Share

Chapter 4

Author: Maybel Abutar
last update publish date: 2026-08-17 19:28:46

“Magpalit ka na lang ng strategy, tol. Baka expired na ang ngiti mo sa dami ng babaeng pinakitaan mo niyan,” natatawang tudyo ni Ken sa kaniya.

“Salamat sa payo, Ken. Hayaan mo’t mag-iisip ako ng panibagong paraan para mabihag ang puso ni Sabrina,” sagot niya na tinawanan lang nito.

“Kayong dalawa, tara na!” sigaw ni Jude na nakatayo sa bungad ng p***o.

Bumalik sila sa loob ng bar habang hinahakot ng tatlong bouncer ang mga walang malay na lalaki.

“Bakit nagkakagulo rito?” puna ni Ken nang makarating sila sa loob.

Nakatumba ang mga upuan at mesa. May mga basag na bote at baso sa sahig. Nagkumpulan ang mga kustomer sa gilid habang may dalawang lalaki na nagsusuntukan sa gitna.

“S-Sabrina,” tawag pansin ni Jude sa kapatid.

Tumingin si Magnus sa dalaga. Hindi niya maiwasan na kabahan nang makita ang madilim nitong anyo. Kuyom ang dalawang kamay at nagtatagis ang bagang. Kung nasa anime sila, pakiramdam niya may lumalabas na itim na awra dito.

“Mukhang magiging tatlo sila,” pahayag ni Ken.

Hindi niya agad naunawaan ang sinabi nito hanggang sumugod si Sabrina sa dalawang nag-aaway na lalaki.

“Baka mapahamak siya!” kinakabahan niyang sabi.

Susundahan sana ni Magnus si Sabrina, pero pinigilan siya ni Jude at Ken.

“Huwag na, Magnus. Baka madamay tayo sa galit niya,” wika ni Ken.

“Hindi siya mapapahamak, tol. Six years na niyang trabaho ang umawat sa mga nag-aaway dito sa bar,” kampanteng kwento naman ni Jude.

“Kahit na. Bakit ba masyado kang panatag na hindi siya mapapahamak? Malalaking lalaki ang dalawang nag-aaway. Kahit malakas siya sa normal na babae, lalaki pa rin ang dalawang iyan. Maatrasan lang siya ng mga ’yan, titilapon agad siya sa liit ng katawan niya.”

“Tol, bouncer si Sabrina sa bar na ito at sanay siya sa mga gan’yan. Akala mo ba ikaw lang ang ang may alam sa self defense? Si Sabrina rin magaling sa self defense kaya nga siya ang inatasan ng may ari na mamahala dito dahil kayang kaya niyang ihandle kapag may gulo,” mahabang sagot ni Jude.

“Ano?! Nagbibiro ka ba? Isa siyang babaeng bouncer hindi siya si Darna o Wonderwoman para makayang lumaban sa mga lalaki.”

“Kaya nga niya iyan. Kulit mo naman, eh. Para saan pa’t naging head siya ng mga bouncer rito kung hindi niya kaya?” singit naman ni Ken.

Hindi makapaniwala si Magnus sa mga sinasabi ng dalawang kaibigan. Pero nang tumingin siya sa direksyon ni Sabrina, agad siyang naniwala sa mga ito.

“Ilang beses ko bang uulitin sa makikitid ninyong utak, bawal gumawa ng gulo sa loob ng bar na ito!” galit na sabi ni Sabrina.

Sinuntok nito ang lalaking may hawak na bote na ipapalo sana sa kaaway. Sinalag ng lalaki ang kamao ni Sabrina gamit ang bote, pero nabasag lang iyon at dumiretso sa mukha nito ang kamao ng dalaga. Walang malay na bumagsak ang lalaki.

Binalingan naman nito ang kaaway ng lalaking sinuntok. Umatras naman ang lalaki nang humakbang palapit si Sabrina.

“Sinira ninyo ang mga gamit namin. Nagkalat ang mga bubog sa sahig at papahirapan niyo na naman kaming maglinis. Mga peste kayo! Kung manggugulo kayo, huwag dito! Dinadagdagan niyo ang trabaho namin!” Mabilis na nagpakawala ng sipa si Sabrina na hindi napaghandaan ng lalaki.

Nagulat si Magnus nang tumilapon ang lalaki sa mesang malapit sa kanila. Nahati iyon sa gitna.

“Ang astig talaga ng kapatid mo, Jude,” may paghangang sabi ni Ken.

“Ang sabihin mo nakakatakot siya. Mabuti na lang magkasundo kami. Kung hindi, naku! Hindi na ako magpapakita sa kaniya sa bar na ito.”

Hindi naman nakapagsalita si Magnus. Nanatili ang paningin niya sa lalaki at wasak na mesa. Isang imahe ang biglang pumasok sa isip niya tulad ng pangyayaring ito. Isang pangyayaring hinding-hindi niya makakalimutan.

Dalawang taon na ang nakakalipas, pumunta si Magnus sa isang bar para magpalipas ng kirot sa dibdib dulot ng pag-ibig niya kay Dawn Indiana Silueta, ang rebellious heiress ng Silueta family. Kahit ganoon ang dalaga, minahal pa rin niya ito. Ngunit hindi siya ang taong nagpapasaya rito. Tanggap na niya iyon, pero hindi pa rin niya maiwasang masaktan.

Mag-isa siyang uminom. Ayaw niyang tawagan ang mga alaskador na kaibigan. Nasa ibang bansa naman ang kaniyang kakambal.

“Hi, Handsome. Can I share with your table?” malambing na tanong ng isang babae kay Magnus.

“Sure, Babe!” mabilis niyang sang-ayon.

Hindi niya mapapalampas ang isang magandang babae na nagbibigay ng motibo sa kaniya. Ngayon pa na nag-iisa lang siya. Kailangan niya ito para magpalipas ng oras.

“Thank you!” Sumiksik ito sa tabi niya kahit maluwag naman sa upuan. “Let’s drink,” mapang-akit nitong sabi.

“I don’t want to drink. I want to eat... you.” Walang paalam niya itong hinalikan.

Mukhang natuwa ang babae sa ginawa niya kaya nilabanan nito ang kaniyang halik. Naramdaman niya ang pagpulupot ng braso nito sa kaniyang batok. Bigla naman niyang naalala ang yakap ni Indi kaya mabilis siyang humiwalay sa babae. Kahit yakap lang iyon bilang kaibigan, apektado pa rin ang damdamin niya.

“I change my mind, let’s just drink,” sambit niya rito.

Halatang nabitin ang babae kaya nagalit ito sa kaniya.

“Bastos!” sigaw nito at iniwan siya sa table.

Umiling na lang si Magnus at mag-isang uminom, pero naaibuga niya ang iniinom nang bumagsak ang isang lalaki sa mesa niya.

Hindi iyon natumba dahil sa kalasingan. Natumba iyon dahil sa isang tao.

“What the hell?!” baulalas niya nang makitang may nag-aaway sa kinaroroonan niyang bar.

“Holycow!” muli niyang sabi nang sunod-sunod bumagsak ang kalalakihan sa paligid.

Natulala si Magnus sa nasaksihan. Hindi siya makapaniwala sa nakita.

“Kung manggugulo kayo, huwag dito! Mga pasaway! Dinadagdagan niyo ang trabaho ko!” saigaw ng isang babae na siyang dahilan sa pagbagsak ng mga kalalakihan.

Napalunok si Magnus nanag biglang tumingin sa kaniyang direksyon ang babae. Hindi siya mapakali nanag humakbang ito palapit sa kinauupuan niya. Napaigtad siya nanag ipatong nito ang isang paa sa nawasak na mesa. Tinukod nito ang siko sa tuhod at dumukwang sa kaniya.

Kinabahan naman siya nang hawakan nito ang kaniyang mukha at iniharap dito.

“Tsk! Kamukha mo lang pala,” saambit nito at balewala siyang tinalikuran.

Nakahinga nang maluwag si Magnus nang mawala sa paningin ang babae. Inisang lagok niya ang natirang inumin sa baso dahil sa kaba.

Pagbaba niya sa baso, narinig naman niya ang sinabi ng isang waiter.

“Mabuti na lang talaga siya ang bouncer natin dito. May nagliligpit sa mga pasaway tulad ng grupong ito.”

Nagulat siya sa narinig. Bouncer pala ang babaeng iyon. Hindi na talaga siya babalik sa bar na ito. Baka madamay siya kapag may nangyaring gulo. Nakakatakot pa naman ang bouncer na iyon.

Pinagpawisan si Magnus nang bumalik sa kaniyang alaala ang mga pangyayaring iyon. Maging ang mukha ni Sabrina ay malinaw niyang naalala. Kanina ay hindi niya agad natandaan ang muka ng babae dahil siguro sa katagalan na rin nang huli niya itong nakita. Pero pagkatapos niyang alalahanin ang nakaraan, biglang luminaw ang mukha ng babaeng bouncer na iyon na si Sabrina rin pala. Aminado siyang nagandahan na rin siya noon sa babaeng bouncer, pero mas nanaig sa kaniya noon ang takot sa babae dahil sa tapang nito at inakala pa niyang tibo ito na maganda.

Wala sa sarili siyang napaatras nang humakbang palapit si Sabrina. Alam niyang lalapitan nito ang nakahandusay na lalaki sa harap nila. Pero pakiramdam niya, siya ang lalapitan nito.

“Ikaw ang babaeng iyon two years ago Sabrina,” sambit niya na nakakuha sa atensyon ni Sabrina.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Falling for Miss Bouncer   Chapter 18

    Nang makarating sa lugar ni Jap ay nahinto ang utak niya sa pag-iisip. Pinatigil ni Sabrina ang sasakyan sa gate ng subdivision. Hindi iyon maaaring pumasok ng walang pahintulot ng taong pupuntahan sa loob. Nagawa pa niyang magpasalamat sa driver bago bumaba sa sasakyan. Umalis din ito agad paghatid sa kaniya. Tumakbo siya patungo sa guard house pero isang bisig ang pumigil sa kaniya bago pa makarating doon. Tinakpan nito ng panyo ang kaniyang ilong. Nagpumiglas siya ngunit nanghina siya ng malanghap ang kakaibang amoy. Hinila siya nito palayo at isinakay sa isang sasakyan. Bago tuluyang sumara ang kaniyang mga mata, nakita pa niya ang pagtigil ng isang sasakyan sa tapat ng gate. Nakita niya ang taong sakay noon ng ibaba nito ang bintana ng sasakyan at nakipag-usap sa guard.“M-magnus.” Sambit niya sa mahinang boses bago tuluyang kinain ng dilim ang kaniyang kamalayan....Samantala, binundol ng kaba si Magnus habang nakikipag-usap sa guwardiya. Hindi niya alam kung bakit pero, wala

  • Falling for Miss Bouncer   Chapter 17

    Poot.Galit.Iyon ang nararamdaman ni Sabrina pagkatapos malaman kung sino ang pumatay sa kaniyang Ama. Mas nadagdagan iyon ng tawagan niya ang Ina pero si Jap ang sumagot sa tawag niya. Biglang nag flashback sa isip niya ang pangyayari kanina. Paulit ulit yung sumasagi sa kaniya.Flashback one hour ago.Nagising si Sabrina na mahapdi ang mga mata. Tahimik ang silid ngunit napansin niya ang basag na bintana. Nang maalala ang nangyari, kaagad niyang tinawagan ang kaniyang Ina. Nagpasalamat siya ng mabilis nitong sinagot ang tawag niya.“Mommy—”“Sabrina.” Putol ni Jap sa kaniyang sasabihin.Umusbong ang galit ni Sabrina ng marinig ang boses nito. Pumapasok sa isip niya ang walang awa nitong pagpatay sa kaniyang Ama. Namuo ang luha niya pero pinigilan niyang pumatak iyon. Ayaw niyang pumiyok ang kaniyang boses habang kausap ito.“Uncle Jap. Nasaan si Mommy?” Pigil ang galit niyang tanong.Nagtagis ang mga ngipin ni Sabrina ng tumawa ito sa kabilang linya. Mahigpit niyang kinuyom ang mga

  • Falling for Miss Bouncer   Chapter 16

    Nang matanggap ni Magnus ang address mula kay Jude, sinend niya rin iyon kay Ken. Inayos niya muna ang kumot ni Sabrina bago lumabas sa kwarto. Ibinilin niya ito kay Aling Jelyn, ang caretaker ng kanilang bahay.Magkasabay lang silang dumating ni Ken sa lokasyon.“Hindi mo naman pinaliwanag ang gagawin natin Magnus. Ano bang mayroon dito? At saka, kanino bang bahay 'yan? Sumasideline ka na rin ba bilang akyat bahay?”“Basta halika na.” Sambit niya at walang kahit isang sinagot sa napakarami nitong tanong.“Sandali, Magnus. May tao.”Magkasabay silang nagkubli sa kanilang sasakyan. Pinagmasdan nila ang mga tao sa paligid ng bahay ni Sabrina. Nagkalat ang mga iyon sa harap pero tatlong lalaki ang sumira sa pintuan.“Bakit nila sinira ang pinto? Anong gagawin nila sa loob?” Nagtatakang tanong ni Ken.“May kukunin sila sa loob. Kailangan natin silang maunahan, Ken.”“Nababaliw ka na ba Magnus? Malapit na akong ikasal. Paano kapag napahamak ako diyan? Kawawa naman si Kristine. Kung gusto m

  • Falling for Miss Bouncer   Chapter 15

    Pinagmasdan ni Magnus si Sabrina habang nakahiga ang dalaga sa kama. Nakatulog na ito sa sobrang pag-iyak. Nahirapan siyang pigilan ang pagwawala nito kanina hanggang manghina ito at bumagsak sa sahig. Maraming gamit ang nasira. Nabasag ang bintana ng ihagis nito ang monitor ng computer roon.Lumapit siya rito at pinahid ang tumulong luha sa pisngi nito. Kahit sa pagtulog, nagdadalamhati pa rin ito. Masakit para sa kaniya na makita ito sa ganitong kalagayan. Hindi siya sanay na makita itong umiiyak.“Seryoso ako sa sinabi ko kanina, Sabrina. You can lean on me kapag hindi mo na kaya. I'm always here to support you, I promise.” Bulong niya rito.Nalihis ang kaniyang atensyon ng marinig ang tunog ng cellphone nito. Marahan niyang kinuha iyon sa bulsa nito.Pinindot ni Magnus ang accept button ng makitang 'Mommy' ang naka-register na number sa screen.Umiiyak na babae ang narinig niya sa kabilang linya.“I'm sorry, Anak. Ayokong gamitin niya rin ako para mapahamak ka. Hinding-hindi ko na

  • Falling for Miss Bouncer   Chapter 14

    “My father is a bouncer before. Labis kong hinahangaan si Papa kaya pinasok ko rin ang trabaho niya noon. Siya rin ang nagturo sa akin kung paano lumaban. Sabi niya kailangan ko raw matuto kung paano ipagtanggol ang sarili ko. Hindi raw habang buhay na sa tabi ko siya.”Pinagmasdan ni Magnus si Sabrina. Ito ang unang beses na hindi ito nainis sa tanong niya. May tipid itong ngiti sa labi pero napakalungkot ng mga mata.“Where’s your father?” tanong niya rito.Malungkot itong ngumiti.“Patay na si Papa. Pinatay siya. Isang taon na ang nakalipas, pero hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay niya.”“I’m sorry about that,” paumanhin niya.Nakonsensya siya nang ungkatin ang bagay na nagbibigay kalungkutan dito. Dapat hindi na niya iyon tinanong para hindi niya nakita ang butil ng luhang pumatak sa pisngi nito.Tumayo si Magnus at lumapit kay Sabrina. Marahan niya itong niyakap mula sa likuran nang marinig ang hikbi nito. Sinandal naman nito ang ulo sa braso niya. Akala niya itat

  • Falling for Miss Bouncer   Chapter 13

    Dinala ni Magnus si Sabrina sa dating bahay ng kaniyang pamilya. Tanging caretaker ang nagbabantay roon. Pumupunta lang ang katiwala roon tuwing sabado at linggo upang maglinis.“Kaninong bahay ito?” tanong ni Sabrina sa binata.“This is our old family house. Malayo na tayo sa syudad kaya hindi na tayo masusundan dito ng mga naghahanap sa atin.”Pumunta si Magnus sa kusina at binuklat ang mga kitchen cabinet. Naghanap siya ng pwede nilang kainin. 2:00 pm na at hindi pa sila kumakain ng tanghalian. Maswerte naman na may nakita siyang canned goods. Tiningnan muna niya ang expiration date bago buksan ang mga de-lata. Walang stock ng pagkain doon maliban na lang kung sinabihan nila ang caretaker na mamili. Dahil biglaan ang dating nila, wala silang pagkain maliban sa canned goods na iyon.“Kumain muna tayo. Mamaya pa darating ang mga food supply na pinabili ko. Pagtiyagaan muna natin ito,” sambit niya bago ibigay ang isang canned goods at kutsara kay Sabrina.Tinanggap naman ito ni Sabrin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status