공유

Chapter 17

NAPATINGIN ulit ako sa likod at nakita kong tulog na si Bea ng nakangiti. Patay ako kay Eric nito pag nakita niyang umuwi si Bea na lasing. Alam naman kaya ni Eric na nagpunta kami ng party? Paano kung hindi? Ugh!

"Alam mo kung saan ang bahay nila?" Tanong ni Lance sa akin

Umiling ako. "Ang alam ko lang ay kina Aling Nenita siya tumitira." Sabi ko.

Tumango si Lance at niliko niya agad ang kanyang sasakyan. "Alam ko kung saan 'yon."

Mabuti naman pala kung ganon. Hindi na namin kailangang gisingin si Bea para magtanong. Hinayaan ko lang na matulog si Bea nang sa ganon ay pag nakarating na kami ay mahimasmasan na siya.

Tahimik kami sa loob ng sasakyan ni Lance. Halos may marinig na akong mga insekto kung saan saan dahil sa katahimikan naming dalawa.

"I-I m sorry for What happened." Basag niya sa katahimikan.

Hindi ko alam kung bakit siya nag sosorry o para saan. Ang dapat na magsorry ay ako. "Sorry dahil nagpunta pa kami."

Narinig ko na naman ang malakas niyang buntong hininga. "Invited
잠긴 챕터
앱에서 이 책을 계속 읽으세요.

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status