Marami siyang gustong sabihin kay Archie. Gusto niya itong isumpa at murahin. Ngunit hindi niya ginawa. Hindi niya maaaring hayaan na lang na pangunahan siya ng kaniyang emosyon. Kailangan niyang kumalma at ipakita sa lalaki na hindi siya naaapektuhan dahil hindi siya Yvonne.. Kailangan na manatili ang kalmadong demeanor upang mapapaniwala niya ito sa kaniyang pagpapanggap. Kahit na mahirap. "I don't know what you're talking about, Mr. Garcia." That's the only thing she could say now. Na wala siyang alam sa mga sinasabi at ibinibentang nito. Tumitig naman si Archie sa babae. Blangko na ang ekspresyon ng mukha nito at pilit na pinaninindigan na hindi siya nito kilala at wala itong koneksyon sa kaniya. The betrayal in his heart is growing. Kung noon ito nangyari, baka hindi na siya nakapagtimpi. Baka napilitan na siyang paaminin ito gamit ang dahas. Ngunit sa lumipas na mga taon, nagawa na niyang kontrolin ang kaniyang emosyon. Hindi na siya nagpapadala sa kaniyang galit.
Sarkastikong ngumiti si Yvonne. Siguro nga ay hindi niya maitatago ang totoo kay Archie lalo pa't gagawin nito ang lahat para malaman nito ang kaniyang totoong pagkatao. At base sa sinabi nito, mukhang naghahanap na ng ebidensya ang lalaki na pwedeng magamit laban sa kaniya.She still looks like her old self. Sa panlabas na anyo ay agad siyang makikilala nito dahil wala namang nagbago sa kaniya. Ngunit hangga't hindi nito napapatunayan na siya ay siya, hindi siya dapat matakot.Isa pa, patay na ang Yvonne na kilala ng lahat. Nailibing na ito kasama ng ama nitong si David Santiago. Kaya hindi na dapat na matakot siyang baka may gawin na naman ito sa kaniya. Wala na siyang dapat na ikatakot pa, tapos na ang lahat. "I have nothing to do with you, Mr. Garcia. Kaya kung napagkamalan mo ‘ko na ibang tao, nasa sa’yo na kung maghanap ka ng ebidensya para may panghawakan ka diyan sa ibinibentang mo. But I must tell you this," tumiim ang kaniyang titig kay Archie. "I don't want to see you aga
She had been in a coma. Maraming dugo ang nawala sa kaniya kaya ilang araw din siyang walang malay at nakaratay lamang sa hospital bed. Nang magising naman siya mula sa malalim na pagkakatulog, hindi niya maunawaan ang nangyayari. Binati siya ng puting kisame, ng nakakasilaw na liwanag, at ng mabigat na pakiamdam. She had an oxygen mask when she woke up. Hindi niya alam kung nasaan siya at kung ano ang nangyari sa kaniya. Ilang minuto pa ang lumipas bago niya naramdaman ang pananakit ng kaniyang kalamnan, parang sinagasaan siya ng ten wheeler truck sa sobrang sakit ng kaniyang katawan. Sinubukan niyang igalaw ang kaniyang mga kamay, ngunit hindi niya magawa. Hindi niya matukoy kung saan ang pinakamasakit, ang tanging alam niya lang ay nanginginig ang kaniyang katawan dahil sa sakit sa simpleng pagkislot lamang. Hindi niya pa alam ang nangyari sa kaniyang Daddy at kung ano ang naging epekto nito sa kaniyang Mommy. She was oblivious. Saka niya lang nalaman nang ililibing na it
Napatitig si Archie sa babaeng nasa harap niya. Kahit na alam niya sa kaniyang sarili na totoo ang lahat ng ito at hindi isang panaginip, hindi pa rin siya makapaniwala na ang dating panaginip lamang ay nasa reyalidad na ngayon. Naramdaman niya ang pagkurot ng pino sa kaniyang puso. Ramdam niya ang takot na baka muling naglaho sa kaniyang paningin ang babaeng nasa kaniyang harap. Kagaya kung paano ito maglaho sa kaniyang panaginip. "What are you doing here?" Yvonne asked him coldly. Hindi na siya nito maloloko. Hindi na nito maikukubli ang totoo nitong pagkatao sa kaniya. Wala siyang ibang makita kung hindi ang Yvonne na binago ng panahon at ng mga nangyari. Ngayon, may napansin siyang mga pagbabago kay Yvonne. Mahaba pa rin naman ang buhok nito, hanggang balikat, ngunit tila hindi nito hinahayaan na lumampas ang haba nito sa ganoong estado. Hindi na mailap ang mga mata nito, malamig na lamang iyon na tila inalisan ng emosyon at pakiramdam. Ang labi nito'y wari bang nakatikom ng
Pagkabalik sa Pilipinas ay siya na ang pinamahala ni Yara sa mga iniwan nitong negosyo. Marami ang mga negosyo ng magkapatid na Yara at Rizzo. Mas pukos lamang si Yara sa pagmomodelo nitong mga nakaraang taon kaya pansamantala nitong iniwan ang mga naitayong negosyo sa Pilipinas.Isa nga sa hinahawakan niya ngayon ay ang jewelry store nito na may maraming branch sa Manila, Cavite, at Cebu. Madalas, kinakain ang kaniyang oras at panahon sa pag-aasikaso ng mga order at shipment ng mga alahas at ginto. Ngunit dahil na rin sa kaniyang pagiging abala sa store ay nalilibang ang kaniyang isip at hindi na nakakasingit ang ibang alalahanin.Mayroong itinatayong clothing brand si Yara, ngayon na bumalik na ito isa Pilipinas ay iyon ang pagpupukusan ng babae kaya mananatili sa kaniyang pamamahala ang jewelry store."Good morning, Ma'am." Binati siya ng mga empleyado nang makapasok sa store.Ngumiti siya at tumango."Good morning." She greeted back.Sa unang palapag ay ang mismong store, sa ikala
"Are you alright?" Sumunod sa kaniya si Klaus sa kusina. Nakasandal na siya sa island counter at umiinom ng tubig. Maputla ang kaniyang mukha at malalamig ang kaniyang pawis. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin kay Klaus at pagod na ngumiti. Nakakahiya na ganito pa rin ang reaksyon niya sa tuwing naririnig niyang umiiyak ng malakas si Akhil. Sinubukan niyang tumango, ngunit natigilan siya nang makita si Agatha na pumasok na rin ng kusina. Puno ng pag-aalala ang mga mata nito. Mabilis na dumalo sa kaniya ang babae, hinawakan nito ang kaniyang braso at agad na sinuri ang kaniyang kabuuhan. "Are you okay? Do you need some meds?" Agatha worriedly asked. Ngumiti si Yvonne at umiling. Hindi na niya kailangan ng gamot na pangpakalma dahil hindi na nanginginig ang kaniyang katawan. Hindi na kagaya noon. Somehow, her therapies in America had given her a little help. "I can manage, Agy. I'm sorry if..." "No, don't apologize." Mariin na umiling si Agatha. "Wala kang kasalanan. Nag-aa