Bumukas ang pinto kaya napabaling silang dalawa ni Gretchen doon.Unti-unti siyang lumayo sa babae nang makita si Greig.Hindi niya inaasahan na babalik pa ito pagkatapos umalis kasama si Natasha.Kanina ay mainit ang kaniyang puso dahil sa kabutihan ni Gretchen, ngayon ay parang unti-unti na naman iyong binabalot ng lamig.May nakalimutan ba ito kaya bumalik?Kumunot ang kaniyang noo nang maglakad ito papunta sa kaniya.“Did you already send your mistress home?” Pigil ni Gretchen sa kaniyang anak.Pumagitna ang ginang sa kaniya at kay Greig.Nakita niya ang mabilis na pagdilim ng mukha ni Greig. Wari bang gusto siya nitong lapitan pero dahil humarang ang ina ay wala nang nagawa.“I want to see, Ysabela.” Ani Greig.Parang tumigil ang pagtibok ng puso ni Ysabela ng ilang minuto.Hindi naman siya pinaglalaruan ng kaniyang pandinig hindi ba?Isang hakbang pa ang ginawa nito pero hinarang ulit ng ginang ang kaniyang anak.“She needs a lot of rest, Greig. At mukhang hindi makakabuti na pa
“M-medyo kumikirot lang, pero magiging okay din naman ako agad.” Utal niyang dagdag nang mas tumagal ang tingin ni Greig sa kaniya.Nag-iwas siya ng tingin at ibinaling iyon sa may pinto. Ayaw niyang lokohin ang sarili, imposibleng nag-aalala ito sa kaniya.“You were stitched without an anesthesia.”Nanindig ang kaniyang balahibo sa paraan ng pagkakasabi nito.Wari bang alam din ng lalaki ang naramdaman niyang sakit, at hanggang ngayon ay ginagambala pa rin ito.Kumurap siya para walain ang nagbabadyang luha.Kanina lamang ay gusto niyang magsumbong kay Greig, gusto niyang sabihin kung gaano kasakit ang pagtusok ng karayom sa kaniyang laman, at kailangan niya iyong indahin hanggang sa huling tahi.“I'm f-fine.” Para siyang nauubusan ng hininga.Napatitig sa kaniya si Greig.Alam ng lalaki na nagsisinungaling siya. Hinding-hindi makakalimutan ni Greig ang mga pagkakataon na halos mawalan siya ng malay kapag nakakakita ng dugo.Sa dalawang taon nilang pagsasama, alam na nito ang mga kin
Nang makapasok ng kuwarto si Ysabela, inilibot ni Greig ang kaniyang mga mata sa maliit na apartment.“Should I install surveillance system here?” Kausap niya sa sarili.Maliit lamang ang apartment, at hindi mahihirapan ang magnanakaw na hanapin ang mga importanteng bagay.Maliban sa exit door malapit sa kusina, wala nang ibang pinto na pwedeng daanan para makatakas.Kung maglalagay ng CCTV, masasakop agad ang buong sala at kusina.“What are you doing?”Ibinaling niya ang tingin kay Ysabela, nakaupo na ito sa kama at nagtatakang nakatingin sa kaniya.“Nothing.” Payak niyang sagot.“You can leave now.” Mababa ang boses nito, halatang pagod na.Kaysa sundin ang gusto nito, tumuloy siya sa kusina at tiningnan kung may pagkain doon.Kumunot ang kaniyang noo nang makita ang chicken adobo sa isang kawali.Tatlong piraso pa iyon.Wala pang kanin, at mukhang kaninang umaga pa iyon niluto ni Ysabela.She really loves to eat cold food?Alam niyang hindi naman mabilis ma-contaminate ang pagkain,
Nabanggit ni Ysabela na papupuntahin nito si Yvonne, pero hindi siya mapakali.Is it more comfortable for her to have Yvonne than her husband? Himutok niya.Nang makababa ng sasakyan ay madilim na ang kaniyang anyo.Sinalubong siya agad ni Christoff at ng isa pang lalaki. Sigurado siya iyon ang mga bagong hire na tauhan ni Christoff.“He's already inside, Sir.” Imporma ni Christoff.“Breathing?” Malamig niyang tanong.“Barely.” Mababa ang boses na sagot ng lalaki.“Not bad, I'd like to see him suffer for long.”Inilibot niya ang tingin, lumang bodega iyon ng pamilya ni Archie. Marami ang nakatambak na lumang gamit at hindi na gaanong pinupuntahan ng mga tao.Dati iyong bagsakan ng mga supplies, pero simula nang malugi ang negosyo ng pamilya ni Archie, inabandona na iyon.Alam niyang hindi na iyon ipapaayos ng kaniyang kaibigan dahil madalas din na rito dinadala ang mga taong may atraso sa lalaki para turuan ng leksyon.Wala sa sariling napalingon siya nang marinig ang tunog ng sasakya
Kung hindi pa dahil sa pagring ng kaniyang cellphone ay hindi pa magigising si Ysabela.Ilang beses niyang ikinurap ang mga mata, madilim ang buong paligid. Hindi niya namalayan na nakatulog na siya sa sofa.Dala marahil ng pagod ay hindi niya inaasahan na makakatulog sa sofa. Gamit ang kaliwang kamay, kinapa niya ang gilid ng sofa para hanapin ang cellphone at tiningnan kung sino ang tumatawag.Mabilis na nasilaw ang kaniyang mga mata dala ng liwanag galing sa screen nito. Numero lang ang nakalagay doon kaya naman sinagot na lamang niya iyon at inilagay sa tainga.Nakaharap siya sa backrest ng sofa at nakasiksik doon, rinig niyang bukas pa ang television at mukhang nakatulugan niya iyon. Pero wala siyang lakas para pumihit paharap.Kaya nanatili siya sa ganoong puwesto.“Hello?”Ilang segundo rin bago nagsalita ang nasa kabilang linya.“Did I bother your sleep?” Tanong nito.Kumunot ang kaniyang noo.“Huh?”“You sound like you're from sleep.” Medyo natatawa nitong sabi.Muli niyang
“Are you jealous, Ysabela?” Tanong muli nito.Napailing siya at kung hindi pa napigilan ay baka natawa na kay Greig.God, forgive me. How could this man be so insensitive with his words?Dati ay wala naman talaga siyang pinagseselosan na babae kay Greig. Walang naging eskandalo sa pagsasama nila.Pero simula nang bumalik si Natasha, wala na siyang ibang naramdaman kung hindi ang paghihirap ng damdamin.Nagagalit siya ngayon kay Greig, bakit itatanong iyon ng lalaki?Matagal-tagal na rin niyang pilit na itinatago ang totoong nararamdaman. Sa paulit-ulit na pagpili ni Greig kay Natasha, alam na niya kung saan ang lugar niya.Umiling siya ulit, ngunit walang lumalabas na salita sa kaniyang bibig.Tumayo siya at balak na sanang iwan ang lalaki ngunit hinawakan nito ang kaliwa niyang kamay.“Are you, Ysabela?” Mariin nitong tanong.Binawi niya ang kamay kay Greig at mapait na natawa sa lalaki.“What do you think, Greig?” Hamon niya.Hinding-hindi niya aaminin sa lalaki na nakakaramdam siya
“What's the matter, Greig?” Tanong ni Patrick nang mapansin ang pagiging tahimik niya.Nasa tapat ang mga kaibigan kasama ang apat na babae.Dala-dalawa ang babae ni Patrick, ganoon din si Archie na madalas bugahan ng usok ang mukha ng babaeng nasa kanan habang h*n*h*likan nito ang leeg ng lalaki.Hindi naman siya apektado sa eksenang nagaganap sa harap niya dahil sanay siyang ganiyan si Archie sa mga babae.Ngunit hindi nito mapansin ang babaeng nasa kaliwa na kanina pa hinahaplos ang hita ni Archie.Kumuha siya ng bagong inumin at nagsindi ng sigarilyo.Mag-isa siya sa mahabang sofa habang nakatingin sa mga taong nagsasayaw sa ibaba. Nasa ikalawang palapag sila ng club kaya halos tanaw niya ang lahat ng nangyayari sa ibaba.Marami ang tao at marami rin ang mga babaeng nakakalat, pero hindi pa rin mawala ang isip niya sa mukha ni Ysabela.“Something's bothering you. Si Natasha ba?” Tanong ulit ni Patrick habang nagsasalin ng inumin.Nilingon niya ang lalaki, hindi niya magawang sagut
“Ayos na ba ang pakiramdam mo, Ysabela?” Nag-aalang tanong ni Manang Lora.Pinunasan niya ang bibig pagkatapos magmumog.Ipinilig niya ang ulo at pinakiramdaman ang sarili. Ang dali-dali niyang mahilo sa amoy ng bawang.Hinawakan niya ang tiyan at nailing sa sarili.“Ayos na po ako, Manang.” Sagot niya sa mababang boses.Pinadala ni Gretchen ang babae para tumulong sa kaniya ngayong gabi. Noon una, ayaw niya sanang tanggapin ang kasambahay dahil nakakahiya, pero ayaw nitong bumalik sa mansyon dahil siguradong sisisantehin ito ni Señor Gregory, o ni Gretchen mismo.Naawa naman siya sa babae. Ibinilin niyang pwede naman itong umalis pagkatapos siyang paghandaan ng pagkain at tulungan sa magagaan na gawain. Lalo pa't isa lang ang kuwarto sa kaniyang apartment, hindi niya kayang patulugin ang babae sa kaniyang sofa.“Nahilo lang ako kanina.” Dagdag niya nang makita ang pag-aalala sa mukha nito.Huminga ito ng malalim.“Hindi ba natin tatawagan si Sir Greig, Ysabela?” Tanong nito.Mariin s
"Are you alright, Coleen? Are you hurting somewhere?" Nag-aalalang tanong ng babaeng kasama ni Anais.Napatingin siya sa mukha nito, ngunit hindi niya agad na namukhaan ang babae dahil sa suot nitong mascara. Hindi rin pamilyar sa kaniyang pandinig ang boses nito ngunit ramdam niyang kilala niya ito.Sumulyap si Coleen sa babae at mahina itong sumagot."Yes, Tita Agatha."Agatha...Yvonne's cousin?Tinitigan niya ng matagal ang babae.Naramdaman niya ang biglang pag-akyat ng asido sa kaniyang dibdib. Hanggang ngayon ay naaalala niya pa rin kung paano siya ipinagtabuyan ni Agatha nang minsan siya nitong makita na aaligid-aligid sa mansyon ng mga Santiago habang ibinuburol si Yvonne at Adonis.Malaki ang galit nito sa kaniya. Dahil kay Agatha, naging mahirap para sa kaniya na makalapit kay Yves Santiago. Kahit na nasa ibang bansa ito nitong mga nakaraang taon ay mahigpit pa rin nitong pinapabantayan si Yves Santiago laban sa kaniya.Kung hindi lamang siya mapamaraan ay hindi sana niya
Hindi siya nakatanggap ng imbitasyon, sapat na iyon para malaman niya na hindi siya gustong imbitahan ni Damian Galvez sa kaarawan nito. Nitong lumipas na mga taon, nagkakaroon naman sila ng kaunting interaksyon ni Architect Damian Galvez. Nakakameeting niya rin ang ibang Galvezes. Ngunit hindi gaanong maganda ang relasyon niya sa kanila. Tila mahirap na magkaroon ng malapit na koneksyon sa pamilyang Galvez. Ang totoo niyan, hindi niya rin gusto na magkaroon ng koneksyon sa mga Galvez dahil nagpupukos na siya ngayon sa pagpapalawak ng kaniyang negosyo sa labas ng bansa. Kaya hindi na niya kailangan ng koneksyon sa mga negosyanteng lokal. May negosyo rin naman ang mga Galvez sa ibang bansa, ngunit hindi kagaya niya na mas malawak ang negosyo sa labas ng Pilipinas. "Good evening, Atty." Bati ng isang lalaking miyembro ng security team. Inilahad ni Reinella ang hawak nitong invitation card at ngumiti ng matamis. "Here's my invitation card. Do I still need to show you my ID?
Litong-lito na si Archie. Iba ang nakukuha niyang impormasyon sa impormasyon na gusto niyang matanggap. Kaya nang dumating na ang kaarawan ni Damian Galvez ay hindi na siya nag-atubiling dumalo sa selebrasyon para makakuha ng iba pang impormasyon tungkol sa nobya ni Rizzo Galvez. Kung dadalo siya sa birthday party ni Damian Galvez ay mas malaki ang tyansa na may makalap siyang impormasyon na makakatulong sa kaniya na mapag-aralan ng mabuti ang katauhan ni Anais Acosta. Sa tuwing naiisip niya na kamukhang-kamukha ng nobya ni Rizzo si Yvonne ay naaalala niya palagi na naging magkasintahan noon si Yvonne at si Rizzo. Posible na hanggang ngayon ay hindi pa rin makalimut si Rizzo kay Yvonne... kagaya niya. Baka nabaliw na rin ito kay Yvonne, kaya ngayon na may natagpuang babae na kamukha ni Yvonne ay pakakasalan nito agad. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman na papalit-palit ng babae ang mga Galvez. Habulin ng mga babae ang mga lalaking Galvez kahit na kasal na ang iba. Kaya para magpa
Gabi na nang makauwi si Archie mula sa hospital. Hindi man lang siya nakapagpahinga sa paghahanap ng kasagutan sa mga tanong niya. Ngunit ayon sa nakuha niyang impormasyon, lihitimong anak ni Rizzo ang batang naospital. Anak nito si Coleen sa pagkabinata. Sa Pilipinas ipinanganak ang batang babae, ngunit sa ibang bansa pinalaki. Maliban sa mga impormasyong iyon ay wala na siyang nakuhang iba pa. Hindi na rin nakapagbigay ng impormasyon sa kaniya si Patrick dahil iyon lang din ang laman ng database ng ospital. Binuksan niya ang kaniyang computer pagkauwi galing sa ospital. Sa kaniyang opisina siya tumuloy para tingnan ang pinadalang email ng kaniyang assistant sa kaniya. May sarili siyang office sa kaniyang condo unit. Gusto niyang nakabukod lamang ang kaniyang opisina sa kaniyang kuwarto para maging productive pa rin siya kahit na nasa condo lamang siya. Buong araw yata siyang hindi nagpakita sa kompanya. Nasa ospital lamang siya maghapon, naghahanap ng mga bagay na makakatulong s
Nang manganak siya kay Akhil, bumalik si Yvonne sa pagthetheraphy. Hindi na ito umuuwi sa kanila dahil sa takot na baka masaktan nito si Akhil. Naniniwala ito na hindi ligtas ang kaniyang anak kapag mananatili si Yvonne sa kanilang puder. Pakiramdam palagi ni Yvonne ay magdudulot lamang siya ng panganib sa mga paslit. Kaya kahit sa malayo ay hindi nito matingnan si Akhil. Hindi nito kayang pakinggan ang tawa at iyak ng bata. Agad itong inaatake ng anxiety at parang nababalisa agad. Madalas ay nagkukulong ito sa kuwarto ar hindi na sa kanila nagpapakita. Nang hindi na nito makayanan ay nagpa-alam itong aalis muna para humingi ng tulong sa therapist nito. Nitong nakaraang buwan lang bumalik si Yvonne sa kanila. Hindi pa gaanong maayos ang babae kahit pa halos apat na buwan itong nawala para magtheraphy. Alam niyang malalim ang pinangggalingan nitong sakit kaya hindi niya pwedeng hayaan na lang mas lalong maexpose sa mas mahirap na sitwasyon ang kaniyang pinsan. "I know where yo
"You've already met him?" Tanong niya sa babae. Tumibok ng mabilis ang kaniyang puso at nanatiling malamig ang kaniyang palad. Hindi niya nakita si Archie sa labas. Pero dahil sa sinabi nito, mas lalo siyang naging kabado. Natahimik saglit ang babae. Hindi ito sumagot, ngunit ramdam niya na hindi na niya kailangan na marinig mula sa labi nito ang kasagutan sa kaniyang tanong. Nagkita na nga ang dalawa. "You know that this would happen, right?" Marahan niyang tanong. Huminga ng malalim si Anais bago pagod na pumikit. Umangat ang dibdib nito nang humugot ng malalim na hininga. "I know." Sagot nito pagkaraan. "But I couldn't let my fear control me, Agy." Mahina nitong sambit, tila nabibigatan. "For the past five years, I tried my best to overcome everything that once held me back. Ang tagal kong nagtago. Ang tagal kong natakot." Huminga na naman ito ng malalim. "But I was able to face him without showing much of my fear. I was able to fake my reaction when I saw him." Bumalin
Marahan siyang umiling. Alam niyang mabigat na naman ang loob nito. Ayaw niyang maramdaman muli ng babae ang parehong sakit na naramdaman nito noon, kaya hinaplos niya ng magaan ang likod ng palad nito bago maliit na ngumiti."I know how you feel now. Alam kong nag-aalala ka ng husto kay Coleen, but everything's fine now. Maayos na si Coleen, wala ka nang dapat na ipag-alala."Tumitig siya ng mabuti sa mga mata ni Anais. Gusto niyang makita nito ang sensiridad niya.Kung maaari lamang na pawiin ang lungkot at pagsisisi sa puso nito ay gagawin niya. Ngunit alam niya na kahit anong subok niya, hindi niya iyon magagawa, dahil tanging ito lamang ang mag kakayahan na gawin iyon. Si Anais lamang ang may kakayahan na itaboy ang lungkot sa puso nito at gamutin ang mahapding sugat na dala ng pagsisisi."And a failure doesn't define you as a person. It doesn't define you as a mother. Because motherhood is not a perfect thing. Kahit ako, I'm still learning how to take care of Akhil. May mga pagk
Samantalang kabado si Agatha nang makarating sa pasilyo ng private pediatric ward. Sa elevator pa lang ay hindi na siya mapakali kaya nagmamadali niyang tinahak ang pridadong silid ni Coleen .Naabutan niyang nasa labas si Rizzo at may kausap sa telepono.Nakita niyang tensyunado ang lalaki at mukhang hindi komportable sa taong kausap nito. Hinilot ng lalaki ang sintido bago bumuga ng hangin.Hindi man lang nito napansin ang kaniyang presensya."Dad, I know it's an important meeting. Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang ang anak ko. Coleen has a severe allergy reaction. She needs me now. I don't care about anything else, I just want to make sure that my daughter is safe."Saglit na natahimik si Rizzo, tila pinapakinggan ang sinasabi ng taong nasa kabilang linya."It's not her fault, Dad." Matigas na tugon nito pagkaraan."It's not her carelessness or my daughter's recklessness that caused this. Coleen is fond with furred animals, while Anais is unaware about Coleen's allergy w
Nang mawala sa kaniyang paningin si Agatha ay saka lamang siya bumalik sa kasalungat na pasilyo kung saan naghihintay si Archie sa impormasyon na ibibigay niya. Mabagal ang bawat niyang hakbang habang inaalala ang tensyunadong ekspresyon ng mukha ni Agatha.Bakit nga ba magiging tensyunado si Agatha?Wala naman siguro siyang nagawang kasalanan? Bulong niya sa hangin. Muli niyang naabutan si Archie na tulalang nakaupo sa bench. Malayo ang tingin nito at walang partikular na bagay na tinitingnan. Halatang malalim ang iniisip nito. Pagkalapit sa kaibigan ay naupo na siya sa katabing upuan nito. "The patient's name is Malia Coleen." Panimula niya para makuha ang atensyon ni Archie. At kagaya ng kaniyang inaasahan, mula sa pagkatulala, ay napaangat ito ng tingin sa kaniya. Napansin din sa wakas ang kaniyang presensya, at tila ngayon pa lamang naputol ang sumpa nito na matulala sa kawalan. "Malia Coleen Javier Galvez is her fulle name. She's still young. Her biological father is Riz