Share

Chapter 14

IRITADO ako sa lahat. Sa pagsulpot ni Lance, sa babaeng nang mamaliit sa akin, sa lahat ng mga nakatingin sa akin ngayon Nakakahiya.

"Bitiwan mo ako." Nabuo ko pa ang mga salitang iyan sa gitna ng paghatak niya sa akin.

Parang wala siyang narinig nang hinatak niya ako papasok sa loob ng bahay. Nakita ko na sinundan kami ng tingin ni Roble habang naka upo siya sa sofa. Natigil lang si Lance sa paglalakad nang may humarang na babae sa amin.

"Lance, sino 'yang kasama mo?" Napangiwi ang babae sa akin.

Itinago ko ang takong sa likod ko. Inayos ko rin ang tayo ko pero nakita niya parin na nasira ang pumps ko. Amoy sigarilyo na sa loob ng living room ng bahay. Hindi lang iyon, abala pa ang mga tao sa pagsasayaw at masasabi kong mas grabe pa ang nangyayari dito kumpara sa nangyayari sa mga bar.

"Just my employee, Lea." Ani Lance.

Humigpit ang hawak niya sa pulso ko. Napatingin ako sa pagngiwi ni Lea sa akin.

Just. My. Employee.

Tama naman ang sinabi niya. Hindi ko lang maiwasang hindi makar
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status