Share

Chapter 7

RIZ

HE doesn’t remember me, but why is he being nice to me? I’m not dense. Ramdam ko ang pag-aalinlangan niya sa akin at hindi ko siya masisi dahil hindi naman kami magkakilala. Ano lang ba iyong isang gabi? I can’t even remember it myself. Pero narito na ito at kung hindi niya ako paniniwalaan ay hindi ko na rin ipipilit. Susubukan kong bumalik sa aking ina, pero kahit maayos ang buhay niya ngayon, I doubt she would take me in.

Nang ibigay niya sa akin ang gatas ay pinilit kong uminom. Hindi ako fan ng gatas, pero tama siya: kailangan ito ng baby ko.

“Tell me exactly what happened today. Whatever you put on your face to hide your marks failed at hiding the swelling.” He got up again and went to the fridge. Nang magbalik siya ay may dala na siyang isang ice pack. “This will help.”

Bigla tuloy akong napahawak sa pisngi ko. There were a lot of things that happened today at sa totoo lang ay nawaglit na sa isipan ko ang ginawang pagsampal sa akin ng aking ama. Hindi kaagad ako nakapagsalita pero kinuha ko ang ice pack at inilapat sa pisngi ko. Naubos na yata ang adrenalin ko kaya ramdam ko na ngayon ang sakit. That was a hard slap.

“Arizona—”

“It’s Riz.” Kapag naririnig ko ang Arizona, pakiramdam ko ay nagagalit na teacher ang kausap ko.

“Okay, Riz. Why is your face swollen? Tell me who hit you.”

Ang paraan ng pagtatanong niya sa akin ay may halong pagtitimpi. Hindi siguro siya sanay na may nakikitang kagaya ko na pinagbuhatan ng kamay. For some reason, I can feel that he feels protective of me. Siguro dahil sinabi kong dala ko ang anak niya.

“You said we are going to talk about the baby.” Ayaw kong pag-usapan ang nangyari sa bahay.

“Bitbit mo ang isang luggage. Clearly, you left your house for a reason. Isa na roon na buntis ka. Since you came to see me, and you just told me that . . . I am the father, I think I have the right to ask who hurt the mother of my child.” Halata ang pagtitimpi niya. Those eyes may be beautiful but the coldness in them makes me want to shiver.

“I don’t stay where I am not wanted, so I left my father’s home. As for my swollen cheek, hindi ako nakatingin sa dinaraanan ko kaya . . . kaya nauntog ako.”

Kumunot ang noo niya at halatang hindi naniniwala. “Ang alam ko, kapag nauuntog ay noo ang nauuna. Puwede rin na bumbunan kung biglang tumayo. Pero pisngi? I find that hard to believe.”

“Maniwala ka man o hindi, wala akong magagawa.”

His face hardened. “So you left your home. Where are you going now?”

“It’s too late for me to find an apartment, so I’ll just look for a hotel and spend the night there.”

“At pagkatapos?” Lalong dumami ang gatla sa noo niya. Wala akong maisagot dahil wala pa naman akong nabubuong plano. I just know that I am keeping my baby no matter what happens. “Do you even have a job? Naka-graduate ka na ba?”

“I’m still looking for a job,” sagot ko sa kaniya. Kahit gusto kong sabihin na mayroon ay mukhang hindi rin siya maniniwala, so I just told him the truth.

“And let’s say you found a job, how are you going to work and take care of the baby at the same time? May pag-iiwanan ka ba ng bata? Hindi mo naman siya puwedeng isama sa trabaho.”

Ang sinasabi niya ngayon ay mga scenario na karaniwang nagaganap sa telebisyon. Isang teleserye na halos walang katapusan ang pagdurusa ng bida. But I intend to do better than a show.

“I’ll cross the bridge when I get there. Wala pa naman, e. Makakaipon pa ’ko bago ako makapanganak.” Nakita ko kung paano niya ako tingnan nang mariin. Para bang kulang na lang ay sabihin niya na easy for you to say. “Lumalalim na ang gabi. Kung wala ka nang itatanong ay aalis na ’ko. Baka kasi dumalang ang taxi at maglakad pa ako nang malayo papuntang hotel.”

“I don’t think it’s wise that you leave tonight. I have a guest room if you want to spend the night. I have other questions to ask but I know you are tired. You had a long day at ayaw kong makadagdag pa sa mga iniisip mo.”

Umiling ako. “That’s too much. Masyado na kitang naabala.”

“I am not letting you leave tonight unless you tell me that you are going back to your father’s home.”

What makes him think he can keep me here? We are not married and we are not even dating. Wala siyang karapatan na magdesisyon para sa akin. Besides, I can’t go back. Kapag dinala ko siya sa amin at ipinakilalang ama ng anak ko ay lalo nang magkakagulo ang lahat.

“I can leave whenever I want and you can’t stop me.”

Dumilim ang kaniyang mukha at tumitig sa akin. “It’s not safe for you to go out this late. Buntis ka.”

“Wala tayong relasyon.”

“You are right. But you are carrying my child, Riz. If it’s true that the baby is mine at may nangyari sa kanya dahil sa katigasan ng ulo mo, there will be hell to pay.” Tumayo siya at lumapit sa luggage ko. Hinila niya iyon papunta sa isang kuwarto.

“Bakit? Sasaktan mo rin ako?” Hindi ko naiwasang itanong sa kaniya iyon.

Tumigil siya sa paglalakad at mariin ang tingin sa akin. He looked pissed. “I’ve never hit a woman in my life at wala akong planong simulan. Finish your milk and get some rest. There are supplies in the bathroom if you need anything. And don’t even think about leaving. We are going to talk again tomorrow and have an agreement. See you in the morning.”

Nang iwan niya ako ay napapikit ako saglit. I don’t know what is worse: ang mapalayas ni Dad o ang hindi paalisin ni Paul? And when I thought about it, sayang pa ang isang gabing ibabayad ko sa hotel. Dagdag budget na rin iyon pag-alis ko rito.

Nang maubos ko ang gatas ko ay dinala ko iyon sa sink at hinugasan. Kahit naman may kasambahay kami noon sa bahay nina Dad at Madam ay gumagawa pa rin ako lalo na kung may business trip si Dad. Lahat ng iyon ay ginawa ko nang walang reklamo. For his peace of mind, kahit ang kapalit ay hirap para sa akin.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cherry Liza M. Cariño
love this one
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status