Share

Chapter 6

Author: Maybel Abutar
last update publish date: 2026-08-18 17:53:11

Malalipas ang ilang oras, pagod na umupo si Magnus sa sahig pagtapos nilang maglinis. Ngayon nauunawaan na niya si Sabrina kung bakit ayaw nitong may gulo sa bar. Mahirap pala talaga maglinis. Masakit sa likod ang ilang oras na pagyuko. Basang-basa ng pawis ang damit niya, pero hindi naman nababawasan ang kapogian niya. Mas attractive pa rin siya sa pawisang itsura.

“Tol, pagsaluhan na natin ang cake mo. Nagutom ako sa paglilinis, eh,” sigaw sa kaniya ni Ken hawak ang box ng cake na galing kay Dawn.

Tumayo si Magnus at lumapit sa mga ito.

“Kantahan muna natin ang celebrant.” Hiling ng babaeng kasama ni Sabrina sa trabaho.

Tulad ng sinabi ng babae, kumanta ang mga ito ng happy birthday. Napakamot na lang sa batok si Magnus dahil sa hiya. Matanda na siya para sa ganitong bagay, pero sino ba siya para pigilan ang mga ito? Hindi naman siya killjoy kaya hinayaan na lang niya.

“Blow the candle!” sambit ng mga ito pagtapos kumanta.

Nakisakay na rin si Magnus sa gusto ng mga kasama at hinipan ang kandila.

“Picture taking!” sigaw ng isa pa sa katrabaho ni Sabrina.

Pumunta sa loob ng bar counter ang babae at ipinatong ang phone nito sa hanay ng mga beverage.

“Closer guys!” saambit nito nang hindi sila magkasya sa screen ng phone nito. “Sumama ka rin, Sab.”

Hinila ng babae si Sabrina nang hindi ito kumikilos. Aksidente pa itong natisod kaya maagap na sinalo ni Magnus ang dalaga.

“I’ll catch you when you fall... in love with me, Sabrina,” nakangiting banat na naman niya sabay kindat dito.

Tinaasan lang siya nito ng kilay at umalis sa pagkakahawak niya. Kota na siya sa pag-deadma nito ngayong araw. Wala pang apat na oras nang makilala niya ito, pero ilang beses na siya nitong binalewala.

“Closer guys!” sambit ni Magnus sa mga kasama kahit siksikan na sila. Gusto niyang mas mapalapit kay Sabrina dahil katabi niya ito. Pagkakataon na niya iyon at hindi niya sasayangin ang mapadikit dito.

“Move,” nagbabantang sabi ni Sabrina habang tinutulak ang binata.

Hindi naman gumagalaw sa pwesto si Magnus kahit anong tulak nito. Nasa kabila niya ang tatlong bouncer na doble yata ang laki ng katawan sa katawan niya, kaya’t nahihirapan din itong paalisin siya.

Hinawakan ni Magnus ang braso ni Sabriba at inilagay sa unahan niya. Tumayo siya sa likuran nito at hinawakan ang mukha ng dalaga, saka ibinaling ito sa harap ng camera.

“Smile, Sabrina,” nakangiti niyang sabi bago sunod-sunod na nag-click ang camera.

Malakas namang tinapik ni Sabrina ang kamay niya kaya mabilis niyang inalis. Bakal yata ang kamay nito dahil agad siyang nasaktan sa tapik nito.

“Wacky naman... Ay! Namatay ang ilaw,” saambit ng babae nang biglang dumilim.

Naramdaman ni Magnus na aalis sa pwesto sa Sabrina. May kalokohang pumasok sa isip niya at niyakap ito sa gitna ng dilim. Kung hindi ito madadala sa ngiti, baka sa yakap makuha niya ito.

“Pakawalan mo ako, peste ka!” mahina at nanggigil nitong sabi.

Ngumiti naman si Magnus kahit hindi nito nakikita ang reaksyon ng dalaga. Marahil ayaw nitong malaman ng mga kasama na yakap niya ito ngayon habang madilim.

“Mahirap pakawalan ang bagay na hawak ko na, Sabrina. Lalo ka na. Stay put ka lang diyan at damhin ang init sa loob ng mga bisig ko. Maraming babae ang halos magpakamatay para lang makarating kung nasaan ka ngayon. Maswerte ka dahil ako na ang nag-offer sa ’yo. Kahit hindi ka magpasalamat, still, you’re welcome,” pilyong bulong niya rito.

Huminga ito nang malalim at sumandal sa dibdib niya. Mas lumawak ang ngiti ni Magnus dahil hindi na ito nagpumiglas sa yakap niya. Tama siya dahil sa yakap pala niya ito mapapaamo. Pero, mali ang akala niya. Nabitiwan niya si Sabrina nang bigla nitong kagatin ang dibdib niya.

“Oh, shit!” daing niya.

Hinaplos pa niya ang nasaktang dibdib. Pakiramdam niya magsusugat iyon dahil sa hapdi.

“Magnus, anong nangyari sa ’yo? Gamitin mo kasi ang phone mo para hindi ka natitisod,” sambit ni Ken sa kaniya habang nakaharap sa kaniya ang flashlight ng phone nito.

“Sandro at Santo, bring them outside. The rest, follow me,” seryosong utos ni Sabrina kasabay ng pagbukas ng ilaw.

Ngunit nagtaka si Magnus nang makita na hindi lang sila ang naroon bar. May limang tao na nakatayo sa bungad ng pintuan, tatlong lalaki at dalawang babae. Ngunit, hindi na nila naitanong kung sino ang mga ito nang hilahin na sila palabas ng dalawang bouncer.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Falling for Miss Bouncer   Chapter 18

    Nang makarating sa lugar ni Jap ay nahinto ang utak niya sa pag-iisip. Pinatigil ni Sabrina ang sasakyan sa gate ng subdivision. Hindi iyon maaaring pumasok ng walang pahintulot ng taong pupuntahan sa loob. Nagawa pa niyang magpasalamat sa driver bago bumaba sa sasakyan. Umalis din ito agad paghatid sa kaniya. Tumakbo siya patungo sa guard house pero isang bisig ang pumigil sa kaniya bago pa makarating doon. Tinakpan nito ng panyo ang kaniyang ilong. Nagpumiglas siya ngunit nanghina siya ng malanghap ang kakaibang amoy. Hinila siya nito palayo at isinakay sa isang sasakyan. Bago tuluyang sumara ang kaniyang mga mata, nakita pa niya ang pagtigil ng isang sasakyan sa tapat ng gate. Nakita niya ang taong sakay noon ng ibaba nito ang bintana ng sasakyan at nakipag-usap sa guard.“M-magnus.” Sambit niya sa mahinang boses bago tuluyang kinain ng dilim ang kaniyang kamalayan....Samantala, binundol ng kaba si Magnus habang nakikipag-usap sa guwardiya. Hindi niya alam kung bakit pero, wala

  • Falling for Miss Bouncer   Chapter 17

    Poot.Galit.Iyon ang nararamdaman ni Sabrina pagkatapos malaman kung sino ang pumatay sa kaniyang Ama. Mas nadagdagan iyon ng tawagan niya ang Ina pero si Jap ang sumagot sa tawag niya. Biglang nag flashback sa isip niya ang pangyayari kanina. Paulit ulit yung sumasagi sa kaniya.Flashback one hour ago.Nagising si Sabrina na mahapdi ang mga mata. Tahimik ang silid ngunit napansin niya ang basag na bintana. Nang maalala ang nangyari, kaagad niyang tinawagan ang kaniyang Ina. Nagpasalamat siya ng mabilis nitong sinagot ang tawag niya.“Mommy—”“Sabrina.” Putol ni Jap sa kaniyang sasabihin.Umusbong ang galit ni Sabrina ng marinig ang boses nito. Pumapasok sa isip niya ang walang awa nitong pagpatay sa kaniyang Ama. Namuo ang luha niya pero pinigilan niyang pumatak iyon. Ayaw niyang pumiyok ang kaniyang boses habang kausap ito.“Uncle Jap. Nasaan si Mommy?” Pigil ang galit niyang tanong.Nagtagis ang mga ngipin ni Sabrina ng tumawa ito sa kabilang linya. Mahigpit niyang kinuyom ang mga

  • Falling for Miss Bouncer   Chapter 16

    Nang matanggap ni Magnus ang address mula kay Jude, sinend niya rin iyon kay Ken. Inayos niya muna ang kumot ni Sabrina bago lumabas sa kwarto. Ibinilin niya ito kay Aling Jelyn, ang caretaker ng kanilang bahay.Magkasabay lang silang dumating ni Ken sa lokasyon.“Hindi mo naman pinaliwanag ang gagawin natin Magnus. Ano bang mayroon dito? At saka, kanino bang bahay 'yan? Sumasideline ka na rin ba bilang akyat bahay?”“Basta halika na.” Sambit niya at walang kahit isang sinagot sa napakarami nitong tanong.“Sandali, Magnus. May tao.”Magkasabay silang nagkubli sa kanilang sasakyan. Pinagmasdan nila ang mga tao sa paligid ng bahay ni Sabrina. Nagkalat ang mga iyon sa harap pero tatlong lalaki ang sumira sa pintuan.“Bakit nila sinira ang pinto? Anong gagawin nila sa loob?” Nagtatakang tanong ni Ken.“May kukunin sila sa loob. Kailangan natin silang maunahan, Ken.”“Nababaliw ka na ba Magnus? Malapit na akong ikasal. Paano kapag napahamak ako diyan? Kawawa naman si Kristine. Kung gusto m

  • Falling for Miss Bouncer   Chapter 15

    Pinagmasdan ni Magnus si Sabrina habang nakahiga ang dalaga sa kama. Nakatulog na ito sa sobrang pag-iyak. Nahirapan siyang pigilan ang pagwawala nito kanina hanggang manghina ito at bumagsak sa sahig. Maraming gamit ang nasira. Nabasag ang bintana ng ihagis nito ang monitor ng computer roon.Lumapit siya rito at pinahid ang tumulong luha sa pisngi nito. Kahit sa pagtulog, nagdadalamhati pa rin ito. Masakit para sa kaniya na makita ito sa ganitong kalagayan. Hindi siya sanay na makita itong umiiyak.“Seryoso ako sa sinabi ko kanina, Sabrina. You can lean on me kapag hindi mo na kaya. I'm always here to support you, I promise.” Bulong niya rito.Nalihis ang kaniyang atensyon ng marinig ang tunog ng cellphone nito. Marahan niyang kinuha iyon sa bulsa nito.Pinindot ni Magnus ang accept button ng makitang 'Mommy' ang naka-register na number sa screen.Umiiyak na babae ang narinig niya sa kabilang linya.“I'm sorry, Anak. Ayokong gamitin niya rin ako para mapahamak ka. Hinding-hindi ko na

  • Falling for Miss Bouncer   Chapter 14

    “My father is a bouncer before. Labis kong hinahangaan si Papa kaya pinasok ko rin ang trabaho niya noon. Siya rin ang nagturo sa akin kung paano lumaban. Sabi niya kailangan ko raw matuto kung paano ipagtanggol ang sarili ko. Hindi raw habang buhay na sa tabi ko siya.”Pinagmasdan ni Magnus si Sabrina. Ito ang unang beses na hindi ito nainis sa tanong niya. May tipid itong ngiti sa labi pero napakalungkot ng mga mata.“Where’s your father?” tanong niya rito.Malungkot itong ngumiti.“Patay na si Papa. Pinatay siya. Isang taon na ang nakalipas, pero hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay niya.”“I’m sorry about that,” paumanhin niya.Nakonsensya siya nang ungkatin ang bagay na nagbibigay kalungkutan dito. Dapat hindi na niya iyon tinanong para hindi niya nakita ang butil ng luhang pumatak sa pisngi nito.Tumayo si Magnus at lumapit kay Sabrina. Marahan niya itong niyakap mula sa likuran nang marinig ang hikbi nito. Sinandal naman nito ang ulo sa braso niya. Akala niya itat

  • Falling for Miss Bouncer   Chapter 13

    Dinala ni Magnus si Sabrina sa dating bahay ng kaniyang pamilya. Tanging caretaker ang nagbabantay roon. Pumupunta lang ang katiwala roon tuwing sabado at linggo upang maglinis.“Kaninong bahay ito?” tanong ni Sabrina sa binata.“This is our old family house. Malayo na tayo sa syudad kaya hindi na tayo masusundan dito ng mga naghahanap sa atin.”Pumunta si Magnus sa kusina at binuklat ang mga kitchen cabinet. Naghanap siya ng pwede nilang kainin. 2:00 pm na at hindi pa sila kumakain ng tanghalian. Maswerte naman na may nakita siyang canned goods. Tiningnan muna niya ang expiration date bago buksan ang mga de-lata. Walang stock ng pagkain doon maliban na lang kung sinabihan nila ang caretaker na mamili. Dahil biglaan ang dating nila, wala silang pagkain maliban sa canned goods na iyon.“Kumain muna tayo. Mamaya pa darating ang mga food supply na pinabili ko. Pagtiyagaan muna natin ito,” sambit niya bago ibigay ang isang canned goods at kutsara kay Sabrina.Tinanggap naman ito ni Sabrin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status