Share

Chapter 16

PINAPANOOD niya lang ako habang tinitingnan ko ang mga nagsasayaw sa dancefloor. Kung sana ay tulungan niya na lang akong mahanap si Bea ay maaayos na ang lahat ng ito. Wala yata siyang planong tumulong dahil nakatingin lang siya sa akin.

Tatakpan ko sana ng palad ko ang aking labi ngunit napagtanto kong masyadong malaki pala itong pinasuot niyang jacket sa akin kaya naamoy ko ang bango ng cuffs nito. Humikab ako at gusto ko kaagad magpasalamat sa kanya sa jacket na pinasuot. Nilalamig ako kanina pero hindi ko lang iniinda, at ngayong may jacket na, nawala na ang lamig na naramdaman ko.

"Wait here. Kunin ko si Bea sa gitna." Sabi niya nang namataan namin si Bea na nagsasayaw na parang baliw sa gitna.

Hindi na ako nakaangal. Tumayo na lang ako doon. Batid ko ang mga titig ng mga tao kanina. Hindi ko alam kung natatakot ba silang punahin na magkasama kami ni Lance o ano pero kita sa mga mata nila ang hindi pag sang ayon sa pagsama niya sa akin.

"Elisia! Andito ka lang pala!" Maligayang
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status