Share

Chapter 4

Naalimpungatan si khealie dahil sa sinag nang araw na tumatama sa kaniyang mukha. Tumatagos kasi ang sinag nang araw dahil sa manipis lamang ang kurtinang inilagay doon. Inunat-unat niya ang dalawang kamay bago tuloyang tumayo mula sa pagkakahiga sa malambot na kama. Diretso siyang nag tungo sa loob nang banyo para mag sipilyo at mag himalos na rin. Pagkatapos ay inayos niya ang sarili bago bumaba nang silid.

Pagkababa ay agad siyang nag tungo sa kusina, naabotan niya naman doon si Rj na nag hahanda nang kanilang almusal.

"Hi, good morning" nakangiting bati niya dito. mukhang nagulat naman ang binata dahil sa biglaang pag sulpot niya pero napalitan din iyon nang ngiti. "Good morning din tamang-tama gising kana. Nakapag hain na ako ng almusal natin" magiliw na sambit nito habang inilalapag sa mesa ang pritong hotdog, bacon at sinangag na kanin na nanunuot pa sa ilong nang dalaga ang mabangong aroma na nang gagaling sa niluto nito.

Nilagyan din nito nang juice ang dalawang baso "Hayst, sana ginising mo nalang ako. Edi sana natulongan kitang mag luto parang nakakahiya namang pinatuloy mo na nga ako sa bahay mo tapos wala man lang akong magawa nahihiya na talaga ako sa'yo Rj" mahabang litanya nito habang napapanguso at naupo sa upoang nakaharap sa binata.

Tatawa tawa namang naupo si Rj sa harap nang dalaga. "Bisita kita kaya dapat lang na wala kang trabahong gagawin" napabusangot naman ang dalaga na lalong ikinatawa nang binata "But don't worry kung gusto mo talagang may gawin ka ngayong araw linisin mo nalang yung banyo, labhan mo yung mga kubre kama at linisin mo 'tong buong bahay pakiwalisan nalang din ang likod bahay pati na sa harap tsaka paki diligan din nang mga tanim ni mama"

Walang kagatol gatol na sambit nito na ikinalaki nang mga mata nang dalaga. Parang hindi niya naman yata kakayanin yun na siya lang mag isa pero kung hindi niya naman yun gagawin parang nakakahiya din naman sa kaibigan ayaw niya namang maging palamunin lang dito mas nakakahiya yun.

"A-ahh, ahm..."

Hindi niya matuloy tuloy ang sasabihin dito dahil di niya rin alam kung paano kakausapin ang matalik na kaibigan tsaka pwede niya namang gawin sa sunod na araw yung iba. Napatigil siya sa malalim na pag iisip nang marinig ang biglang paghalakhak nang binata kaya naman kunot noo niya itong tinignan na hindi ma ampat sa kakatawa habang maluha na ang mga mata at sapo pa nito ang tiyan habang tawa nang tawa. Wala namang nakakatawa.

"Anong nangyari sayo ba't ka tumatawa diyan sinapian kaba nang masamang espirito?" kunot noo niyang tanong dito "ikaw" turo nito sa Kanya. Lalo namang lumalim ang gatla sa noo niya habang tatawa tawa pa din ang kaibigan. "Ang epic nang mukha mo kanina nag bibiro lang naman ako" Sinabi nitong iyon ay sinamaan niya nang tingin ang binata na hindi pa rin maawat sa kakatawa sa inis ay bigla siyang hinampas sa braso nang dalaga.

"Nakakaasar ka talaga" Inis niyang sambit dito habang magka salubong parin ang kanyang dalawang kilay tatawa tawa lang naman ang lalaki na para bang siyang siya sa nakikitang pagka inis nang dalaga. "I'm sorry okay. Napaka pikonin mo parin pala hanggang ngayon parang biro lang ei"

"Ang pangit naman kasi nang biro mo" sikmat nito sa binatang kaharap "Ayst kumain na nga lang tayo" sambit nang kaibigan nito. Matapos ang kanilang agahan ay agad na nag presenta ang dalaga na siya na lamang ang mag hugas nang kanilang pinag kainan nang sa ganoon ay may magawa naman siya bilang ganti sa pagpapatuloy nito sa kaniya. Biniro pa nga siya nang binata na mag kuskos nang inidoro pagkatapos niya mag hugas nang mga pinag kainan.

"Oy pag natapos ka h'wag mong kalilimutang mag kuskos nang inidoro ah"

"Asa ka Rj mag lalaba na lamang ako kaysa pag kuskosin mo ako sa inidoro mo" Anggil niya dito habang naka pamaywang pa na siya namang ikinatawa nang binata. Sa inis ay inirapan niya na lamang ito. May balak pa yata tong gawin akong alila sambit niya sa kaniyang isip. "Pikonin talaga tong si payatot ei" Pang aalaska pa nito sa kaniya sabay kurot sa pisngi niya na ikinangiwi niya dahil masakit iyon kaya naman tinabig niya ang braso nito.

"Tigilan mo nga ako Rj wala ka talagang magawa at iniinis mo na naman ako" tinawanan lamang siya nang binata. "Eh sa ang sarap mong inisin" Inirapan niya lamang ito. buti na lamang at umalis na ang binata matapos siya nitong asarin.

Pumihit na siya patalikod para ilagay ang mga niligpit niyang pinag kainan nila at agad iyon hinugasan. nang matapos siya sa at naisipan niyang diligan ang mga halaman sa labas nang bahay nang binata sa bukana nang gate. Mahilig sa bulaklak ang ina nang binata kaya hindi na siya mag tataka kung bakit halos mapuno na ang paligid nang bahay nang mga samot saring halamang namumulaklak gaya nang rosas, santan, yellow bell at marami pang iba. Na talaga namang nakakahalina sa matang pagmasdan ang mga iyon.

Nakangiti ang dalaga habang busy sa pag didilig nang mga halaman nang biglang.

"Khealie!" sa lakas nang boses nang kaibigan ay gulat na nag angat nang tingin ang dalaga. Nakita niya ang matalik niyang kaibigan na tumatakbo papalapit sa kaniya na animo'y may humahabol dito. Kinunotan niya ito nang noo. "Khealie you need to leave now" Taranta at may halong takot na mababanaag sa mukha nito nang sambitin sa kaniya ang mga salitang iyon. Habol din nito ang pag hinga na para bang ang layo layo nang tinakbo nito at masyado itong hapong-hapo.

Hindi naman naiwasan nang dalaga ang mapakunot nang noo at mag taka sa hitsura at inaasal nang kaibigan. "Bakit naman Rj anong prob____" hindi niya na natapos ang iba pa niyang sasabihin dito nang bigla siya nitong hilahin papasok sa loob nang bahay paakyat sa kuwartong inuukopa niya bahagya pa siyang nasaktan dahil sa napakahigpit na hawak nito sa kaniyang braso. She didn't know what had happened. She's so puzzled by her bestfriend actions.

"Rj what's wrong?" tanong niya dito nang hindi na siya makapag pigil. kunot noo at puno nang pagtataka ang makikita sa maganda niyang mukha. Napa sabunot naman sa sariling buhok ang binata dahil sa matinding frustration "God! khealie. Your parents, they were coming I saw them at the supermarket. That's why you need to leave this house now! bago kapa nila maabutan" mahabang litanya nito habang iniisa isang ilagay ang mga gamit nito sa maleta.

Matagal bago mag sink in sa utak nang dalaga ang kung ano ba ang nangyayari at kung bakit ganito kumilos ang kaibigan. Nang mapag tanto ang sinabi nito ay nanlaking bigla ang kaniyang mga mata "W-what?" nauutal na tanong niya dito habang unti unti nang umaahon ang kaba at takot sa kaniyang katawan. "Your parents" sambit nito habang seryosong nakatingin sa kaniya "They were coming to get you kaya mag impaki kana bago pa sila makarating dito mapapahamak tayong pareho"

Pagkasabi niyon nang binata ay dali daling isinilid nang dalaga ang mga natitira niyang gamit habang nanginginig pa ang mga kamay sa subrang takot at kabang nararamdaman. Halos hindi na siya magkanda ugaga sa ginagawa dahil sa subrang pagkataranta.

Maya maya ay napatigil sila sa ginagawa nang marinig ang pag hinto nang isang sasakyan sa labas nang bahay dahan dahang nag angat nang tingin si Khealie at halos sabay pa silang nagkatinginang dalawa nang kaibigan na animo'y kahit hindi pa nakikita kong kaninong sasakyan ang biglang pumarada sa labas ay nakikinita na nila iyon kong sino. Bigla na namang nabuhay ang kaba at takot sa puso nang dalaga. "Stay here, sisilipin ko kung sino 'yon" Sambit nang kabigan niya na agad namang nag lakad palapit sa bintana at bahagyang sumilip sa nakasiwang na kurtina.

"They're here" Tarantang sambit nang binata sa dalaga na animo'y na istatwa sa kinatatayuan at di na alam kong ano ba ang gagawin. Kaya naman hinila niya na ito papalabas nang silid bitbit ang bagahe nito. "What should we do now Rj? natatakot na ako" Nanginginig sa takot ang boses nang dalaga at kunting kunti nalang ay mag lalaglagan na ang mga luhang pinipilit niyang huwag pumatak. Hindi dapat siyang pang hinaan nang loob lalo pa't kasama niya ang kaibigan na alam niyang hindi siya pababayaan nito.

"May secret door sa likod nang kusina doon kana dumaan. Kailangan mo nang umalis ngayon nandiyan na sila" Taranta paring sabi nito matapos ibigay ang bagahe nito sa dalaga nang makababa na sila nang hagdan. Hindi na mapigilan nang dalaga ang pamumuo nang kaniyang mga luha "P-pero pa'no ka Rj?" nag aalalang tanong niya dito habang hindi na maampat ang pamamalisbis nang kaniyang mga luha sa kaniyang pisngi. Nag aalala siya sa kaibigan baka pati ito madamay pa sa problema niya lalo na ngayon, alam niyang galit na galit ang kaniyang mga magulang dahil sa ginawa niyang pag lalayas.

Ayaw niya na madawit ang nag iisa niyang kaibigan. Masyado itong mabait para madamay sa galit nang mga magulang niya sa kaniya. "Rj! alam naming nandiyan ka. ilabas mo ang anak namin!" boses iyon nang ama ni khealie na nag pagulantang sa dalawa "You should go now" Mariing sambit nang binata na nanlalaki pa ang mga mata. Naiiyak na napapailing ang dalaga she don't want to leave him alone sa isiping baka kung anong gawin nang mga magulang dito. "Rj! ilabas mo si khealie kung ayaw mong sampahan ka namin nang kidnapping" isang sigaw na naman ang narinig nila, boses iyon nang ina nang dalaga.

"R-Rj sumama ka na"

"Damn it! khealie! umalis kana bago kapa nila maabotan"

"P-pero pa'no ka?" nag aalala niyang tanong. Napahilamos naman sa sariling mukha ang binata pagkatapos ay sumulyap sa pintuan na kinakalampag na. Na animo'y pinipilit iyong buksan. Pagkatapos ay lumingon ito sa dalagang hilam nang mga luha ang pisngi. "You should go now khealie. Don't mind me okay? I can handle myself"

Isa pang sigaw ang narinig nila mula sa labas at ang pagkalampag nang pintuan. "Umalis kana khealie" Pa anggil na sambit nito. Maluha luhang dinaluhan siya nang yakap nang dalaga habang patuloy naman ang pagkalampag nang pintuan hindi mag tatagal ay masisira din iyon kaya kailangan na niyang paalisin ang dalaga bago pa ito mahuli nang mga magulang nito.

"Thank you so much Rj" Hagulgol na sambit nang dalaga habang naka yakap parin dito. Hindi nag tagal ay narinig nila ang biglaan at marahas na pag bukas nang pinto na ikinabigla nilang dalawa tuloyan na ngang nasira nang mga ito ang pinto. Biglang bumitaw sa pagkakayakap ang dalaga at nanlalaki ang mga matang napatitig sa kaharap sinalakay na naman nang matinding takot at kaba ang dalaga. Kataposan niya na ba ito? "Leave khealy. Now!" Sigaw nang kaibigan na nakapag pabalik sa huwisyo nang dalaga. Aligaga nitong hinila ang maleta at patakbong nag tungo sa kusina. Agad niya namang nakita ang pinto na tinutukoy nang kaibigan.

Bago siya tuloyang makalabas nang pintoan ay narinig niya ang nakakagilalas na sigaw nang kaniyang ama at isang putok nang baril ang pumailan lang sa buong bahay na ikinawindang niya. Nanginginig ang mga tuhod na tumakbo siya papalayo sa bahay niyon. Hilam nang mga luha ang pisngi habang paulit-ulit niyang sinasambit ang pangalan nang kaibigan. Maraming katanongan and umuukilkil sa kaniyang isipan na baka napano na ito. kung ano nga kaya and ginawa nang mga magulang niya dito. Ipinag darasal niya na lamang na sana ay walang masamang nangyari dito. Na sana ay hindi ito sinaktan nang mga magulang. Pero kilala niya ang mga iyon malabong walang gawin and ama niya kilala niya iyon kapag galit ay wala talagang sinasanto.

Humahagulgol na nag patuloy siya sa pagtakbo. Hanggang sa nakita niya and makipot na kalsada umiiyak na binagtas niya iyon kahit hindi niya alam kong tama ba ang dinadaanan niya o kung makakalabas ba siya. Malayo layo din and tinakbo niya at namamandid na din and kaniyang mga paa pero hindi niya iyon iniinda sa kagustohang maka takas na nang tuloyan. Maya maya nabuhayan siya nang loob nang makitang may iilang kabahayan ang naroon. May mga tao ding nasa labas at maraming pinag kakaabalahan ang iba ay kunot noo at puno nang pag tataka habang nakatingin sa kaniya.

"Miss" Tawag niya sa babaeng nag wawalis na bahagya pang nagulat sa kaniya. "Ano ho iyon?" kunot noong tanong nito habang tinitignan siya mula ulo hanggang paa. Marahil ay mukha na siyang bruha dahil sa kakaiyak at walang tigil na pag takbo. "Pwede bang mag tanong? Nasaan ang labasan dito?" hininhingal niyang ani dito. "Naliligaw ho ba kayo?" Tanong nito na ikinatango niya na lamang "O-opo eh"

"Ah bagtasin niyo lamang ang daan na ito" Turo pa nito sa daan "pagkatapos kumaliwa ho kayo mga ilang lakad pa bago niyo makita ang kalsada" Sambit nito matapos ay naka kunot na tinitigan siyang muli. "Sige salamat nang marami" Nakangiting aniya dito na agad namang tinanguan nang babae. Hinigpitan niya ang hawak sa kaniyang maleta at nag lakad papalayo roon. halos mga trenta minuto yata and nilakad niya bago niya matagpuan ang labasan at ang kalsada.

Kahit na nabibigatan sa dalang maleta ay pinipilit niya iyong bitbitin patungo sa kalsada na marami rami ding sasakyan ang dumaraan. She doesn't really have the idea on where to go now. Pero wala na siyang pakialam don, mamaya niya na lamang iisipin kong saan nga ba siya tutuloy and gusto niya ay makalayo muna sa mga magulang.

Pumara siya agad nang taxi pagkarating sa bukana nang kalsada name agad din namang pumara. nakahinga siya nang maluwag nang komportable na siyang nakaupo sa loob. Subra yatang napagod and katawan niya. sa wakas ay naibsan na rin and kaniyang takot at kabang nararamdaman kani kanina lamang.

Pero hindi niya maiwasang hindi isipin and kaibigan. Sana lang ay walang nangyaring masama dito dahil pag nangyari yun hindi niya mapapatawad and sarili niya. Rj is really a good guy at hindi niya deserve ang madawit sa problema niya. Pero huli na dahil naidawit niya na ito. Sana lang ay hindi saktan nang mga magulang niya ang matalik na kaibigan.

Pumikit siya nang mariin at hindi niya napigilan ang pag daloy nang masagana niyang luha. Hindi niya lubos maisip kung bakit pinag dadaanan niya ang ganito.

"Maam ayos lang ba kayo?" Tanong nang taxi driver na nagpa balik sa kaniyang katinuan. Pinahid niya ang basang pisngi at ngumiti nang tipid sa driver na kanina pa yata siya pinag mamasdan. Medyo na hiya pa siya dito dahil sa hindi mapigilang pag tulo nang kaniyang luha. "W-wala ho manong" tipid niyang ngiti dito. Bahagya namang tumango and driver pagkatapos ay seryosong nakatuon ang atensyon sa daang binabagtas nila.

"Marahil ho siguro'y broken hearted kayo ma'am?" Natawa naman siya sa birong iyon nang driver. Sinulyapan niya ito sa front view mirror. "Wala ho akong boyfriend" Natatawa niyang sambit dito bahagya din namang natawa ang driver. Pansamantala niyang nakalimutan and kaniyang problema. "Naku, ma'am sa ganda niyong iyan wala kayong boyfriend?" napailing iling na lamang siya dito may pagka mausisa din pala and taxi driver na'to.

"Wala ho talaga akong nobyo"

"Kahit kaibigan lang. Kaibigang lalaki ba" pangungilit pa nito

"Meron ho naman, boy best friend po" sagot niya dito napatango tango naman ang forget at hindi na rin nag tanong pa.

Tahimik lamang and byahe. Sumandal sa head rest nang upoan ang dalaga habang tahimik na pinag mamasdan ang dinaraanan nila. Habang nakamasid sa mga punong nadaraanan nila ay hindi niya maiwasang malungkot dahil ang dahilan nang pag hihirap niyang ito ay mismong ang kaniyang sariling mga magulang.

Naisip niya din kong hindi niya siguro naisipang mag layas at suwayin ang mga magulang ay hindi siya matatakot nang ganito, hindi siya mag tatago sa mga ito. Pero kung hindi niya naman sinuway ang mga ito at hayaan lamang sila sa gusto nilang mangyari siya naman ang mag dudusa nang pang habang buhay at hindi niya iyon ikasasaya kaya mas mabuti na nag layas siya. Mas mabuti nang takasan niya na lamang ang problema niya kahit na wala siyang kasugaradohan kong hanggang kailan niya ba kayang mag tago sa mga ito para lamang hindi matuloy ang balak nang mga magulang. Kahit na hindi siya sigurado kong matatakasan niya nga bang talaga ang problema niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status