Share

Chapter 199: Flat

Author: Purplexxen
last update Petsa ng paglalathala: 2025-03-26 22:11:25
Dalawang oras nang nasa loob si Yvonne at hindi pa rin nila alam ang kalagayan nito. Dalawang doktor ang nagmamadaling pumasok sa emergency room para tulungan ang naunang doktor na tumitingin kay Yvonne.

Tulalang nakaupo si Archie sa mahabang upuan habang pabalik-balik si Agatha sa paglalakad at hindi pa rin mapakali.

Ilang minuto pa ang lumipas nang lumabas ang doktor.

“Who’s the patient's family here?” Tanong nito.

Agad na nag-angat ng tingin si Archie. Tumayo siya at akmang lalapit na
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (22)
goodnovel comment avatar
Mary Soriano Dineros
nakakainis ka tlaga archie kasalanan mo lahat to sad nman kong mamatay c yvone
goodnovel comment avatar
SKIBIDITOILETTE
Nakakainis ka Archie ikaw ANG may sala Kung bakit wala na si von
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
nakakaawa SI Yvonne
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 280

    Nalagpasan niya si Damian nang hindi siya nito napapansin. Kabado siya, ngunit pilit niyang ginawang normal ang paglalakad papunta sa laboratory room. Nasa front desk na siya ng laboratoryo, ibinigay niya ang pangalan ng pasyente at hiningi ang lab result na kailangan. Nang umalis ang attendant ay napatulala siya sa kawalan.. Tama ba siya ng narinig? May ilang tauhan na si Benjamin Galvez sa Norte at tila may natagpuan na itong clue sa paghahanap kay Anais— kay Yvonne. Maliit lamang ang Pilipinas, alam niya na kahit na anong tago ni Archie kay Yvonne sa isang liblib na lugar ay posible pa rin itong mahanap ng mga tauhan ng pamilyang Galvez. Mayaman din ang mga Galvez, maraming mga tauhan, at maraming pera na maaaring waldasin sa paghahanap sa isang babae. Nag-aalala siya sa maaaring mangyari kay Archie kung sakaling mahanap ito ng mga tauhan ni Benjamin Galvez. Alam niyang hindi basta-bastang isusuko ni Archie si Yvonne. Hindi nito ibibigay ang babae ng gano’n kadali. Marami

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 279

    Kung iisipin ng mabuti, wala sana ngayon si Archie sa kinauupuan nito kung hindi dahil sa kanilang mag-ama. Kung hindi nila ito tinulungan, hindi ito makababalik sa Pilipinas para makapaghiganti sa mga taong nagkasala rito at hindi sana nito mababawi ang buhay at katanyagan na tinatamasa nito ngayon. Akala niya, kapag naalis sa landas nila si Yvonne ay tuluyan nang mapag-iisa ang kanilang apelyido, yaman, at kapangyarihan. Isa na sana siyang Mrs. Garcia kung hindi lamang… nagbago ang isip ni Archie. Umalis si Jorge dala ang bago nitong misyon. Naiwan siyang mag-isa sa loob ng pribadong silid na kaniyang nirentahan para sa kanilang pagkikita. Natutulala pa rin siya at malamig pa rin ang kaniyang pakiramdam. Sa nakalipas na mga taon, pilit niyang isinantabi ang kahihiyan at sakit na idinulot sa kaniya ni Archie. Natutunan niya itong mahalin, ngunit kung kailan totoo na ang kaniyang nararamdaman para rito ay saka naman ito natakot na panagutan siya. Hindi ito sumipot sa kanilang kasal

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 278

    Hindi maintindihan ni Lindsy ang kaniyang nararamdaman habang pinagmamasdan ang mga larawan ni Archie. Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nasundan ng kaniyang tauhan si Archie sa isang probinsya sa Norte. Sa pribadong port bumaba ng sasakyan si Archie, at sumakay ito sa isang maliit na yate kasama ang ilang tauhan na naghihintay rito. Hindi na rin lingid sa kaniyang kaalaman na may ilang private island nang nabili si Archie. Ang ilan pa nga rito ay ginawang resort ng lalaki at ang ilan naman ay private vacation island nito. Ngunit dahil sa balitang dala ng kaniyang tauhan, nalalason ang kaniyang isip. “What were you trying to say?” Nagtaas siya ng kilay Jorge, ang lalaking nasa kaniyang harap. Maliit lamang ito. Patpatin at bansot kaya hindi maipagkakamaling ispiya o tauhan ng isang malaking kompanya at nagtratrabaho bilang freelance investigator. Ang totoo, dahil sa mga katangian nito kaya kinuha niya ang lalaki sa trabaho dahil alam niyang mahirap itong pagdudahan lalo pa’t

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 277

    Nang gabing ‘yon, isinarado ni Yvonne ang kaniyang pinto para hindi na muling makapasok si Archie sa kaniyang silid. Hindi rin siya bumaba para kumain ng hapunan. Maliban sa wala siyang ganang kumain, ayaw niya munang makita ang lalaki.Isang maiksing komprontasyon lang, parang bibigay agad ang emosyon niya, hindi niya kayang kontrolin kung anuman ang nararamdaman niya. Parang bumubuhos agad lahat. It’s overwhelming.Siguro dahil simula noong bumalik siya sa Pilipinas pilit niyang isinasantabi ang totoong nararamdaman. Nagpapanggap siya bilang ibang tao kaya hindi niya rin maipakita ang totoong emosyon bilang si Yvonne— ang galit, ang pagkamuhi, ang poot sa mga taong karapatdapat no’n. Pilit siyang nagpapanggap na hindi niya kilala si Archie at wala siyang nararamdaman para rito kaya pinipigilan niya ang kaniyang emosyon. Pilit niyang kinokontrol ang emosyon sa tuwing nagkikita sila upang hindi nito mahalata ang pagpapanggap niya. Kaya ang sandaling komprontasyon ngayon ay malaking

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 276

    “Maybe…” he answered. Slowly and painfully. Kahit na maririnig sa tono ng pagsasalita niya ang sakit ay hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha ni Archie. “Maybe I'm still a bad person. Gagawin ko lahat kahit pa marami ang madamay o kahit na may masaktan, kung ang kapalit no'n… makasasama ulit kita.” Natigilan si Yvonne. Nawala sa isip niya na kontrahin agad si Archie kapag sumagot ito sa kaniya. “Akala mo ba nakalimutan ko na ang ginawa ko sa'yo? It hunted me for years. It killed me a thousand times.” Ngumiti ng maliit si Archie ngunit hindi man lang nagbago ang lungkot at sakit sa mga mata nito. Hindi siya makapaniwala na pagkatapos ng mga pinagdaanan niya, mas magaan pala kapag sinabi niya ng harapan kay Yvonne ang lahat ng nararamdaman niya. Noon, sa mausoleum siya pumupunta at nagpapalipas ng gabi kapag pakiramdam niya hindi na kayang pawiin ng alak ang sakit na nararamdaman niya. Doon, magdamag niyang kinakausap ang libingan ni Yvonne, sa pag-aakalang tama ang

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 275

    Hindi siya makapagpahinga, dahil kapag humihiga siya naiipit ang kaniyang hita at medyo sumasakit iyon. Kaya naman, nakatayo lang siya sa harap ng bintana at tinatanaw ang labas ng bahay. Umuulan na naman. Madilim na naman ang kalangitan dahil sa paunti-unting buhos ng ulan. Kailan kaya gaganda ang panahon?Huminga siya ng malalim, naalala ang mga kasambahay at tauhan na hindi pa bumabalik sa isla. Ilang araw nang sila lamang dalawa ni Archie sa isla, walang ibang kasama. Kailan kaya babalik ang mga tauhan? Kapag maayos na ang panahon?Hanggang kailan si Archie sa isla? Hindi pa ba ito aalis?Magtatagal pa ba ito?Kinagat niya ang ibang lalabi. Hindi pa nga pala sila nakakapag-usap ni Archie tungkol sa pagdukot nito sa kaniya.Ano bang plano ng lalaking 'yon? Kagaya ng sabi ni Archie, pinagluto siya nito ng crab soup. Nagdala ito sa kaniyang kuwarto kasama na ang ibuprofen at tubig. “Kapag hindi nababawasan ang sakit, inumin mo ‘tong ibuprofen.” Bilin nito nang mailapag sa mesa

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 212: Institution

    Nang sumunod na araw, sinalubong siya ni Aira sa parking lot. Nakangiti itong bumati sa kaniya nang bumaba siya sa sasakyan."Good morning, Kuya Archie." Ngiting-ngiti ito sa kaniya.Ngumiti siya pabalik sa babae."Good morning din, Nurse."Binuksan niya ang backseat at kinuha ang lagayan ng specia

    last updateHuling Na-update : 2026-04-01
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 211.2: Wealth and Power

    May kaunting pag-asa sa puso ni Archie na unti-unting umuusbong. Iyon ang nagtutulak sa kaniya na hanapin ang babaeng nakita niya mula sa teresa. Gusto niyang makita ito sa malapitan at makausap kahit sa kaunting panahon lang. Gusto niyang makita ito. Gusto niyang makita ulit ito. Simula nang maki

    last updateHuling Na-update : 2026-04-01
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 211: Wealth and Power

    Sigurado si Archie sa kaniyang nakita. Hindi siya namamalik-mata at mas lalong hindi siya nagkakamali na nakita niya ang pamilyar na mukha ni Yvonne Santiago. Siya iyon, malinaw niyang natanaw mula sa terrace ng second floor ang babae.Pababa sa hagdan ay nagkasalubong niya ang ilang bisita, may il

    last updateHuling Na-update : 2026-04-01
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 210.3: Ghost

    Humugot ng malalim na hininga si Patrick. Would she allow that? Probably yes. Dahil hindi na rin naman makakapagsalita si Yvonne, kaya walang kokontra sa ideya ng kaniyang kaibigan. Teka. Hindi ba't ideya niya iyon? Hinilot niya ang kaniyang sintido. Sumasakit iyon dahil alam niyang siya a

    last updateHuling Na-update : 2026-04-01
Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status