“Good morning po sir,” nakangiting bati ni Ciara sa bagong dating na amo.
Kunot ang noo ni Steve na hinarap si Ciara nang mapansin nitong mag-isa pa lang ang babae sa kanyang lamesa.
“Alone?”Seryoso ang mukha nitong tanong sa babae.
“Ah e, sir paakyat na raw po si Miss Loisa, medyo matagal raw po kasing naka-alis ang sinsakyan niyang jeep kanina kaya po nahuli siya ng kaunti,”mahabang paliwanang ni Ciara sa kanyang among lalaki na kay aga-aga ay masungit na naman.
“M-magandang u-umaga po sir,”hinihingal na bati ni Loisa kay Steve nang makita ito sa opisina nina Ciara.
“How good it is in the morning Miss Sanchez?” Walang ngiti sa mukha na wika nito sa babae.
“Fix yourself and follow me in my office,”dagdag pa nitong sabi.
Kinakabahan na naman si Loisa, gayunpaman ay sinunod pa rin nito ang utos ng kanyang boss. Saglit niya lamang inaayos ang kanyang sarili at tinanong ang kasama kung maayos na ba ang kanyang itsura.
“Okay na ‘yan Miss Loisa, maganda ka na sa ayos mo. Bilisan mo na lang ang mga kilos mo at pumasok ka na sa loob, tiyak nito sasabunin na naman tayo hanggang maghapon,”kinakabahang wika ni Ciara.
“Huwag kang mag-alala Miss Ciara, ipagtatanggol kita mula kay sir, ako naman ang may kasalanan kung bakit nakakunot naman ang noo ng taong ‘yon kaya sasaluin ko lahat,”pag-aalo nito sa babae.
“Talaga lang ha,”nakangiti na nitong sabi kay Loisa kasi batid ni Ciara na malabong mangyari ang sinasabi nito.
Ilang beses siyang kumatok bago narinig ang sagot ng kanyang boss, pinihit niya ang siradura at tuluyan na rin siyang pumasok. Kinakabahan man ay pinanatili niya pa ring maayos ang kanyang postura, nakatayo na siya ngayon na nakaharap sa lalaki at muli itong binati.
“Good morning po sir,”ngiting bati niya dito
“Why are you late?”Ang baritonong boses ng kanyang boss.
“Ah e, k-kasi po sir matagal pong umalis ‘yong nakaparadang jeep na sinasakyan ko po papuntang bayan kanina,”kinakabahang sagot niya dito.
“Anong oras ka umalis sa inyo,”patuloy na usisa ni Steve habang nakatingin na sa kanyang laptop at nag-uumpisa na ring mag-type.
“A-ala sais po sir,”kabado niya pa ring sabi dito.
“Ilang oras ang biyahe mula sa inyo papunta rito sa opisina ko?”May bahid nang pagkainis sa mukha nito.
“H-humigit k-kumulang nasa kalahating oras po sir,”nanginginig niyang sagot dito, malakas ang kutob niya na galit na sa kanya ang kanyang among lalaki.
“Okay,ipagpalagay natin na isang oras ang biyahe mo galing sa inyo papunta dito sa opisina ko. Kung umalis ka sa inyo ng ala-sais dapat nandirito ka na kanina pang alas-siyete, tama ba ako?”Tanong nito kay Loisa na tila ba isang imbistigador.
“O-opo sir,”kabadong sagot niya dito.
“Kung ganon saan napunta ang isang oras at bakit nauna pa akong dumating dito keysa sa iyo, siguro naman sinabihan ka na ni Ciara kung ano-anu ang mga kinaiinisan ko?” Seryosong sabi nito sa babae at pagkatapos ay marriing tinitigan ito sa mata.
Pakiramdaman ni Loisa ay mawawalan siya dito ng hininga, kaya minabuti niya na munang pakalmahin saglit ang sarili at muling sinagot ang tanong ng amo.
“K-kasi po s…,” sasagot na sana si Loisa nang bigla tumayo si Steve at inihampas ang mga kamay nito sa kanyang lamesa.
“What the… pwede ba magsalita ka nang maayos huwag ‘yong nauutal ka para kang si tanga!”bulyaw sa kanya ni Steve ng hindi na nito mapigilan ang galit sa babae dahil nga sa nahuli itong pumasok.
Mahalaga sa kanya ang oras kung sana naging maaga itong dumating kaysa sa kanya di sana hindi na sila nag-aaksaya ngayon ng panahon. Dahil sa pagkabigla ng babae ay nanginginig na naman ito sa takot at nang mapansin ‘yon ni Steve ay hinila nito pabalik sa kanya ang upuan na pansamantalang napaatras kanina nang bigla siyang tumayo at patalikod na rin itong naupo sa babae. Hindi niya mawari sa kanyang sarili kung bakit naiinis siya kapag nauutal ito kung kakausapin niya, ngunit sa tuwing nakikita niya naman ang panginginig ng mga kamay nito ay naawa naman siya. Ibang-iba sa sitwasyon sa tuwing napapagalitan niya si Ciara.
“S___t!”Mahinang mura niya sa sarili.
“S-sorry po sir, hindi na po mauulit, tsaka po sir patawarin nyo po ako kung nauutal ako kasi po kinakabahan po ako siguro naninibago pa po ako. Huwag po kayong mag-alala sir pipilitin ko pong maging maayos ang aking pananalita,”mahabang litanya sa kanya ni Loisa.
“Tungkol naman po doon sa isang oras sir hindi ko po na-expect kasi kanina na magtatagal sa paradahan po ang jeep. Kalimitan po kasi sir kahit hindi gaanong maraming tao ay umaalis na po ang sasakyan kaya lang po kanina medyo natagalan kami sir,”dagdag pa nitong sabi.
Dinampot ni Steve ang telepono at tinawagan si Ciara, hindi pa natatapos ng babae na nasa kabilang-linya ang ginawang pagbati ay sumingit na agad si Steve dito.
“Turuan mo nang mabuti itong kasamahan mo kung ayaw mong manatili diyan sa pwesto mo habambuhay, is that clear!”Galit na utos ni Steve sa batang sekretarya.
Hindi na nakuha pang sumagot ni Ciara dahil binagsakan na agad siya ng telepono nang kanilang boss.
“Ano pang ginagawa mo diyan Miss Sanchez, magtrabho ka na huwag mo ng sayangin ang oras ko lalong-lalo na ang malaking pasweldo ko sa iyo.”Wika ni Steve ng may diin ang pagkabanggit nang “malaking pasweldo”, sapat na upang maintindihan ni Loisa kung ano ang nais iparating ng kanyang amo.
“Okay ka lang ba Miss Loisa, inumin mo muna itong tubig oh,”alalang salubong sa kanya ni Ciara paglabas niya ng pinto galing sa opisina ng kanilang masungit na amo.
“Oo, Miss Ciara huwag ka ng mag-alala, hinding-hindi na mauulit ang pagpasok ko nang late dito sa opisina at saka pag-aaralan ko ring mabuti ang trabaho mo para makasama mo na sina Ma’am Abegail.”Paniniyak niyang sabi sa kasama na nakangiti.
“Pasensiya ka na ha, nadamay ka na naman tuloy,”hinging paumanhin niya dito.
“Ano ka ba, okay lang ‘yon, halika na nga umpisahan na nating magtrabaho,”nangingiting sabi nito sa kasamahan upang kahit papaano ay maibsan ang guilt na nararamdaman nito dahil sa nangyari.
Nasa kalagitnaan na sila ng ginagawang orientation tungkol sa polisiya ng kumpanya nang tumunog ang telepono. Sinagot iyon agad ni Ciara ng mabosesan ang nasa kabilang-linya ay agad niya na ring tinawag si Loisa, ang kanilang Ma’am Abegail ito at gusto makausap ang huli.
“Good morning po Ma’am Abegail,”bati agad ni Loisa sa among babae nang mahawakan ang telepono.
“Good morning too, Miss Sanchez balita ko ay late ka na raw pumasok?”wika ng kanyang boss na babae, ngunit sa tono ng boses nito ay alam niyang hindi ito galit.
“Opo ma’am, patawarin po ninyo ako hindi na po mauulit pangako po,”hinging paumanhin niya sa kanyang boss na babae.
“So totoo nga? kaya pala,”natatawa nitong sabi.
“Kaya pala ano ma’am, ano pong ibig ninyong sabihin?”Nagtataka niyang tanong sa amo.
“Sabihan mo si Ciara i-on ang button ng speaker nitong telepono nang kayong dalawa ang makakarinig sa instruction ko,”utos nito sa babae.
Dali-daling pinindot ni Ciara ang speaker button at ng ma-on na ito ay una siyang nagsalita.
“Good morning po, Ma’am Abegail si Ciara po ito,”bati niya sa among babae.
“Okay sige, makinig kayong mabuti Ciara at Loisa,”paunang sabi nito.
“Yes, po ma’am,” halos magkasabay na sagot ng mga sekretarya.
“Okay listen carefully, Ciara I’d like you to give actually the two of you, your residence sketch to Mang Nelson as soon as possible,” derektang sabi nito.
Nagtaka man ang dalawa ngunit wala ni isa sa kanila ang naglakas-loob na tanungin ang kanilang among babae.
“Yes,ma’am,” tanging namutawi sa bibig ni Ciara.
Nang magpaalam na ang nasa kabilang-linya ay saka pa lamang tinanong ni Loisa si Ciara kung bakit kilangan nilang ibigay ang kanilang residence sketch at sino naman itong si Mang Nelson.
“Hindi ko nga rin maintindihan Miss Loisa e, pero ang tungkol kay Mang Nelson sa pagkaka-alala ko ay dati itong driver ng namayapang misis ni Sir Steve.” Wala sa loob na sabi niya sa kasamahan.
“Ganon, ba?”Nagtataka pa ring tanong ni Loisa.
“O siya, miss Loisa umpisahan na nating gawin ang sketch kasi ayaw rin ‘yan ni Ma’am Abegail nang mababagal na kilos e,”yaya nito kay Loisa.
“Sige Miss Ciara,”turan niya naman dito.
Alas singko na ng hapon ng matapos ng makapag-ayos sina Loisa at mga bata, maging si Aling Marie ay handa na rin.“Nasaan na po ba si Miguel, anong oras raw po tayo susunduin nanay Marie?” Tanong ni Loisa sa matanda.Sa pagkaka-alam kasi ni Loisa ay iniimbitahan sila ni Miguel na kumain sa mamahaling restaurant sa siyudad. Hindi niya na to nakausap kanina dahil inasikaso niya muna ang mga kambal. Kahit ayaw niya munang umalis ng bahay ng dahil sa nangyari ay napilitan pa rin siya ng mga kasama sa bahay.“Nariyan na raw sa labas, halina na kayo at medyo mahaba pa raw ang biyahe natin,” sabi naman ni Aling Marie. “Sabi ko naman po kasi Nanay, pwede naman po sa makalawa o sa susunod na linggo na lang po, kasi hindi pa po tayo nakakarecover sa nangyari kahapon,” sabi ni Loisa.“Naku, ano ka ba pagbigyan na natin si Miguel, alam mo namang bilang lang ang bakasyon nong tao,” sabi pa ng matanda.“Segi na nga po,” tanging nasabi na lamang ni Loisa.Hindi na nagtagal dumating na rin sila sa v
“Salamat sa Diyos at ligtas kayong lahat lalo na ang mga bata,” maluha-luha bati ni Aling Marie.“Nanay Marie,” masayang salubong ng kambal sa kanilang lola.“Mga apo ko, kamusta kayo siguro nagugutom ang mga bata hali kayo may pagkaing inihanda ang lola,” masayang bati ng matanda sa mga bata.Bumaba na rin si Steve sa kanyang sasakyan at tahimik lamang na nakatayo sa likod nina Loisa.“Daddy Steve,” sigaw ni Loyd.Mabilis na lumapit ang bata sa lalaki ng mapagkilanlan ang kinilalang pangalawang ama.Masayang nagyakap ang dalawa. Saglit pa tumulo ang kanyang luha ng mahigpit siyang niyakap ni Loyd, sobrang miss na miss niya na ang kanyang mag-ina.Maging sina Loisa ay naluha din sa nakita kahit siya rin naman ay sobra niyang na mi-miss ang lalaking kanyang minahal. Ngunit ng dahil sa nangyari kilangan niya munang pag-ukulan ng atensiyon ang kanyang mga kambal.“Kamusta ka na anak?” Masayang sabi ni Steve kay Loyd.“Okay lang po ako daddy Steve,” nakangiting sabi ni Loyd.“Kayo po kamu
“Ano ba ang kasalanan ko sa iyo, Kimberly at pati mga anak ko ay ipinagkanulo mo kay Crystal?” Galit na tanong ni Loisa kay Kimberly.Matapos maipakilala ni Loisa ang kambal sa kanilang Tita Abegail ay nauna na ang mga ito na lumabas ng bahay. Samantalang nagpa-iwan si Steve at Loisa upang kausapin ng masinsinan sina Arnel at Kimberly.“Patawarin mo ako Loisa masyado akong nasilaw sa perang ibinigay ni Crystal,” sabi ni Kimberly.“Noong nalaman ni Crystal na merong karelasyon si Sir Steve sa opisina ay hindi niya matanggap,”kwento pa nito.“Kinausap niya ako at sinabi niyang babayaran niya ako sa tuwing meron akong magandang balita na ibibigay sa kanya,” sabi pa ni Kimberly.“Nong una masaya ako kasi sino ba naman ang ayaw sa pera, Loisa pero kalaunan nong nalaman kung tatangayin niya ang mga kambal at ituturing niya na parang sariling anak niya, doon na ako umalma,” naluluhang sabi pa niya.“Hindi mo ba naisip na masakit sa isang tulad ko ang mawalay sa mga anak kahit segundo lang, K
Nakagapos ng inilabas si Crystal sa lumang bahay na pinagdalhan sa mga bata. Hindi pa man siya nakapasok sa sasakyan ng mga awtoridad ay sinalubong agad siya ni Loisa ng mag-asawang sampal.Samantalang sabunot naman ang inabot niya kay Abegail.Dali-daling namagitan sina Steve at Miguel sa pagitan ni Crystal at ng dalawang babae.“Nanahimik ako Crystal nagpakalayo-layo kami ng mga anak ko, pero bakit mo kami ginulo,” galit na tanong ni Loisa kay Crystal.“Ano ang kasalanan ko sa ‘yong babae ka bakit pati ang mga anak ko dinamay mo sa galit mo sa akin,”umiiyak pero pilit na inaabot ang babae.“Tama na po misis kami na po ang bahala sa kanya,” awat naman ng isang pulis.“Segi na boss pakidala na sa presento ang babaeng ‘yan,” sabi naman ni Steve.“Tahan na sweetie, maaayos din ang lahat,” sabi naman ni Steve sabay yakap kay Loisa.“Ang mga anak ko, nasaan ang mga anak ko?” Tarantang tanong ni Loisa kay Steve ng hindi makita ang mga bata.“Kumalma ka nasa loob sila kasama ng mga tauhan k
Pagkatanggap ni Steve ng lokasyon kung saan dinala ang kanyang mga anak ay wala na silang sinayang na oras. Nagunit napagtanto nila na hindi ganon kadaling lusubin ang grupo ng mga taong dumukot sa mga bata. Kahit marami sila, nariyan ang mga grupo ng sarhento, mga pulis at ang kanyang mga tauhan.Sanay siya sa bakbakan pero hindi niya pwedeng isa-alang alang ang buhay ng kanyang mga kambal. “Anong sitwasyon dito?” Derestsahang tanong ng lalaki sa sarhento.Matapos malaman ni Steve ang buong detalye ay maingat na ibinato sa mga tauhan kung ano ang kinakailangan nilang gawin.“Ayaw ko ng bulilyaso kung ayaw n’yong pati kayo ay ibaon ko sa hukay,” galit na sabi pa ni Steve.“Copy, sir,” sagot naman ng mga tauhan. Kusa ng naghanda ang mga lalaki na tila animoy sanay sa ganitong gawain.Tantiyado ang bawat kilos.Nakahanda na ang lahat, tanging ang hudyat na lamang mula kay Steve ang hinihintay ng lahat para lusubin ang kinapupwestuhan ng mga taong dumukot sa kambal nila ni Loisa.Nan
Nang dahil sa ilang araw na pagod at puyat upang maisakatuparan ang plano ay medyo napahimbing ang kanilang mga tulog.Nagulat na lamang si Arnel nang pagbuka ng kanyang mga mata ay nasa harapan na ng kama si Crystal at kampanteng nakaupo habang nakatoon sa kanila ang paningin.“Ma’am Crystal, kanina pa po ba kayo diyan?” Gulat na tanong ni Arnel.“Mukha yatang napagod ka sa party kahapon at hindi mo napansin ang pagdating ko, Arnel,”nakangising sabi ni Crystal.Saka naman naalimpungatan si Kimberly para lang magulat sa presensiya ni Crystal.“Ma’am Crystal,” gulat na sabi ni Kimberly.“Good morning, Kimberly how’s your sleep,” nakangising bati ni Crystal sa babae.Wala sa loob na niyakap ni Kimberly ang mga bata, halata sa kanyang pagkatao ang panginginig ng kanyang buong katawan ng dahil sa takot.Kinakabahan kasi siya sa posibleng mangyari matapos makuha ni Crystal ang kambal. Duda niya narinig ng mga ito ang pinag-usapan at plano ni Arnel.Paano na lang ang mga bata kapag malayo n