Amara's Point of View*
Nakarating ako sa club at pinark ko ang sasakyan ko sa parking lot at doon na tuluyang tumulo ang mga luha na gusto kong ilabas at ang puso ko parang pinagtutusok ng mga karayom dahil sa sobrang sakit. "Bakut hindi ko napansin ang lahat at kailan pa nila ako gin*go? Mga hayop silang lahat! D*mn it! Mas masakit pa ito sa nangyari sa akin noon pa man. Ibang iba sa nangyari sa akin noon." Napahawak ako sa dibdib ko habang umiiyak pa din. "Tinulungan ko siya at binigay ko ang lahat ng gusto niya at ganito na lang ang ginawa niya sa akin? Itatapon na lang ng ganun-ganun na lang? Oo kasamahan niya si Bianca sa kompanya nila pero bakit ganun? Dahil ba parati silang magkasama kaya ganun?" Napatingin ako sa kalangitan habang umiiyak. "God, ganito ba talaga ang buhay ko hanggang mamatay ako? Bakit puro sakit na lang ang binigay niyo sa akin? Bakit ganun? Wala akong swerte sa buhay ko? Maski pamilya ay hindi ako swerte, pati ba naman sa lalaking minahal ko ng Apat na taon ay hindi pa din? Bakit?" Napatakip ako sa mukha ko habang umiiyak pa din ako. "I hate this life! I hate everything! Hindi ko ba deserve ang magmahal o mahalin? Akala ko yun na eh. Akala ko ganun na ang nangyari at ang susunod nun ay magpapakasal na kami. Ano ba ang kulang sa akin?" Siya ang unang lalaki ko sa buhay ko at akala ko siya na ang forever ko. Ang gusto ko lang naman ay may Asawa na ako para makafeel na ako ng pagmamahal na wala sa akin noon pa man. Yung totoong pamilya at pagmamahal. Pero mukhang ang panginoon na ang nagpipigil sa akin sa bagay na yun. Napatingin ako sa labas kung saan nagpaparty ang lahat ng mga tao. Sa loob ng 27 taon kong nabubuhay sa mundo ay never pa akong nakapasok sa bar na yan pero ngayon papasok na ako diyan para mawala muna sa alaala ko ang lalaking iyon pati ang impakta kong bff. Kumuha ako ng wipes at tinanggal ko ang eyeglass ko at pinunasan ko ang mukha na puno ng luha. Kinuha ko ang make up ko sa bag ko at nagretouch ako. "Magiging ibang tao na ako ngayong gabing ito at di ko na iiyakan ang lalaking iyon." Tumayo na ako at lumakad papasok ng club at agad bumungad sa akin ang malakas na musika at mga taong nagsasayawan. Nabibingi atah ako sa lakas ng musika dahil hindi naman ako sanay sa mga ganitong ka-ingay na musika. Napatingin ako sa mga taong nandodoon dahil ang mga damit nila ay parang makikita na ang kaluluwa nila sa sobrang iksi ng damit nila. Ibang iba sa akin na flowerly dress ang sout ko na hanggang tuhod. Pero wala na akong pake alam. Lumakad ako papunta sa kung nasaan ang bartender at di maiiwasan na may mga matang nakatingin sa akin habang naglalakad. Hanggang makarating na ako sa table at umupo na ako doon. "Isa ngang hard drink." Nagulat naman ang bartender sa akin. "Okay, ma'am." Mabilis niyang nagawa ang inumin na gusto kong tikman at agad ko iyong ininom kahit sobrang pait nun. Napatingin ako sa bartender na di makapaniwala habang nakatingin sa akin. "Ma'am mukhang nakayanan po ninyo yan. Nakakalasing agad yan at sana dinahan dahan niyo po yun sa pag-inom." "Ayos lang. Yun naman ang aim ko. Please, another one." Nagulat naman ang bartender dahil sa sinabi ko. Hard drink nga siya dahil nakaramdam agad akong ng hilo. Napatingin ako sa mga taong nagsasayaw nang biglang may lalaking lumapit sa akin at gwapo naman siya at pinakita niya sa akin ang isang baso. "You're alone?" "Hmm." Inilahad naman niya sa akin ang isang inumin at nagtataka akong napatingin sa kanya. Kukunin ko ba? Kinuha ko ang baso at napangiti naman siya sa akin at nag cheers pa kaming dalawa at ininom na niya ang sa kanya at ginaya ko din siya at nakita ko na nakangiti siya. "Wow, ang lakas mong uminom, Babe." "I'm not your Babe. And sounds like baby duh... cheater." Nagulat naman siya sa sinabi ko at hinawakan niya ang kamay ko at nanghihina na din ako at di ko alam kung bakit. Di ko na din mabawi ang kamay ko na hinawakan niya. "Bitawan mo ko." Malakas kong hinila ang kamay ko at isang iglap ay sinapak ko ang mukha niya na kinagulat niya at sasampalin sana niya ako kaya napapikit ako nang biglang may yumakap sa akin at dahan-dahan naman akong napatingin sa taong yun at nakita ko ang isang gwapong lalaki. At nung sinilip ko yung lalaki ay nakikita ko na parang nagpapanik iyon at agad tumakbo at napatingin ako sa kanya. Di ko siya kilala. "Ikaw na." Siya na ang lalaking papakasalan ko! Niyakap ko siya ngayon at nakinagulat niya. Kumapit talaga ako sa batok niya at ang bango niya. Nararamdaman ko na din ang Hilo ko ngayon. "Please, marry me and make love to me," mahinang ani ko sa kanya. Hanggang sa mawalan na ako ng malay sa bisig niya. ******** LMCD22Amara's Point of View* Matapos ang ilang minuto ay dumating na sa mismong mansion ang inorder nilang damit at agad ko 'yung sinukat at dahan-dahan na napatango ang mga anak ko lalo na ang Asawa ko. Nag-apir pa sila at napatingin ako sa lamesa dahil wala na ang damit na binili ni Bianca sa akin. "Asan na 'yung damit d'yan?" Napatingin naman sila sa lamesa. "We already threw that garbage already." Napatingin naman ako kay Sol na nagsalita. "Wag n'yong itapon. Ginastusan pa rin naman 'yun. Ibabalik na lang natin sa mall o ibabalik natin sa bumili nun." Nagkatinginan naman sila at napabuntong hininga na lang sila at dahan-dahan na napatango. "Fine." Nag-sign naman si Sol sa isang maid at kinuha naman ng katulong at binigay sa akin. "Thank you." "Isauli mo sa kanila pabalik, mom." "I already know that, baby." Hinalikan ko ang noo n'ya at napangiti naman s'ya. "Mommy, you're so beautiful." Napatingin naman ako kay Luna na may stars sa mga mata n'ya at ganun na rin ang Asawa k
Amara's Point of View* Nagmamaneho ako papunta sa kung saan gaganapin ang reunion at maraming tao ang mga nandodoon. Tiningnan ko ang dalawang tao na naiinip na naghihintay sa labas ng pintuan. Napangiti na lang ako sabay iling-iling. Huminto ako sa harapan nila na kinakunot ng noo nilang dalawa. Pero agad namang nabawi kay Henry dahil alam ko na naa-amaze s'ya sa sasakyan ko ngayon. Agad kong tinanggal ang seatbelt ko at lumabas ako sa sasakyan ko at napatingin ako sa kanila. Nagulat naman sila nang makita ako. Napanganga naman si Bianca habang nakatingin sa akin. "Hello guys." May lumapit na boy sa akin at inilahad ko sa kanya ang susi ko bago lumapit sa kanila. Nakikita ko na nakatulala pa rin sila habang nakatingin sa akin. "Parang nakakita ka ng multo, Henry?" nakangiting ani ko sa kanya. Mukhang hindi sinabi ni Bianca ang tungkol sa akin. Nakangiti lang ako pero hindi sa kanya kundi kay Bianca. "Bakit ganyan ang suot mo?" Napatingin ako sa suot ko ngayon. Nakasuot ak
3rd Person's Point of View* Nakakunot ngayon ang noon ni Henry nang makita n'ya ang suot ni Bianca na sobrang iksi at lantaran an ang katawan nito. "What the hell are you wearing, Bianca?" Napakunot naman si Bianca sa sigaw ni Henry sa kanya. "What? A normal dress. Ano ba ang problema mo?" "You call that dress?" Napahawak ngayon sa ulo si Henry dahil sa nangyayari ngayon lalo na't nakikita na ang 80 percent sa buong katawan nito. "Hindi tayo maliligo sa beach o sa swimming pool kaya please palitan mo 'yan ng binili ko sa 'yo." "Heck no! I won't wear that creep dress! Ang nerdy and not my style. At isa pa style 'yun ni Amara and not mine kaya wag mo kong ikumpara sa kanya." Nang may naalala si Bianca. "Wait a minute. Don't tell me naaalala mo si Amara nung pinili mo ang dress na 'yun?" "Paulit-ulit na lang ba tayo nito, Bianca?" "Just tell me directly para magkaalaman na!" "Naninimula ka ba?" Natigilan naman si Bianca sa pagbabanta ni Henry at natahimik na lang s'ya. "Fin
Amara's Point of View* Inaantok pa akong nagtu-toothbrush sa banyo. Kakagising ko lang pero kailangan kong paglutuan ang mga anak ko pati Asawa ko. Alam n'yo na pinagod na naman ako ni Leo. Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin sa sarili ko sa salamin. At agad na akong nagmumug ng tubig at iniluwa ko sa lababo nang may naramdaman akong may yumakap sa akin at nagulat ako nang makita ko si Leo na nakayakap ngayon sa tiyan ko. "Good morning, my queen." Hinalikan niya ang balikat ko papunta sa leeg ko at napailing iling na lang ako. "Good morning din. Maligo ka na muna dahil bababa ako ngayon para malutuan ko na kayo ng almusal." "Wife, baka nakakalimutan mo may mga katulong tayo. Just leave that work to them and be by my side forever." Tinaniman na naman n'ya ng halik ang balikat ko na kinatawa ko ng mahina. Humarap ako sa kanya at nakatingin ako sa mga mata n'ya. Ang gwapo ng mga lalaking ito. Hinawakan ko ang pisngi sabay halik sa labi n'ya. Naramdaman ko na humi
3rd Person's Point of View* Nakita ni Henry ang isang babae na di niya kailanman aakalain na makikita. Nakita niya ulit si Amara pero ang pinakamalala ay masaya na ito sa ibang lalaki. Gusto niya na puntahan sana si Amara at pinigilan naman siya ni Bianca pero hindi siya nagpapigil pero nagulat siya nang makita niya ang mga mata ng lalaki na parang papatayin siya sa mga tingin nito sa kanya. Napalunok naman siya habang nakatingin doon at napaatras. Nakita niya na mas lalong humigpit ang yakap nito kay Amara. Na nagsasabi na sa kanya lang ito. Napakamao naman siya at nagulat siya nang humarap si Bianca sa kanya. "Ano ba, Henry!" Napatingin naman si Henry kay Bianca at napakunot ang noo niya. "What?" "What the hell are you doing," malamig na ani Bianca sa kanya. "N-Nothing... Akala ko na diyan ka sa loob bibili ng alahas for reunion?" Napakunot ang noo ni Bianca habang nakatingin sa kanya. "Alahas o si Amara?" "Amara?" patay mali na lang niyang sabi kay Bianca at naningkit
3rd Person's Point of View* Nakita ni Henry ang isang babae na di niya kailanman aakalain na makikita. Nakita niya ulit si Amara pero ang pinakamalala ay masaya na ito sa ibang lalaki. Gusto niya na puntahan sana si Amara at pinigilan naman siya ni Bianca pero hindi siya nagpapigil pero nagulat siya nang makita niya ang mga mata ng lalaki na parang papatayin siya sa mga tingin nito sa kanya. Napalunok naman siya habang nakatingin doon at napaatras. Nakita niya na mas lalong humigpit ang yakap nito kay Amara. Na nagsasabi na sa kanya lang ito. Napakamao naman siya at nagulat siya nang humarap si Bianca sa kanya. "Ano ba, Henry!" Napatingin naman si Henry kay Bianca at napakunot ang noo niya. "What?" "What the hell are you doing," malamig na ani Bianca sa kanya. "N-Nothing... Akala ko na diyan ka sa loob bibili ng alahas for reunion?" Napakunot ang noo ni Bianca habang nakatingin sa kanya. "Alahas o si Amara?" "Amara?" patay mali na lang niyang sabi kay Bianca at naningkit
Amara's Point of View* "Woah! Talaga, okay, let's exchange numbers." Pero hindi ko kinuha ang phone ko at binigay ko lang ang calling card ko sa kanya. "Sorry, this phone is for personal. Only family." Nagtataka naman siyang napatingin sa akin. Magsasalita sana siya nang biglang tumunog ang phone niya. "E-Excuse me." Sinagot naman niya ang tawag sa harapan ko. "Hello, baby? Nandito ako sa may jewelry. Ah oo nakikita na kita ngayon." "You can go now. May date pa kayo. Nice to see you again, Bianca." Napatingin naman siya at dahan-dahan na napatingin sa akin. "O-oh... I will call you pagpupunta tayo sa reunion." Ngumiti ako at tumango. Lumakad na siya palabas ng shop at nakita ko na niyakap pa niya si Henry na parang nanglalandi pa sa harapan ko. Hindi naman napansin ni Henry ang presensya ko dito. Wala na akong pake sa kanya. Lumabas naman si Leo at napatingin siya sa akin. "Wife, may problema ba?" "I want to hug you." Tinaas ko ang kamay para yakapin siya at mahina n
Amara's Point of View* "Guess who's here?" Walang kabuhay-buhay ko siyang tiningnan at kinuha ko ang wine at sumandal habang nakatingin sa kanya. Agad pumasok sa isipan ko na baka ibu-bully na naman niya ako. Kaya kailangan kong baguhin ang ugali ko dahil ibang iba na ako ngayon. "And you are?" Nakita ko na nagulat siya dahil sa sinabi ko. Mukhang exciting ang mangyayari ngayon huh? "Ohh, kinalimutan mo na agad ako?" Akmang lalapit siya sa akin at pinigilan naman siya ng mga gwardya na nasa paligid ko. Actually mukhang VIP ang shop ngayon kaya walang kahit sino ang makakapasok ngayon dito. "Ohh, my gwardya ka na pala. Hindi ko alam na bigatin ka na pala?" "Uhmm... Hindi naman masyado. Just let her go, baka acquaintance ko siya noon pa man." Binitawan naman siya ng gwardya at nagtataka pa rin siyang napatingin sa akin na parang di siya makapaniwala sa nangyayari. Ininom ko ang wine na nasa wine glass. Damn! Ang pait pero may after taste siya na sweet pero hin
Amara's Point of View* Nakarating kami ngayon sa isang jewelry shop at nakakunot ang noo ko kung bakit kami nandidito ngayon. "Anong ginagawa natin dito?" mahinang bulong ko sa kanya lalo na nung nakikita ko ang mga nagmamahalang mga alahas. "Hmm.. matutulog?" Sinamaan ko siya ng tingin at pinalo ang braso niya. "Wife, ano pa ba ang gagawin natin dito 'di ba? Edi bibili." "Ang mahal dito." Natawa na lang ng mahina si Leo dahil sa sinabi ko. "You forgot already. Sino ba ang asawa mo?" Natigilan ako sa sinabi niya. Hala oo nga pala, bakit nakalimutan ko na siya ang pinakamayaman sa buong mundo? Sinampal atah ako ng dollar bills eh! "Edi wow." Nag-roll eyes ako na kinatawa niya at mahina niyang pinisil ang pisngi ko. Nakita ko na gulat na nakatingin sa akin ang mga employees dito. Ngayon lang kasi nila ako nakita na kasama ko ang lalaking ito. "Good noon, Mr. Rossi and---" Napatingin sa akin ang parang manager doon. "My wife." Nagulat naman ang lahat na nandidito dahil s