INICIAR SESIÓNNanginig ang kaniyang kamay. Naalala niyang pinakansela ni Greig ang meeting nito kaninang hapon at umalis.
Ang suot ng lalaki sa litrato ay kaparehas ng suot ni Greig ng hapong iyon.
Ibigsabihin pinuntahan ni Greig ang dati niyang kasintahan para personal na sunduin ito?
Mariin siyang napapikit nang maramdaman ang pagsakit ng kaniyang puso. Parang isang malaking bato ang dumagan doon.
Itinipa niya ang numero ni Greig sa kaniyang cellphone ngunit ilang beses siyang nagkamali dahil sa panginginig nito.
Malalim siyang nagbuntong-hininga nang marinig na nagri-ring ang kabilang linya.
Ilang ring na ay hindi pa rin sumasagot ang kaniyang asawa kaya nauubusan siya ng pag-asa.
"Hello——"
Naestatwa si Ysabel nang marinig ang banayad na boses ng babae.
Muli niyang sinulyapan ang numerong tinawagan, tama naman siya. Numero iyon ni Greig.
“Hello?” Ulit ng babae sa kabilang linya.
Parang may kung anong nabasag sa kaniyang dibdib.
Mariin siyang napapikit nang maramdaman ang panghihina, kasabay nito ay ang pagsakit ng kaniyang tiyan.
Dahan-dahan siyang naglakad papuntang banyo at nasuka na lamang dahil sa pagkahilo.
Kung hindi niya pa nagawang bumalik sa kama ay tuluyan siyang nawalan ng malay sa banyo.
Madaling araw ay pinilit niyang bumangon. Laking pasasalamat niya na nawala na rin sa wakas ang pagsakit ng kaniyang tiyan at ang pagkahilo.
Maaga siyang pumasok sa trabaho kagaya ng nakasanayan.
Pagkatapos ng biglaang kasal, mas gusto ni Greig na sa bahay na lamang siya, pero ayaw niyang dumepende na lamang sa lalaki kaya pinilit niya itong papasukin pa rin siya sa trabaho.
Pinagbigyan naman siya ni Greig, pero kapalit nito ay ang pananatili niya sa tabi ng lalaki bilang second personal assistant nito. Sa kaniya inaatas ang pagtitimpla ng tyaa at kape o kaya'y pagsasalin ng tubig.
Dahil ang mga mabibigat na trabaho ay inuutos ni Greig sa personal assistant nitong si Christoff.
Tanging si Christoff lamang ang totoong nakakaalam sa namamagitan kay Greig at Ysabela. Maliban rito, wala ng ibang empleyado ang nakakaalam tungkol sa kanilang pagpapakasal.
Dagdag pa rito, ang opisina ni Greig ay tumatanggap lamang ng mga lalaking assistant kaya naman sa nakalipas na dalawang taon, tanging si Ysabela lamang ang nag-iisang babae na tinanggap sa puwesto. Kaya naman ang lahat sa kompanya ay nagkaroon ng haka-haka at sariling opinyon na may namamagitan sa kanilang dalawa ng CEO ng kompanya.
Ngunit sa paglipas ng panahon, nang makita nilang walang pagkakaiba ang trato ni Greig sa kaniya at sa mga empleyado ng kompanya ay kinamuhian na siya.
Sa isip nila'y maganda lamang si Ysabela kaya pinaburan ng CEO, ngunit hindi sapat ang pagiging maganda lang.
“Miss Ledesma?”
Mula sa kaniyang laptop ay nag-angat siya sa kasamahang pumukaw sa kaniyang atensyon.
“Pakidala naman nitong mga dokumento sa opisina ni Sir,” pilit ang ngiti ng babae.
Tiningnan niya ang mga folder na dala ng babae. Maliit na ngiti ang iginawad niya rito bago ito tanggapin.
“Sure.”
Kagabi ay hindi umuwi si Greig, nakatulugan na lamang niya ang paghihintay.
Kung hindi pa siya napagod sa pag-iisip ay talagang mananatili siyang gising hanggang mag-umaga. Hanggang ngayon ay bumabagabag pa rin sa kaniya ang babaeng sumagot sa kaniyang tawag.
Kung hindi umuwi si Greig kagabi, malamang ay kasama nito ang babae sa magdamag.
Muli ay naramdaman niya ang pagkurot ng maliit na kamay sa kaniyang puso.
May kutob siyang alam na niya ang mga kasagutan sa mga tanong na iyon, pero natatakot ang puso niyang alamin o aminin iyon.
Siguro nga ay may mga taong kailangan masampal para magising sa katotohanan.
Pinakalma niya ang sarili bago tumuloy sa opisina ni Greig. Sa isip niya'y kahit anong mangyari, kailangan niyang maging kalmado dahil hindi siya nagtiis ng sampung taon na tahimik na minamahal ang lalaki para mapunta lang sa wala ang paghihirap na ‘yon.
Pumasok siya sa elevator dala ang mga dokumento na dadalhin sa opisina ni Greig. Nang makarating sa tamang palapag, mabilis niyang sinuklay ang kaniyang buhok upang masigurado na maayos siyang tingnan kapag makaharap niya ang lalaki.
Nang matapat sa pinto ng opisina ay plano niya sanang kumatok muna bago pumasok pero natigil siya nang marinig ang pamilyar na boses.
“May gusto ka ba kay Ysabel?”
Bahagyang nakabukas ang pinto kaya naririnig niya ang boses galing sa loob ng opisina.
Kumunot ang kaniyang noo, ang pamilyar na boses ay galing kay Patrick, matalik na kaibigan ni Greig.
"What do you want to say?"
Malamig ang boses ni Greig, tila hindi natutuwa sa tanong ng kaibigan.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Patrick, “Tingin ko maayos naman si Ysabel, pero hindi kagaya niya ang tipo mo. Hindi ba?”
“So, what do you want? I'll introduce her to you?”
Halos kaswal ang pagkakasabi noon ni Greig.
Napaatras siya
"Forget it." Mabilis na tugon ni Patrick.
Ang mapanlait na tawa ni Patrick ang sumunod na pumuno sa opisina. Mas lalong nagsumikip ang dibdib ni Ysabel. Umaalingawngaw sa kaniyang pandinig ang masakit sa tainga na tawa ng lalaki.
Kung pag-usapan siya ng dalawa ay para lamang silang nag-uusap tungkol sa isang materyal na bagay.
Mas lalo naging mahirap para kay Ysabel ang paghinga, parang may bumabara sa kaniyang lalamunan. Humigpit ang hawak niya sa dalang dokumento, at ang mga palad niya'y tila nanlamig.
Pagkaraan ay muli niyang narinig ang boses ni Patrick.
“Ikaw ang tinutukoy sa balita tungkol kay Natasha, ano?”
"Yeah."
"Gagawin mo talaga ang lahat para sa ikakasaya ni Natasha, kahit ano gagawin mo para sa kaniya."
Nagbuntong-hininga si Patrick at natatawa na namang muli.
“Magkasama kayo kagabi ni Natasha. Totoo nga yata na ang saglit na pagkakahiwalay ay mas makakabuti kaysa mabilisang pagpapakasal.”
Parang may kidlat na tumama sa ulo ni Ysabel nang marinig iyon.
Namutla siya at nanlamig ang buong katawan.
Ang saglit na pagkakahiwalay ay mas makakabuti kaysa mabilisang pagpapakasal.
Parang bawat kataga ay gumuguhit ng bagong sugat sa kaniyang puso. Malalim ang bawat sugat na ‘yon.
Samu't saring ideya ang pumapasok sa isipan ni Ysabel dahilan para muli siyang makaramdam ng pagkahilo. Wala na siyang marinig kaya ipinikit niya saglit ang mga mata.
Nagbabadya ang mga luha sa sulok ng kaniyang mga mata.
Mukhang maling desisyon ang pagpunta niya rito. Isang beses pa siyang umatras at handa nang umalis nang biglang bumukas ang pinto.
“Ysabel?”
Inooperahan si Rizzo. Nawawala si Yvonne.Parang mababaliw na si Agatha habang sinusuyod ang lahat ng sulok ng ospital. Nagkakagulo rin ang mga empleyado dahil sa nangyari, lalo pa't narinig nila na inaatake ng panic attack ang babae kaya dapat ay isusugod ito ni Dr. Roa sa Emergency room. Ngunit bigla na lamang itong nawala, ay si Dr. Roa naman ay natagpuan na lamang nilang walang malay sa pasilyo.Wala ang mga tauhan ni Klaus dahil abala ang mga iyon sa pag-iimbestiga sa nangyari sa planta at malaking bodega. Sila lamang ni Klaus ang nasa ospital.Pagkatapos nilang maireport ang pagkawala ni Anais, agad na pinatawag ng security head and lahat ng kaniyang mga tauhan at inutusang suyurin ang buong ospital upang mahanap si Anais.Ngunit kahit ano'ng hanap nila ay hindi pa rin matagpuan ang babae.Kapag napapatigil si Agatha, naiisip niyang may kakaiba. Hindi kaya sinadya ito? Their men were busy. She's unfocused. And Klaus, he's unaware.Paano kung noong una pa lang, ito na talaga ang
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Yvonne. Umawang ang kaniyang bibig at sunod-sunod na malalalim na hininga ang pinakawalan niya. Sumisikip ang kaniyang dibdib. "Anais?" Ang nag-aalang boses ni Agatha ang saglit na pumukaw sa kaniya. Nilingon niya ang babae at saka niya napagtanto na nanlalabo ang paningin niya. Malamig ang kaniyang mukha ngunit pinagpapawisan ang kaniyang noo. "D*mn it! Call a doctor, Klaus!" Bago pa siya bumagsak, nahawakan siya ni Klaus. Inalalayan siya nito. "What's going on?" Binuhat siya ni Klaus papunta sa mahabang upuan habang pinipilit niyang huminga ng normal ngunit walang hangin na pumapasok sa kaniyang baga. "Von. Von." Ang mahina at nagsusumamong boses ni Agatha ang bumubulong sa kaniya. Kumurap siya, hindi alam na nagpapanic attack na pala siya. Hindi niya maintindihan ang mga nangyayari. Ang tanging alam niya lamang ay nahihirapan siyang huminga at malabo ang kaniyang paningin. Madalas na lumitaw sa kaniyang isip ang kulay pula— ang kulay
“We don’t know it yet. Pinaiimbestigahan ko na ang nangyari sa planta at sa bodega. Ang nangyari kay Rizzo, hindi ko pa sigurado, pero tingin ko ay aksidente lamang.” Pumikit si Yvonne. Mas matatanggap niya pa kung aksidente lamang ito, dahil kung may sadyang gumawa nito kay Rizzo ay hinding-hindi niya mapapatawad. Sisiguraduhin niyang hindi niya ito palalagpasin. Pagkarating nila sa ospital ay agad na tumakbo papunta sa operation room si Klaus. Nakasunod sila ni Agatha at pilit binibilisan ang lakad para masundan si Klaus. Dala-dala niya sa maliit na duffle bag ang mga gamit ni Rizzo. Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang tibok ng kaniyang puso, at sa mahinang boses ay ibinubulong niya ang panalingin na sana’y maayos lang ang kalagayan ni Rizzo. Sa labas ng operation room ay nakatayo ang sekretaryo ni Klaus. “Lumabas na ba ang doktor?” Umiling ang sekretaryo sabay sulyap ng tingin sa kanila. Ang suot na polo shirt ng sekretaryo ay duguan rin. Napaiwas ng tingin si Yvonne. Hind
Alas dyes na ng gabi, ngunit hindi pa rin umuwi si Rizzo at Klaus. Nasa sala pa rin siya, naghihintay, samantalang si Agatha ay kanina pa umakyat sa kuwarto para patulugin si Akhil.Si Coleen ay kanina pa natutulog. Wala pa rin siyang natatanggap na text galing kay Rizzo. Gusto niya sanang tawagan ang numero nito, lalo pa't parang kanina pa siya hindi mapakali. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang nararamdaman, ngunit hindi siya mapirmi sa paghihintay na lang.Kahit paano’y nag-alala siya sa mga nangyayari. Biglaan ang pag-alis nito at hindi na nasabi sa kaniya ang dahilan. Hindi niya naitanong kung kailan ito uuwi. Madalas ay hindi siya naghihintay, hinahayaan niya lamang na magtagal si Rizzo sa trabaho nito. Ngunit ngayon, may kakatuwang emosyon na nagpapaligalig sa kaniya. She went straight to the kitchen. Isang tasang kape na ang kaniyang naubos at sapat na iyon para manatiling gising ang kaniyang diwa. Hinugasan niya ang tasa at ibinalik sa lalagyan nito bago siya bumalik sa s
Dahil sa nangyari, nagpasya si Yvonne na manatili na muna sa bahay kasama si Coleen. Hindi na niya naisip na bumalik pa sa store. Samantalang si Rizzo ay bumalik sa kompanya dahil sa biglaang problema. Hindi na niya natanong si Rizzo kung ano ang biglaang suliranin na dumating dahil nagmamadali itong umalis kasama si Klaus. Yvonne stayed in her room with Coleen. Nakatulog ang batang babae sa kaniyang kama kaya tinabihan niya ito pansamantala. Hindi niya namalayan na nakatulog din pala siya. Palubog na ang araw nang bumangon siya. Natagpuan niyang bakante na ang kaniyang kama at wala na si Coleen sa kaniyang tabi kaya dahan-dahan siyang bumaba para hanapin ang bata. Sa sala ay naabutan niyang nakasalampak sa carpeted floor si Coleen at nilalaro si Akhil na ngayon ay binabantayan ng mga katulong. Saglit siyang natigilan at pinagmasdan ang nakangiting mukha ng batang babae habang pinapakita nito kay Akhil ang hawak na laruang truck. “See this, Akhil? This is a truck. A truck.” Maliga
Nakatulog si Coleen sa sasakyan kaya nang makarating sila sa bahay ni Klaus ay kinailangan na buhatin ang bata para madala ito sa kuwarto ni Yvonne. Buhat-buhat ni Rizzo ang anak, samantalang tahimik na nakasunod si Yvonne sa lalaki. Tahimik silang pareho at kapwa mabigat ang kanilang mga dibdib. Sinalubong sila ni Agatha nang makapasok sa bahay. Puno ng pagtataka ang mga mata nito, ngunit walang namumutawing salita sa bibig ng babae. Alam niya na pinipigilan ni Agatha na magtanong sa kaniya kaya malungkot na lamang niyang nginitian ang kaniyang pinsan. “Dadalhin lang namin sa taas si Coleen.” Paalam niya sa babae. Tumango ito at hindi na sumunod sa kanila ni Rizzo. Sinundan na lamang sila ng tingin ni Agatha nang umakyat sila sa hagdan. She opened the door to her room. Pumasok naman si Rizzo at maingat na dinala sa kama si Coleen. Naglakad naman siya palapit para silipin ang batang babae. Nang mailapag sa kama ang bata ay humikbi ito. May luha pa rin sa gilid ng mga mata nito,







