Bumungad sa pinto si Patrick, mukhang paalis na ang lalaki.
Mariin na ikinuyom ni Ysabel ang kaniyang kamao at pilit na itinago ang totoong nararamdaman. Bahagya siyang yumuko bilang pagbati.
“Good morning, Mr. Roa.”
Hindi na niya hinintay na batiin siya pabalik ng lalaki, nilagpasan niya ito at tumuloy sa lamesa ni Greig para dalhin ang dokumento.
Matuwid na nakaupo sa swivel chair ang kaniyang asawa. Mas lalo itong naging matipuno sa suot na formal attire.
Pinasadahan niya saglit ang suot nito, hindi ito ang suot ni Greig kagabi nang umalis.
Dahan-dahan siyang nag-iwas ng tingin, mas lalo lamang lumubog ang kaniyang puso.
“Kailangan ang pirma niyo sa mga dokumentong ito, galing ito sa marketing department... Sir.”
Halos pabulong na lamang ang huli niyang salita.
Inabot ng lalaki ang mga dukomento at mabilis na pinirmahan ang mga pahinang kailangan ng pirma. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito nang ibalik sa kaniya ang mga dukomento.
Tinanggap naman niya iyon at mabilis na tinalikuran ang lalaki. Nasa may pintuan pa rin si Patrick at mukhang hindi makapaniwalang naroon siya.
Nang makapasok siya sa elevator ay saka lamang nakabawi ang lalaki.
Humarap ito kay Greig at napamura.
“F**k, tingin mo ba narinig ni Ysabela ang pag-uusap natin?”
Malamig na tingin lamang ang ipinukol ni Greig sa kaibigan.
Noon pa man ay talagang maamo si Ysabela at kahit kailan ay hindi nakaramdam ng panibugho. Alam niyang hangga't maayos ang ipinakita niyang ugali kay Greig ay hindi siya nito pagmamalupitan.
Pagpasok ng elevator ay itinagilid niya ang kaniyang ulo, ayaw niyang tumulo ang mga nagbabadyang luha sa sulok ng kaniyang mga mata. Ngunit kahit anong pigil ay nagsitulo pa rin ito. Mabilis niya naman iyong pinalis.
Akala niya'y sapat na ang dalawang taon nilang pagsasama para makita ni Greig ang pagmamahal niya. Akala niya'y sapat na iyon para makita ng lalaki ang kabutihan niya, ang pagmamalasakit niya rito, at ang pag-aalaga niya rito.
Pero kahit anong gawin niya, hindi niya magagawang higitan o pantayan man lang ang dati nitong kasintahan.
Bumukas ang pinto ng elevator kaya huminga siya ng malalim. Maputla ang kaniyang mukha at may bahid pa ng luha ang sulok ng kaniyang mata.
Pinilit niya ang sarili na bumalik sa normal, tuloy-tuloy ang lakad niya papunta sa pantry. Kailangan niya ng tyaa pang-alu sa sarili.
Break time na rin kaya ang ilan ay nakatambay muna sa pantry.
“Nakita niyo na ba ang balita? Bumalik na pala si Natasha Entrata sa Pilipinas.”
“Sino ‘yon?”
Nasulyapan niya ang grupo ng mga empleyado na mukhang hindi napansin ang pagpasok niya dahil nasa may pinakasulok.
“Hindi mo kilala si Natasha? Celebrity personality iyon! Anak ni Luis Entrata, ang may ari ng Entrata Group of Company. Ang alam ko senior designer na siya ngayon.”
“Anong meron sa kaniya?”
“Siya lang naman ang una at tanging naging girlfriend ng CEO natin,” may pagyayabang na saad ng isang babaeng empleyado.
“Tanging si Natasha lang ang nabalitang girlfriend ni Sir Greig, at kahit kailan hindi itinanggi ni Sir Greig ang relasyon nila. Ang sabi-sabi first love iyon ni Sir.”
“Talaga? Hindi ba balita sa kompanya na may kung ano kay Sir Greig at Miss Ledesma? Iyong assistant.”
“Kay Ysabela? Naku! E, mukhang ka-fubu lang naman iyon ni Sir Greig. Tyaka, wala namang sinabi si Sir Greig na may namamagitan sa kanila, ‘di ba? Huwag niyo nga masyadong palakihin ang ulo ng babaeng iyon, kung ituring mo pa naman ay parang asawa na ng boss natin. Huwag kang papauto ro’n!”
Sarkastikong ngiti ang gumuhit sa labi ni Ysabela nang marinig ang usapan ng mga empleyado. Pakiramdam niya mas nakikita ng mga tao sa paligid niya ang totoo kaysa sa kaniya.
Mukhang tuluyan na siyang binulag ng pagmamahal niya kay Greig.
“Look who's here.”
Mahinang tawa ang narinig niya sa kaniyang likod.
"Hey, has the CEO's wife woken up from her dream?"
Nilingon niya kung sino iyon. Bumungad sa kaniyang paningin si Danica. Pinsan ito ng kaniyang asawa pero noon pa man ay hindi na sila magkasundo ng babae.
Bakas sa mukha nito ang pang-aasar, mukhang narinig din ng babae ang usapan ng mga empleyado.
Wala siyang lakas para sagutin ito kaya naman tinalikuran niya ang babae at handa nang umalis pero mabilis nitong hinarang ang kaniyang dinaraanan.
“Not so fast, Ysabela.”
Hawak ng babae ang isang baso ng kape at natutuwa pa sa pang-iinis sa kaniya.
“I heard that Natasha's back,” mapanuya itong ngumiti sa kaniya.
“Paano ka na niyan ngayon? Tingin mo gugustuhin pa ni Greig na matulog sa tabi ng babaeng kagaya mo? You're so cheap and has no class.”
Nag-iwas siya ng tingin, sinubukan niyang umalis muli pero patuloy na hinarang ni Danica ang daraanan niya.
“How about I introduce you to a few old men? Mukha naman kahit sino ay papatulan mo.”
Ibinalik niya ang tingin sa mukha ni Danica, naroon pa rin ang smug na ngiti sa mukha nito. Ikinuyom niya ang kaniyang palad.
“I hope you do not misunderstood the setup, Miss Danica. This is a company, not a place for love affair. Kung iyon naman pala ang hanap mo, mukhang sa iba ka dapat pumunta.” Malamig niyang tugon.
Unti-unting napanis ang mapang-asar na ngiti nito. Napalitan iyon ng gulat at pagkapahiya.
“Aba!”
Bumakas ang galit sa mukha ni Danica, hindi nito inaasahan ang pagsagot niya.
“Excuse me.”
Sinubukan niya ulit na umalis pero itinulak siya ng babae kasabay ng pagtapon sa kaniya ng dala nitong kape.
Sunod-sunod na pagsinghap ang narinig sa silid. Mabuti na lamang na mabilis na naiharang ni Ysabela ang kaniyang braso kaya roon natapon ang kape.
Napangiwi siya nang maramdaman ang init ng kape sa kaniyang balat. Nang tingnan niya iyon ay pulang-pula ang kaniyang balat, lalo pa't mala nyebe ang natural niyang kulay kaya ang parteng natapunan ng kape ay kulay makupa na.
Nalukot ang kaniyang mukha at tila naghari nang tuluyan sa kaniyang dibdib ang galit.
“Nababaliw ka na ba?!”
Dahil sa kaniyang pagsigaw ay tila mas maraming tao ang naging usyuso. Marami ang nagpumilit na pumasok sa pantry. May sumisilip sa bintana para lamang makita ang nangyayari.
Kaya naman mas lalong lumakas ang loob ni Danica.
Pinsan niya ang nagpapatakbo ng kompanyang ito, at sa tingin ng mga empleyado hindi importante kung sino ang tama o mali, ang mahalaga ay kung sino ang mas makapangyarihan.
At sa kanilang dalawa, alam niyang siya iyon.
Pinagtaasan niya ng kilay si Ysabela, “Bagay lang ‘yan sa iyo, akala mo kasi kung sino ka. Wala ka namang maipagmamayabang. Ano pa bang ipagyayabang mo? E, halos lahat ng narito alam na wala kang kakampi. You're a b*st*rd without a father or a mother!”
“Oh, I'm sure they're more at peace now that they're gone. At least they don't have to see you growing up like a worthless—”
Natigilan nang tuluyan si Danica nang malakas na dumapo sa kaniyang pisngi ang palad ni Ysabela.
Nanglaki ang mga mata niya at gulat na napatingin sa babae.
Kahit kailan ay hindi naisipan ni Danica na magagawa siyang s*mpalin ni Ysabela. Hindi siya agad nakapag-react dahil sa nangyari.
Ilang saglit lang ay tila umakyat ang lahat dugo sa ulo ni Danica. Pinukol niya ito ng masamang.
“You, you dare to hit me!?”
“We don’t know it yet. Pinaiimbestigahan ko na ang nangyari sa planta at sa bodega. Ang nangyari kay Rizzo, hindi ko pa sigurado, pero tingin ko ay aksidente lamang.” Pumikit si Yvonne. Mas matatanggap niya pa kung aksidente lamang ito, dahil kung may sadyang gumawa nito kay Rizzo ay hinding-hindi niya mapapatawad. Sisiguraduhin niyang hindi niya ito palalagpasin. Pagkarating nila sa ospital ay agad na tumakbo papunta sa operation room si Klaus. Nakasunod sila ni Agatha at pilit binibilisan ang lakad para masundan si Klaus. Dala-dala niya sa maliit na duffle bag ang mga gamit ni Rizzo. Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang tibok ng kaniyang puso, at sa mahinang boses ay ibinubulong niya ang panalingin na sana’y maayos lang ang kalagayan ni Rizzo. Sa labas ng operation room ay nakatayo ang sekretaryo ni Klaus. “Lumabas na ba ang doktor?” Umiling ang sekretaryo sabay sulyap ng tingin sa kanila. Ang suot na polo shirt ng sekretaryo ay duguan rin. Napaiwas ng tingin si Yvonne. Hind
Alas dyes na ng gabi, ngunit hindi pa rin umuwi si Rizzo at Klaus. Nasa sala pa rin siya, naghihintay, samantalang si Agatha ay kanina pa umakyat sa kuwarto para patulugin si Akhil.Si Coleen ay kanina pa natutulog. Wala pa rin siyang natatanggap na text galing kay Rizzo. Gusto niya sanang tawagan ang numero nito, lalo pa't parang kanina pa siya hindi mapakali. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang nararamdaman, ngunit hindi siya mapirmi sa paghihintay na lang.Kahit paano’y nag-alala siya sa mga nangyayari. Biglaan ang pag-alis nito at hindi na nasabi sa kaniya ang dahilan. Hindi niya naitanong kung kailan ito uuwi. Madalas ay hindi siya naghihintay, hinahayaan niya lamang na magtagal si Rizzo sa trabaho nito. Ngunit ngayon, may kakatuwang emosyon na nagpapaligalig sa kaniya. She went straight to the kitchen. Isang tasang kape na ang kaniyang naubos at sapat na iyon para manatiling gising ang kaniyang diwa. Hinugasan niya ang tasa at ibinalik sa lalagyan nito bago siya bumalik sa s
Dahil sa nangyari, nagpasya si Yvonne na manatili na muna sa bahay kasama si Coleen. Hindi na niya naisip na bumalik pa sa store. Samantalang si Rizzo ay bumalik sa kompanya dahil sa biglaang problema. Hindi na niya natanong si Rizzo kung ano ang biglaang suliranin na dumating dahil nagmamadali itong umalis kasama si Klaus. Yvonne stayed in her room with Coleen. Nakatulog ang batang babae sa kaniyang kama kaya tinabihan niya ito pansamantala. Hindi niya namalayan na nakatulog din pala siya. Palubog na ang araw nang bumangon siya. Natagpuan niyang bakante na ang kaniyang kama at wala na si Coleen sa kaniyang tabi kaya dahan-dahan siyang bumaba para hanapin ang bata. Sa sala ay naabutan niyang nakasalampak sa carpeted floor si Coleen at nilalaro si Akhil na ngayon ay binabantayan ng mga katulong. Saglit siyang natigilan at pinagmasdan ang nakangiting mukha ng batang babae habang pinapakita nito kay Akhil ang hawak na laruang truck. “See this, Akhil? This is a truck. A truck.” Maliga
Nakatulog si Coleen sa sasakyan kaya nang makarating sila sa bahay ni Klaus ay kinailangan na buhatin ang bata para madala ito sa kuwarto ni Yvonne. Buhat-buhat ni Rizzo ang anak, samantalang tahimik na nakasunod si Yvonne sa lalaki. Tahimik silang pareho at kapwa mabigat ang kanilang mga dibdib. Sinalubong sila ni Agatha nang makapasok sa bahay. Puno ng pagtataka ang mga mata nito, ngunit walang namumutawing salita sa bibig ng babae. Alam niya na pinipigilan ni Agatha na magtanong sa kaniya kaya malungkot na lamang niyang nginitian ang kaniyang pinsan. “Dadalhin lang namin sa taas si Coleen.” Paalam niya sa babae. Tumango ito at hindi na sumunod sa kanila ni Rizzo. Sinundan na lamang sila ng tingin ni Agatha nang umakyat sila sa hagdan. She opened the door to her room. Pumasok naman si Rizzo at maingat na dinala sa kama si Coleen. Naglakad naman siya palapit para silipin ang batang babae. Nang mailapag sa kama ang bata ay humikbi ito. May luha pa rin sa gilid ng mga mata nito,
Pagkarating sa bahay ng mga magulang ni Rizzo ay dali-daling lumabas ng sasakyan ang lalaki. Samantala, dahan-dahan naman na lumabas ng sasakyan si Yvonne para sumunod sa kaniyang fiancé. Ngunit nasa bulwagan pa lang siya ng mansion ay naririnig na niya ang sigawan mula sa malayong kusina ng malaking mansion ni Damian Galvez.“That's enough, Mom. I’m taking Colleen home now!”“Rizzo!”Buhat-buhat ni Rizzo ang anak nito nang lumabas galing sa kusina. Nakasunod sa lalaki ang ina nitong si Filomena na bakas sa mukha ang labis-labis na pag-aalala at ang pangamba. Sa likod naman ni Filomena ay isang babae na hindi gaanong pamilyar sa kaniya.“Rizzo, they're just kids. Natural sa mga bata ang nag-aaway minsan.” Saad ng babae.Tumigil sa paglalakad si Rizzo at lumingon sa dalawang babae. Nakatikod na sa kaniya ang lalaki, kaya’t naiharap naman sa direksyon niya si Coleen. Nakita niya si Coleen na kahit sa malayo ay kapansin-pansin ang pasa at galos nito sa pisngi.“Your son is older than my
Pagkatapos ng kanilang lunch ay tumuloy naman sila ni Rizzo sa paghahanap ng condo unit. Mayroong mga condo, hotel at villa ang pamilya ni Rizzo, ngunit dahil sa naging lamat sa relasyon ng lalaki sa pamilya nito ay naisipan nito na bumukod na lamang sila at hindi na umasa sa tulong ng mga Galvez lalo na sa mga magulang nitong si Damian at Filomena. “May nahanap na condo unit si Dennis, tatlo sa nagustuhan niya ay naaprubahan ko rin kaya iyon na muna ang pupuntahan natin para kung sakali na magustuhan mo ay makapagclose-deal na agad tayo.” Masuyong ngumiti si Rizzo sa kaniya. Nasa passenger seat siya ng kaniyang sasakyan, samantalang ito naman ang nakaupo sa driver seat at nagmamaneho. Komportable ito sa kinauupuan at tila hindi alintana ang kaniyang presensya. Noon ay hindi siya nasasanay na magkasama sila ni Rizzo sa masikip na lugar, naiilang siya at hindi magawang maging komportable, ngunit mabuti na lamang at nasasanay na siya kahit paano sa presensya ni Rizzo. Nariyan pa ri