Napakagat ng labi si Sariah at muling sinuri ang report nang dalawang beses. Halos alas-nuwebe y medya na ng gabi nang matapos niya ito.
Wala ni isang mali.
Kinuha niya ang report at muling naglakad papunta sa opisina ng presidente. Tahimik niyang inilapag ang report sa mesa nito.
Kaswal lang na nagsalita si Zayne.
“Sorry, Secretary Quiambao. Baka nagkamali lang ako ng tingin. It's already late. Ihahatid na kita pauwi.”
Umiling si Sariah. “No need, Sir. May sasakyan ako. Mauuna na akong umuwi.”
Pagkasabi noon, mabilis siyang umalis.
*
Eksaktong alas-diyes ng gabi, nakasuot ng high heels si Sariah habang papasok sa isang high-end restaurant bar sa tabi ng ilog.
Soft ang ambience ng ilaw sa loob at tahimik ang paligid.
Sa puwestong malapit sa bintana ay nakaupo ang kanyang ka-date para sa blind date.
Isang lalaking nakaayos ang suit, may suot na gold-rimmed glasses, at mukhang maayos at edukado.
“Ikaw ba si Mr. Borres? Sorry po, may inasikaso lang sa trabaho kaya napaghintay kita.”
Ngumiti si Sariah nang magalang.
Tumayo agad si Eugene at bahagyang hinila ang upuan para sa kanya.
“Miss Quiambao, please sit. Naisip kong baka gutom ka na kaya nag-order na ako ng mushroom soup at bread.”
Pagkasabi niya noon, dumating agad ang waiter dala ang mainit na sabaw at bagong lutong tinapay. Iniabot din niya ang menu.
“Tingnan mo pa rin. Order ka lang ng gusto mo.”
Tinanggap ni Sariah ang menu at umorder ng ilan sa mga paborito niyang pagkain.
Dahan-dahan siyang humigop ng mushroom soup.
Mainit ang sabaw at unti-unting gumaan ang pakiramdam niya.
Sa isip niya, nadagdagan ng puntos ang lalaki dahil sa pagiging maalalahanin nito.
Nagpatuloy ang kanilang usapan.
Habang tumatagal, mas lalo niyang napapansin na hindi lang maganda ang itsura ni Eugene. Maganda rin ang edukasyon nito at maayos makipag-usap.
Sakto namang gumaganda ang usapan nila nang may malaking aninong humarang sa kanila.
Kasunod noon ay isang mababa at pamilyar na boses.
“Secretary Quiambao.”
Natigilan si Sariah.
Napatigil ang kamay niyang may hawak ng kutsara bago siya napatingala.
“CEO Suarez.”
Mabilis siyang tumayo. Parang may isang tibok ng puso na nawala.
Bakit narito ang lalaking ito?
Hindi siya pinansin ni Zayne. Kalmado lang nitong inayos ang manggas ng mamahalin niyang suit.
Nakakabit doon ang isang sapphire cufflink.
Naalala ni Sariah na limang taon na ang nakalipas, apat na buwan niyang pinag-ipunan ang halos kaparehong pares para iregalo rito.
Pero ni minsan ay hindi niya itong nakitang sinuot ni Zayne. Marahil masyado itong cheap para sa kanya.
“May business gathering mamaya. Sasama ka sa akin.” Diretso ang tono nito, walang puwang para sa pagtanggi.
“CEO Suarez, off-duty na po ngayon.”
Pinaalalahanan niya ito. Tumingin sa kanya si Zayne.
“Article Seven, Section Two ng Secretary Department Rules. Kapag hindi pa tapos ang boss, hindi pa rin tapos ang secretary.” Bahagya itong huminto bago nagpatuloy.
“Need ko pa bang i-review iyon sa 'yo?”
Mariing kinagat ni Sariah ang ibabang labi. Halos mamuti ito sa diin ng pagkakakagat.
Lumingon siya kay Eugene. Punong-puno ng paghingi ng paumanhin ang mga mata niya.
“Mr. Borres, I'm really sorry. Ako kasi...”
Hindi na niya natapos ang sasabihin. Napasinghap siya sa gulat.
Bigla siyang binuhat ni Zayne at isinampa sa balikat nito.
Umikot ang paningin niya. Masakit na tumama ang tiyan niya sa matigas nitong balikat.
“Anong ginagawa mo?! Ibaba mo ako! Zayne Benj Suarez!”
Namula agad ang mukha niya habang walang tigil na sumisipa sa ere ang mga paa niya.
Tuluyang natulala si Eugene. Pero nang marinig niya ang pangalang iyon, agad siyang napatuwid.
Zayne Benj Suarez.
Ang kilalang financial tycoon ng Taft City.
Isang lalaking may hawak na bilyon-bilyong ari-arian. Sa buong daan ay nagpumiglas si Sariah.
Muntik pang matanggal at lumipad ang isa niyang high heel. Hanggang sa makarating sila sa isang bakanteng viewing deck.
“Tumigil ka nga.”
Mababa ang boses ni Zayne habang nagbabala malapit sa kanyang tainga. Pagkatapos ay bahagya nitong pinalo ang puwitan niya.
Hindi masakit pero sapat para magulat siya. Saka siya nito maingat na ibinaba sa sahig.
Halos sumabog sa galit si Sariah. Mabilis niyang inayos ang magulong buhok bago sumigaw.
“Zayne! Ano bang problema mo? Sinadya mo talaga iyon, hindi ba?”
Mula sa taas ay malamig siyang tiningnan ng lalaki. Walang emosyon sa gwapo nitong mukha.
“Inililigtas lang kita. Hindi bagay sa 'yo ang lalaking iyon.”
Natawa si Sariah sa sobrang inis.
“Kung bagay siya o hindi, anong kinalaman mo? Boss lang kita. Ang personal kong buhay wala kang karapatang pakialaman.”
Pero parang wala itong narinig. Direkta itong nagsalita.
“Hangga't ayaw ko, hindi ka makakapag-asawa.”
Nanigas si Sariah.
Sa totoo lang, hindi lang niya matanggap na kakabili pa lang niya ng Heaven Corporation at agad niyang nakita si Sariah na masaya at maayos ang buhay.
Talagang sinuwerte ang ex-wife niya pagkatapos nilang maghiwalay.
Noong una, si Sariah ang nagsabing makipag-divorce. Si Sariah din ang nagsabing hindi na siya mahal. At siya rin ang walang awang umalis. Kaya bakit niya hahayaang maging masaya ito ngayon?
Sa isip ni Sariah, napamura siya. ‘Ikaw lang ba ang pwedeng magkaroon ng magandang buhay at bagong relasyon? Tapos ang iba habang-buhay na lang maghihintay sa 'yo?’
“CEO Suarez, pagod na ako. Hindi ako makakapagtrabaho ngayon. Kung hindi ka masaya, tanggalin mo na lang ako bukas.”
Buong lakas niya itong itinulak. Pagkatapos ay tumalikod siya at diretsong umalis nang hindi na lumingon.
Magulo ang hangin ng gabi. Tinatangay nito ang mahaba niyang buhok. At pati na rin ang magulo niyang damdamin.
Naalala niya ang araw na umalis si Zayne. Makulimlim noon. Nag-iwan ito ng bank card na may thirty five million peso. Pati isang isangdaan at dalawampung metrong apartment.
Iyon ang halos lahat ng ari-arian nila noon.
Pagkagising niya kinabukasan, may suot na siyang pulseras na gawa sa Agate Stone.
Isang bagay na hindi kailanman inaalis ni Sariah. Ang kalahati ay puti. Kalahati ay pula.
Nakahiga siya noon sa ilalim ng puno ng Narra habang umiiyak nang malakas. Umiikot sa hangin ang mga nalalaglag na dahon.
Parang unti-unti siyang nililibing ng mga iyon. Gusto niya itong habulin. Gusto niyang pigilan.
Pero sobrang sakit ng katawan niya kaya hindi siya makatayo. Alam niya. Hindi na ito babalik.
Pagkatapos noon, umuwi siya at nilagnat nang dalawang araw at dalawang gabi.
Halos mawala ang kalahati ng buhay niya.
Apat na taon ng matinding pagmamahalan. Dalawang taon ng pagsasama bilang mag-asawa. At ganoon lang kadaling natapos ang lahat.
Maraming beses siyang pinilit ng ina ni Zayne na makipag-divorce.
Sinasabi nitong kapag nagpakasal si Zayne kay Bernadette, ang unica hija ng pamilya Borromeo, mas lalong aangat ang negosyo nito. Pero nagmatigas siya noon.
Hanggang dumating ang araw na malubha nang may sakit ang kanyang ama.
Tatlong araw at tatlong gabi namang hindi ma-contact si Zayne. Pagkatapos ay nakatanggap siya ng isang litrato.
Nakahiga ito sa isang marangyang kama. Nakapikit ang mga mata. At sa gilid ng kama ay may pares ng puting high heels.
Sa sandaling iyon, naniwala siyang nagtaksil ito. Na naging marumi na ito para sa kanya.
Nang makabalik si Zayne, trabaho lang ang paliwanag nito sa kanya. Wala nang iba. Wala nang dagdag na paliwanag. Doon niya hiniling ang divorce.
At sinabi niyang hindi na niya ito mahal. Namula ang kanyang mga mata. Masakit ang lalamunan niya. Pero pinigilan niya ang sarili. Hindi siya umiyak.
Kung sana hindi na lang niya minahal si Zayne…
***
Kinabukasan, pagdating pa lang ni Sariah sa opisina, agad siyang ipinatawag ni Zayne.
Kumatok siya sa pinto.
“Come in.”
Pagpasok niya, nakita niya ang lalaking nakaupo sa likod ng malaking mesa.
Mas lalo pang tumingkad ang matalas at gwapo nitong mukha.
Nakabalot ang mamahaling suit sa malapad nitong balikat at payat ngunit matipunong pangangatawan.
Nakasandal lang ito sa upuan nang parang relaxed na relaxed.
Pero kahit ganoon, napakalakas pa rin ng presensyang ibinibigay nito. At gaya ng dati, sapat iyon para mahirapan siyang huminga.
Sa wakas ay nagsalita rin si Zayne. Pantay ang tono ng boses niya at halos walang emosyon.
“Mula ngayon, ililipat ka sa posisyon ng Chief Secretary ko. Twenty-four hours kang on call.”
Napakurap si Sariah.
Ano naman ito? Power trip ni Zayne? O sinasadya siyang pahirapan?
Bahagya niyang hinila ang sulok ng labi niya at ngumiti nang hindi talaga masaya.
“Napaka-generous naman ni CEO Suarez. Since 24 hours akong standby, balak n'yo rin bang bigyan ako ng triple salary?”
Ipinatong ni Zayne ang magkasalikop niyang kamay sa mesa. Kaswal na kumatok ang daliri niya sa ibabaw nito.
“Hindi ka satisfied? Four years tayong hindi nagkita. Hindi naman yata nadagdagan ang galing mo, pero natuto kang makipagtawaran sa boss.”
Ngumiti si Sariah ng pang-opisina niyang ngiti. Yung tipong magalang tingnan pero halatang peke.
“Hindi naman po. Curious lang ako. Hindi ko alam kung ginagamit n'yo lang ang posisyon n'yo para gumanti sa ex-wife n'yo, o baka naman pagkatapos nating maghiwalay, hindi na kayo marunong mabuhay nang walang nag-aalaga sa inyo?”
Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Zayne. May halong amusement ang tingin nito.
“Ganyan mo tinatawag ang paghihiganti?”
Dahan-dahan siyang tumayo mula sa upuan. Pagkatapos ay lumibot sa mesa at naglakad papunta sa kanya.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Palapit nang palapit.
Tumigil siya sa mismong harapan ni Sariah.
Agad niyang naamoy ang pamilyar nitong citrus scent.
Presko. Malinis. At nakakainis na pamilyar.
Parang walang pakundangang pumasok iyon sa kanyang paghinga.
Napasinghal si Sariah. Tinanggal niya ang ID niya mula sa leeg at malakas na ibinagsak iyon sa mesa.
“Zayne Suarez, magre-resign na ako. Hindi kita kayang pagtiyagaan.”
Kung hindi siya makakalaban, tatakbo na lang siya. Pagkasabi noon ay agad siyang tumalikod.
Balak niyang umalis.
“You stop.” Hindi naman malakas ang boses ni Zayne. Pero sapat iyon para mapahinto siya.
May natural na awtoridad sa bawat salita nito.
Binuksan nito ang drawer at kumuha ng isang dokumento. Pagkatapos ay inihagis iyon sa harapan niya.
“Tingnan mo muna nang mabuti.”
Napakunot-noo si Sariah. Kinuha niya ang dokumento at mabilis na binasa.
Ilang segundo lang ang lumipas. Parang sumabog ang utak niya.
“Bwiset ka!”
Parang bigla siyang nahulog sa bitag. Agad na umagos ang galit niya hanggang ulo.
“Grabe ka talaga! Tunay kang kapitalista!”
Natawa si Zayne. Mukhang sobrang satisfied pa.
Mariin siyang tinitigan ni Sariah. Sa sobrang inis niya, gusto niya itong kagatin. Diretso sa mukha.
Sa huli, galit na galit siyang tumalikod.
Pero dahil lutang ang isip niya, dire-diretso siyang bumangga sa salaming pinto.
BANG!
Malakas ang tunog. Napasinghap si Zayne.
Sa isang iglap ay nasa tabi na siya nito.
Agad niyang hinawakan ang namumulang noo ni Sariah gamit ang mainit niyang palad.
“Baby...”
Lumabas ang salita nang hindi niya namamalayan.
Natigilan si Sariah. Nanlaki ang mga mata niya.
Baby? Baby mo mukha mo!
“Lumayo ka nga.”
Mabilis niya itong itinulak. Pagkatapos ay lumabas ng opisina nang hindi na lumilingon.
Sigurado siya. Sinadya nito iyon.
Noong magkasintahan pa sila, palagi siyang tinatawag ni Zayne na “Baby.”
Ngayon na matagumpay na ito at nasa tuktok na ng mundo, ginagamit pa nito ang dating tawagan nila para asarin siya.
Nakakairita!
***
Bandang hapon, may bagong notification na lumabas sa group chat ng kumpanya.
May mensaheng galing kay Zayne.
At naka-tag pa siya. Isang address. Isang contact number.
Iyon lang. Maikli. Direct to the point. Walang kahit anong dagdag na salita.
Napabuntong-hininga si Sariah. Parang tanggap na niya ang kapalaran niya.
Kinuha niya ang bag at agad na sumakay ng taxi papunta sa address. Habang nasa biyahe, sumasakit pa rin ang ulo niya.
Hindi pa rin siya makapaniwala. Anim na buwan na ang nakalipas nang i-renew niya ang kontrata niya.
Hindi niya inaasahang may kasamang non-compete agreement pala iyon.
Kapag nag-resign siya nang walang pahintulot ng kumpanya, kailangan niyang magbayad ng two hundred million pesos.
Dalawang daang milyon.
Walang zero.
Walong nakakapanlumo at nakakamatay na zero.
Sa sobrang sama ng loob niya, gusto na niyang umiyak.
Matapos ang mahabang biyahe, nakarating siya sa Zurich Auction House. Pagkarinig pa lang ng pangalan, parang mamahalin na agad.
Yung tipong hindi ka makahinga sa sobrang sosyal. Mas simple ang turnover process kaysa sa inaasahan niya.
Pero mas nakakatakot din. May staff na nakasuot ng puting gloves ang maingat na nagtulak ng velvet box sa harapan niya.
“Miss Quiambao, pakipirma po rito.”
Tumango siya. Pero nang mapatingin siya sa dulo ng dokumento, agad siyang natigilan.
Napunta ang tingin niya sa auction price.
At muntik na siyang mahilo.
Isa.
Sampu.
Isang daan.
Isang libo.
Sampung libo.
Daang libo.
Milyon.
Daang milyon.
Bilyon.
Seven billion and five hundred million pesos.
Parang humigpit ang dibdib niya.
Halos tumigil ang tibok ng puso nniya Nang hawakan niya ang ballpen, nanginginig na ang kamay niya.
Diyos ko!
Kapag may nangyari rito habang nasa biyahe siya, baka kailangan niyang magbayad habang buhay.
Hindi sapat ang isang buhay para mabayaran iyon.
Maingat niyang kinuha ang velvet box. Parehong kamay ang ginamit niya.
Mahigpit niya itong niyakap. Parang pinakamahalagang kayamanan sa buong mundo.
Hindi. Hindi parang. Kayamanan talaga iyon!
Takot na takot siyang mabitawan ito. Isang maling galaw lang, baka mawala ang kalayaan niya habang buhay.
Habang nasa sasakyan pabalik sa kumpanya, yakap-yakap pa rin niya ang kahon.
Tuwid na tuwid ang likod niya. Ni hindi siya makapag-relax. Magulo rin ang isip niya.
Napakamahal ng kuwintas na ito. Siguradong para sa isang babae.
Marahil regalo ni Zayne. Talagang iba ang mundo ng mga mayayaman.
Kapag gumastos, bilyon-bilyon agad.
Bigla niyang naalala ang nakaraan. Noong wala pa silang pera.
Ang mga regalo ni Zayne sa kanya noon ay simpleng bagay lang na nagkakahalaga ng ilang libo.
Ang pinakamahal na binili nito para sa kanya ay ang wedding ring nila. Matagal itong nag-ipon para mabili iyon.
Umaabot sa isang milyon at five hundred thousand ang halaga.
Noong araw ng divorce nila, inihagis niya ang singsing sa harapan nito. Diretso sa flower bed sa ibaba ng apartment building.
Napakadesidido niya noon. Napaka-coldhearted. Napakatapang. Pero pagkatapos ng ilang araw...
Bumalik din siya. Palihim lang.
Hinukay niya halos lahat ng lupa sa flower bed pero wala na siyang nakita. Hindi na niya nahanap ang singsing.
Ngayon...
Ang natitira na lang sa kanya ay ang kalahating pula at kalahating puting agate bracelet na iniwan ni Zayne.
Hindi niya alam kung magkano ang halaga noon. At wala siyang pakialam. Dahil hindi pera ang halaga nito para sa kanya.
Kasama niya ang bracelet sa pinakamadilim na apat na taon ng buhay niya.
Hindi niya ito ibabalik. Kahit kailan. Iyon na lang ang natitirang bagay na konektado kay Zayne. At habambuhay niya iyong iingatan.
Pagbalik niya sa kumpanya, alas-singko y medya na. Huminga nang malalim si Sariah. Inayos niya ang ekspresyon niya bago pumasok. Naglakad siya papunta sa mesa ni Zayne.
Abala pa rin ito sa mga dokumento.
Sa ilalim ng ilaw, mas matalas at mas malamig tingnan ang gilid ng mukha nito.
“CEO Suarez, nandito na po ang kuwintas na ipinakuha ninyo.”
Maingat niyang inilapag ang mabigat na velvet box sa harapan nito.
Mission accomplished. Inakala niyang tapos na ang lahat. Pero nagtaas ng tingin si Zayne.
“Ngayong gabi, sasama ka sa akin sa isang banquet.”
Kaswal lang ang tono nito. Parang normal na utos lang. Pagkatapos ay nagdagdag pa ito. “Umuwi ka muna at magpalit ng damit. Something sexy.”
Natigilan si Sariah.
Sexy? Ano siya? Display item?
Parang nabasa ni Zayne ang nasa isip niya. Malamig itong tumingin sa kanya.
“Hindi ka naman ibebenta.”
Bahagya itong huminto.
“At saka, hindi rin ganoon kataas ang market value mo.”
Nanigas si Sariah. Sa sunod na segundo, gusto na niyang kumuha ng lason. At siya mismo ang magpapainom kay Zayne.
Diretso.
Iyong walang second chance para mabuhay pa ‘to!