisi ito ng husto sa nangyari noon kay Yvonne. Sinisisi pa rin nito ang sarili hanggang ngayon. Lalo pa at hindi lamang isang tao ang nawala sa buhay nito nang mangyari ang insidente noon. Nagdadalang-tao si Yvonne. Sabay na nawala sa kaniya ang kaniyang mag-ina. Dahil sa kagagawan niya. Kaya siguro ganito na lamang si Archie kung umakto. Maybe he’s thinking that he could also experience Greig’s luck. Maybe he's considering the idea that Yvonne is alive and the child also was able to survive. Sa kanilang tatlo, si Greig ang pinakamaswerte sa lahat. Kung kailan akala nila ay wala na talagang pag-asa na maging maayos pa ang buhay nito ay saka naman aksidenteng natagpuan ni
“What’s wrong with you?” Ibinaba ni Patrick ang dala-dalang chart at tinitigan ng matiim si Archie. Hindi nito napansin na nakalapit na siya dahil sa sobrang lalim ng iniisip. Sa malayo pa lang ay natanaw na niya si Archie. Sa laki ng katawan nito ay agad na mapapansin ang lalaki, lalo pa't mag-isa lamang ito sa mahabang upuan at nakatulala sa kawalan. Kung hindi niya kilala ang lalaki ay baka naisip na niyang wala na ito sa katinuan. Nang marinig nito ang kaniyang boses ay agad na tumayo si Archie at hinarap siya. Umawang ang bibig nito, ngunit halatang hindi alam ang sasabihin sa kaniya, kaya nagsalubong naman ang kaniyang kilay. He looks confused and f*ck*d. What happened? Bulong ng kaniyang isip habang pinagmamasdan ang reaksyon ng kaniyang kaibigan. “Hindi ka pa ba aalis? Kanina ka pa ah?” Sita niya sa kaibigan. Itinikom ni Archie ang bibig dahil sa kaniyang sinabi. Mahigit tatlong oras na ito sa may bench, naghihintay na mapadaan siya sa koridor para makapag-usap sila.
"I don't want to cause trouble—" "Then, don't do this." Putol agad sa kaniya ng babae. Nakita niyang nagtagis ang bagang nito bago matalim siyang tiningnan. "Don't trouble us. And if it's not too much, please, don't make a scene. I don't know you, and I don't even know why you want to take me when obviously I don't know you! May batang naghihintay sa amin. Kaya kung ayaw mo naman pala ng mangugulo, then let us go." Lumingon ito kay Rizzo at humawak sa braso. Hinila nito ang lalaki at tuluyan na naglakad. Walang siyang nagawa nang lagpasan na lamang siya ng babae at ni Rizzo pagkatapos niyang matulala dahil sa mga sinabi nito. Nanigas ang kaniyang katawan sa gulat at pagtataka. Hindi niya inaasahan na ganoon siya kakausapin ng babae. Oo at kamukhang-kamukha ng babae iyon si Yvonne, ngunit sa pananalita at kilos ay ibang-iba ito. This woman is fearless. She's cold and straight forward. She isn't afraid of anything. She's not afraid of me. Isip niya. Kung si Yvonne, alam niya