Share

Chapter 7

Author: Maybel Abutar
last update publish date: 2026-08-19 18:35:54

Dahil sa hindi inaasahang pagdating ng limang panauhin sa bar, tinawagan ni Sabrina ang kaniyang Tito Mando—ang may-ari ng bar.

“Sabrina, hija. Kung tumawag ka para itanong ang tungkol sa iyong mga bisita, alam ko na pupunta sila riyan ngayong araw,” diretsong sabi ni Mando pagkasagot ng tawag ni Sabrina.

“Tito, ano po bang ginagawa nila rito? Bigla na lang silang sumusulpot, tapos kailangan pa naming magsara ng ilang linggo o may posibilidad pang umabot ng buwan para gamitin nila ang bar. Nakakapagtaka dahil hindi kami p’wedeng pumunta sa bar kapag narito sila,” curious na tanong ni Sabrina.

Sinulyapan pa niya ang limang panauhin na sinusuri ang bawat sulok ng bar. Kahina-hinala ang kilos ng mga ito at tila palaging alerto. Ilang beses na niyang nakakasalamuha ang lima, pero wala siyang ideya sa ginagawa ng mga ito. Isang palatandaan ang pagsulpot ng mga ito ay ang biglaang pagpatay ng ilaw katulad nang nangyari kanina. Hindi niya alam kung ano ang dahilan ng pagpatay ng ilaw sa tuwing dumarating ang mga ito.

“Top secret daw ang ginagawa nila. Hayaan mo na sila, hija. Sundin mo na lang ang inuutos nila,” sagot nito.

“Mga agent po ba sila?” mahina niyang tanong para iwasan na marinig ng panauhin.

Tumawa naman si Mando sa kabilang linya.

“Ikumusta mo na lang ako sa iyong ina, hija. Magpapaalam na ako at marami pa akong gagawin. Basta gawin mo na lang ang inuutos nila. Maliwanag ba?” pagbabago nito sa usapan.

“Sige po, Tito. Mag-iingat  po kayo riyan.”

Matapos ang pag-uusap nina Sabrina at Mando, hinarap naman ng dalaga ang mga bisita.

“Ms. Kim, kailangan namin ang lugar na ito simula bukas, kaya pwede na kayong magbakasyon,” pormal na sabi sa kaniya ng lalaki na nagpakilala bilang Akilo. Ito rin ang palagi niyang nakakausap sa lima.

“Hanggang kailan niyo ba talaga gagamitin ang bar? Mas maganda kung alam namin para makabalik kami agad dito,” tanong niya rito.

“Tatawagan ka na lang namin kapag tapos na kami.”

Tumango na lang si Sabrina. Wala naman siyang magagawa dahil iyon ang utos ng Tito Mando niya. Patuloy pa rin naman ang sweldo nila kahit hindi nagtatrabaho, at isa iyon sa gusto ng mga kasama niya. Suma-sideline naman siya sa ibang bar kapag kailangan ng bouncer. Kapag wala, tambay siya sa bahay at nagbababad sa pagbabasa ng libro at panonood ng telebisyon.

***

Dumating ang weekend kaya napilitang dumalo sa family dinner si Sabrina. Simula nang mag-asawa ulit ang kaniyang ina, lumipat na ito ng tirahan at nag-iisa na lang siya sa kanilang bahay.

“Ms. Sabrina Kim, naghihintay na po sila sa komedor,” magalang na sabi ng isang kasambahay nang pagbuksan siya nito ng pintuan.

Dumiretso si Sabrina sa komedor. Nakita niyang kumpleto na ang lahat doon. Maging si David, ang boyfriend ni Jade na ex-boyfriend naman niya, ay naroon din.

“Sab, upo ka na. Kanina ka pa namin hinihintay,” masayang paanyaya sa kaniya ni Alicia, ang asawa ni Jude na isa rin modelo.

Tumayo naman ang kaniyang ina at sinalubong siya ng yakap.

“Akala ko hindi ka darating anak,” sambit nito na halata ang kasiyahan sa boses.

Niyakap niya rin ang ina, pero kumislot ito nang lumapat ang kaniyang kamay sa likuran nito.

“May masakit ba sa ’yo, Mom?”

Umiwas ito ng tingin at pilit na ngumiti.

“W-wala anak. Anong nangyari sa kamay mo?” pansin nito sa nakabenda niyang kamay.

Nasugatan siya ng sanggahin ng lalaki ang suntok niya gamit ang bote ng alak. Nakaalis na siya sa bar nang mapansin ang nakabaon na bubog doon. Ni hindi niya naramdaman na kumirot iyon. Marahil sanay na siya sa mga ganoong sakit sa kanyang katawan.

“Minor accident lang po. Huwag po kayong mag-alala, maliit lamang po ito.”

“Mag-iingat ka sa susunod. Halika na para makakain na tayo.” Marahan siya nitong hinila patungo sa mesa.

Lumapit muna si Sabrina sa Uncle Jap niya at nagmano.

“Sa susunod, hija, sabihin mo kung mahuhuli ka. Lumalamig ang pagkain dahil sa paghihintay namin sa ’yo,” nakangiti nitong sabi sa kaniya, pero alam niyang hindi totoong ngiti ang nakapaskil sa mga labi nito.

“Pasensya na po, Uncle Jap. Nahirapan po akong sumakay kanina,” kat’wiran niya.

Wala siyang sariling sasakyan at hindi rin siya bumibili kahit kaya naman niyang bumili. Nakakapagod mag-drive tapos maiipit pa siya sa traffic. Baka makatulog siya sa gitna ng kalsada sa pagkainip. Nagtitiis na lang siya sa tatlong oras na byahe para makarating sa bahay ng mga ito. Kung hindi dahil sa kaniyang ina, hindi siya sisipot sa dinner na ito.

“Tinawagan mo sana ako, sis, para nasundo ka namin ni David,” nakangiting sabi ni Jade.

Parehong-pareho talaga ang ngiti ni Jade at ng ama nito—mga mapagkunwari. Wala namang mawawala kung ipakita ng mga ito ang totoong ugali sa kaniya dahil wala siyang pakialam. Tanging si Jude at Alicia lang ang nararamdaman niyang sincere ang pakikitungo sa kaniya sa pamilyang ito.

“Hayaan mo sa susunod sasabihan na kita,” nakangiti rin niyang sabi.

Kung nagpapakita ng pekeng ngiti ang mga ito sa kaniya, kaya niya rin iyong gawin.

“Sabrina, umupo ka na rito,” paanyaya ni Alicia sa upuan na nasa tabi nito.

Ayaw sana niyang umupo roon dahil katapat iyon ng upuan ni David, pero tahimik na lang siyang sumunod. Hindi naman siya bitter dahil kay David. Wala na siyang nararamdaman para sa lalaki. Taksil ito na pinagsabay sila ni Jade. Isa pa, anim na buwan na silang hiwalay. Ayaw lang talaga niyang pinamumukha sa kaniya ni Jade na napunta rito si David kahit wala siyang pakialam. Naiinis siya sa pamamaraan nito ng pang-aasar sa kaniya na parang napaka-inosente. Ayaw pa naman niya sa lahat ay mapagkunwari. Pakiramdam niya ginagawa siyang tanga kapag ganoon ang pakikitungo sa kaniya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Falling for Miss Bouncer   Chapter 18

    Nang makarating sa lugar ni Jap ay nahinto ang utak niya sa pag-iisip. Pinatigil ni Sabrina ang sasakyan sa gate ng subdivision. Hindi iyon maaaring pumasok ng walang pahintulot ng taong pupuntahan sa loob. Nagawa pa niyang magpasalamat sa driver bago bumaba sa sasakyan. Umalis din ito agad paghatid sa kaniya. Tumakbo siya patungo sa guard house pero isang bisig ang pumigil sa kaniya bago pa makarating doon. Tinakpan nito ng panyo ang kaniyang ilong. Nagpumiglas siya ngunit nanghina siya ng malanghap ang kakaibang amoy. Hinila siya nito palayo at isinakay sa isang sasakyan. Bago tuluyang sumara ang kaniyang mga mata, nakita pa niya ang pagtigil ng isang sasakyan sa tapat ng gate. Nakita niya ang taong sakay noon ng ibaba nito ang bintana ng sasakyan at nakipag-usap sa guard.“M-magnus.” Sambit niya sa mahinang boses bago tuluyang kinain ng dilim ang kaniyang kamalayan....Samantala, binundol ng kaba si Magnus habang nakikipag-usap sa guwardiya. Hindi niya alam kung bakit pero, wala

  • Falling for Miss Bouncer   Chapter 17

    Poot.Galit.Iyon ang nararamdaman ni Sabrina pagkatapos malaman kung sino ang pumatay sa kaniyang Ama. Mas nadagdagan iyon ng tawagan niya ang Ina pero si Jap ang sumagot sa tawag niya. Biglang nag flashback sa isip niya ang pangyayari kanina. Paulit ulit yung sumasagi sa kaniya.Flashback one hour ago.Nagising si Sabrina na mahapdi ang mga mata. Tahimik ang silid ngunit napansin niya ang basag na bintana. Nang maalala ang nangyari, kaagad niyang tinawagan ang kaniyang Ina. Nagpasalamat siya ng mabilis nitong sinagot ang tawag niya.“Mommy—”“Sabrina.” Putol ni Jap sa kaniyang sasabihin.Umusbong ang galit ni Sabrina ng marinig ang boses nito. Pumapasok sa isip niya ang walang awa nitong pagpatay sa kaniyang Ama. Namuo ang luha niya pero pinigilan niyang pumatak iyon. Ayaw niyang pumiyok ang kaniyang boses habang kausap ito.“Uncle Jap. Nasaan si Mommy?” Pigil ang galit niyang tanong.Nagtagis ang mga ngipin ni Sabrina ng tumawa ito sa kabilang linya. Mahigpit niyang kinuyom ang mga

  • Falling for Miss Bouncer   Chapter 16

    Nang matanggap ni Magnus ang address mula kay Jude, sinend niya rin iyon kay Ken. Inayos niya muna ang kumot ni Sabrina bago lumabas sa kwarto. Ibinilin niya ito kay Aling Jelyn, ang caretaker ng kanilang bahay.Magkasabay lang silang dumating ni Ken sa lokasyon.“Hindi mo naman pinaliwanag ang gagawin natin Magnus. Ano bang mayroon dito? At saka, kanino bang bahay 'yan? Sumasideline ka na rin ba bilang akyat bahay?”“Basta halika na.” Sambit niya at walang kahit isang sinagot sa napakarami nitong tanong.“Sandali, Magnus. May tao.”Magkasabay silang nagkubli sa kanilang sasakyan. Pinagmasdan nila ang mga tao sa paligid ng bahay ni Sabrina. Nagkalat ang mga iyon sa harap pero tatlong lalaki ang sumira sa pintuan.“Bakit nila sinira ang pinto? Anong gagawin nila sa loob?” Nagtatakang tanong ni Ken.“May kukunin sila sa loob. Kailangan natin silang maunahan, Ken.”“Nababaliw ka na ba Magnus? Malapit na akong ikasal. Paano kapag napahamak ako diyan? Kawawa naman si Kristine. Kung gusto m

  • Falling for Miss Bouncer   Chapter 15

    Pinagmasdan ni Magnus si Sabrina habang nakahiga ang dalaga sa kama. Nakatulog na ito sa sobrang pag-iyak. Nahirapan siyang pigilan ang pagwawala nito kanina hanggang manghina ito at bumagsak sa sahig. Maraming gamit ang nasira. Nabasag ang bintana ng ihagis nito ang monitor ng computer roon.Lumapit siya rito at pinahid ang tumulong luha sa pisngi nito. Kahit sa pagtulog, nagdadalamhati pa rin ito. Masakit para sa kaniya na makita ito sa ganitong kalagayan. Hindi siya sanay na makita itong umiiyak.“Seryoso ako sa sinabi ko kanina, Sabrina. You can lean on me kapag hindi mo na kaya. I'm always here to support you, I promise.” Bulong niya rito.Nalihis ang kaniyang atensyon ng marinig ang tunog ng cellphone nito. Marahan niyang kinuha iyon sa bulsa nito.Pinindot ni Magnus ang accept button ng makitang 'Mommy' ang naka-register na number sa screen.Umiiyak na babae ang narinig niya sa kabilang linya.“I'm sorry, Anak. Ayokong gamitin niya rin ako para mapahamak ka. Hinding-hindi ko na

  • Falling for Miss Bouncer   Chapter 14

    “My father is a bouncer before. Labis kong hinahangaan si Papa kaya pinasok ko rin ang trabaho niya noon. Siya rin ang nagturo sa akin kung paano lumaban. Sabi niya kailangan ko raw matuto kung paano ipagtanggol ang sarili ko. Hindi raw habang buhay na sa tabi ko siya.”Pinagmasdan ni Magnus si Sabrina. Ito ang unang beses na hindi ito nainis sa tanong niya. May tipid itong ngiti sa labi pero napakalungkot ng mga mata.“Where’s your father?” tanong niya rito.Malungkot itong ngumiti.“Patay na si Papa. Pinatay siya. Isang taon na ang nakalipas, pero hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay niya.”“I’m sorry about that,” paumanhin niya.Nakonsensya siya nang ungkatin ang bagay na nagbibigay kalungkutan dito. Dapat hindi na niya iyon tinanong para hindi niya nakita ang butil ng luhang pumatak sa pisngi nito.Tumayo si Magnus at lumapit kay Sabrina. Marahan niya itong niyakap mula sa likuran nang marinig ang hikbi nito. Sinandal naman nito ang ulo sa braso niya. Akala niya itat

  • Falling for Miss Bouncer   Chapter 13

    Dinala ni Magnus si Sabrina sa dating bahay ng kaniyang pamilya. Tanging caretaker ang nagbabantay roon. Pumupunta lang ang katiwala roon tuwing sabado at linggo upang maglinis.“Kaninong bahay ito?” tanong ni Sabrina sa binata.“This is our old family house. Malayo na tayo sa syudad kaya hindi na tayo masusundan dito ng mga naghahanap sa atin.”Pumunta si Magnus sa kusina at binuklat ang mga kitchen cabinet. Naghanap siya ng pwede nilang kainin. 2:00 pm na at hindi pa sila kumakain ng tanghalian. Maswerte naman na may nakita siyang canned goods. Tiningnan muna niya ang expiration date bago buksan ang mga de-lata. Walang stock ng pagkain doon maliban na lang kung sinabihan nila ang caretaker na mamili. Dahil biglaan ang dating nila, wala silang pagkain maliban sa canned goods na iyon.“Kumain muna tayo. Mamaya pa darating ang mga food supply na pinabili ko. Pagtiyagaan muna natin ito,” sambit niya bago ibigay ang isang canned goods at kutsara kay Sabrina.Tinanggap naman ito ni Sabrin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status