Share

Chapter 5

Author: Maybel Abutar
last update publish date: 2026-08-18 17:46:58

Bumaling ang tingin ni Sabrina nang marinig ang sinabi ni Magnus Anticlair. Kilala niya ang lalaking ito na palaging laman ng magazine, telebisyon at internet. Kaibigan din ito ni Jude na step-brother niya. Palagi itong bukambibig ng kaniyang kapatid sa tuwing may family dinner sila. Ayaw lang niya sa pagiging presko ni Magnus kaya nagpanggap siyang hindi ito kilala kanina.

“Nagkakilala na kayo two years ago?” tanong ni Jude kay Magnus.

Nagtataka man sa tinutukoy ni Magnus, binalewala na lang iyon ni Sabrina. Kailangan pa nilang ligpitin ang mga kalat sa bar.

All around ang kaniyang trabaho sa Lively Bar, pero isa talaga siyang bouncer. Kaibigan ng pumanaw niyang ama ang may-ari ng bar na nasa ibang bansa ngayon. Siya ang pansamantalang nangangasiwa sa bar. Siyam na katao lang sila na nagtatrabaho sa bar na iyon kaya lahat ng trabaho rito ay tulong-tulong sila. Hindi sila pwedeng kumuha ng panibagong tauhan sa bar dahil ayaw na ng may-ari. Maayos naman itong magpasweldo kaya kinakaya nila ang lahat ng trabaho.

“Haide, ilipat mo muna ang mga kustomer sa Lively Studio. Isama mo si Pink, Yellow at Purple para may mag-asikaso sa kanila,” utos ni Sabrina sa kasama.

“Sige, kami ng bahala sa kanila,” tugon nito.

“Apple, ilista mo ang mga damages at prices ng mga nawasak na gamit. Sisingilin natin sa dalawang iyan,” muli niyang sabi sa isa pa.

“Don’t worry, nagawa ko na iyan. Nasanay na rin ako sa trabaho ko pagkatapos ng gulo. Kaya ginawa ko na kahit wala pa ang utos mo.” Pinakita nito ang hawak na notebook sa kaniya habang nakangiti.

“Good. Tawagin mo si Sandro, Sammy at Santo. Ipabitbit mo ang dalawang iyan.”

“Nariyan na sila.” Turo nito sa tatlong bouncer na inutusan niya kanina para linisin ang limang lalaki sa likod ng bar.

Iniiwasan niya talaga na magkaroon ng gulo sa loob ng bar, pero hindi iyon maiiwasan tulad ngayon. Kailangan pa nilang mag-overtime para lang maglinis ng kalat. Halos linggo-linggo ay may gulo sa bar nila. Basta malasing ang mga kustomer nila nawawala na sa mga sarili hanggang sa magsuntukan na. Swerte na talaga kapag walang naging gulo sa bar nila sa loob ng isang linggo.

“Okay sige. Simulan na natin ang paglilinis,” sabi ni Sabrina sa mga kasama.

Naging abala ang grupo ni Sabrina sa paglilinis ng mga kalat sa loob ng bar, kaya hindi niya napansin ang paglapit ni Magnus sa kaniya.

“Let me help you,” sambit nito sa kaniya at nagsimulang itayo ang mga natumbang upuan at mesa.

“Tutulong na rin kami,” sambit din ng isa nitong kasama.

Hinayaan na lang niya ang mga ito. Hindi niya pipigilan ang pagmamagandang loob nito. Mas mabuti iyon para mabilis silang makatapos.

Lumapit din sa kaniya si Jude. Narinig niya ang buntonghininga nito. Itinigil niya ang pagwawalis at hinarap ang kapatid.

“May sasabihin ka?” tanong niya rito.

“Uuwi ka ba sa weekend? May family dinner tayo. Kailangan kumpleto tayo sa bahay. Baka magtampo ang mommy mo kung hindi ka pupunta.”

“Kung mananahimik si Jade sa isang tabi, baka pumunta ako,” sagot ni Sabrina tukoy sa bunsong kapatid ni Jude.

Jude is six years older than her. Three years naman ang tanda sa kaniya ng kapatid nitong si Jade. Hindi sila magkasundo ng babae. Palagi siya nitong inaasar kapag nagkikita sila. Binabalewala na lang niya para sa kaniyang ina. Ayaw niyang ito ang pag-initan ni Jade kapag pinatulan niya.

“Huwag mo na lang pansinin ang pang-aasar sa ’yo ni Jade. Makulit lang talaga iyon.”

“Theater actress ang kapatid mo. Magaling siyang umarte sa harapan niyo, pero lumalabas ang totoo niyang ugali kapag kami ni Mommy ang kaharap niya. Hindi niya ako maloloko. Alam ko ang ikot ng bituka niya.”

“Kapatid mo rin si Jade, Sabrina,” seryoso nitong sabi.

“Huwag mong ipamukha sa akin ’yan, Jude. Hindi ko kayo kadugo. Mabait ako sa ’yo dahil mabuti ang turing mo sa akin, pero hinding-hindi magiging maganda ang pakikitungo ko kay Jade kung hindi rin maganda ang turing niya sa amin ni Mommy. Patas lang kami. Masama ang ugali niya, at ginagantihan ko rin siya ng kasamaan ng ugali. Kung ano ang ipakita niya sa akin, ganoon din ang ipapakita ko sa kaniya,” sagot ni Sabrina.

“Ano bang kinagagalit mo kay Jade? Dahil ba kay David? Nagagalit ka ba sa kaniya dahil mas pinili siya ni David kaysa sa ’yo?”

Nagpanting ang tainga ni Sabrina sa sinabi ni Jude. Binagsak niya ang hawak na walis at dustpan. Muling sumabog sa sahig ang dinakot niyang bubog. Napatingin naman  sa kanila ang mga kasamanila.

“Walang kinalaman si David sa alitan namin ni Jade.”

“Kung ganoon sabihin mo sa akin ang dahilan.”

Huminga nang malalim si Sabrina. Seryoso siyang tumingin kay Jude para malaman ang magiging reaksyon nito sa sasabihin niya.

“Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa ’yo na muntik na kaming mamatay ni Mommy dahil kay Jade? Inalis niya ang preno ng sasakyan ni Mommy kaya kami naaksidente two months ago. Paniniwalaan mo ba ako kapag sinabi kong ayaw niya kay Mommy at gumagawa siya ng paraan para maghiwalay sila ng Daddy mo? Sinasabihan niya ng masasakit na salita si Mommy, iniinsulto at pinahihirapan sa bahay niyo. Nakita mo ba ang ilang sugat at pasa ni Mommy. Kagagawan iyon ng kapatid mo!”

“No. Imposibleng gawin ni Jade ang mga bagay na iyan.” Umiiling nitong sagot.

Pagak na tumawa si Sabrina.

“Tulad ng inaasahan ko, hindi ka maniniwala sa akin. Mas matingkad pa rin ang dugo sa tubig. Mas paniniwalaan mo ang iyong kapatid kaysa sa amin ni Mommy. Sampid lang naman kami sa pamilya niyo, e. Pero ito ang tatandaan mo Jude, kapag inubos ni Jade ang pasensya ko, kahit si Mommy hindi mapipigilan ang gagawin ko sa kaniya. Kaya pagsabihan mo siya kung ayaw mong mapigtas ang pagtitimpi ko sa kanya,” babala niya rito bago muling nagpatuloy sa paglilinis.

Samantala, narinig ni Magnus ang usapan nina Jude at Sabrina. Kaya kinuha niya ang atensyon ng lahat para humupa ang tensyon sa magkapatid.

“Everyone, listen to me! Birthday ko ngayon at mag-celebrate tayo pagkatapos maglinis. Kaya bilisan natin ang paglilinis dahil pagsasaluhan pa natin ang cake na ipinadala ng kaibigan ko!” masaya niyang anunsyo.

“Happy birthday, Magnus Anticlair! Papicture po mamaya,” sambit ng isa sa kasama ni Sabrina.

“Sure!” nakangiti niyang sagot na nagpakilig sa babae.

“Kumplikado pala ang sitwasyon ng pamilya ni Jude at Sabrina,” mahinang sabi ni Ken sa kaniya.

“Family problem iyon kaya hindi tayo pwedeng makialam Ken.”

“Sabihin mo, tol.” Bumaling si Magnus kay Ken ng marinig ang seryoso nitong boses.

“Ang ano?”

“Bakit kailangan nating maglinis dito? Hindi naman tayo ang may kagagawan sa kalat, ah. Kung alam kong tayo rin ang maglilinis nito dapat dito na natin pinatumba ang mga hambog na iyon kanina.”

Pabiro niya naman itong hinampas sa balikat.

“Gusto mo bang mabugbog ng amazonang bouncer na magandang ’yon? At saka kawang-gawa ang tawag dito, Ken. Isa tayong mabuting mamamayan ng bansang Pilipinas, matulungin sa nangangailangan at mabait na nilalang ng Maykapal. Higit sa lahat, gwapo. Kaya kumilos ka na riyan, walis na bilis.”

“Sus! H’wag ako, Magnus. Dumidiskarte ka lang yata kay Sabrina, e. Hindi ka niyan papansinin. Bato ang puso ng isang iyan tapos ikaw babaero. Hindi kayo bagay,” pahabol nito bago muling naglinis.

“Maraming salamat sa suporta, tol. Malaking tulong ang sinabi mo,” sarkastiko niyang sabi. Tumawa lang naman ito at nagpatuloy na sa paglilinis.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Falling for Miss Bouncer   Chapter 18

    Nang makarating sa lugar ni Jap ay nahinto ang utak niya sa pag-iisip. Pinatigil ni Sabrina ang sasakyan sa gate ng subdivision. Hindi iyon maaaring pumasok ng walang pahintulot ng taong pupuntahan sa loob. Nagawa pa niyang magpasalamat sa driver bago bumaba sa sasakyan. Umalis din ito agad paghatid sa kaniya. Tumakbo siya patungo sa guard house pero isang bisig ang pumigil sa kaniya bago pa makarating doon. Tinakpan nito ng panyo ang kaniyang ilong. Nagpumiglas siya ngunit nanghina siya ng malanghap ang kakaibang amoy. Hinila siya nito palayo at isinakay sa isang sasakyan. Bago tuluyang sumara ang kaniyang mga mata, nakita pa niya ang pagtigil ng isang sasakyan sa tapat ng gate. Nakita niya ang taong sakay noon ng ibaba nito ang bintana ng sasakyan at nakipag-usap sa guard.“M-magnus.” Sambit niya sa mahinang boses bago tuluyang kinain ng dilim ang kaniyang kamalayan....Samantala, binundol ng kaba si Magnus habang nakikipag-usap sa guwardiya. Hindi niya alam kung bakit pero, wala

  • Falling for Miss Bouncer   Chapter 17

    Poot.Galit.Iyon ang nararamdaman ni Sabrina pagkatapos malaman kung sino ang pumatay sa kaniyang Ama. Mas nadagdagan iyon ng tawagan niya ang Ina pero si Jap ang sumagot sa tawag niya. Biglang nag flashback sa isip niya ang pangyayari kanina. Paulit ulit yung sumasagi sa kaniya.Flashback one hour ago.Nagising si Sabrina na mahapdi ang mga mata. Tahimik ang silid ngunit napansin niya ang basag na bintana. Nang maalala ang nangyari, kaagad niyang tinawagan ang kaniyang Ina. Nagpasalamat siya ng mabilis nitong sinagot ang tawag niya.“Mommy—”“Sabrina.” Putol ni Jap sa kaniyang sasabihin.Umusbong ang galit ni Sabrina ng marinig ang boses nito. Pumapasok sa isip niya ang walang awa nitong pagpatay sa kaniyang Ama. Namuo ang luha niya pero pinigilan niyang pumatak iyon. Ayaw niyang pumiyok ang kaniyang boses habang kausap ito.“Uncle Jap. Nasaan si Mommy?” Pigil ang galit niyang tanong.Nagtagis ang mga ngipin ni Sabrina ng tumawa ito sa kabilang linya. Mahigpit niyang kinuyom ang mga

  • Falling for Miss Bouncer   Chapter 16

    Nang matanggap ni Magnus ang address mula kay Jude, sinend niya rin iyon kay Ken. Inayos niya muna ang kumot ni Sabrina bago lumabas sa kwarto. Ibinilin niya ito kay Aling Jelyn, ang caretaker ng kanilang bahay.Magkasabay lang silang dumating ni Ken sa lokasyon.“Hindi mo naman pinaliwanag ang gagawin natin Magnus. Ano bang mayroon dito? At saka, kanino bang bahay 'yan? Sumasideline ka na rin ba bilang akyat bahay?”“Basta halika na.” Sambit niya at walang kahit isang sinagot sa napakarami nitong tanong.“Sandali, Magnus. May tao.”Magkasabay silang nagkubli sa kanilang sasakyan. Pinagmasdan nila ang mga tao sa paligid ng bahay ni Sabrina. Nagkalat ang mga iyon sa harap pero tatlong lalaki ang sumira sa pintuan.“Bakit nila sinira ang pinto? Anong gagawin nila sa loob?” Nagtatakang tanong ni Ken.“May kukunin sila sa loob. Kailangan natin silang maunahan, Ken.”“Nababaliw ka na ba Magnus? Malapit na akong ikasal. Paano kapag napahamak ako diyan? Kawawa naman si Kristine. Kung gusto m

  • Falling for Miss Bouncer   Chapter 15

    Pinagmasdan ni Magnus si Sabrina habang nakahiga ang dalaga sa kama. Nakatulog na ito sa sobrang pag-iyak. Nahirapan siyang pigilan ang pagwawala nito kanina hanggang manghina ito at bumagsak sa sahig. Maraming gamit ang nasira. Nabasag ang bintana ng ihagis nito ang monitor ng computer roon.Lumapit siya rito at pinahid ang tumulong luha sa pisngi nito. Kahit sa pagtulog, nagdadalamhati pa rin ito. Masakit para sa kaniya na makita ito sa ganitong kalagayan. Hindi siya sanay na makita itong umiiyak.“Seryoso ako sa sinabi ko kanina, Sabrina. You can lean on me kapag hindi mo na kaya. I'm always here to support you, I promise.” Bulong niya rito.Nalihis ang kaniyang atensyon ng marinig ang tunog ng cellphone nito. Marahan niyang kinuha iyon sa bulsa nito.Pinindot ni Magnus ang accept button ng makitang 'Mommy' ang naka-register na number sa screen.Umiiyak na babae ang narinig niya sa kabilang linya.“I'm sorry, Anak. Ayokong gamitin niya rin ako para mapahamak ka. Hinding-hindi ko na

  • Falling for Miss Bouncer   Chapter 14

    “My father is a bouncer before. Labis kong hinahangaan si Papa kaya pinasok ko rin ang trabaho niya noon. Siya rin ang nagturo sa akin kung paano lumaban. Sabi niya kailangan ko raw matuto kung paano ipagtanggol ang sarili ko. Hindi raw habang buhay na sa tabi ko siya.”Pinagmasdan ni Magnus si Sabrina. Ito ang unang beses na hindi ito nainis sa tanong niya. May tipid itong ngiti sa labi pero napakalungkot ng mga mata.“Where’s your father?” tanong niya rito.Malungkot itong ngumiti.“Patay na si Papa. Pinatay siya. Isang taon na ang nakalipas, pero hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay niya.”“I’m sorry about that,” paumanhin niya.Nakonsensya siya nang ungkatin ang bagay na nagbibigay kalungkutan dito. Dapat hindi na niya iyon tinanong para hindi niya nakita ang butil ng luhang pumatak sa pisngi nito.Tumayo si Magnus at lumapit kay Sabrina. Marahan niya itong niyakap mula sa likuran nang marinig ang hikbi nito. Sinandal naman nito ang ulo sa braso niya. Akala niya itat

  • Falling for Miss Bouncer   Chapter 13

    Dinala ni Magnus si Sabrina sa dating bahay ng kaniyang pamilya. Tanging caretaker ang nagbabantay roon. Pumupunta lang ang katiwala roon tuwing sabado at linggo upang maglinis.“Kaninong bahay ito?” tanong ni Sabrina sa binata.“This is our old family house. Malayo na tayo sa syudad kaya hindi na tayo masusundan dito ng mga naghahanap sa atin.”Pumunta si Magnus sa kusina at binuklat ang mga kitchen cabinet. Naghanap siya ng pwede nilang kainin. 2:00 pm na at hindi pa sila kumakain ng tanghalian. Maswerte naman na may nakita siyang canned goods. Tiningnan muna niya ang expiration date bago buksan ang mga de-lata. Walang stock ng pagkain doon maliban na lang kung sinabihan nila ang caretaker na mamili. Dahil biglaan ang dating nila, wala silang pagkain maliban sa canned goods na iyon.“Kumain muna tayo. Mamaya pa darating ang mga food supply na pinabili ko. Pagtiyagaan muna natin ito,” sambit niya bago ibigay ang isang canned goods at kutsara kay Sabrina.Tinanggap naman ito ni Sabrin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status