Share

Chapter 48: Jealous

Penulis: Purplexxen
last update Terakhir Diperbarui: 2024-09-22 18:00:29

Kung hindi pa dahil sa pagring ng kaniyang cellphone ay hindi pa magigising si Ysabela.

Ilang beses niyang ikinurap ang mga mata, madilim ang buong paligid. Hindi niya namalayan na nakatulog na siya sa sofa.

Dala marahil ng pagod ay hindi niya inaasahan na makakatulog sa sofa.

Gamit ang kaliwang kamay, kinapa niya ang gilid ng sofa para hanapin ang cellphone at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Mabilis na nasilaw ang kaniyang mga mata dala ng liwanag galing sa screen nito. Numero lang ang nakalagay doon kaya naman sinagot na lamang niya iyon at inilagay sa tainga.

Nakaharap siya sa backrest ng sofa at nakasiksik doon, rinig niyang bukas pa ang television at mukhang nakatulugan niya iyon. Pero wala siyang lakas para pumihit paharap.

Kaya nanatili siya sa ganoong puwesto.

“Hello?”

Ilang segundo rin bago nagsalita ang nasa kabilang linya.

“Did I bother your sleep?” Tanong nito.

Kumunot ang kaniyang noo.

“Huh?”

“You sound like you're from sleep.” Medyo natatawa nitong sabi.

Muli niyang
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
sana Sabihin ni Ysabela angtotoo na buntis sya
goodnovel comment avatar
Boss d
sana sabihin ni ysabela kay greig na sa loob ng dalawang taon na pagsasama nila mjnahal na nya ito nasasaktan sya dahil kahit anong gawin nya di sya magawang mahalin ni greig GANOON DAPAT para matauhan si greig
goodnovel comment avatar
Marites Mendez
Tanga lang ,,,cge lang Greig pag nadevorce talaga kau
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 49: Stop Doing This

    “Are you jealous, Ysabela?” Tanong muli nito.Napailing siya at kung hindi pa napigilan ay baka natawa na kay Greig.God, forgive me. How could this man be so insensitive with his words?Dati ay wala naman talaga siyang pinagseselosan na babae kay Greig. Walang naging eskandalo sa pagsasama nila.Pero simula nang bumalik si Natasha, wala na siyang ibang naramdaman kung hindi ang paghihirap ng damdamin.Nagagalit siya ngayon kay Greig, bakit itatanong iyon ng lalaki?Matagal-tagal na rin niyang pilit na itinatago ang totoong nararamdaman. Sa paulit-ulit na pagpili ni Greig kay Natasha, alam na niya kung saan ang lugar niya.Umiling siya ulit, ngunit walang lumalabas na salita sa kaniyang bibig.Tumayo siya at balak na sanang iwan ang lalaki ngunit hinawakan nito ang kaliwa niyang kamay.“Are you, Ysabela?” Mariin nitong tanong.Binawi niya ang kamay kay Greig at mapait na natawa sa lalaki.“What do you think, Greig?” Hamon niya.Hinding-hindi niya aaminin sa lalaki na nakakaramdam siya

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-22
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 50: When Will You Be A Gentleman?

    “What's the matter, Greig?” Tanong ni Patrick nang mapansin ang pagiging tahimik niya.Nasa tapat ang mga kaibigan kasama ang apat na babae.Dala-dalawa ang babae ni Patrick, ganoon din si Archie na madalas bugahan ng usok ang mukha ng babaeng nasa kanan habang h*n*h*likan nito ang leeg ng lalaki.Hindi naman siya apektado sa eksenang nagaganap sa harap niya dahil sanay siyang ganiyan si Archie sa mga babae.Ngunit hindi nito mapansin ang babaeng nasa kaliwa na kanina pa hinahaplos ang hita ni Archie.Kumuha siya ng bagong inumin at nagsindi ng sigarilyo.Mag-isa siya sa mahabang sofa habang nakatingin sa mga taong nagsasayaw sa ibaba. Nasa ikalawang palapag sila ng club kaya halos tanaw niya ang lahat ng nangyayari sa ibaba.Marami ang tao at marami rin ang mga babaeng nakakalat, pero hindi pa rin mawala ang isip niya sa mukha ni Ysabela.“Something's bothering you. Si Natasha ba?” Tanong ulit ni Patrick habang nagsasalin ng inumin.Nilingon niya ang lalaki, hindi niya magawang sagut

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-22
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 51: Cuddle

    “Ayos na ba ang pakiramdam mo, Ysabela?” Nag-aalang tanong ni Manang Lora.Pinunasan niya ang bibig pagkatapos magmumog.Ipinilig niya ang ulo at pinakiramdaman ang sarili. Ang dali-dali niyang mahilo sa amoy ng bawang.Hinawakan niya ang tiyan at nailing sa sarili.“Ayos na po ako, Manang.” Sagot niya sa mababang boses.Pinadala ni Gretchen ang babae para tumulong sa kaniya ngayong gabi. Noon una, ayaw niya sanang tanggapin ang kasambahay dahil nakakahiya, pero ayaw nitong bumalik sa mansyon dahil siguradong sisisantehin ito ni Señor Gregory, o ni Gretchen mismo.Naawa naman siya sa babae. Ibinilin niyang pwede naman itong umalis pagkatapos siyang paghandaan ng pagkain at tulungan sa magagaan na gawain. Lalo pa't isa lang ang kuwarto sa kaniyang apartment, hindi niya kayang patulugin ang babae sa kaniyang sofa.“Nahilo lang ako kanina.” Dagdag niya nang makita ang pag-aalala sa mukha nito.Huminga ito ng malalim.“Hindi ba natin tatawagan si Sir Greig, Ysabela?” Tanong nito.Mariin s

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-30
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 52: Warmth

    Dumilim ang emosyon sa mga mata ni Greig. Tila bumaba ang temperatura ng silid sa lamig ng tingin nito.Hindi niya gustong makipagbangayan sa lalaki. Ayos lang sa kaniya kung sa sala na lamang siya matutulog, mas mabuti na iyon kaysa magkasama sila sa isang kama.Tinalikuran niya ito at naglakad papunta sa pinto pero bago niya pa mahawakan ang seradura nito ay nahawakan na ni Greig ang kaniyang bewang at iniangat siya sa sahig.Napatili siya kasabay ng pagkapit sa braso nito gamit ang kaliwang kamay.“Greig!” Gulat niyang sigaw.“You're not sleeping in the couch.” Malamig nitong saad.“Ibaba mo ‘ko!”Sinunod naman siya nito, ibinaba siya ng lalaki sa kama pero kinapos siya agad ng hininga nang hilahin siya nito pahiga at kubabawan.Parang ilang segundo rin na naputol ang kaniyang paghinga dahil sa ginawa nito.“You told me you're already tired, why don't we rest?”Nasa tapat niya ang mukha nito. Namumungay pa rin ang mga mata nito dahil sa pagod, at marahil dahil sa alak.Sasagot na d

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-30
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 53: Breakfast

    Magaan ang kaniyang katawan nang magising siya. Sa unang pagkakataon, parang ang himbing ng kaniyang tulog kagabi.Nang buksan niya ang mga mata, wala na si Greig sa kaniyang tabi. Hindi niya alam kung kailan ito umalis o kung saan ito natulog.Masyadong naging mahimbing ang kaniyang pagkakatulog kagabi para malaman pa ang nangyayari sa kaniyang paligid.Dahan-dahan siyang bumangon at inilibot ang tingin.Maliit lang ang kaniyang apartment. Sapat para sa isa hanggang dalawang tao.Hindi kagaya ng villa ni Greig, malawak iyon at maraming kuwarto ang bahay. Kahit bente katao pa ang tumira.Hinding-hindi masasanay ang lalaki sa maliit na espasyo. Siguro nang makatulog siya umalis ito agad.Pinuntahan siguro si Natasha? Mapait na bulong ng kaniyang isip.Huminga siya ng malalim, ayaw niyang sirain ang kaniyang umaga.Ano naman kung wala na si Greig? Dapat lang naman.Bumangon siya at inayos ang kama. Papasok na dapat siya sa banyo para gawin ang morning routine nang pumasok si Greig.Nati

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-30
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 54: Cheque

    Kumatok si Manang Lora sa kaniyang kuwarto kaya pinagbuksan niya ito. Halata ang pangamba sa mga mata nito kaya nagtaka siya.“May bisita ka Ysabela.” Mababa ang boses na saad nito.Mabilis na bumaling ang tingin niya sa may pinto at nakita ang tinutukoy nitong bisita.Kumunot ang kaniyang noo.Ngumiti naman si Natasha at pumasok sa bahay kahit hindi naman niya inimbitahan. Marahan nitong inilibot ang tingin sa sala bago siya muling balingan ng tingin.“How's your wound, Ysabela?” Masuyo nitong tanong.Umasim ang kaniyang sikmura. Kahit anong pagpapanggap nitong maging maamo, alam na niya ang tunay na kulay nito.Tumuloy si Natasha sa kaniyang sofa at naglapag ng lunchbox sa maliit na mesa.Hindi niya inaasahan na pupuntahan siya ng babae sa kaniyang apartment. Paano nito nalaman kung saan siya nakatira?Sinabi ni Greig?“What are you doing here?” Malamig niyang tanong sa babae.Ngumiti it ng matamis.“I was just worried about you, Ysabela. You look pitiful when we went in the hospita

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-30
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 55: Tired

    Mapait siyang ngumiti. Ikinuyom niya ang kamay at nalukot naman agad ang cheque.Napaawang ang labi ni Natasha nang makita ang ginawa nito. Kita ang gulat sa mga mata nito sa ginawa niya.Akala talaga nito ay hindi niya matatanggihan ang pera?“Hindi lahat ng bagay nabibili ng pera.” Itinapon niya sa dibdib ng babae ang lukot na cheque.Napamaang ito. Kita niya ang gulat at galit sa mga mata ni Natasha.“Tingin ko mas kailangan mo ng pera. Buy some manners.”Tinalikuran niya ito, ngunit mabilis itong kumilos at hinawakan ang kaniyang braso. Marahas siyang hinila pabalik at pinaharap.Dumapo sa kaniyang pisngi ang malakas nitong sampal.Napabaling siya sa kabilang direksyon dahil sa sampal nito. Malakas iyon na pakiramdam niya'y saglit na namanhid ang kaniyang mukha.Nang makabawi ay dahan-dahan niyang inayos ang sarili, humarap siyang muli sa babae at nakita ang matinding galit sa mga mata nito. Magsasalita pa lang sana si Natasha nang suklian niya ang sampal nito.Mabilis na napabali

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-30
  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 56: Parking Lot

    “As you can see the sales for this month is growing, Sir. We have plotted the future plans in order to—”“Sir.” Natigil ang pagsasalita ng representative ng finance team nang pumasok si Christoff at tinawag ang atensyon ni Greig.Seryoso ang mukha nito dahilan para maging kuryuso siya.Madalas niyang ibilin sa kaniyang assistant na huwag guguluhin ang kaniyang meeting, maliban na lamang kung importante ang dahilan.Lumapit ang lalaki at ibinigay sa kaniya ang telepono.Kinunutan niya ito ng noo.“The housemaid is trying to contact you, Sir.” Imporma nito.Tiningnan niya ang telepono at tumayo para kunin iyon.“I'll be back. Let's take a break for a few minutes.”Nanatili ang mga empleyado sa meeting room habang lumabas naman siya at inilagay sa tainga ang teleponong ibinigay ni Christoff.“Sir Greig.” Bati agad ni Manang Lora.“S-sir, pasensya na. Napatawag na ako kasi natataranta ako.”“Manang Lora?”Ito ang kasambahay na kasama ni Ysabela sa apartment.Bumagal ang tibok ng kaniyang

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-30

Bab terbaru

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 221.3: Identification

    Hindi siya nakatanggap ng imbitasyon, sapat na iyon para malaman niya na hindi siya gustong imbitahan ni Damian Galvez sa kaarawan nito. Nitong lumipas na mga taon, nagkakaroon naman sila ng kaunting interaksyon ni Architect Damian Galvez. Nakakameeting niya rin ang ibang Galvezes. Ngunit hindi gaanong maganda ang relasyon niya sa kanila. Tila mahirap na magkaroon ng malapit na koneksyon sa pamilyang Galvez. Ang totoo niyan, hindi niya rin gusto na magkaroon ng koneksyon sa mga Galvez dahil nagpupukos na siya ngayon sa pagpapalawak ng kaniyang negosyo sa labas ng bansa. Kaya hindi na niya kailangan ng koneksyon sa mga negosyanteng lokal. May negosyo rin naman ang mga Galvez sa ibang bansa, ngunit hindi kagaya niya na mas malawak ang negosyo sa labas ng Pilipinas. "Good evening, Atty." Bati ng isang lalaking miyembro ng security team. Inilahad ni Reinella ang hawak nitong invitation card at ngumiti ng matamis. "Here's my invitation card. Do I still need to show you my ID?

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 221.2: Identification

    Litong-lito na si Archie. Iba ang nakukuha niyang impormasyon sa impormasyon na gusto niyang matanggap. Kaya nang dumating na ang kaarawan ni Damian Galvez ay hindi na siya nag-atubiling dumalo sa selebrasyon para makakuha ng iba pang impormasyon tungkol sa nobya ni Rizzo Galvez. Kung dadalo siya sa birthday party ni Damian Galvez ay mas malaki ang tyansa na may makalap siyang impormasyon na makakatulong sa kaniya na mapag-aralan ng mabuti ang katauhan ni Anais Acosta. Sa tuwing naiisip niya na kamukhang-kamukha ng nobya ni Rizzo si Yvonne ay naaalala niya palagi na naging magkasintahan noon si Yvonne at si Rizzo. Posible na hanggang ngayon ay hindi pa rin makalimut si Rizzo kay Yvonne... kagaya niya. Baka nabaliw na rin ito kay Yvonne, kaya ngayon na may natagpuang babae na kamukha ni Yvonne ay pakakasalan nito agad. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman na papalit-palit ng babae ang mga Galvez. Habulin ng mga babae ang mga lalaking Galvez kahit na kasal na ang iba. Kaya para magpa

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 221: Identification

    Gabi na nang makauwi si Archie mula sa hospital. Hindi man lang siya nakapagpahinga sa paghahanap ng kasagutan sa mga tanong niya. Ngunit ayon sa nakuha niyang impormasyon, lihitimong anak ni Rizzo ang batang naospital. Anak nito si Coleen sa pagkabinata. Sa Pilipinas ipinanganak ang batang babae, ngunit sa ibang bansa pinalaki. Maliban sa mga impormasyong iyon ay wala na siyang nakuhang iba pa. Hindi na rin nakapagbigay ng impormasyon sa kaniya si Patrick dahil iyon lang din ang laman ng database ng ospital. Binuksan niya ang kaniyang computer pagkauwi galing sa ospital. Sa kaniyang opisina siya tumuloy para tingnan ang pinadalang email ng kaniyang assistant sa kaniya. May sarili siyang office sa kaniyang condo unit. Gusto niyang nakabukod lamang ang kaniyang opisina sa kaniyang kuwarto para maging productive pa rin siya kahit na nasa condo lamang siya. Buong araw yata siyang hindi nagpakita sa kompanya. Nasa ospital lamang siya maghapon, naghahanap ng mga bagay na makakatulong s

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 220.3: Fake

    Nang manganak siya kay Akhil, bumalik si Yvonne sa pagthetheraphy. Hindi na ito umuuwi sa kanila dahil sa takot na baka masaktan nito si Akhil. Naniniwala ito na hindi ligtas ang kaniyang anak kapag mananatili si Yvonne sa kanilang puder. Pakiramdam palagi ni Yvonne ay magdudulot lamang siya ng panganib sa mga paslit. Kaya kahit sa malayo ay hindi nito matingnan si Akhil. Hindi nito kayang pakinggan ang tawa at iyak ng bata. Agad itong inaatake ng anxiety at parang nababalisa agad. Madalas ay nagkukulong ito sa kuwarto ar hindi na sa kanila nagpapakita. Nang hindi na nito makayanan ay nagpa-alam itong aalis muna para humingi ng tulong sa therapist nito. Nitong nakaraang buwan lang bumalik si Yvonne sa kanila. Hindi pa gaanong maayos ang babae kahit pa halos apat na buwan itong nawala para magtheraphy. Alam niyang malalim ang pinangggalingan nitong sakit kaya hindi niya pwedeng hayaan na lang mas lalong maexpose sa mas mahirap na sitwasyon ang kaniyang pinsan. "I know where yo

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 220.2: Fake

    "You've already met him?" Tanong niya sa babae. Tumibok ng mabilis ang kaniyang puso at nanatiling malamig ang kaniyang palad. Hindi niya nakita si Archie sa labas. Pero dahil sa sinabi nito, mas lalo siyang naging kabado. Natahimik saglit ang babae. Hindi ito sumagot, ngunit ramdam niya na hindi na niya kailangan na marinig mula sa labi nito ang kasagutan sa kaniyang tanong. Nagkita na nga ang dalawa. "You know that this would happen, right?" Marahan niyang tanong. Huminga ng malalim si Anais bago pagod na pumikit. Umangat ang dibdib nito nang humugot ng malalim na hininga. "I know." Sagot nito pagkaraan. "But I couldn't let my fear control me, Agy." Mahina nitong sambit, tila nabibigatan. "For the past five years, I tried my best to overcome everything that once held me back. Ang tagal kong nagtago. Ang tagal kong natakot." Huminga na naman ito ng malalim. "But I was able to face him without showing much of my fear. I was able to fake my reaction when I saw him." Bumalin

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 220: Fake

    Marahan siyang umiling. Alam niyang mabigat na naman ang loob nito. Ayaw niyang maramdaman muli ng babae ang parehong sakit na naramdaman nito noon, kaya hinaplos niya ng magaan ang likod ng palad nito bago maliit na ngumiti."I know how you feel now. Alam kong nag-aalala ka ng husto kay Coleen, but everything's fine now. Maayos na si Coleen, wala ka nang dapat na ipag-alala."Tumitig siya ng mabuti sa mga mata ni Anais. Gusto niyang makita nito ang sensiridad niya.Kung maaari lamang na pawiin ang lungkot at pagsisisi sa puso nito ay gagawin niya. Ngunit alam niya na kahit anong subok niya, hindi niya iyon magagawa, dahil tanging ito lamang ang mag kakayahan na gawin iyon. Si Anais lamang ang may kakayahan na itaboy ang lungkot sa puso nito at gamutin ang mahapding sugat na dala ng pagsisisi."And a failure doesn't define you as a person. It doesn't define you as a mother. Because motherhood is not a perfect thing. Kahit ako, I'm still learning how to take care of Akhil. May mga pagk

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 219.3: Recklessness

    Samantalang kabado si Agatha nang makarating sa pasilyo ng private pediatric ward. Sa elevator pa lang ay hindi na siya mapakali kaya nagmamadali niyang tinahak ang pridadong silid ni Coleen .Naabutan niyang nasa labas si Rizzo at may kausap sa telepono.Nakita niyang tensyunado ang lalaki at mukhang hindi komportable sa taong kausap nito. Hinilot ng lalaki ang sintido bago bumuga ng hangin.Hindi man lang nito napansin ang kaniyang presensya."Dad, I know it's an important meeting. Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang ang anak ko. Coleen has a severe allergy reaction. She needs me now. I don't care about anything else, I just want to make sure that my daughter is safe."Saglit na natahimik si Rizzo, tila pinapakinggan ang sinasabi ng taong nasa kabilang linya."It's not her fault, Dad." Matigas na tugon nito pagkaraan."It's not her carelessness or my daughter's recklessness that caused this. Coleen is fond with furred animals, while Anais is unaware about Coleen's allergy w

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 219: Recklessness

    Nang mawala sa kaniyang paningin si Agatha ay saka lamang siya bumalik sa kasalungat na pasilyo kung saan naghihintay si Archie sa impormasyon na ibibigay niya. Mabagal ang bawat niyang hakbang habang inaalala ang tensyunadong ekspresyon ng mukha ni Agatha.Bakit nga ba magiging tensyunado si Agatha?Wala naman siguro siyang nagawang kasalanan? Bulong niya sa hangin. Muli niyang naabutan si Archie na tulalang nakaupo sa bench. Malayo ang tingin nito at walang partikular na bagay na tinitingnan. Halatang malalim ang iniisip nito. Pagkalapit sa kaibigan ay naupo na siya sa katabing upuan nito. "The patient's name is Malia Coleen." Panimula niya para makuha ang atensyon ni Archie. At kagaya ng kaniyang inaasahan, mula sa pagkatulala, ay napaangat ito ng tingin sa kaniya. Napansin din sa wakas ang kaniyang presensya, at tila ngayon pa lamang naputol ang sumpa nito na matulala sa kawalan. "Malia Coleen Javier Galvez is her fulle name. She's still young. Her biological father is Riz

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 219: Recklessness

    Pagkatapos na makuha ang impormasyon ng pasyente ay lumabas si Patrick para kausapin muli si Archie. Sigurado siya na hindi aalis ang kaniyang kaibigan hangga't hindi nito nakukuha ang gusto.At alam niya kung gaano kadesperado sa impormasyon ngayon si Archie.Alam niya ang pakiramdam nito ngayon. Dahil kagaya ni Archie, hindi rin siya mapakali noon nang malaman niyang may anak si Suzzane.Alam niyang kung may anak ito ay malaki ang tyansa na kaniya ang batang iyon.Ngunit kahit gaano kadesperado ang kaniyang kaibigan na makilala ang batang pasyente ay hindi niya maaaring hayaan na lamang itong gawin kung ano ang maisipan nitong gawin. Istrikto ang ospital. Malaking bagay ang privacy ng mga pasyente sa ospital na ito.Kaya kung papasok ito sa isang pribadong silid para lamang makita ang pasyente nang walang pahintulot mula sa pasyente o sa pamilya ng pasyenteng ay magdudulot lamang ng malaking gulo.Pabalik na siya sa upuan kung saan naghihintay si Archie, nang bigla siyang matigilan

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status