UMUPO ako sa tabi ni Lance. Kanina pa siya nakaupo sa pool. Wala nang tao sa dining table na nasa tabi lang nito. Nag liligpit na ang mga katulong na ngayon ko lang nakitang umapak sa bahay nina Lance. Hindi ako sigurado kung nasa bahay pa ba ang mga bisita nila. Nanatili ako sa tabi niya kanina habang isa-isang nag si alisan ang mga bisita sa pag aalala sa kanyang ina.Huminga ako ng malalim at umupo sa tabi niya. Malungkot siyang nakatingin sa swimming pool at nilingon niya ako, pinipilit na ngumisi."Sorry." Sabi ko.Umiling siya. "Ako dapat ang mag sorry. Wag mo nang isipin'yong mga sinabi ni mama."Umiling din ako. "Lance, tama siya. Kung iniisip mong papakasalan mo lang ako kasi-"Pumikit siya. "Eli, I made up my mind the night you walked out of my life. I told my self I'm gonna marry you. I'm gonna marry you no matter what."Tumitig ako sa kanya. Hinintay niya ang sasabihin ko ngunit nawalan na ako ng salita. Kahit na ilang beses niya itong sabihin sa akin ay parehong gulat at
HINDI ko maaalala kung paano ako nakawala sa mga kamay ng security. Hiningal ako sa kakatakbo palayo sa building. Nasa gilid na ako ng kalsada ngayon, mabilis ang pintig ng aking puso at sobrang sakit nito.Tinukod ko ang aking kamay sa aking tuhod at hinabol ang aking hininga. Dinig ko ang mga yapak na sumusunod sa akin."Elisia, asan na ang pera?" Ani Uncle habang pumipikit pikit pa ako sa kakahingal. "Wag mo na kaming paghintayin! Pwede nang lumabas ang Auntie mo! At kapag di ka magbibigay ng pera ngayon ay mas Ialong Ialaki ang bayarin sa ospital!"Halos mahilo ako sa kakahingal ko ngunit pinilit kong maging maayos. Kabado parin ako sa kahihinatnan ng mga ito. Ayaw kong maapektuhan ang baby ngunit pakiramdam ko ay kapag nandito pa ako ay mas Ialo lang itong Ialala."Ano?" Ani Uncle.Nilingon ko siya. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera."Ibenta na kasi 'yang singsing mo!" Ani Trisha, tinitingnan ang singsing ko sa daliri.Itinago ko ang aking daliri. Kahit na alam kong sa n
NAKATINGIN parin ako sa mapa. Sa init ng sikat ng araw ay dinalaw ako ng uhaw at pagod. Kinailangan kong tumigil at kumain sa isang karenderya para makapag pahinga, makainom ng tubig at makakain na rim"Ale, alam niyo ba kung saan 'to?" Tanong ko sa matandang nakasalamin na mukhang may ari nong karenderya."Ay, Oo, Coron-Busuanga road, dito 'yon, e. Pero papasok pa yata 'yan, malapit 'yan sa dagat." Aniya habang ineeksamin ang dala kong papel na may nakalagay na address tulad ng nakalagay sa titulong dala ko.Tumango ako at nagtanong pa kung saan dadaanin iyon. Binigyan niya ako ng mga direksyon kung paano pupunta doon. Nalaman kong wala pa palang dadaan na mga bus o kahit ano patungo roon at nagdadalawang isip akong sumakay ng motor dahil sa kalagayan ko.Inisip kong makikisakay na lang siguro ako ng truck o di kaya ay ng tricycle. Mabuti na lang at nakahanap ako ng tricycle pagkatapos ng halos tatlumpong minutong paghihintay. Sinuyo ko pa ang driver para lang mapunta sa lugar na gus
NANGILID ang luha ko. Ayaw ko nang kumakalabog nang husto ang puso ko at naiisip na mahal na mahal ko siya kahit na may mga butas sa pagtingin niya sa akin. Matabang ang bawat sumasagi sa utak ko at gusto kong mawala ang pagmamahal ko sa kanya ngunit hindi ko magawa."Bitiwan mo ako!" Sabi ko sabay pilit na binawi ang braso ko."At saan ka na naman pupunta? Makakawala ka na naman? I tried my best to stop being possessive of you but everytime I loosen my grip, lagi kang nakakawala!" Sabi niya sabay hawak ulit sa braso ko."Sige nga, Lance, sabihin mo sa akin kung paano mo maaalagaan ang baby ko! Ako!" Sigaw ko nang na frustrate sa hawak niyang sobrang higpit.Titig na titig siya sa akin at dumidilim na. Ang pangarap kong mag tampisaw sa tubig ay nawala na."Hindi ako kailanman matatanggap ng mama mo! Sasaktan niya lang ako at ang baby ko! At ang pinakamamahal mong si Erin na siyang dapat ay pakasalan mo ay hinding hindi ko matatanggap!"Natahimik si Lance. Pinanood niya lang ako sa pag
BITBIT ko ang lumang luggage ni mama na tanging naipamana niya sa akin. Pag-alis ko ng bahay, maghahanap ako ng trabaho. Hinanda ko na rin ang sarili ko para sa hindi na pagbabalik doon sa bahay."Elisia, itong five hundred lang talaga ang mapapabaon ko sa'yo." Ani Auntie habang binubugahan ako ng sigarilyo."Salamat po, ha, Auntie." Sabi ko habang tinatanggap ang pera na agad hinablot ng kanyang asawa."Ano 'to? Bakit mo binibigyan ang batang 'yan ng ganito ka laking halaga ng pera?" Pinasadahan ako ng tingin ni Uncle habang nilulukot ang five hundred na hinablot galing sa kamay ko.Lumunok ako at napagtantong hindi para sa akin ang perang iyon. Ngayong umangal na si uncle ay malabong nang mapasa akin iyon."Auntie, salamat na lang po-""Umalis ka na nga lang, Elisia! Pabigat ka lang dito!" Sigaw ni uncle sa akin.Nahihiya at naaawang tinitingnan ako ni Auntie habang yumuyuko ako. Kung normal na araw ito ay nasagot ko na si uncle. Kung normal na araw lang sana ito ay kakayanin kong l
TUMINGALA AKO sa napakalaking building sa harapan ko. May malaking paskil na Job Fair sa first floor.Maraming tao at pakiramdam ko dito na ako makakahanap ng trabaho!Sumabog ang mahaba kong buhok dahil sa lakas ng ihip ng hangin. Binitiwan ko ang aking luggage para sikupin ang buhok ko bago ako naglakad papasok sa loob ng building. Chineck ng security guard ang bag ko ngunit hindi na ako mapakali dahil sa mga trabahong nag aantay sa akin sa loob."Hetong I.D, miss o. Nandito ka para sa job fair?" Tanong ng guard."Opo, Sir!""Naku! Ba't ngayon ka lang? Ubusan na siguro ng trabaho ngayon? Baka wala na."Namutla ako sa sinabi ng guard. Maaaring tama siya. Pinagmasdan ko ang mga umaalis at masasayang tao dahil nakakuha na ng trabaho."Oh my God! We're officemates!" Tili ng isang babaeng naka mini skirt sa naka corporate attire."Oo nga! I can't believe this! Dream job ko ito!"Anaman ng naka corporate attire na babae.Napalunok ako at napatingin sa pintuan kung nasaan angjob fair. Naki
KINALKAL ang basurahan para maghanap sa aking resume. Mabilis ko naman itong nakita. Medyo nagusot kaya inayos ko ito. Tatayo na sana ako para makaalis na sa building na iyon. Oo, masakit ang nangyaring iyon pero wala na akong panahon para dibdibin ang lahat. Ang kailangan kong isipin ngayon ay kung saan ako makakatulog sa gabing iyon.Nagulat ako nang may isang kamay akong nakita na nakalahad para sa akin. Hindi ko iyon tinanggap. Kusa akong tumayo at napatingin sa lalaking nakangiti sa harap ko. Maputi siya at pulang pula ang kanyang labi."Sorry sa inasal ng pinsan kong si Lance Coleman. Badtrip lang siguro siya kaya gano'n. I'm Vince." Lahad ulit niya ng kamay sa akin.Tiningnan ko ang kamay niya at mabilis ko itong tinanggap."Elisia po." Sagot ko. "Salamat, pero kailangan ko nang umalis."Luminga linga ako sa paligid at nakita kong bumalik na sa dati ang eksena sa likod. Nawala nga lang si Miggy at iyong babaeng tumawag sa kanya kanina. Nakita ko si Mr. Lance Coleman na umiigtin
ALAS DOSE na nang bumalik ako sa opisina ni Mr. Coleman. Walang bakas sa nangyari kanina na inisip kong baka guni guni ko lang ang nangyaring iyon. Wala na ang mga kalat at wala na ring tao. Nilinis ko na lang ang opisina ni Mr. Coleman ngunit hindi ko maiwasang magkaroon ng mga flashback tuwing nakikita ko ang lugar na pinangyarihan.Sa gabing iyon ay halos hindi ako makatulog. Hindi ko makalimutan ang nakita ko doom Hindi matanggal sa isip ko ang naging daing ng babae habang ginagawa niya iyon. Hindi ko matanggal sa isip ko iyong mga galaw nila.Puyat na puyat ako kinaumagahan. Hindi parin natatanggal sa utak ko iyong nangyari pero kinailangan kong itabi iyon sa utak ko. Lumabas ako ng building para bumili ng kanin sa isang fastfood. Mahirap pala ang ganito, marami pala akong kailangan. Kailangan ko ng sarili kong Plato, kutsara, tinidor, at baso. Mabuti na lang at may mga ganon rin dito sa Lounge kaya nanghiram muna ako.Nag sidatingan na ang mga crew. Marami akong nakilala pero ma