"May bisita ka Shanel naghihintay na sya sa salas."
"Sino naman po? wala akong ganang lumabas."
Linggo ng umaga at dahil sa talipandas nya na ex at sa bago niyang driver wala syang ganang kumilos.
"Kaibigan mo daw iha."
"Opo, lalabas na. Susunod na ko." Sagot nya sa kasambahay nila na si Nay Ester.
"Paniguradong sila Alissa at Lilith lang yan. Bakit kaya sila dadalaw wala naman akong sakit? dahil ba sa kaunting galos sa aksidente ko? o baka naman alam na nila ang tungkol sa ex ko?"
Di inaasahan ni Shanel na pag-labas nya ay si Kenz ang aabutan nya. Malamang sinabi nya kay nay Ester na wag sabihin na sya ang nadalaw."
"What are you doing here! Diba sabi ko ayaw ko ng makita ka."
"Shanel, please I'm sorry. I don't wanna explain alam kong kasalanan ko." Pambungad nito pagbaba pa lang nya sa hagdan.
"Alam mong di ako basta-basta nag-papatawad Kenz. At yong ginawa mo sa tingin mo dapat ka pang patawarin?"
"Umalis ka na nag-sasayang ka lang ng panahon dito."
"Shanel, please di na mauulit. Isang beses lang naman. Lasing pa ko non. Mahal mo pa rin naman ako diba ayusin pa natin to."
Inilapag ni Kenz ang bulalaklak na dala at niyakap si Shanel.
"Ano ba bitiwan mo ko! Kahit anong gawin mo di na magbabago ang pasya ko. Isa o dalawa walang pinag-iba niloko mo pa rin ako."
"Damn you! Sa mismong kaarawan mo pa? seriously Kenz? di mo naisip na maaaring bibisita ako?"
Habang pilit kumakawala ni Shanel napadaan si Thunder sa sala kung saan nakita ang ginagawa ni Kenz
"Anong ginagawa mo! Bitawan mo si Shanel!"
Isang suntok ang iginawad ni Thunder sa lalaking pinipilit yakapin ang amo. Tumalsik si Kenz sa sahig na nang gagalaiti.
"Fu*k you! Sino ka bang disturbo ka!"
"Fu*k you ka rin! Wala ka na ron. Trespassing ka dito sa pamamahay na to kaya gagawin ko nararapat sayo."
Shanel sigh
"Kenz lumayas ka na. Tama si Thunder at ngayong hiwalay na tayo hindi ka na welcome sa bahay ko. Kaya lumayas ka na."
Nilingon ni Shanel si Thunder.
"Thunder, aalis na sya wag ka na makigulo. Wala kang karapatan makisaw-saw."
Di makapaniwala si Thunder sa sinabi ng dalaga. Matapos nya itong tulungan. Ito ang sasabihin ng dalaga.
Ngalingaling lumalakad palayo si Thunder...
"Grabeng ugali, sya na ngang tinulungan parang ako pang mali. Ayos ah,"
Di mapigilan na daldal ni Thunder habang papasok sa kusina
Tumayo si Kenz at nag-makaawa na naman sa dating nobya. Yon lang ang narinig ni Thunder at bumalik na sya sa silid.
"Shanel please lasing lang ako nong araw na yon. And Trish is my friend dumalaw lang sya at dahil lasing ako kaya yon nangyari."
"Seriously, that's your lame reason? Why I caught you fu*king a girl in your room?"
"Yon ang totoo magdamag akong lasing, birthday ko kasi next day diba? Kasi balak kong mag-date tayo sa gabi, nagpaalam naman ako sayo."
Napatawa ng pagag ang dalaga.
"Ano! twing lasing ka dapat patawarin kita pag may ganitong pangyayari? Ipinagpaalam mo rin ba na lulukohin mo ko that day? Wow ha. Not a chance, Mahal kita oo. Pero mahal ko rin ang sarili ko. Ayokong gumaya sa ibang martir Kenz. I'm not that girl. Sorry... Stop explaining. Tapos na ang lahat. We're done bye."
"Btw Dalhin mo yang bulaklak mo ayoko ng basura."
"Una't huli na yon Shanel. Ayaw mo lang siguro akong patawarin dahil sa lalaking yon ano?"
Pasigaw na sabi ni Kenz. Napanganga si Shanel sa husay mangbaliktad ni Kenz. Ito pa matapang. Lalo lang tuloy syang nagngingitngit sa galit.
"Sabi ko lumayas ka na. Walang kinalaman ang sino man satin. At sa kaalaman mo hindi ako katulad mo. Kasi kong yan ang iniisip mo malamang di mo pa nga ko kilala. Bago ka pa makita ng parents ko at baka di lang suntok abutin mo. Lumayas ka na."
"Di ako susuko Shanel gagawin ko lahat bumalik ka lang sakin." Umalis si Kenz na lag-lag balikat matapos sabihin ang katagang yon. Bumuntong hininga naman si Shanel.
"Pare-pareho talaga ang mga lalaki. Sakit na nga sa ulo. Sakit pa sa puso. Anong akala nya sakin tanga? ako nga ni di nag-papahawak sa kahit sinong lalaki tapos sya..."
Naupo si sofa si Shanel. Gusto nyang iiyak ang sakit ng nararamdaman pero wala na syang lakas para don.
Mahal ko talaga si Kenz oo. Pero anong gagawin ko kung kahit pumikit naaalala ko yong ginawa nya.
"Ang aga atang nagising ng aking prinsesa?"
"Good morning dad. Dumalaw si Kenz."
Walang ganang sagot ni Shanel
"Dumalaw? Pero mukhang bernesanto ata yang mukha mo. Nag-away kayo?"
"Well I guess matutuwa ka kahit nakasimangot ako ngayon. Kasi nakipag break na ko sa lalaking yon."
"Seryoso ka? Akala ko ba ay gustong-gusto mo yong lalaking yon. Sinuway mo pa ako dahil don tapos.."
"Basta tapos na kami. Ayoko na sa kanya." Padabog na tumayo si Shanel para mag-umagahan. Habang naririnig ang ama na tumatawa. Hindi sya yong tipong pala kwento kaya naiipon ang sakit sa loob nya.
"Kakalimutan ko na ang lalaking yon. His not worth of my time."
Aish! tatay ko ba sya? ang saya nya, while I'm suffering
Nag-punta si Shanel sa kusina. Paupo pa lang si sya ng may narinig syang tahol ng aso.
"Anong ingay yon bakit may tumatahol na aso sa likod?"
Mabilis na pumunta sa likod bahay si Shanel. At nabungaran nya si Thunder na nakikipag-laro sa isang brown na may pagka black na malaking aso.
Sa paningin si Shanel parang biglang naging isang demigod na may alagang aso si Thunder. Pero syempre di nya ipapakita na may paghanga sya. Ano sya tanga banas nga sya dito.
"Anong kalukuhan to? Bakit may aso dito? San galing yan?" Mataray nyang tanong.
"Alaga ko sya di sya kalukuhan. Tapos ka ng makipag-away sa bf mo at ako na naman puntirya mo." Patuyang sabi ng binata.
"Ayoko ng aso palayasin mo yan. At btw, di ko na yon boyfriend, ex ko na si Kenz."
"Napaka-heartless mo naman. Di ka na naawa. Una ako, tapos ngayon ang aso ko?" Napaismid si Shanel ng sa tingin nya ay gumagwapo sa paningin nya ang lalaki.
"Ti...tigilan mo ako sa paawa effect mong lalaki ka. Ayoko ng hayop. Ba't ba pinayagan ni daddy to!" Panguso nyang sabi.
"Lupa kainin mo ko bat ba ko nabubulol..." Sabi ni Shanel sa sarili.
"Pinayagan nga ako ni Sir, kaya anong pinagpuputok ng butchi mo."
"Pwede ba di ako nakikipag biruan. Nakakainit ka talaga ng ulo!"
"Tingin mo nag-bibiro ako? Kapamilya na ang turing ko dito kay Jolly. At dahil di ko makakasama ang kapatid ko si Jolly na lang muna." Napapikit ang dalaga nagdidiliryo na siguro sya kasi natutuwa syang galit ang lalaki.
"Di pa ba sapat ang nakakairita mong mukha at nagsama ka pa ng isa." Sabi ni Shanel kahit na pigil ang pagtawa.
"Ako nakakairita? Wow first, una kung ayaw mo makita e di wag kang pumunta dito. Kaya siguro nagluko boyfriend mo dahil sa ugali mo."
Nawala ang pagkaaliw ni Shanel sa away nila. Napatigil sya at napatanong sa sarili na baka nga sya ang mali...
Thunder didn't mean it. Basta lang lumabas sa bibig nya dahil siguro nainis sya. Siguro dahil sa habang sya humahanga sa ganda nito, ang dalaga nababanas naman sa kanya.
Isang sampal na naman ang lumipad sa mukha ni Thunder
"Anong alam mo! Wala kang alam sa pagkatao ko! Kakikilala mo pa lang sakin!"
Sapo-sapo ni Thunder ang pisngi. Ilang beses na ginawa ni Shanel ang sampalin sya kaya di nya na ito palalampasin.
Namumula na sa galit si Thunder at sinusubukan nyang kumalma. Gusto nyang parusahan ang dalaga, kung hindi lang sya natulala sa labi nito.
Di na kaylangan makasama ka ng matagal, sa kilos mo pa lang madali kang makilala. Spoiled brat na pag may gusto e dapat masunod.
Sa sobrang atraksyon sa labi ni Shanel minabuti nyang lituhin ang sarili dahil kung hindi siguradong pagsisisihan nya ang magagawa nya.
Ngunit ng napaluha si Shanel at tumakbo paalis saka pa lang natauhan si Thunder.
Nagsisising hatid tanaw na lang ang nagawa ng binata.
"Ako dapat ang galit bakit sya ang umiyak? Totoo naman ang sinabi ko. Ako ba kaylangan humingi ng sorry? Ano sa tingin mo Jolly? pero sya naman nauna. Aishhh!"
Kung alam ko lang na ang pagganti ko ay ikakapalayas ng buong pamilya ni Thunder hindi ko na sana ginawa.Iyak na sabi sa isip ni Shanel. Sising sisi sya. Parang bata na sa huli lang napagtanto ang kamalian. Napaka childish nga talaga ng ginawa nya. At mas lalo pa syang nakunsensiya twing maiisip nya ang expression ng binata na parang nanghihinayang at sumusuko na ng tuluyan. Yong bang tila ayaw lumaban. Kaya naman napag-isipan nya nang magsabi ng totoo sa ama... Ang problema ay ayaw na nitong maniwala at mukhang kumbinsido ito na may maling ginawa si Thunder. Siguro ay napapansin na rin ng ama nya ang paglayo nya kay Thunder. O baka na misunderstand lang nito ang mga kinikilos nya. Kaya siguro madaling nakumbinsi ang ama nya."Dad walang kinalaman sila Ressa at nay Ester please bawiin mo na aalis na sila please..." Halos yugyugin na ni Shanel ang ama sa pagmamakaawa na maniwala ito sa kanya ngunit kumbinsido na ito sa nakita."I won't take it back Shanel. Thunder did a huge sin di k
"Muntik na malunod ang kapatid mo at pinsan ko kasi inuuna mo pa yang babaeng yan." Galit na sabi ni Kath at masama pa nyang tiningnan ang si Angela."Di naman alam ni Thunder na may ganong mangyayari. Hinatid niya lang ako sa may bench para ipahinga ang paa ko natalisod kasi ako." Paliwanag naman ni Angela na palaban rin naman."Wag na kayong magaway tapos na ang lahat. Umuwi na tayo." Sabi ni Shanel na naiirita na rin at kaunting push na lang ubos na ang pasensya nya sa babaeng higad. Though alam nya naman na wala syang karapatang magalit kasi nga walang sila ni Thunder. Gusto nyang ismiran ang sarili kasi liban don ay ni wala ngang kaalaman ang binata kong ano ang nararamdaman nya para rito."Ok ka na talaga ate?" Tanong ni Ressa. At nakikita nya sa mga mata nito kung gano ito nagaalala para sa kanya. Kaya naman nakangiti nya itong sinagot. Para na rin di sya masyadong halata. Masyado na syang nakakahiya na ultimo bata ay nahahalata na."Yes, Ressa. Don't worry malayo sa bituka. To
"Ate Shanel ok lang kahit Naka short ka lang. Mas mabuti ‘yon at ng di ka masilipan. Ang dami palang tao ngayon. Napili rin siguro ng iba na mag celebrate dito." Sabi ni Theresa ng makarating na sila sa nasabing lugar. "Much better kung magsusuot ka ng malaking t-shirt ko para tagong tago. Remember wala tayo sa syudad." Ang gulat ni Shanel ng paglingon nya ay ang mala goddess na katawan ni Thunder ang bumungad sa kanya. Pilit isinuot n binatang si Thunder ang damit niya kay Shanel."Bat si Shanel lang pinasuotan mo. Pano ako?" Reklamo ni Angela sa gilid nito na di man lang napansin ni Shanel na kasama pala ni Thunder.Si Kath ang sumagut "Naka t-shirt ka na kasi. Bat ka pa kasi sumama dito celebration to ng kapatid ni Thunder." Lumingon pa ito kay Thunder at sinabing..."Kanina lang naghuhugas ka Thunder, kaylan ka sumunod? Nakakagulat ka bigla ka na lang sumusulpot.""Ginamit ko iyong motor ni Angela nanghiram ako sakanya para makasunod. Di pwedeng kayo-kayo lang baka mapano kayo."
"Isang linggo na kayong di nagpapansinan ni Lilith, Shan. Ayusin n’yong na away nyo." Reklamo ni Alissa."Oo pagbalik ko sa lungsod Ally. Nasa probinsya kami ngayon. Ayoko munang mag-isip ng problema ngayon. Promise pagbalik ko na lang..."Sabi ni Shanel sa kaibigan."Tingnan mo kasama dapat kami diyan. Sayang , mukhang di na tayo magkakapag lakwatsa dyan na magkakasama.""Im sorry Ally sige mamaya na muna tatawag ako kung may signal na maayos paputol putol ka eh."Ayy naku sige na nga. So graduation ng kapatid ni Thunder noh? sige bye na muna.Matapos ang tawag sumunod na si Shanel sa hapag. Kakain muna siya bago pumunta sa school para um-attend ng graduation ni Ressa. Sinalubong naman sya ng tanong ni Theresa."Ate sigurado ka sa gift mo sa akin? Iphone? tas iyong pinaka latest pa?" "OO yan ang regalo ko. After this sasama ka na sa amin sa syudad. Ok na naman lahat ng papers mo diba?" Baliwalang sabi ni Shanel para di naman lalong mahiya si Ressa. Baliwala lang naman sa kanya ang r
"San ka pupunta nag-uusap pa tayo. Hindi pwede hindi pa tayo naguusap ng maayos Sha, lagi ka na lang ganyan eh. Bitawan mo ko Ally. We must to talk."Nakarinig sila ng sigawan sa di kalayuan. Kaya embes na magpatuloy sa pagtatalo ay napatingin sila doon.Alissa shout... "Shit pinapainum nila si Thunder ng sunod-sunod Shanel!"Saktong dumating ang kapatid ni Lilith para kuhain ito. Napansin siguro na lasing na ang kapatid."Hayaan nyo siya kong yan ang gusto niya." Sabi ni Shanel na parang wala lang sa kanya, pero ang totoo ay para na syang mauupos na kandila. Nauubos na ang lakas nya labanan ang sakit."Magdadrive siya diba? Pano kong mapano kayo sa pag uwi?" Alissa said bago tumingin. "Lilith please tama na. Lasing ka na rin. Ngayon pa ba kayo mgaaway ni Shanel malapit ka na umalis."Lilith glare at Shanel bago magsalita ulit. "Shasha maguusap pa tayo."Nanlaki ang mata ni Alissa ng makitang hinalikan ni Angela si Thunder at kitang kita ‘yon ng lahat.Natulala si Shanel habang nakat
"Shanel, sabi ko na nga ba nandito ka rin. Di ka mawawala sa party ng kaibigan mo. Buti na lang talaga nagpunta ako." Tuwang sabi ni Damian ng magkasalubong sila."Damian, ano ginagawa mo dito? Wow ikaw ang di ko inaasahan dito. Normal lang naman na nandito ako syempre sa friend ko tong party. Di pwedeng wala ako.""Ah, may nagsama lang sa akin na kaibigan. Di dapat ako sasama pero nong nalaman ko na dito kanila Lilith alam kong nandito ka rin. Kaya nga kakara karakas ako papunta dito. Medyo malayo kasi samin." Sagot ni Damian na lagpas tainga ang ngiti."Nasaan ang mga tropa mo? Bat parang magisa ka lang? Nakakapanibago ng walang nakabuntot sayo.""Nandiyan lang yan sila nagkalat kung saan. Ba’t ba sila hinahanap mo. Nandito naman ako. Ikaw talaga nakaka hurt ka na ha." Sabay tawa ni Damian na ikinatawa na rin ni Shanel. Talagang napaka bibo ng lalaking to kaya naaaliw sya dito."Sira, alangan naman hanapin kita nandito ka sa harap ko. Tangahan lang natin noh? Malamang yong wala ang