Share

Chapter 2

RIZ

I CAN’T feel my cheek, at nang makarating ako sa silid ko ay dumeretso ako sa banyo. Sa salamin ay nakita ko na nagsisimula na ang pamamaga ng pisngi ko bukod sa pamumula nito. Hindi ako galit sa aking ama. I’m just disappointed that he didn’t even let me explain.

My tears were threatening to fall pero kaagad akong tumingin sa itaas para pigilan ang pagpatak nito. Mabilis akong naligo at nagbihis saka nag-umpisang mag-empake ng mga gamit ko. Hindi ko kayang dalhin ang lahat, and by the looks of my things, hindi ko rin madadala ang kotseng iniregalo sa akin ni Dad. Actually, I don’t want to take anything he gave me. May mga personal akong gamit na nabili ko mula sa baon ko.

Hindi ako maluhong tao, at bagaman si Dad ang nagbibigay ng baon ko noon, nagtrabaho rin ako sa unibersidad bilang student assistant kaya ako nakaipon. Siguro naman, hindi ako kagagalitan ni Dad kung hiramin ko itong maliit na luggage para lagyan ng mga kailangan ko. Iniwan ko rin ang mga alahas na ibinigay niya sa akin. Iilan lang iyon pero kahit ang kuwintas na ibinigay niya sa akin noong sumapit ang ikalabing-anim na kaarawan ko ay ibinalik ko sa drawer.

Kasalukuyan akong nagsi-zipper ng luggage nang makarinig ako ng pagbukas ng pinto. I was hoping my father had a change of heart pero nang makita kong ang asawa niya ang iniluwa ng pinto ay napahiya ako sa sarili ko. Why did I ever think my father would change his mind?

“Mabuti naman at nakaempake ka na. Baka naman nagdala ka pa ng mga puwede mong ibenta rito?” Umismid siya.

Naglakad-lakad siya sa silid ko at tumigil malapit sa may drawer. Nang matanaw ko siya ay binuksan niya at tiningnan ang lalagyan ng aking alahas saka tumingin sa akin.

“At least you have the sense of leaving your jewelries here.” Isinara niya iyon at saka naglakad pabalik sa may pinto. “Good luck sa paghahanap ng lalaking nakabuntis sa ’yo. Who knows, baka may asawa na ’yon; baka naman dapuan ka ng suwerte at gawin kang isang kabit.” Tumawa siya nang patuya.

“Madam, kung wala na po kayong sasabihing iba, puwede po bang iwan n’yo muna ako para matapos na ’ko sa pag-eempake?”

Kaagad siyang namaywang. “Are you trying to dismiss me in my own house?”

Humugot ko ng isang malalim na hininga. “Hindi po—”

“You know, I never thought highly of you and always thought that you will end up like your mother. Tingnan mo nga at hindi nagkamali ang iniisip ko sa ’yo. I guess the only thing na nagkamali ako ay ang makakatapos ka. But then again, who knows if you’ve slept with your professors para ipasa ka.”

“Hindi ako ganoong klase ng babae.” Hindi na ako nakapagpigil dahil durog na durog na ako. Kung hindi niya ako kayang irespeto bilang anak ng asawa niya, kahit man lang bilang tao ay gawin niya ang tama.

“And yet you’re pregnant?” pauyam niyang balik sa akin.

Sa mga taong katulad niya, kahit anong paliwanag ang gawin ko ay hindi niya maiintindihan dahil ayaw niyang intindihin. Minsan, nakakasawa rin gumawa ng tama.

“I’m leaving in a few minutes. Please . . . just let me be.”

She turned her back pero nilingon niya ako at muling nagsalita. “I hope you never find the father of your child para hindi ka na kahit kailan makabalik pa rito. Ikaw ang pinakamalaking pagkakamali ng ama mo sa buhay niya.”

Kinagat ko ang labi ko para hindi ako makasagot sa kaniya nang pabalang. Ganoon pa man, masakit pa rin sa akin na makarinig ng mga salitang may pagyurak sa pagkatao ko. Kung papatulan ko naman siya ay wala akong ipinagkaiba sa kaniyang ugali. I am not going to stoop down to her level.

Narinig ko rin ang mga yabag niya at pagpinid ng pinto. Nahahapo akong napaupo saglit sa kama at pinagsawa ang mga mata ko sa kabuoan ng silid ko na naging saksi sa lahat ng pagod, puyat, sama ng loob, at saya sa loob ng maraming taon na nanirahan ako rito. But now, it’s time to leave.

Balak ko rin naman na umalis, hindi nga lang ora-orada katulad ngayon. Dalawang buwan na ang tiyan ko at kahit may mga sandali na nakararamdam ako ng hilo ay pinipilit kong ikalma ang sarili ko para hindi nila mahalata. Walang ibang nakaaalam kung hindi ang family doctor namin. Who knows what my stepmother did to get the information? Maaari din na ang doktor mismo ang sumira ng oath niya. Confidential information ang bawat record ng pasyente. Sadly, kapag may pera ay natutunaw ang mga sinumpaan.

Dahil wala akong gaanong dala ay naibaba ko ang aking mga gamit nang hindi humihingi ng tulong sa mga kasambahay. Ang aking ama ay kasalukuyang may kausap sa telepono. Nang makita niya ako ay nagpaalam siya sa kausap niya at ibinaba ang tawag.

“Is that all you’re bringing with you?” malamig na tanong niya sa akin. Hindi ko mabasa ang kaniyang mukha. His voice was as cold as the expression on his face.

“Ito lang po.”

He didn’t say anything else and was about to dial the phone again when his wife came with juice.

“Here’s your juice, pampalamig ng ulo. Kung bakit naman kasi may mga taong pasaway. Ginawan mo na ng mabuti, ibinigay na ang lahat ng luho, magandang tirahan, mamahaling damit at alahas, some people are just too ungrateful!” Sobra ang mga pasaring niya pero gusto kong magpaalam nang maayos kay Dad kaya hindi ko siya pinatulan.

“Dad, I just want to say thank you for taking care of me all these years. And I am sorry for causing you disappointment. Itatama ko po ang lahat at sa pagbabalik ko. Ihaharap ko sa inyo ang ama ng anak ko.”

My father didn’t say anything to me nor acknowledge what I said. Humugot ako ng isang malalim na hininga at inunawa ang damdamin niya. He is mad at me. Dad took the juice and walked towards the kitchen. Pinanood ko ang paglayo niya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. That’s when I started to leave. Pero nakaiilang hakbang pa lamang ako palabas ng pinto ay may pahabol pa ang madrasta ko.

“Sa akin, hindi ka magpapasalamat? Bahay ko rin itong tinirhan mo, pera ko rin ang ipinapambili ng mga pagkain na kinain mo, at lahat ng ibinigay niya sa ’yo ay kahati ako. Conjugal iyon.”

Hinarap ko siya at tinitigan sa mga mata. “Madam, you may be my father’s wife but everything he did for me is his obligation. I should be grateful to you for letting me share your home, but you lost that when you insulted me from the day I set foot here. Still, I want to say thank you.”

Ngumiti siya nang pauyam. “Ah, finally. Magpapasalamat ka rin pala, ang dami mo pang sinabi.”

“Thank you . . . for showing me the person I don’t want to be. Aalis na po ako.”

Naiwan siyang nagngingitngit sa sala. Believe it or not, masarap sa pakiramdam na nasabi ko sa kaniya ang mga katagang binitiwan ko kahit sa huling araw ko sa bahay nila.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jonacris Arellano
naiyak Ako sa part ng papaalam cya Kay dad niya .pakiramdam ko nagtitinpi lng din c das niya para awatin cya umalis.
goodnovel comment avatar
Vickai Usares
good job ka sa huling sinabi mo madrasta mo Riz
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status