DAHIL hindi pa naman nagtatanghalian si Halina, nakaramdam na siya nang gutom. Nag-aayos siya noon sa kusin ng mga dala nila. Si Goddy, may kinuha lang sa labas na maleta para ilagay sa silid na uukupahin nila. Ayaw pumayag ni Goddy na sa kabila siya. Paladesisyon na si Goddy talaga noon pa man.“Gutom na ako. Pwede bang kumain na muna tayo?” Nilingon siya ni Goddy, na noo’y naglalabas ng mga gamit.“Sige. Kain na muna tayo.”Naihanda na niya bago siya pumunta sa silid kaya naupo na lang sila pagpasok ng komedor. Handang-handa si Goddy dahil marami silang pagkain na dala. Ang isda na dinala kanina na akala niya sa bahay nito, dinala rin nila. May mga karne at mga gulay rin. Meron ding mga rekados kaya kompleto ang kusina nila. May bigas din kaya talagang masasabi niyang pinaghandaan nito.Pinagsilbihan siya nito habang kumakain. Hindi naman niya mapigilan ito kaya hinayaan niyang gawin ang gusto nito.“Magpahinga ka na muna. Nagtinda ka kanina, e.” Inagaw nito sa kanya ang sponge na
MAAGANG gumising si Halina nang araw na iyon. Natapos na niya kagabi ang mga gagawin sa bahay nila Goddy. Sinadya niyang umuwi nang late kagabi dahil balak niyang magtinda ngayon dahil na-miss niya. Kaya sa kainan muna magbabantay si Gina ngayong araw. Sakto lang ang dating niya sa talipapa. Naroon na ang mga paninda niyang isda. Pinapa-deretso na niya sa pwesto niya para hindi na pumunta sa daungan si Gina. Pinapa-sigurado naman niya sa supplier niya na magandang klaseng mga isda at seafood.Bukas pa naman ang uwi ni Goddy kaya may time siya ngayon sa palengke. Walang problema sa kainan niya dahil tutok si Bituin doon.Alas Diyes na noon kaya nakaramdam siya nang gutom. Saglit na binilin niya sa katabi ang paninda para bumili nang makakain. Simula nang mapunta siya rito, lahat ng kakanin at miryendang nilalako ng mga nagtitinda, kinakain niya. Masasarap pala. Sanay siyang o-order lang online at sa magaganda at sikat lang na kainan siya nagpapa-order.Pabalik na siya noon nang matan
PAREHAS na nakatingin si Goddy at Halina sa ceiling noon. Nakahiga nga sila magkatabi pero parehasa namang ilang na ilang sa isa’t-isa. Mahigit isang oras na silang ganito. Maingay ang kabilang bahay pero mas maingay ang tibok ng puso niya. Para bang first time niyang magkaroon ng katabi na lalaki.Napalunok si Halina nang makita sa gilid ng mata niya na bumaling sa kanya.“Hannah,” anito.“Hmm,” tanging sagot niya.“Mabilis din ba ang tibok ng puso mo?”Lumunok muna siya bago sumagot. Bahala na kung nakita nito. Pero sana lang hindi.“H-hindi.”“Ows?” Binalingan niya ito saglit. Nakatingin ito sa dibdib niya kaya mabilis na tinakpan niya ng kamay.“Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Basta hindi.”Akmang babaling siya sa kaliwa nang pigilan siya nito.“S-Sir Goddy.” Bigla na lang nilapit nito ang sarili at siniil siya nang halik. Napapikit siya sa ginawa nito. Hindi man siya tumugon pero walang paki ito, patuloy lang sa ginagawa. Marahil hindi ito nakaramdam nang pag-resist mula sa
UMILANG lingon si Halina sa malaking bahay ni Goddy. Tulog na siguro ito dahil hindi ito sumagot nang kumatok siya. Magpapaalam lang naman sana siya. Kaya nagpadala na lang siya ng text dito. Luto na ang ulam nito sa gabi. Inagahan niya para makaalis agad siya. Balik na lang siya maya para maghugas. Nabanggit niya rin ito kay Goddy. Kailangan niya lang makabili ng regalo para kay Tessa kasi.Sa malapit na mall siya nagpahatid, gamit ang sasakyang naka-park lang malapit sa kanila. Siniguro niyang walang nakakita sa kanya bago iyon minaneho. Bagong cellphone, sapatos at dalawang pares ng damit ang binili niya. Bumili din siya ng cake na pina-deliver niya na lang dahil baka masira pa sasakyan dahil wala siyang kasama para humawak. 7:30 ng gabi siya nakabalik. Nakabalot iyon sa isang box. Pinag-isa niya para hindi malaman na marami iyon.“Ate Hannah!” masayang tawag sa kanya ni Tessa nang makita siya.“Happy birthday,” bati niya rito, sabay bigay ng box dito.“Salamat po, Ate!” Niyakap
NAKANGITING tinanaw ni Goddy ang papalayong si Hannah. Na-offend niya yata nang tanungin niya kung nilalagnat ito. Kung alam lang nito na ganoon din siya! Nakakabaliw na pakiramdam. Parang may sasabog na ewan kaya talagang parang lalagnatin siya. Sumasabay pa ang magulong isipan dahil sa pagkakaparehas nito at ni Halina.Paano, kapag tinitigan niya si Hannah, si Halina ang nakikita niya. Ginamitan na nga niya ng AI kung ano itsura nito kung papayat— si Halina ang inilalabas. Nag-manual manipulate na siya para papayatin ito, ganoon din ang resulta.Kaso naguguluhan siya dahil may asawa na ito. Pero nakakapagtaka lang, wala itong suot na singsing. Gusto niya sanang itanong pero nasabi na nitong may asawa. Pero hindi ba dapat laging nakasuot? Kaya naguguluhan siya sa kasambahay nila. Sa kutis din, Halina na Halina. Sa build lang talaga nagkaiba. Ilang beses na niyang naitanong sa sarili— paano kung si Halina at Hannah ay iisa lang? Masaya siya pero bakit ayaw nitong malaman niya? Takot
“M-MAG-PIPITONG taon na kaming kasal. T-tapos anim na taon naman ang anak namin,” sagot niyang nauutal pa. Sana hindi nito nahalata. “Okay.”Tumaas ang kilay niya. Hindi man lang niya nahimigan na nalungkot.“Eh, kayo po?”“Annuled.” Napatitig siya rito. “Pero hindi siya ang mahal ko. May iba akong nakarelasyon. Si Halina Hernandez.”Talagang natigilan siya sa sinabi nito. Mabuti na lang at hindi nito napansin. Nagkunwari siyang may pinulot sa daan na bato. Saka lang ito tumingin sa kanya.“Mahal na mahal ko siya, Hannah,” anitong humarap sa kanya. “Pero namatay siya. Magpi-pitong taon na rin.” Titig na titig ito sa kanya kaya nailang siya. “S-sorry po. S-sana hindi ko na po tinanong.”Natawa ito nang mahina. “Ayos lang. Ikaw nga sinagot mo ang tanong ko ng totoo, kaya sinagot lang din kita ng totoo.”Humakbang na ito kaya nagpasalamat siya. Mahirap pa namang makorner ni Goddy.“Pero alam mo ba ang ikinamatay niya?”“A-ano?”“Nahulog siya sa bangin— mali pala, sadyang hinulog siya s