AGA’S POV
“Hello, love. Good evening. How’s your day?”
“Okay naman, Love. Medyo pagod lang.”
“Do you want to take a rest na ba?”
“No. It’s okay. Matagal-tagal na rin tayong hindi nakakapag-usap ng ganito.”
Dalawang araw na ang nakakalipas noong huli kong nakausap si Cassandra. Nakakapagchat pa rin naman kami sa isa’t isa pero iba pa rin talaga kapag nakakausap at nakikita mo ‘yong mahal mo kahit sa video call lang kaya naman sinusulit ko na ang pagkakataon na ito para makausap siya.
“Sure ka ha? By the way, kumusta naman business niyo?”
“Okay naman. Thanks God dahil parami nang parami ang mga customers. Sana magtuloy-tuloy na.”
Ito ‘yong business nina Mom and Dad na pinaayos ko lang para mas gumanda pa at ma-attract ang mga tao na pumunta sa amin.
“Ikaw? Kumusta ka naman diyan?
Hi. Thank you for reading this story. Huwag po kayo mahihiyang magcomment para sa inyong mga reaction o puna sa aking story. Gems are highly appreciated. Thank you.
JAIRAH’S POV Maaga akong nagising ngayon dahil maaga pa ang work ko. Ganoon din naman si ate pero mas nauna na siyang umalis sa bahay dahil may bibilhin pa raw siya. Ako naman ngayon ay nag-aayos na dahil kakatapos ko lang maligo. About sa nangyari kagabi, I’m so happy dahil sobrang nagustuhan ni ate ‘yong surprise ko sa kanya. Talagang tiniyak ko na magiging successful itong birthday surprise na ito kasi first time kong isurprise si ate. Sa mga nagdaang birthday niya, hindi ko man lang siya magawan o maipagluto ng handa niya. Siya lang lahat ang nakilos. Kaya ngayon, it’s time para bumawi sa kanya. Kung noon kaming dalawa lang nagcecelebrate, ngayon marami na dahil sa mga kaibigan niya. Kailangan ko nang bilisan ang kilos dahil commute lang ako ngayon at baka abutin na naman ako ng traffic. Ngayon ko lang na-realize na sana pala pumayag na ako sa gusto ni ate na ibili ako ng kotse pero siguro mas maganda kung sa
JAIRAH’S POVIlang buwan na rin ang nakakalipas simula noong nagsimula akong magtrabaho rito sa bakery restaurant na ibinigay sa akin ni ate. Masaya ako dahil ngayon ay nakakatulong na ako sa kaniya. ‘Yong dating Jairah na laging kaaway niya, ngayon ay kasundo na niya. Dati, masaya ako kapag wala akong ginagawa sa bahay kasi hindi ako napapagod pero narealized ko na kung hindi ako kikilos, paano na ang future namin? Kung hindi nagsumikap si ate, siguro wala kami kung nasaan kami ngayon. Wala kaming business na pinagkakakitaan.Masaya kong pinagmamasdan ang paligid ng Delightful Pastry. Halos araw-araw ay hindi kami nauubusan ng customers. Umaabot pa kami sa point na natataranta kami kapag malapit na maubos ang mga menus namin. Kaya nagpapasalamat ako dahil nandito ang mga staffs ko para tulungan ako. Siguro kung ako ‘yong dating Jai, init ng ulo at sigaw ang aabutin nila sa akin. May mga nagtatawanan na magbabarkada, mas
JAIRAH’S POV“So, tara na?” yaya niya.“Tara.”Tuwang-tuwa naman ang mga staffs ko dahil pumayag si Kenneth na sumama sila. Nagulat naman ako paglabas namin dahil akala ko kotse ang dala niya, van pala.Isa-isa nang pumasok sa van ang mga staffs ko. Nakita ko na may kasama pala si Kenneth na driver. Mayaman pala talaga siya.“What a coincidence? Buti pala van ang dinala mo,” sabi ko sa kaniya habang nasa biyahe kami.“Syempre, alam ko kasing hindi ka papayag na hindi sila kasama lalo na ngayon na kailangan niyo mag-celebrate.”“Thank you for that.”“Always welcome, my queen.”Halos bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang huling dalawang salita na sinabi niya. Totoo ba ‘yon o baka nabibingi lang ako. Hin
Hindi na ako nakapagpasalamat ulit ng maayos kay Kenneth dahil para akong nawala sa sarili nang marinig ko ang sinabi niya sa akin. Hindi ko namalayan na paalis na pala siya.“S-Sige.”Ang huling salita na sinabi ko sa kaniya nang magpaalam siya. Sumakay na siya sa van niya at sumilip sa binatana nito upang kumaway sa akin habang naandar na ang sasakyan paalis. Kinawayan ko rin naman siya dahil nakakahiya naman kung hindi ako kakaway.Pumasok na ako sa loob ng bahay. Wala pa rin pala si ate. Siguro ay sobrang busy nito sa trabaho niya. Pumasok na ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit na pang-tulog. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok sa isip ko ang sinabi ni Kenneth.Bakit ba ako namomroblema eh ligaw lang naman? Pero kakakilala pa lang naman namin. Baka masyado lang siya nadala sa damdamin niya. Kung magtatanong naman ako kay ate, siguradong yare ako do’n dahil ayaw pa
JAIRAH’S POVIt was already 5am nang magising ako dahil sa boses ni ate. Ngayon ay Linggo at ngayon ang araw kung saan isasama ako ni Kenneth sa outing nila ng kaniyang family at mga kaibigan sa Tagaytay.“Gumising ka na diyan baka mamaya nandyan na si Kenneth,” utos sa akin ni ate.Kenneth told me na dadaanan na lang daw nila ako ako mamaya. Noong una ay ayoko pumayag dahil nakakahiya naman pero dahil mapilit siya ay hinayaan ko na lang. Bumangon na ako pagkalabas ni ate ng kwarto. Inayos ko na ang hinigaan ko sabay kuha ng aking tuwalya para dumeretso sa aking pagligo.Inabot ako ng halos 20 minutes sa banyo. Gusto ko sana bilisan dahil sobrang lamig ng tubig kapag madaling-araw pero dahil mabagal ako kumilos ay inaabot ako minsan nang hanggang kalahating oras sa banyo.Pagkaligo ko ay nagbihis na agad ako at nag-ayos ng sarili. Kinuha ko na a
JAIRAH’S POVMagkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ko na alam kung nasaang lugar na kami at bakit wala man lang akong makitang bahay kahit isa?“T-Tulong! Tulungan niyo po k-kami! Nasusunog po ‘yong s-sasakyan!”Sa huling pagkakataon ay nilapitan ko isa-isa ang pamilya ni Kenneth pero hindi ko sila magising. Puro dugo na sila dahil sa lakas ng pagbangga namin sa puno. Sobrang sakit na rin ng ulo ko.“A-Ate…”“Jai, Jai, gising. Nananaginip ka.”Isang boses ang nagpagising sa akin. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at si Kenneth ang una kong nakita. Maayos ang hitsura niya kaysa sa kanina. Tumingin ako sa paligid at nakita ko na ako na lang pala ang nasa sasakyan nila. Mukhang nabasa naman ni Kenneth ang nasa isip ko.&
JAIRAH’S POVNagising ako mula sa mahinang katok sa pinto n gaming kwarto. Pagmulat ko ng aking mata ay napansin kong wala na sa kaniyang kama si Kyla. Tumingin ako sa bintana at nakita kong madilim na sa labas. Kinuha ko agad ang phone ko, 7pm na pala.Napatingin ako sa pinto at niluwa nito si Kenneth na mukhang kakagising lang din dahil magulo pa ang buhok nito. Nakasuot lang siya ng shorts at jacket.“Nagising ba kita?” tanong nito. Pumasok na siya at pumunta sa kama ni Kyla para umupo.“Oo pero okay lang. Napasarap pala tulog ko.”“Dinner na raw tayo sabi ni Mommy.”“Sige. Mag-aayos lang ako.”“No need. Maganda ka na naman kahit walang ayos.”Umiling-iling ako pagkatayo ko sa kama. “Mr. Bautista, gasgas na ‘yang ganyang
PROLOGUE Sabi nila ang love ay dumadating ng hindi natin inaasahan. Once na magmahal ka, makakalimutan mo na mahalin ang sarili mo. Iikot na yung mundo mo sa tao na ‘yon. Ipaglalaban mo siya hanggang sa huli. Dapat walang iwanan. What if nainlove ako sa isang hindi ordinaryong tao? Ipaglalaban kaya niya ako? Ipaglalaban ko kaya siya kahit na alam kong iiwan niya rin ako? CHAPTER 1 JAIRAH’S POV “Pandesal ! Bili na po kayo ng pandesal! Mainit-init pa!” “Ineng!,” tawag saken ni Aling Marie, “Pabili ako ng pandesal.” Tumigil ako sa isang bahay kung nasaan si Aling Marie. Suki ko na yan sa pandesal. “Magkano po?” tanong ko. “50 pesos.” Kumuha naman ako sa lalagyan ng 25 piraso na