Samantalang tahimik na pinagmamasdan ni Archie ang mansyon ng mga Santiago mula sa malayo. Hindi niya akalain na dadalhin siya ng sariling mga kamay at paa pabalik sa lugar na ito. Wala sa kaniyang isip ang magmanehon papunta mansyon ng mga Santiago at magpakita sa huling lamay ng mag-ama. Nakikita niya ang mga pabalik-balik na mga tao mula sa nakabukas na gate. Kapansin-pansin din na mas maraming sasakyan ngayon ang nakaparada sa labas ng bahay. Siguro, dahil ito na ang huling gabi na ibuburol ang mag-ama kaya narito ang lahat para makiramay sa pamilya. The pain inside Archie's heart is quite unfamiliar. Hindi niya maintindihan kung para saan ang masakit na pagpintig nito. Pakiramdam niya, pinagtataksilan niya ang kaniyang sarili dahil sa pagpunta sa lugar na ito samantalang pinangako niya noon na kapag nasingil na niya ang mga Santiago ay hinding-hindi na niya ito lilingunin pa. Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi. Ipinikit niya saglit ang mga mata. Ang hirap magk
Parang kahapon lang ang lahat. Ganitong-ganito siya, parang magnananakaw na pilit na pumapasok sa isang marangyang mansyon. Ang pagkakaiba lang, kaysa magnakaw ng mga mamahaling gamit, ang kaniyang pakay ay makita at makausap ang isang magandang dilag. Gamit ang mga sanga ng puno ng balimbing, nagpalipat-lipat siya sa bawat malalaking sanga na kayang suportahan ang kaniyang bigat. Hanggang marating niya ang katapat ng tuktok ng pader kung saan kailangan niyang lumipat mula sa sanga patungo sa pader. Sampung pulgada ang kapal ng pader kaya maaari siyang tumapak doon pansamantala at maghanap pagkaraan kung saang parte siya maaaring bumaba para ligtas na makapasok sa loob. Nakita niya ang batong istatuwa ng tigre na. Madalas, tumatapak siya roon para makababa ng ligtas sa pader. Naglakad siya palapit sa ulo ng istatuwa habang binabalanse ang sarili sa makipot na tuktok ng pader. Umupo siya, saka inabot ang ulo ng istatuwa. Nang maramdaman na matibay pa rin iyon at kaya pang suport
Nagtagis ang bagang ni Archie. Walang sinuman ang may karapatan na magbigay ng opinyon kung sino ang nagkasala at kung sino ang hindi nagkasala sa kaniya at sa kaniyang pamilya. Siya lamang ang nakakaalam sa bagay na iyon dahil siya ang dumanas ng kalupitan ng mga tao. “Agatha told me that Yvonne even attempted to jump off from her balcony.” Biglang turan ni Klaus. Kumunot ang kaniyang noo nang marinig ang sinabi ng lalaki. Why would she do that? Tinitigan niya mula sa dilim ang mukha ni Klaus. Seryoso ito at tila alam ang mga sinasabi. Malayo ang tingin ng lalaki na wari bang may inaalalang pangyayari. “Yvonne tried to elope with Archie. Gustong sumama ni Yvonne kay Archie papunta sa ibang bansa kaya tumakas ito, pero hindi natuloy dahil sa may nangyaring hindi maganda. She was gone for two days. Natagpuan na lang siya na walang malay at puno ng sugat at pasa ang buong katawan. Wala siyang maalala, maliban sa ninakaw ang kaniyang gamit ng isang lalaki habang binabaktas niya ang ma
Parang pasan ni Archie ang buong mundo nang pabalik na siya sa kaniyang condo. Mabigat ang kaniyang bawat yapak at madalas siyang magbuntong-hininga.Hindi niya nagawang pumuslit sa loob ng bahay ng mga Santiago dahil nanatili ang mag-pinsang Galvez sa labas at patuloy na nag-usap tungkol sa planong pag-alis ni Klaus at Agatha papuntang Alaska.Wala siyang nagawa, kailangan niyang umalis nang hindi nakikita si Yvonne dahil hindi rin siya makakapasok sa loob nang hindi napapansin ni Klaus o ni Rizzo ang kaniyang presensya.Magkakagulo lamang kung ipipilit niya.Pagdating sa condo, naabutan niyang bukas pa rin ang flat screen tv. Maingay ang speaker nito dahil sa pinapanood na pelikula ni Patrick, pero ang kaniyang kaibigan ay wala nang kamuang-muang. Nakatulog na ito sa paghihintay sa kaniya.Mukhang hindi matutuloy ang plano nila na mag-inuman pagkabalik niya.Nagbaba siya ng tingin sa kaniyang relo. Hatinggabi na. Kaya pala hindi na nakapaghintay si Patrick sa pagbalik niyaDumiretso
Ang usapan nila, sa lumang parke malapit sa kalye Del Real sila magkikita dahil iyon ang pinakamalapit na lugar na maaaring lakarin ni Yvonne mula sa kanilang mansyon.Hindi siya maaaring magpakita sa mga magulang ni Yvonne, lalo pa’t binigyan na siya ng babala ni Adonis Santiago na kung makikipagkita pa siya kay Yvonne ay mapipilitan na itong ilayo ang anak sa kaniya at dalhin sa malayong lugar upang hindi na niya kailanman mahanap.Ang takot na baka tuluyang ilayo sa kaniya ang natitira niyang pag-asa ang nag-udyok din sa kaniya na isama na lang ito sa kaniyang pag-alis.Yvonne is his last hope. She’s the last ray of light.Magsisimula sila ng bagong buhay sa ibang bansa. Magkasama silang bubuo ng payapa at simpleng buhay sa banyagang lugar. Doon, walang makakakilala sa kanila. Walang makakaalam sa masakit na nakaraan niya. Walang huhusga sa kanila. Wala nang makakapaghiwalay sa kanilang dalawa.Muli siyang uminom ng alak. Sumisikip ang kaniyang dibdib habang bumabalik sa kaniyang i
“T*ng*n*. Seryoso na ba?” Mabilis na sumunod si Patrick kay Archie nang maglakad ito papunta sa kusina.Umagang-umaga ay sira na agad ang kaniyang araw. Hindi pa man nasisimulan ay may hindi siya inaasahang matutuklasan ngayong araw.Maaga siyang nagising dahil sa ingay ng doorbell. Ayaw tumigil ng taong nasa labas kaya napilitan siyang bumangon para tingnan kung sino iyon. Isang package mula sa high end clothing company ang dumating.Hindi pa gising si Archie kaya siya na ang humarap sa bellboy na siyang nag-akyat ng delivery sa unit ng lalaki. Siya na rin ang pumirma sa receipt dahil mukhang nagmamadali din ang bellboy paalis.Medyo mabigat at may kalakihan ang puting kahon na binigay ng bellboy. Dahil sa pagiging kuryuso kung ano ang laman nito, nagpasya siyang silipin kung ano iyon.Nang tingnan niya kung ano ang nasa loob ng puting box, napakunot-noo siya sa kaniyang nakita. Isang mamahaling tuxedo ang nasa loob nito. Kasama na rin ang itim na sapatos na kapares ng tuxedo.Ang ma
10:00 o'clock in the morning when Archie finished bathing. Hindi niya halos namalayan na nakatulog pala siya sa bathtub dahil sa puyat kagabi.Mas magaan na ngayon ang kaniyang pakiramdam dahil sa halos isang oras na pag-idlip sa bathtub. Kahit paano, nakabawi na siya ng lakas at tumigil na rin ang pananakit ng kaniyang ulo dahil sa hangover.Nakatapis lamang siya nang lumabas sa paliguan. Mula sa kaniyang dibdib pababa sa kaniyang torso ay wala siyang saplot. Ang tanging nakatakip lamang sa kaniyang katawan ay ang puting tuwalya na tamad na nakapalibot sa kaniyang bewang.Naglakad siya papunta sa kaniyang walk-in closet at naghanap ng maisusuot. Dahil mamayang hapon pa naman ang kasal, balak niyang lumabas muna at bumili ng bagong relo at itim na sapatos.Hindi niya nagustuhan ang ipinadala sa kaniya ni Lindsy. Maliban sa maluwag iyon sa kaniyang paa ay hindi niya rin gusto ang disenyo nito.Itim na pants at puting t-shirt lamang ang kaniyang kinuha. Sa mall na lang siya bibili ng ka
Ngunit wala siyang natanggap ni-isa man sa mga pinadalang email nito. Pagkalapag sa America, naghanap siya agad ng apartment na pwede niyang tirahan. Hindi na niya naisip na tingnan ang email at messages sa kaniya. Mahirap rin ang internet connection sa America lalo pa at hindi compatible ang sim na dala niya at wala pa siyang access sa internet data ng bansa. Apat na araw pagkatapos niyang makarating sa America ay nasundan naman siya ng mga taong tumutugis sa kaniya. Nadakip siya pagkatapos ng pagtatago ng ilang araw. Halos isang buwan na tinorture siya sa isang lumang bahay na pinagdalhan sa kaniya. Ang kaniyang mga gamit, cellphone, passport at maging ang pera ay kinumpiska ng mga h*y*p na ‘yon. Walang itinira sa kaniya. Kaya hindi na niya natanggap ang isa man sa pinadalang mensahe ni Yvonne dahil sinira ang kaniyang cellphone. Nakatakas lamang siya sa kamay ng mga d*m*ny*ng nagpahirap sa kaniya pagkatapos na itapon siya sa isang masukal na kagubatan nang naghihingalo na siy
Hindi siya nakatanggap ng imbitasyon, sapat na iyon para malaman niya na hindi siya gustong imbitahan ni Damian Galvez sa kaarawan nito. Nitong lumipas na mga taon, nagkakaroon naman sila ng kaunting interaksyon ni Architect Damian Galvez. Nakakameeting niya rin ang ibang Galvezes. Ngunit hindi gaanong maganda ang relasyon niya sa kanila. Tila mahirap na magkaroon ng malapit na koneksyon sa pamilyang Galvez. Ang totoo niyan, hindi niya rin gusto na magkaroon ng koneksyon sa mga Galvez dahil nagpupukos na siya ngayon sa pagpapalawak ng kaniyang negosyo sa labas ng bansa. Kaya hindi na niya kailangan ng koneksyon sa mga negosyanteng lokal. May negosyo rin naman ang mga Galvez sa ibang bansa, ngunit hindi kagaya niya na mas malawak ang negosyo sa labas ng Pilipinas. "Good evening, Atty." Bati ng isang lalaking miyembro ng security team. Inilahad ni Reinella ang hawak nitong invitation card at ngumiti ng matamis. "Here's my invitation card. Do I still need to show you my ID?
Litong-lito na si Archie. Iba ang nakukuha niyang impormasyon sa impormasyon na gusto niyang matanggap. Kaya nang dumating na ang kaarawan ni Damian Galvez ay hindi na siya nag-atubiling dumalo sa selebrasyon para makakuha ng iba pang impormasyon tungkol sa nobya ni Rizzo Galvez. Kung dadalo siya sa birthday party ni Damian Galvez ay mas malaki ang tyansa na may makalap siyang impormasyon na makakatulong sa kaniya na mapag-aralan ng mabuti ang katauhan ni Anais Acosta. Sa tuwing naiisip niya na kamukhang-kamukha ng nobya ni Rizzo si Yvonne ay naaalala niya palagi na naging magkasintahan noon si Yvonne at si Rizzo. Posible na hanggang ngayon ay hindi pa rin makalimut si Rizzo kay Yvonne... kagaya niya. Baka nabaliw na rin ito kay Yvonne, kaya ngayon na may natagpuang babae na kamukha ni Yvonne ay pakakasalan nito agad. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman na papalit-palit ng babae ang mga Galvez. Habulin ng mga babae ang mga lalaking Galvez kahit na kasal na ang iba. Kaya para magpa
Gabi na nang makauwi si Archie mula sa hospital. Hindi man lang siya nakapagpahinga sa paghahanap ng kasagutan sa mga tanong niya. Ngunit ayon sa nakuha niyang impormasyon, lihitimong anak ni Rizzo ang batang naospital. Anak nito si Coleen sa pagkabinata. Sa Pilipinas ipinanganak ang batang babae, ngunit sa ibang bansa pinalaki. Maliban sa mga impormasyong iyon ay wala na siyang nakuhang iba pa. Hindi na rin nakapagbigay ng impormasyon sa kaniya si Patrick dahil iyon lang din ang laman ng database ng ospital. Binuksan niya ang kaniyang computer pagkauwi galing sa ospital. Sa kaniyang opisina siya tumuloy para tingnan ang pinadalang email ng kaniyang assistant sa kaniya. May sarili siyang office sa kaniyang condo unit. Gusto niyang nakabukod lamang ang kaniyang opisina sa kaniyang kuwarto para maging productive pa rin siya kahit na nasa condo lamang siya. Buong araw yata siyang hindi nagpakita sa kompanya. Nasa ospital lamang siya maghapon, naghahanap ng mga bagay na makakatulong s
Nang manganak siya kay Akhil, bumalik si Yvonne sa pagthetheraphy. Hindi na ito umuuwi sa kanila dahil sa takot na baka masaktan nito si Akhil. Naniniwala ito na hindi ligtas ang kaniyang anak kapag mananatili si Yvonne sa kanilang puder. Pakiramdam palagi ni Yvonne ay magdudulot lamang siya ng panganib sa mga paslit. Kaya kahit sa malayo ay hindi nito matingnan si Akhil. Hindi nito kayang pakinggan ang tawa at iyak ng bata. Agad itong inaatake ng anxiety at parang nababalisa agad. Madalas ay nagkukulong ito sa kuwarto ar hindi na sa kanila nagpapakita. Nang hindi na nito makayanan ay nagpa-alam itong aalis muna para humingi ng tulong sa therapist nito. Nitong nakaraang buwan lang bumalik si Yvonne sa kanila. Hindi pa gaanong maayos ang babae kahit pa halos apat na buwan itong nawala para magtheraphy. Alam niyang malalim ang pinangggalingan nitong sakit kaya hindi niya pwedeng hayaan na lang mas lalong maexpose sa mas mahirap na sitwasyon ang kaniyang pinsan. "I know where yo
"You've already met him?" Tanong niya sa babae. Tumibok ng mabilis ang kaniyang puso at nanatiling malamig ang kaniyang palad. Hindi niya nakita si Archie sa labas. Pero dahil sa sinabi nito, mas lalo siyang naging kabado. Natahimik saglit ang babae. Hindi ito sumagot, ngunit ramdam niya na hindi na niya kailangan na marinig mula sa labi nito ang kasagutan sa kaniyang tanong. Nagkita na nga ang dalawa. "You know that this would happen, right?" Marahan niyang tanong. Huminga ng malalim si Anais bago pagod na pumikit. Umangat ang dibdib nito nang humugot ng malalim na hininga. "I know." Sagot nito pagkaraan. "But I couldn't let my fear control me, Agy." Mahina nitong sambit, tila nabibigatan. "For the past five years, I tried my best to overcome everything that once held me back. Ang tagal kong nagtago. Ang tagal kong natakot." Huminga na naman ito ng malalim. "But I was able to face him without showing much of my fear. I was able to fake my reaction when I saw him." Bumalin
Marahan siyang umiling. Alam niyang mabigat na naman ang loob nito. Ayaw niyang maramdaman muli ng babae ang parehong sakit na naramdaman nito noon, kaya hinaplos niya ng magaan ang likod ng palad nito bago maliit na ngumiti."I know how you feel now. Alam kong nag-aalala ka ng husto kay Coleen, but everything's fine now. Maayos na si Coleen, wala ka nang dapat na ipag-alala."Tumitig siya ng mabuti sa mga mata ni Anais. Gusto niyang makita nito ang sensiridad niya.Kung maaari lamang na pawiin ang lungkot at pagsisisi sa puso nito ay gagawin niya. Ngunit alam niya na kahit anong subok niya, hindi niya iyon magagawa, dahil tanging ito lamang ang mag kakayahan na gawin iyon. Si Anais lamang ang may kakayahan na itaboy ang lungkot sa puso nito at gamutin ang mahapding sugat na dala ng pagsisisi."And a failure doesn't define you as a person. It doesn't define you as a mother. Because motherhood is not a perfect thing. Kahit ako, I'm still learning how to take care of Akhil. May mga pagk
Samantalang kabado si Agatha nang makarating sa pasilyo ng private pediatric ward. Sa elevator pa lang ay hindi na siya mapakali kaya nagmamadali niyang tinahak ang pridadong silid ni Coleen .Naabutan niyang nasa labas si Rizzo at may kausap sa telepono.Nakita niyang tensyunado ang lalaki at mukhang hindi komportable sa taong kausap nito. Hinilot ng lalaki ang sintido bago bumuga ng hangin.Hindi man lang nito napansin ang kaniyang presensya."Dad, I know it's an important meeting. Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang ang anak ko. Coleen has a severe allergy reaction. She needs me now. I don't care about anything else, I just want to make sure that my daughter is safe."Saglit na natahimik si Rizzo, tila pinapakinggan ang sinasabi ng taong nasa kabilang linya."It's not her fault, Dad." Matigas na tugon nito pagkaraan."It's not her carelessness or my daughter's recklessness that caused this. Coleen is fond with furred animals, while Anais is unaware about Coleen's allergy w
Nang mawala sa kaniyang paningin si Agatha ay saka lamang siya bumalik sa kasalungat na pasilyo kung saan naghihintay si Archie sa impormasyon na ibibigay niya. Mabagal ang bawat niyang hakbang habang inaalala ang tensyunadong ekspresyon ng mukha ni Agatha.Bakit nga ba magiging tensyunado si Agatha?Wala naman siguro siyang nagawang kasalanan? Bulong niya sa hangin. Muli niyang naabutan si Archie na tulalang nakaupo sa bench. Malayo ang tingin nito at walang partikular na bagay na tinitingnan. Halatang malalim ang iniisip nito. Pagkalapit sa kaibigan ay naupo na siya sa katabing upuan nito. "The patient's name is Malia Coleen." Panimula niya para makuha ang atensyon ni Archie. At kagaya ng kaniyang inaasahan, mula sa pagkatulala, ay napaangat ito ng tingin sa kaniya. Napansin din sa wakas ang kaniyang presensya, at tila ngayon pa lamang naputol ang sumpa nito na matulala sa kawalan. "Malia Coleen Javier Galvez is her fulle name. She's still young. Her biological father is Riz
Pagkatapos na makuha ang impormasyon ng pasyente ay lumabas si Patrick para kausapin muli si Archie. Sigurado siya na hindi aalis ang kaniyang kaibigan hangga't hindi nito nakukuha ang gusto.At alam niya kung gaano kadesperado sa impormasyon ngayon si Archie.Alam niya ang pakiramdam nito ngayon. Dahil kagaya ni Archie, hindi rin siya mapakali noon nang malaman niyang may anak si Suzzane.Alam niyang kung may anak ito ay malaki ang tyansa na kaniya ang batang iyon.Ngunit kahit gaano kadesperado ang kaniyang kaibigan na makilala ang batang pasyente ay hindi niya maaaring hayaan na lamang itong gawin kung ano ang maisipan nitong gawin. Istrikto ang ospital. Malaking bagay ang privacy ng mga pasyente sa ospital na ito.Kaya kung papasok ito sa isang pribadong silid para lamang makita ang pasyente nang walang pahintulot mula sa pasyente o sa pamilya ng pasyenteng ay magdudulot lamang ng malaking gulo.Pabalik na siya sa upuan kung saan naghihintay si Archie, nang bigla siyang matigilan