“Good morning, miss kanina ko pa po kayo napapansin na nakatayo riyan sa tapat ng pinto at pasilip-silip,”puna dito ng gwardiya.
“Ah e, mamang ano k-kasi po..,”naputol ang kanyang sasabihin ng biglang tumalikod at tumakbo ang kanyang kausap ng marinig nito ang pamilyar na bosena ng kotse.
“Bastos ‘yon ah, may sasabihin pa ako at bigla na lang akong iniwan dito,”maktol na sabi ni Loisa sa sarili.
“Maayos naman ang itsura ko ah,”dagdag pa nitong wika ng mapagmasdan ang sarili sa wall glass ng building.
Biglang tumunog ang cellphone ni Loisa, ng makita ang pangalan ng kanyang kaibigan ay agad nitong pinindot ang receive call.
“Good morning, beshy nasa loob ka na ba ng building? Tinawagan kasi ako ng dati kung kaklase, tinatanong kung nasaan ka na raw?”Sabi nito sa kaibigan.
“Beshy, nandirito pa ako sa labas e, nilapitan nga ako nong guwardiya kaya lang nang sasabihin ko na sana ang pakay ko e, bigla akong tinalikuran at tumakbo ng walang pasabi.”Sumbong nito kay Ysabelle.
“Bakit anong nangyari? Teka, sinunod mo ba ang sinabi ko, mag suot ka ng business attire girl at mag-ayos ka kasi manang ka pa naman tingnan.”Prangka nitong sabi.
“Sama mo naman,”naka-ungos ang labi ni Loisa
Kahit hindi nakikita ni Ysabelle ang itsura ng kausap ay alam niyang naka-ungos na naman ang labi ng kanyang matalik na kaibigan. Naiinis kasi siya sa pagkamanang nito kaya kung minsan harsh siya kung magsalita patungkol sa physical appearance nito. Simpleng babae lang naman si Loisa ang kaso nga lang mula ng iniluwal nito si Loyd ay wala na itong panahong mag-ayos-ayos sa sarili.
“O, siya sorry na, ikaw kasi magpaganda ka naman. Halos magkasing edad lang tayo pero kung mag-sama tayo para ka kasing ate ko na.”Hinging paumanhin nito kay Loisa.
“Oo na, susundin ko na ang mga payo mo. Pero Ysa naka-ayos talaga ako ngayon,”pagtatanggol nito sa sarili.
“O, sige mabuti kung ganon pumasok ka na sa building at sabihin mo sa guard na meron kang interview today sa HR department nila.”Utos nito sa kaibigan.
Tumalima naman agad si Loisa, nang masabi niya sa guwardiyang nakausap niya kanina ang kanyang pakay ay pinapasok na rin siya nito.
“Miss Loisa Sanchez?”Tanong ng magandang babaeng nasa kanyang harapan.
“Marahil ito ‘yong sinasabi ni Ysa na dati niyang kakaklase sa kolehiyo,”bulong niya sa sarili.
“Yes po ma’am, good morning po.”Bati niya sa kausap.
“My name is Abegail Monteclaro, I’m the head of HR department and I’m the one conducting the initial interview. Since the vacant position is secretary, Mr. Steve Monteclaro, the CEO will be doing the final interview.” Deretsahang sabi ni Abegail.
“Shall we begin?”Dagdag pa nitong tanong sa babae.
Nang marinig ni Loisa ang tatlong letrang CEO, biglang nanlamig ang buo niyang katawan. Aaminin niya natatakot siyang makatrabaho ang isa sa may pinakamalaking posisyon sa anumang kumpanya. Kaya nga sa department store na pinagtatrabahuhan nya noon ay kuntento na siya bilang isang accounting staff. Ayaw niya ng na i-istress, hindi siya gaanong magaling sa English, ang utak niya ay sanay sa mga numero lamang. Ngunit kung totoo ang sinabi ng kanyang kaibigan na singkwenta mil ang kada buwan, naku pag-aaralan niya uli ang wikang English.
“Excuse me, miss Sanchez, shall we start?”Pukaw sa kanya ng interviewer.
“Ah y-yes ma’am, I’m sorry po.”hingi niyang paumanhin dito.
“It’s okay, I understand. Would you like to drink some water first before we proceed?”Tanong nito sa babae nang mapansin niyang kinakabahan ang dalaga.
“No ma’am, I’m okay po,”sagot niya dito.
“Well, if that the case then we will continue now, by the way just give me nothing more but your honest opinion Ms. Sanchez. You can deliver it in what language do you prefer as long as you are comfortable with, do you understand?”Nakangiting tanong nito sa kausap.
“Yes po ma’am.”Medyo nahihiya pa niyang sagot.
Makalipas ang halos kalahating oras niya sa loob ng HR department ay inihatid na rin siya ni Abegail sa opisina ni Steve Monteclaro kung saan ay nasa 10th floor ng building.
“Magandang umaga po ma’am Abegail,”bati ng kasalukuyang sekretarya ni Steve na si Ciara.
“Magandang umaga rin sa iyo, Ciara ang boss mo?”Tanong nito sa sekratarya.
“Nasa loob po ma’am,”sagot naman ng babae.
“Mainit na naman ba ang ulo?”Taas-kilay na tanong ni Abegail.
Nalalaman ni Abegail kung nasa bad or good mood ang pinsan kapag nakikita nito si Ciara. Sa tuwing balisa ang pobreng babae malamang sinermunan na naman ito, ngunit kung sa pagbungad dito ang masayang mukha ng babae ang makikita ibig sabahin lang noon ay hindi siya nagawang pagalitan. Ngunit sa loob ng halos tatlong taon ay hindi pa rin nito nakasayanan ang ugali ng amo. Kaya nga bago pa mabaliw ang batang sekretarya ay naghanap na si Abegail ng ipapalit dito.
“Dalhan mo kami ng kape sa loob,” utos na lamang niya dito ng makitang yumuko ang babae.
“What the…!”Udlot na sigaw ni Steve ng makita ang pinsan at ang kasama nito.
“Easy caz, it’s me,”kalma nitong sabi sa lalaki.
“Bakit hindi tumawag sa akin si Ciara to let me know that you are here?”Takang tanong nito sa pinsan.
“Ay sorry, my fault inutusan ko kasi na ipag-timpla tayo ng kape. Then bigla na akong pumasok..kami pala,”sabay turo nito sa babaeng kanina pa nakatayo sa gilid.
“And who’s the hell she is?”Takang tanong nito sa pinsan.
“Watch your mouth my dearest cousin, mawawalan tayo ng empleyado sa talas ng dila mong ‘yan”saway nito sa pinsan.
“Okay fine, so what is this?”Takang tanong niya sa babae.
“Oh yeah she is Miss Loisa Sanchez, your new secretary.”Deretsahang sabi nito sa lalaki sabay lapag ng folder ng babae sa lamesa nito.
Gaya ni Steve gulat rin si Loisa sa tinuran ng head ng HR deparment.
“W-what! My new secretary, are you kidding me Abegail?”Galit na sabi nito sa pinsan.
“Ah e, m-ma’am e-excuse me po, akala ko po ba final interview pa po muna bakit parang tanggap na po ako base sa pakakasabi po ninyo?”Pa-utal-utal na tanong ni Loisa kay Abegail.
“You shut up did I permit you to speak!?”Baling dito sa kanya ni Steve na nanlilisik ang mga mata sa galit.
Nanginginig na sa takot si Loisa, first time niyang nasigawan ng taong hindi niya kilala. Mabuti na lang at nilapitan siya agad ni Abegail, sakto namang pumasok dito si Ciara na dala-dala ang dalawang tasa ng kape at inutusan niya itong dalhin muna sa labas ang babae upang makainom ng tubig at mapakalma.
“Ano ka ba Steve, sumusobra ka na ah,” galit na saway niya dito.
“Alam mo naman sa lahat ng ayoko ‘yong basta na lang pumapasok sa usapan ng may usapan. Isa pa, Abegail bakit ka ba nag-hire ng secretary ng hindi ko alam?”Tanong nito sa pinsan.
“Let me remind you caz, you gave me the authority to hire someone to fill in any of the vacant position. Ang posisyon ng sekretarya mo ay mababakante na sana noong nakaraang buwan pa. Kung hindi ko pa pinakiusapan si Ciara to stay longer until I found a replacement for her, wala ka na sanang sekretarya ngayon!”Galit na sabi ni Abegail sa lalaki.
Sa lahat ng pinsan nila na nakatrabaho ni Steve, ito lamang si Abegail ang madalas na nakikipagtalo sa kanya. Siguro dahil kilala na nilang masyado ang isa’t-isa, halos sabay silang lumaki. Masyado ring spoiled brat noon si Abegail at ang tanging nakakasabay sa kanyang mga tantrums ay si Steve lamang. Ngunit mula ng mamatay ang asawa ng lalaki ay tuluyan ng nag-bago ito hindi na ito ang dating malambing niyang pinsan. Laging mainitin ang ulo mapasabahay man o sa opisina nito. Gayunpaman naniniwala pa rin si Abegail na balang-araw ay babalik rin ang dating Steve na mabait at malambing niyang pinsan.
“At bakit naman siya mag-reresign, hindi ba sapat ang pasahod ko?”Galit pa ring sabi ni Steve.
“The salary is so much enough, but the problem is the way you treat Ciara. Lagi mo siyang pinagagalitan ano ba ang kasalanan nong bata na halos araw-araw mo siyang binubulyawan?”Tanong sa kanya ni Abegail.
“Tatanga-tanga siya e, anong gusto mong gawin ko matuwa ako sa katangahan niya?”Balik nitong tanong sa pinsan.
“C’mon Steve hindi ka dating ganyan, kahit ilang beses nagkakamali ang mga tauhan mo never kitang nakitang sinisigawan sila. You’ve changed a lot since Lina passed away.”Mahina na nitong wika sa pinsan.
“Maybe you need some help,”dagdag pa nitong sabi.
“Coud you stop mentioning my wife’s name. “Tinitigan nitong maigi si Abegail.
“Are you thinking that I have psychological problem ha, Abegail?”Dagdag pa nito.
“What do you think huh?”Taray na namang sagot ni Abegail dito.
Naudlot ang bangayan ng dalawa ng marinig nilang tumunog ang intercom sa opisina ni Steve.
“Yes, what is it?”Si Abegail na ang sumagot sa tawag dahil alam niya na mainit pa rin ang ulo ng pinsan.
“Ma’am Abegail ipinapasabi po ni Miss Sanchez na babalik na lang raw po siya sa ibang araw kung inyo pong mamarapatin.”Tanong ni Ciara sa among babae.
“No let her stay for a while, tatapusin ko lang ang meeting ko with the CEO.”Utos nito sa batang sekretarya.
“Noted po ma’am,”sagot naman ni Ciara sabay baba ng telepono.
“Ano raw ang sabi?”Sabik na tanong ni Loisa kay Ciara.
“Maghintay raw po muna kayo saglit Ms. Sanchez sabi ni Ma’am Abegail.”Turan nito kay Loisa.
“Ganon ba, bakit naman kaya ako paghihintayin pa e, panay ang away nilang dalawa kanina ah.”Sumbong nito sa kausap.
“Naku Ms. Sanchez, huwag po ninyong mabanggit-banggit sa ibang naririto kung ano po ang nasaksihan ninyo sa loob, magagalit po si sir Steve kapag makakarating sa kanya ang balitang pinag-tsitsismisan siya.”Paalala nito kay Loisa.
“Ganon ba, pasensiya ka na ha nanibago kasi ako nang makita ko ‘yon kanina e.”Hinging paumanhin nito kay Ciara.
Alas singko na ng hapon ng matapos ng makapag-ayos sina Loisa at mga bata, maging si Aling Marie ay handa na rin.“Nasaan na po ba si Miguel, anong oras raw po tayo susunduin nanay Marie?” Tanong ni Loisa sa matanda.Sa pagkaka-alam kasi ni Loisa ay iniimbitahan sila ni Miguel na kumain sa mamahaling restaurant sa siyudad. Hindi niya na to nakausap kanina dahil inasikaso niya muna ang mga kambal. Kahit ayaw niya munang umalis ng bahay ng dahil sa nangyari ay napilitan pa rin siya ng mga kasama sa bahay.“Nariyan na raw sa labas, halina na kayo at medyo mahaba pa raw ang biyahe natin,” sabi naman ni Aling Marie. “Sabi ko naman po kasi Nanay, pwede naman po sa makalawa o sa susunod na linggo na lang po, kasi hindi pa po tayo nakakarecover sa nangyari kahapon,” sabi ni Loisa.“Naku, ano ka ba pagbigyan na natin si Miguel, alam mo namang bilang lang ang bakasyon nong tao,” sabi pa ng matanda.“Segi na nga po,” tanging nasabi na lamang ni Loisa.Hindi na nagtagal dumating na rin sila sa v
“Salamat sa Diyos at ligtas kayong lahat lalo na ang mga bata,” maluha-luha bati ni Aling Marie.“Nanay Marie,” masayang salubong ng kambal sa kanilang lola.“Mga apo ko, kamusta kayo siguro nagugutom ang mga bata hali kayo may pagkaing inihanda ang lola,” masayang bati ng matanda sa mga bata.Bumaba na rin si Steve sa kanyang sasakyan at tahimik lamang na nakatayo sa likod nina Loisa.“Daddy Steve,” sigaw ni Loyd.Mabilis na lumapit ang bata sa lalaki ng mapagkilanlan ang kinilalang pangalawang ama.Masayang nagyakap ang dalawa. Saglit pa tumulo ang kanyang luha ng mahigpit siyang niyakap ni Loyd, sobrang miss na miss niya na ang kanyang mag-ina.Maging sina Loisa ay naluha din sa nakita kahit siya rin naman ay sobra niyang na mi-miss ang lalaking kanyang minahal. Ngunit ng dahil sa nangyari kilangan niya munang pag-ukulan ng atensiyon ang kanyang mga kambal.“Kamusta ka na anak?” Masayang sabi ni Steve kay Loyd.“Okay lang po ako daddy Steve,” nakangiting sabi ni Loyd.“Kayo po kamu
“Ano ba ang kasalanan ko sa iyo, Kimberly at pati mga anak ko ay ipinagkanulo mo kay Crystal?” Galit na tanong ni Loisa kay Kimberly.Matapos maipakilala ni Loisa ang kambal sa kanilang Tita Abegail ay nauna na ang mga ito na lumabas ng bahay. Samantalang nagpa-iwan si Steve at Loisa upang kausapin ng masinsinan sina Arnel at Kimberly.“Patawarin mo ako Loisa masyado akong nasilaw sa perang ibinigay ni Crystal,” sabi ni Kimberly.“Noong nalaman ni Crystal na merong karelasyon si Sir Steve sa opisina ay hindi niya matanggap,”kwento pa nito.“Kinausap niya ako at sinabi niyang babayaran niya ako sa tuwing meron akong magandang balita na ibibigay sa kanya,” sabi pa ni Kimberly.“Nong una masaya ako kasi sino ba naman ang ayaw sa pera, Loisa pero kalaunan nong nalaman kung tatangayin niya ang mga kambal at ituturing niya na parang sariling anak niya, doon na ako umalma,” naluluhang sabi pa niya.“Hindi mo ba naisip na masakit sa isang tulad ko ang mawalay sa mga anak kahit segundo lang, K
Nakagapos ng inilabas si Crystal sa lumang bahay na pinagdalhan sa mga bata. Hindi pa man siya nakapasok sa sasakyan ng mga awtoridad ay sinalubong agad siya ni Loisa ng mag-asawang sampal.Samantalang sabunot naman ang inabot niya kay Abegail.Dali-daling namagitan sina Steve at Miguel sa pagitan ni Crystal at ng dalawang babae.“Nanahimik ako Crystal nagpakalayo-layo kami ng mga anak ko, pero bakit mo kami ginulo,” galit na tanong ni Loisa kay Crystal.“Ano ang kasalanan ko sa ‘yong babae ka bakit pati ang mga anak ko dinamay mo sa galit mo sa akin,”umiiyak pero pilit na inaabot ang babae.“Tama na po misis kami na po ang bahala sa kanya,” awat naman ng isang pulis.“Segi na boss pakidala na sa presento ang babaeng ‘yan,” sabi naman ni Steve.“Tahan na sweetie, maaayos din ang lahat,” sabi naman ni Steve sabay yakap kay Loisa.“Ang mga anak ko, nasaan ang mga anak ko?” Tarantang tanong ni Loisa kay Steve ng hindi makita ang mga bata.“Kumalma ka nasa loob sila kasama ng mga tauhan k
Pagkatanggap ni Steve ng lokasyon kung saan dinala ang kanyang mga anak ay wala na silang sinayang na oras. Nagunit napagtanto nila na hindi ganon kadaling lusubin ang grupo ng mga taong dumukot sa mga bata. Kahit marami sila, nariyan ang mga grupo ng sarhento, mga pulis at ang kanyang mga tauhan.Sanay siya sa bakbakan pero hindi niya pwedeng isa-alang alang ang buhay ng kanyang mga kambal. “Anong sitwasyon dito?” Derestsahang tanong ng lalaki sa sarhento.Matapos malaman ni Steve ang buong detalye ay maingat na ibinato sa mga tauhan kung ano ang kinakailangan nilang gawin.“Ayaw ko ng bulilyaso kung ayaw n’yong pati kayo ay ibaon ko sa hukay,” galit na sabi pa ni Steve.“Copy, sir,” sagot naman ng mga tauhan. Kusa ng naghanda ang mga lalaki na tila animoy sanay sa ganitong gawain.Tantiyado ang bawat kilos.Nakahanda na ang lahat, tanging ang hudyat na lamang mula kay Steve ang hinihintay ng lahat para lusubin ang kinapupwestuhan ng mga taong dumukot sa kambal nila ni Loisa.Nan
Nang dahil sa ilang araw na pagod at puyat upang maisakatuparan ang plano ay medyo napahimbing ang kanilang mga tulog.Nagulat na lamang si Arnel nang pagbuka ng kanyang mga mata ay nasa harapan na ng kama si Crystal at kampanteng nakaupo habang nakatoon sa kanila ang paningin.“Ma’am Crystal, kanina pa po ba kayo diyan?” Gulat na tanong ni Arnel.“Mukha yatang napagod ka sa party kahapon at hindi mo napansin ang pagdating ko, Arnel,”nakangising sabi ni Crystal.Saka naman naalimpungatan si Kimberly para lang magulat sa presensiya ni Crystal.“Ma’am Crystal,” gulat na sabi ni Kimberly.“Good morning, Kimberly how’s your sleep,” nakangising bati ni Crystal sa babae.Wala sa loob na niyakap ni Kimberly ang mga bata, halata sa kanyang pagkatao ang panginginig ng kanyang buong katawan ng dahil sa takot.Kinakabahan kasi siya sa posibleng mangyari matapos makuha ni Crystal ang kambal. Duda niya narinig ng mga ito ang pinag-usapan at plano ni Arnel.Paano na lang ang mga bata kapag malayo n