Beranda / Romance / Fake Marriage With The CEO / Chapter 1: Pregnancy

Share

Fake Marriage With The CEO
Fake Marriage With The CEO
Penulis: Purplexxen

Chapter 1: Pregnancy

Penulis: Purplexxen
last update Terakhir Diperbarui: 2024-09-03 06:57:57

“Congratulations, you are pregnant!”

Hindi pa rin mawala sa isip ni Ysabela ang balitang iyon galing sa doktor. Napapatulala na lamang siya sa tuwing sumasagi iyon sa kaniyang isip.

Napakurap siya nang maramdaman ang mahinang pagkurot sa kaniya ni Greig.

“What are you thinking about?”

Muli siyang napakurap, hindi niya alam na malalim na naman ang kaniyang iniisip. Ngunit bago pa man siya makasagot ay hanawakan na ng lalaki ang kaniyang batok at siniil siya ng mariing h*l*k.

Pagkatapos ng h*l*k na iyon ay tumayo ang lalaki at naiwan siya roon habang sinusundan ito ng tingin papuntang banyo. Paano nito nagagawang maglakad palayo pagkatapos siyang lunurin sa h*l*k?

Nanghihina siyang napahiga sa kama. Pakiramdam niya'y naubos ang kaniyang lakas, basa rin ang kaniyang buhok dahil sa pawis at kitang-kita ang pagod sa kaniyang mukha.

Pagkaraan ay napagdesisyunan niyang tumayo para kunin ang pregnancy report sa kaniyang drawer. 

It was all unexpected, kaninang hapon ay pumunta siya sa ospital para magpacheck-up dahil madalas sumakit ang kaniyang tiyan.

Nang lumabas ang resulta ay mas lalo lamang siyang nabigla. She's almost five weeks pregnant.

Hindi niya kailanman naisip ang posibilidad na mabuntis.

Alam niyang naging maingat siya sa bagay na ito. 

Kinagat niya ang ibabang labi nang may maalalang insidente na maaaring naging dahilan ng kaniyang pagbubuntis.

Noong nakaraang buwan ay isang malaking selebrasyon ang nakaganap sa kompanya, pagkatapos ng pagtitipon ay ihinatid siya ni Greig sa bahay.

Akala niya'y babalik din ang lalaki sa kompanya pero nang nasa may pintuan na sila ay marahan itong bumulong.

“Is it a safe period?” Napapaos nitong bulong.

Nasapo niya ang kaniyang noo. Safe period isn't safe at all!

Naibaling niyang muli ang mga mata sa pintuan ng banyo, naririnig niya ang lagaslas ng tubig galing doon. Nasa loob ang kanyang asawa, na lihim na kasal sa kaniya sa loob ng dalawang taon, at ang kanyang agarang amo, si Greig Rain Ramos, ang CEO ng Ramos Group of Company.

Bago pa lamang siya sa kompanya ng lalaki nang may mangyari sa kanila dahil din sa kalasingan.

Pagkaraan ay nagkaroon ng malubhang sakit ang Lolo ni Greig, dahilan para ayain siya nito ng pekeng kasal upang matupad ang hiling ng matanda na makita siya nitong maikasal at bumuo ng pamilya bago mawala.

Ang dalawa ay pumirma ng prenuptial agreement, dokumento para sa sekretong kasal, na maaari ring mapawalang-bisa sa anumang oras.

Kailanman ay hindi niya naisip na maaari niyang pakasalan ang lalaki maging sa panaginip man. Sa walong taon na lihim niya itong minahal ay hindi na siya nag-alangan pang pumayag sa inaalok nito.

Pagkatapos ng kanilang kasal ay mas lalo lamang naging abala si Greig, at halos buong buwan itong hindi nagpakita.

Ganoon pa man, walang naging ibang babae ang kaniyang asawa. Sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama ay walang nangyaring eskandalo.

Maliban sa pagiging malamig ni Greig, ay talagang perpekto na itong asawa.

Kagat ang ibabang labi ay pinagmasdan niya ang pregnancy test sa kaniyang kamay. Hindi pa rin siya mapakali.

Kailangan malaman ni Greig ang kaniyang pagbubuntis.

Bumuntong-hininga siya. Ngayon ay buo na ang kaniyang loob, aaminin niya sa lalaki ang kaniyang pagdadalang-tao ganoon din ang katotohanan na hindi noong nakaraang dalawang taon ang una nilang pagkikita.

Dahil sampung taon na niyang lihim na minamahal ang lalaki.

Unti-unting humina ang buhos ng tubig galing sa banyo. At kagaya ng kaniyang inaasahan, lumabas si Greig.

Ngunit tanging ang puting tuwalya lamang ang tamad na nakapulupot sa bewang nito. Pagkalabas pa lamang ng lalaki ay tumunog na ang cellphone nito. Kumunot ang kaniyang noo nang makitang tumuloy ito sa balkonahe para roon sagutin ang tawag.

Wala sa sariling sinulyapan niya ang oras at nakitang maghahating-gabi na.

Mas lalo lamang siyang nagtaka. Sino ang pangahas na tatawag sa ganitong oras?

Pagkatapos ng tawag ay bumalik muli si Greig. Walang pag-aalangan nitong tinanggal ang nakapulupot na tuwalya sa bewang.

Tahimik na napasinghap si Ysabel. Noon pa man ay napakaganda na ng katawan ng lalaki, may malinaw na mga umbok ng kalamnan sa tiyan, matigas at malalakas na kalamnan, mahahabang binti at balakang, at sobrang sexy tingnan.

Kahit pa ilang beses niya nang nakita ang katawan ng lalaki ay hindi pa rin natitigil ang puso niya sa paghuhurimintado. Namumula pa rin ang kaniyang pisngi at umiinit ang kaniyang tainga.

Tumuloy ang lalaki sa tukador para kumuha ng bagong damit. Ngunit laking pagtataka niya nang makitang puting long sleeve at itim na trousers ang kinuha nito.

Kahit sa simpleng kilos ay para bang napaka-eleganteng tingnan ni Greig. Walang kapintasan dahil sa mala Greek god nitong anyo.

"Go to bed early."

Ibig bang sabihin nito ay aalis siya?

Nakaramdam ng kaonting pagtatampo si Ysabel. Unti-unti niyang tinago sa kaniyang palad ang hawak na pregnancy test report.

Pagkatapos ng ilang sandaling pag-iisip ay hindi niya napigilang hindi tumutol.

“Gabi na masyado, aalis ka?”

Saglit na natigilan si Greig habang inaayos ang puti nitong long sleeve. Nilingon siya ng lalaki.

Sa paghakbang pa lamang nito palapit ay muli na naman siyang kinabahan. Mas lalo lamang nagwala ang kaniyang puso nang haplusin nito ang kaniyang pisngi.

“Ayaw mo bang makapagpahinga ngayong gabi?”

Dahil sa sinabi nito ay mabilis siyang pinamulahan. Ngunit bago pa man siya makasagot ay tumalikod na ito para kunin ang susi ng sasakyan.

“Be good, I have something else to do, don't wait for me."

Pagkatapos nito ay tuluyang naglakad palayo ang lalaki.

“Greig.”

Sinubukan niya pa itong habulin. Humarap ito sa kaniya at ang matalim nitong mga mata ang siyang bumungad sa kaniya.

“What's wrong?” Malamig nitong tanong.

Pakiramdam niya ay may bumara sa kaniyang puso kaya mahina niyang naisatinig ang tanong.

“M-maaari mo ba akong samahan bukas sa pagbisita kay Lola?”

Matagal nang may sakit ang kaniyang Lola, at may pakiramdam siyang magiging maayos kahit paano ang kalagayan nito kung sakaling ipakilala niya si Greig sa matanda.

"Let's talk about it tomorrow." Sagot ng lalaki.

Tiningnan niya ang blangko nitong ekspresyon. Hindi niya makita ang pagtutol sa mukha nito, pero wala rin ang pagsang-ayon rito.

Ikinuyom niya na lamang ang palad at marahan na tumango.

Tuluyang umalis si Greig at naiwan siyang mag-isa sa bahay. Naroon pa rin ang bigat sa kaniyang dibdib kaya napagpasyahan niyang maligo para maibsan iyon.

Ngunit hindi man lamang siya dinalaw ng antok.

Pagod siyang tumayo para magtungo sa kusina. Kailangan niya ng gatas, baka makatulung iyon para dalawin siya ng antok.

Muli niyang tiningnan ang cellphone para makita ang oras, pero ang unang bumungad doon ay balita galing sa isang website.

Hindi naman siya intresado sa bagay na iyon at plano na sanang baliwalain na lamang iyon ngunit nahagip ng kaniyang mga mata ang isang pamilyar na pangalan kaya wala sa sariling pinindot niya ang link.

Famous celebrity Natasha Entrata, returned to Philippines and appeared at the airport with her mysterious boyfriend.

Sa litrato ay makikitang pilit na tinatago ni Natasha ang kaniyang mukha sa suot nitong itim na hoodie, at ang kasama nitong lalaki ay kapansin-pansin kahit sa malabong kuha ng litrato.

Tila sinipa ang kaniyang puso nang makita ang matikas na anyo ng lalaking katabi

ni Natasha.

Mas lalo niyang pinalaki ang litrato at pinakatitigan ang lalaki.

Hinding-hindi siya magkakakamali.... Si Greig iyon.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Irene Cineta
next episode
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
kawawa Naman SI Ysabella sana sinabi mo na buntis ka
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 241

    Dahil sa nangyari, nagpasya si Yvonne na manatili na muna sa bahay kasama si Coleen. Hindi na niya naisip na bumalik pa sa store. Samantalang si Rizzo ay bumalik sa kompanya dahil sa biglaang problema. Hindi na niya natanong si Rizzo kung ano ang biglaang suliranin na dumating dahil nagmamadali itong umalis kasama si Klaus. Yvonne stayed in her room with Coleen. Nakatulog ang batang babae sa kaniyang kama kaya tinabihan niya ito pansamantala. Hindi niya namalayan na nakatulog din pala siya. Palubog na ang araw nang bumangon siya. Natagpuan niyang bakante na ang kaniyang kama at wala na si Coleen sa kaniyang tabi kaya dahan-dahan siyang bumaba para hanapin ang bata. Sa sala ay naabutan niyang nakasalampak sa carpeted floor si Coleen at nilalaro si Akhil na ngayon ay binabantayan ng mga katulong. Saglit siyang natigilan at pinagmasdan ang nakangiting mukha ng batang babae habang pinapakita nito kay Akhil ang hawak na laruang truck. “See this, Akhil? This is a truck. A truck.” Maliga

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 240

    Nakatulog si Coleen sa sasakyan kaya nang makarating sila sa bahay ni Klaus ay kinailangan na buhatin ang bata para madala ito sa kuwarto ni Yvonne. Buhat-buhat ni Rizzo ang anak, samantalang tahimik na nakasunod si Yvonne sa lalaki. Tahimik silang pareho at kapwa mabigat ang kanilang mga dibdib. Sinalubong sila ni Agatha nang makapasok sa bahay. Puno ng pagtataka ang mga mata nito, ngunit walang namumutawing salita sa bibig ng babae. Alam niya na pinipigilan ni Agatha na magtanong sa kaniya kaya malungkot na lamang niyang nginitian ang kaniyang pinsan. “Dadalhin lang namin sa taas si Coleen.” Paalam niya sa babae. Tumango ito at hindi na sumunod sa kanila ni Rizzo. Sinundan na lamang sila ng tingin ni Agatha nang umakyat sila sa hagdan. She opened the door to her room. Pumasok naman si Rizzo at maingat na dinala sa kama si Coleen. Naglakad naman siya palapit para silipin ang batang babae. Nang mailapag sa kama ang bata ay humikbi ito. May luha pa rin sa gilid ng mga mata nito,

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 239

    Pagkarating sa bahay ng mga magulang ni Rizzo ay dali-daling lumabas ng sasakyan ang lalaki. Samantala, dahan-dahan naman na lumabas ng sasakyan si Yvonne para sumunod sa kaniyang fiancé. Ngunit nasa bulwagan pa lang siya ng mansion ay naririnig na niya ang sigawan mula sa malayong kusina ng malaking mansion ni Damian Galvez.“That's enough, Mom. I’m taking Colleen home now!”“Rizzo!”Buhat-buhat ni Rizzo ang anak nito nang lumabas galing sa kusina. Nakasunod sa lalaki ang ina nitong si Filomena na bakas sa mukha ang labis-labis na pag-aalala at ang pangamba. Sa likod naman ni Filomena ay isang babae na hindi gaanong pamilyar sa kaniya.“Rizzo, they're just kids. Natural sa mga bata ang nag-aaway minsan.” Saad ng babae.Tumigil sa paglalakad si Rizzo at lumingon sa dalawang babae. Nakatikod na sa kaniya ang lalaki, kaya’t naiharap naman sa direksyon niya si Coleen. Nakita niya si Coleen na kahit sa malayo ay kapansin-pansin ang pasa at galos nito sa pisngi.“Your son is older than my

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 238

    Pagkatapos ng kanilang lunch ay tumuloy naman sila ni Rizzo sa paghahanap ng condo unit. Mayroong mga condo, hotel at villa ang pamilya ni Rizzo, ngunit dahil sa naging lamat sa relasyon ng lalaki sa pamilya nito ay naisipan nito na bumukod na lamang sila at hindi na umasa sa tulong ng mga Galvez lalo na sa mga magulang nitong si Damian at Filomena. “May nahanap na condo unit si Dennis, tatlo sa nagustuhan niya ay naaprubahan ko rin kaya iyon na muna ang pupuntahan natin para kung sakali na magustuhan mo ay makapagclose-deal na agad tayo.” Masuyong ngumiti si Rizzo sa kaniya. Nasa passenger seat siya ng kaniyang sasakyan, samantalang ito naman ang nakaupo sa driver seat at nagmamaneho. Komportable ito sa kinauupuan at tila hindi alintana ang kaniyang presensya. Noon ay hindi siya nasasanay na magkasama sila ni Rizzo sa masikip na lugar, naiilang siya at hindi magawang maging komportable, ngunit mabuti na lamang at nasasanay na siya kahit paano sa presensya ni Rizzo. Nariyan pa ri

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 237

    "Dad joined us in the meeting." Ngumiti ng maliit si Rizzo. Hindi iyon umabot sa kaniyang mga mata. "Well, he's thinking that you could work under the architectural team of our construction firm." Tuloy niya. Bahagya na umawang ang bibig ni Yvonne. Hindi siya agad nakapagsalita sa tinuran ni Rizzo. Ilang sandali bago siya napaiwas ng tingin at dahan-dahan na umiling. "Tingin ko hindi dapat na sa linyang iyan ang magiging trabaho ko." Sagot niya. Naramdaman naman agad ni Rizzo ang mabilis na pagbabago ng kaniyang mood. Napatitig ito sa kaniya at marahan na nag-buntonghininga. "I'm sorry." He said. "Naisip lang siguro ni Daddy na ialok sa’yo na magtrabaho sa construction firm dahil... doon ka magaling." Nanlamig ang sikmura ni Yvonne. Hindi siya makapag-angat ng tingin kay Rizzo. Hindi niya gustong pag-usapan ito, ngunit alam niya na ginagawa lamang ito ni Rizzo para bigyan siya ng pagkakataon na pumili kung anong negosyo o trabaho ang gusto niyang hawakan. Tama nga naman si Ri

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 236

    Dahil hindi na makapagpokus sa kaniyang trabaho, nagpasya na lamang siyang tumigil na muna upang pakalmahin ang kaniyang sarili. Inilapat niya ang likod sa swivel chair at dahan-dahan na bumuga ng hangin na kanina ay pumupuno sa kaniyang baga. Mabigat ang kaniyang paghinga, masikip ang kaniyang dibdib at nanginginig pa rin ang kaniyang mga kamay. Ngunit nakakabawi na siya. Thanks god, unti-unti na rin na humuhupa ang biglaang atake ng anxiety. Hindi niya gustong humarap kay Rizzo na nagpapanic pa rin. As much as she wanted to, gusto niyang patunayan din sa kaniyang sarili na nakokontrol na niya ang kaniyang emosyon. Mapagtatagumpayan niya ito. Magiging maayos din siya. Lumipas ang ilang minuto— oras marahil, dahil hindi na niya nasundan ang oras— naging maluwag na ang kaniyang paghinga at nawala na ang tila ulap sa kaniyang ulo na nagiging sanhi ng paglabo ng kaniyang pag-iisip. Nang maayos na kahit paano ang kaniyang pakiramdam, hinila niya ang isa sa mga hunos ng kaniyang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status