Share

CHAPTER 6

last update Last Updated: 2023-04-11 10:21:07

“Inay!”Masayang salubong sa kanya ni Loyd pagpasok niya ng kanilang bakuran.

Kasalukuyang naglalaro si Loyd gamit ang mga bagong biling laruan ng kanyang ninang Ysabelle. Masigla na naman ang bata sa katunayan pa nga ay nagagawa na nitong tumakbo.

“Oh dahan-dahan anak baka madapa ka,”ngiting sabi nito sa bata.

Nagyakap ang mag-ina na tila ilang dekadang hindi nagkita.

“Kamusta ang araw ng baby ko, hindi ba naging pasaway kay nanay Marie?” Ngiting tanong nito sa bata.

“Good boy po ako inay,”ngiti nitong turan sa ina.

“Talaga? Nanay Marie good boy po ba si Loyd?” Kunwari hindi siya naniniwala sa bata.

“Aba oo naman iha, mabait na bata naman si Loyd e, hindi siya nagpasaway kay nanay Marie.”Ngiti ring sagot nito kay Loisa.

Si Nanay Marie ay ang kanilang kapitbahay na matagal ng biyuda. Mula nang nagsipag-asawa ang kanyang apat na mga anak ay mag-isa na lamang siyang naninirahan sa kanilang bahay. Doon naisipan ni Loisa na kunin ang serbisyo nitong mag-alaga kay Loyd at mag-asikaso sa kanilang munting tindahan na pinagkukunan nila ng pang-araw-araw na gastuhin mula nong natanggal siya sa kanyang pinagtatrabahuang department store.

“Magandang balita ‘yan ah, nang dahil diyan merong pasalubong ang inay,”ngiting sabi ni Loisa sa anak sabay angat ng dala nitong paboritong tinapay.

“Wow, inay maraming salamat po,”masayang sagot ng kanyang anak.

Nasanay si Loyd sa tinapay kesa mga pagkaing makikita sa mga kilalang fast food. Kinukulang kasi ang budget ni Loisa madalas kaya ang murang tinapay lamang ang kaya niyang ibigay sa bata bilang pasalubong. Maliban diyan natatakot rin siyang makita ang kanyang anak na sobrang taba ngunit hindi naman malusog, gaya ng anak nang kanilang kapitbahay na manager ng banko na halos araw-araw ay kumakain sa fast food kaya sa murang edad ay halos hirap na itong tumakbo dahil sa sobrang taba.

“Masarap ba anak ang ensaymada nina Mang Elmo?”tanong nito sa bata.

Ang tinutukoy nitong Mang Elmo ay ang nagmamay-ari ng Elmo Bakery sa bayan na naging suki niya na rin.

“Opo inay,”nakangiti niyang sabi.

“O siya, huwag mo damihan ang kain niyan maghahapunan pa tayo mamaya,” sabi nito sa anak.

“Opo inay,”tugon naman ni Loyd sa ina.

“Nanay Marie, kumain rin po kayo, sasaglit ko lang po ito sa kusina nang meron po tayong uulamin mamayang hapunan,”sabi nito sa matandang babae na itinuring niya na ring parang tunay niyang ina.

“Naku, huwag ka ng mag-alala sa akin sapagkat ako ay busog pa, Loisa, ako na muna ang bahala diyan at magbihis ka na iha,”sabi ni Nanay Marie nang mapahawak pa ito sa kanyang braso.

“Aray ko po,”biglang niyang sambit.

“Oh bakit iha, napaano ka?”Takang tanong ni Nanay Marie sa kanya.

Mabuti na lang at nasa kusina na sila ni Nanay Marie kaya hindi narinig ni Loyd ang kanyang pagdaing. Malamang mag-aalala rin ang bata kapag makita nito ang pasa sa kanyang braso.

“Ah e, nabangga lang po ako kanina sa cabinet nanay habang inaayos ko po ang mga folder sa opisina,”pagsisinungaling nito sa matanda.

“Ganon ba, o siya mag-ingat ka pang lalo iha, magpa check-up ka kaya baka kung mapano iyang braso mo?” Nag-alalang tanong ng matanda kay Loisa.

“Okay lang po ako nanay huwag na po kayong mag-alala mawawala rin po ito ng mga ilang araw, nagawan naman po ng first aid kanina sa opisina kaya wala na pong problema,”tanging nasabi niya sa matandang babae upang mawala na rin ang pag-alala nito.

“Sige iha, sana mabilis ang pag-galing ng braso mo, magbihis ka na muna at magpahinga ako na muna ang bahala dito sa magiging hapunan natin mamaya.” Taboy na nito sa babae.

Tumalima naman si Loisa at sinilip niya lang saglit si Loyd na nasa kanilang sala bago tuluyang pumasok sa kanilang kwarto. Kalalapag lang ng kanyang bag nang tumunog ang kanyang telepono. Nang tingnan niya ito ay numero ni Ysabelle ang tumatawag.

“Hello besh, kamusta ang first day mo sa Monteclaro Corporation?”Excited na tanong nang nasa kabilang-linya.

“Hi besh, medyo nakakapanibago kasi alam mo na ilang taon rin akong naka-tambay,”nangigiti nitong sabi sa kausap.

“Ganon talaga besh pero huwag kang mag-alala masasanay ka rin, kuwentuhan mo naman ako sa bago mong boss balita ko gwapo raw,”kinilig pang sabi ni Ysabelle.

“Akala ko ba kaya ka tumawag ay kukumustahin mo ang trabaho ko, e bakit parang sa tono ng boses mo ang boss ko ang gusto mong pag-usapan natin ha,”natatawa nitong sabi sa kaibigan.

“Hindi ka ba busy at nagawa mo akong tawagan nang dahil lang sa boss ko?” Dagdag pang sabi ni Loisa sa kausap.

“Ano ka ba pag-bigyan mo na ako nang ma-inspire naman ako sa trabaho ko,”hiling pa nito sa kaibigan.

“Pagod ako besh e, pwede sa ibang araw na lang natin pag-usapan ang boss ko,”kunwaring sabi niya dito.

“Ano ka ba, ngayon nga lang ako humiling sa iyo e,”maktol na boses sa kabilang linya.

Hindi na tuloy mapigilan ni Loisa ang di tumawa sa asal ng kaibigan nito na nasa kabilang-linya. Iba rin pala ito kung mag-isp mukhang tinamaan sa kanyang amo kaya pala pinagtatrabaho siya dito upang meron itong makuhang impormasyon sa taong hinahangan nito.  

“Huwag kang mag-alala kapag magkita tayo ngayong weekend magkukuwento ako sa iyo tungkol sa masungit kong boss,”natatawa pa ring niyang sabi dito.

“Ay naku naman, gusto ko ngayon besh,”kulit pa rin nito.

Hindi rin naman matiis ni Loisa ang kaibigan kaya sinimulan niya na ring ikuwento kay Ysabelle ang eksperyensiyang nangyari sa kanya sa Monteclaro Corporation ng buong araw, nag-alala kasi siya baka mamaya ay hindi makatulog ang kaibigan nito nang dahil sa inis sa kanya. Ngunit meron siyang ililihim sa kaibigan ito ay ‘yong pagkaroon niya ng pasa sa braso dahil sa mahigpit na pagkakahawak dito ni Steve Monteclaro kanina. Ayaw rin niya kasing mag-alala ang kaibigan na baka maging rason pa ang nagyari upang sisihin nito ang sarili nang dahil sa suhestiyon nitong pagtrabahuin siya sa kumpanya ng lalaki.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Falling To The Arrogant CEO   CHAPTER 120

    Alas singko na ng hapon ng matapos ng makapag-ayos sina Loisa at mga bata, maging si Aling Marie ay handa na rin.“Nasaan na po ba si Miguel, anong oras raw po tayo susunduin nanay Marie?” Tanong ni Loisa sa matanda.Sa pagkaka-alam kasi ni Loisa ay iniimbitahan sila ni Miguel na kumain sa mamahaling restaurant sa siyudad. Hindi niya na to nakausap kanina dahil inasikaso niya muna ang mga kambal. Kahit ayaw niya munang umalis ng bahay ng dahil sa nangyari ay napilitan pa rin siya ng mga kasama sa bahay.“Nariyan na raw sa labas, halina na kayo at medyo mahaba pa raw ang biyahe natin,” sabi naman ni Aling Marie. “Sabi ko naman po kasi Nanay, pwede naman po sa makalawa o sa susunod na linggo na lang po, kasi hindi pa po tayo nakakarecover sa nangyari kahapon,” sabi ni Loisa.“Naku, ano ka ba pagbigyan na natin si Miguel, alam mo namang bilang lang ang bakasyon nong tao,” sabi pa ng matanda.“Segi na nga po,” tanging nasabi na lamang ni Loisa.Hindi na nagtagal dumating na rin sila sa v

  • Falling To The Arrogant CEO   CHAPTER 119

    “Salamat sa Diyos at ligtas kayong lahat lalo na ang mga bata,” maluha-luha bati ni Aling Marie.“Nanay Marie,” masayang salubong ng kambal sa kanilang lola.“Mga apo ko, kamusta kayo siguro nagugutom ang mga bata hali kayo may pagkaing inihanda ang lola,” masayang bati ng matanda sa mga bata.Bumaba na rin si Steve sa kanyang sasakyan at tahimik lamang na nakatayo sa likod nina Loisa.“Daddy Steve,” sigaw ni Loyd.Mabilis na lumapit ang bata sa lalaki ng mapagkilanlan ang kinilalang pangalawang ama.Masayang nagyakap ang dalawa. Saglit pa tumulo ang kanyang luha ng mahigpit siyang niyakap ni Loyd, sobrang miss na miss niya na ang kanyang mag-ina.Maging sina Loisa ay naluha din sa nakita kahit siya rin naman ay sobra niyang na mi-miss ang lalaking kanyang minahal. Ngunit ng dahil sa nangyari kilangan niya munang pag-ukulan ng atensiyon ang kanyang mga kambal.“Kamusta ka na anak?” Masayang sabi ni Steve kay Loyd.“Okay lang po ako daddy Steve,” nakangiting sabi ni Loyd.“Kayo po kamu

  • Falling To The Arrogant CEO   CHAPTER 118

    “Ano ba ang kasalanan ko sa iyo, Kimberly at pati mga anak ko ay ipinagkanulo mo kay Crystal?” Galit na tanong ni Loisa kay Kimberly.Matapos maipakilala ni Loisa ang kambal sa kanilang Tita Abegail ay nauna na ang mga ito na lumabas ng bahay. Samantalang nagpa-iwan si Steve at Loisa upang kausapin ng masinsinan sina Arnel at Kimberly.“Patawarin mo ako Loisa masyado akong nasilaw sa perang ibinigay ni Crystal,” sabi ni Kimberly.“Noong nalaman ni Crystal na merong karelasyon si Sir Steve sa opisina ay hindi niya matanggap,”kwento pa nito.“Kinausap niya ako at sinabi niyang babayaran niya ako sa tuwing meron akong magandang balita na ibibigay sa kanya,” sabi pa ni Kimberly.“Nong una masaya ako kasi sino ba naman ang ayaw sa pera, Loisa pero kalaunan nong nalaman kung tatangayin niya ang mga kambal at ituturing niya na parang sariling anak niya, doon na ako umalma,” naluluhang sabi pa niya.“Hindi mo ba naisip na masakit sa isang tulad ko ang mawalay sa mga anak kahit segundo lang, K

  • Falling To The Arrogant CEO   CHAPTER 117

    Nakagapos ng inilabas si Crystal sa lumang bahay na pinagdalhan sa mga bata. Hindi pa man siya nakapasok sa sasakyan ng mga awtoridad ay sinalubong agad siya ni Loisa ng mag-asawang sampal.Samantalang sabunot naman ang inabot niya kay Abegail.Dali-daling namagitan sina Steve at Miguel sa pagitan ni Crystal at ng dalawang babae.“Nanahimik ako Crystal nagpakalayo-layo kami ng mga anak ko, pero bakit mo kami ginulo,” galit na tanong ni Loisa kay Crystal.“Ano ang kasalanan ko sa ‘yong babae ka bakit pati ang mga anak ko dinamay mo sa galit mo sa akin,”umiiyak pero pilit na inaabot ang babae.“Tama na po misis kami na po ang bahala sa kanya,” awat naman ng isang pulis.“Segi na boss pakidala na sa presento ang babaeng ‘yan,” sabi naman ni Steve.“Tahan na sweetie, maaayos din ang lahat,” sabi naman ni Steve sabay yakap kay Loisa.“Ang mga anak ko, nasaan ang mga anak ko?” Tarantang tanong ni Loisa kay Steve ng hindi makita ang mga bata.“Kumalma ka nasa loob sila kasama ng mga tauhan k

  • Falling To The Arrogant CEO   CHAPTER 116

    Pagkatanggap ni Steve ng lokasyon kung saan dinala ang kanyang mga anak ay wala na silang sinayang na oras. Nagunit napagtanto nila na hindi ganon kadaling lusubin ang grupo ng mga taong dumukot sa mga bata. Kahit marami sila, nariyan ang mga grupo ng sarhento, mga pulis at ang kanyang mga tauhan.Sanay siya sa bakbakan pero hindi niya pwedeng isa-alang alang ang buhay ng kanyang mga kambal. “Anong sitwasyon dito?” Derestsahang tanong ng lalaki sa sarhento.Matapos malaman ni Steve ang buong detalye ay maingat na ibinato sa mga tauhan kung ano ang kinakailangan nilang gawin.“Ayaw ko ng bulilyaso kung ayaw n’yong pati kayo ay ibaon ko sa hukay,” galit na sabi pa ni Steve.“Copy, sir,” sagot naman ng mga tauhan. Kusa ng naghanda ang mga lalaki na tila animoy sanay sa ganitong gawain.Tantiyado ang bawat kilos.Nakahanda na ang lahat, tanging ang hudyat na lamang mula kay Steve ang hinihintay ng lahat para lusubin ang kinapupwestuhan ng mga taong dumukot sa kambal nila ni Loisa.Nan

  • Falling To The Arrogant CEO   CHAPTER 115

    Nang dahil sa ilang araw na pagod at puyat upang maisakatuparan ang plano ay medyo napahimbing ang kanilang mga tulog.Nagulat na lamang si Arnel nang pagbuka ng kanyang mga mata ay nasa harapan na ng kama si Crystal at kampanteng nakaupo habang nakatoon sa kanila ang paningin.“Ma’am Crystal, kanina pa po ba kayo diyan?” Gulat na tanong ni Arnel.“Mukha yatang napagod ka sa party kahapon at hindi mo napansin ang pagdating ko, Arnel,”nakangising sabi ni Crystal.Saka naman naalimpungatan si Kimberly para lang magulat sa presensiya ni Crystal.“Ma’am Crystal,” gulat na sabi ni Kimberly.“Good morning, Kimberly how’s your sleep,” nakangising bati ni Crystal sa babae.Wala sa loob na niyakap ni Kimberly ang mga bata, halata sa kanyang pagkatao ang panginginig ng kanyang buong katawan ng dahil sa takot.Kinakabahan kasi siya sa posibleng mangyari matapos makuha ni Crystal ang kambal. Duda niya narinig ng mga ito ang pinag-usapan at plano ni Arnel.Paano na lang ang mga bata kapag malayo n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status