Share

Chapter 85

DAHIL sa pagod ko ay diretso ang tulog ko sa aking kama.

Nagislng na lang ako na mabilis ang kalabog ng puso ko. Mabilis din ang hininga ko at agad napabangon. Tumindig ang balahibo ko nang naalala ko kung ano 'yong napanaginipan ko.

Nilingon ko si Lance at nakita kong wala siya sa tabi ko. Pagkalagay niya sa akin sa kama kagabi ay mabilis na akong naidlip. Ni hindi ko na nalaman kung nagkabati ba si Bea at Kid.

Pinagtabi ko ang hita ko at yinakap ko ang aking tuhod. Napanaginipan ko na hindi pa tinatanggal ni Lance ng lubusan ang underwear ko ay hinaplos niya na ako agad. Ngumuso ako at pumikit. Bakit ganon ang panaginip ko?

Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at naabutan ko na naman siya sa kusina na naka topless at nagluluto ng almusal ko. Kinagat ko ang labi ko habang tinitingnan ang ibabang likod niya. Naglakbay ang mga mata ko pataas sa kanyang gumagalaw na muscles sa likod.

Lumingon siya sa akin at nagpunas ng kamay. Naabutan niya ang pagkagat labi ko kaya nagtaas siya ng kilay
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status