Share

CHAPTER 3

Author: Shining Orchid
Hindi natuwa si Sariah. Diretsahan niyang pinaalalahanan ito.

“CEO Suarez, may tatlo naman po kayong secretary. Pwede n'yo namang isama si Secretary Monalie para samahan kayo...”

Hindi naman puwedeng siya lang lagi ang pinapahirapan.

“Who’s the CEO here, ikaw ba o ako?” malamig na tanong nito nang hindi man lang nag-angat ng tingin.

“Kayo po.”

Napakagat ng ngipin si Sariah habang pinipilit ilabas ang dalawang salitang iyon.

Lintik na kapitalista talaga!

“May apatnapu't pitong minuto ka na lang.”

Sinilip pa nito ang relo bago muling magsalita. Parang kunehong kumaripas ng takbo si Sariah palabas ng opisina.

Bwisit!

Tatlumpung minuto ang biyahe pauwi, tapos labimpitong minuto para mag-ayos at magpalit ng damit. Para siyang hahatakin sa bitayan sa sobrang pagmamadali.

Habang tumatakbo, inilabas niya ang cellphone at tumawag.

“Ma, pakisundo si Little Peanut mamaya. Kailangan kong samahan ang boss sa business dinner.”

“Sige, anak.”

...

Paglabas ni Sariah ng apartment, agad niyang nakita ang nakaparadang Rolls-Royce sa gilid ng kalsada.

Iniisip pa lang niya kung saan uupo nang bumukas na ang pinto sa likuran.

Tahimik siyang sumakay.

Pag-upo niya, agad siyang nilingon ni Zayne. Ang tinging iyon ay napakatalim at mapangahas. Mula sa mukha niya, dahan-dahang bumaba ang tingin nito sa leeg, sa collarbone, at mas pababa pa.

Nakasuot si Sariah ng asul na strapless gown ngayong gabi.

Bahagyang litaw ang buto ng kanyang balikat sa maputi niyang balat. Ang hubog ng kanyang dibdib ay eksaktong naipakita ng damit, sapat lang para maging kaakit-akit nang hindi sobra. Ang bewang niya ay mahigpit na hinubog ng disenyo ng gown, dahilan para mas lumitaw ang magandang kurba ng kanyang katawan.

Dagdag pa roon ang maingat niyang makeup. Talagang napakaganda niya.

Nakakaakit.

“CEO Suarez, medyo bastos yata ang titigan nang ganyan ang isang empleyado.”

Si Sariah na mismo ang nagsalita. Nakakatakot ang mga mata nitong parang laging may balak.

Bahagyang ngumiti si Zayne. “Secretary Quiambao, wala ka bang naging boyfriend nitong mga nakaraang taon?”

“Saan mo naman nakuha 'yan?” Pumikit siya nang bahagya at masamang tumingin dito.

“Parang tuyot ka na. Naalala ko noon, mas maganda ang pakiramdam mo kapag hinahawakan.”

Kapag nagsalita ito nang masakit, wala talagang makakatapat.

“Wow. Mukhang habang yumayaman ka, lumalala rin ang grado ng mata mo.”

Malamig siyang ngumuso. “At kung anuman ang itsura ko ngayon, hindi mo na kailangang alalahanin. Hindi naman ikaw ang may karapatan.”

Lumitaw ang isang makahulugang ngiti sa labi ni Zayne.

Pareho pa rin sa dati. Matapang pa rin ang bibig nito.

Ibinaling ni Sariah ang tingin sa labas ng bintana. At doon niya naalala ang tungkol sa pagiging bubot.

Noong second year college sila, umuwi siyang inis dahil tinukso siya ng roommate niya at tinawag siyang "bubot."

Noon, sinabi ni Zayne na tutulungan niya raw siyang "mag-develop" pa.

Pagkatapos ay dinala siya nito sa isang magandang burol. Doon unang lumampas sa hangganan ang relasyon nila.

May malaking puno ng Narra sa tuktok ng burol at napakalinaw ng mga bituin noong gabing iyon.

Umiyak siya nang todo sa ginawa nila. At dalawang araw siyang sinuyo ni Zayne.

Kalaunan, naging espesyal na lugar iyon para sa kanilang dalawa.

Kahit matapos silang maghiwalay, sa unang dalawang taon ng divorce nila, pumupunta pa rin siya roon tuwing anibersaryo ng araw na naging sila.

Pero kalaunan, binili raw ng isang misteryosong negosyante ang buong lugar.

Nagpatayo ito ng pribadong villa at pinalibutan ng bakod ang paligid. Hindi na siya muling nakapasok.

Mula na lang sa malayo niya natatanaw ang puno ng Narra.

At hanggang ngayon, naroon pa rin iyon.

...

May inilabas na kumikislap na kuwintas si Zayne mula sa bulsa nito. Bigla itong lumapit. Agad niyang naamoy ang pamilyar na citrus scent.

Paborito niya iyon noon. At sa isang iglap, nagulo ang isip niya.

“CEO Suarez, please respect boundaries.”

“Isuot mo ang kuwintas. Huwag mo akong ipahiya, Miss.”

Habang nagsasalita, sinubukan nitong isuot iyon sa leeg niya. Biglang kumabog ang dibdib ni Sariah. Lumaki ang mga mata niya.

Ang kuwintas na iyon ang mismong kinuha niya ngayong hapon.

Ilang bilyon ang halaga nito! Paano niya maisusuot nang kampante iyon?

Kapag nasira niya iyon, baka habang-buhay siyang magtrabaho para rito. Bigla niyang naalala ang isang kuwento noong elementarya siya.

Ang pamagat nito ay "The Necklace."

“CEO Suarez, masyado itong mahal. Ayoko pong isuot. What if masira ko? Hindi ko kayang bayaran.”

Para siyang matandang pinipilit tumanggi sa ibinibigay na ampao tuwing Bagong Taon.

“Kung hindi mo sinadyang sirain, hindi mo kailangang magbayad.”

Tiningnan siya nito na parang napaka-ignorante niya.

“Ang date ko ngayong gabi nakadamit nang ganito ka-simple. Sa tingin mo ba wala akong pride?”

Natigilan si Sariah.

Sige na nga. Mahirap siya. Hindi niya kayang bumili ng mga bagong haute couture gown.

Ang suot niya ngayon ay binili pa noong nakaraang taon para sa isang banquet. Mahigit two hundred thousand ang halaga noon at isang beses pa lang niyang nagamit.

“After the event, ibabalik ko agad.”

Hindi na siya tumutol. Tutal, pangalan rin nito ang nakataya.

Muling lumapit si Zayne upang isuot ang kuwintas. Dumampi ang mainit nitong hininga sa kanyang leeg. Paminsan-minsang sumasayad ang mga daliri nito sa balat niya. Napanginig siya nang bahagya.

Napansin ni Zayne ang pamumula ng kanyang tainga.

“Sariah, don't tell me na hanggang ngayon, gusto mo pa rin ako?”

“Anong dapat kong ikagusto sa isang walang pusong ex-husband?”

Tinapunan niya ito ng tingin.

Pero ang hindi alam nito, labimpitong beses na siyang nakipag-blind date. Wala ni isa ang nagustuhan niya. Napakalaki ng impluwensiya nito sa buhay niya.

“May emosyon pa rin sa tono mo. Mukhang hindi mo pa rin ako makalimutan.”

Eksperto talaga ito sa pang-iinis.

“CEO Suarez, huwag kang assuming. Alam mo ba kung paano maging isang maayos na ex-husband?”

“Tulad ng ano?”

“Parang patay na. Hindi nagpapakita.”

Bahagya itong natawa.

“Sa yaman mo ngayon, siguradong maraming babaeng kusang lumalapit sa 'yo, 'di ba?”

Malamig siyang ngumiti habang tinititigan ang nakakainis na gwapong mukha nito.

“Kung gusto mo, bibigyan kita ng priority number.”

Napairap siya sa sinabi nito.

“Wala akong ugaling pumatol sa boss ko. I don't eat where I work.”

“Talaga?”

Tumaas ang isang kilay nito. “Kapag may pangangailangan ka, ano'ng ginagawa mo?”

“Excuse me?”

“Gumagamit ka na lang ng kamay?”

Natigilan si Sariah. Bagay ba talaga sa sitwasyon nila ang usapang ito? Napakagat siya ng labi bago sumagot.

“Naghahanap ako ng temporary. Malakas ang stamina at maraming alam.”

“Secretary Quiambao, mukhang adventurous ka rin pala.”

Nakatitig si Zayne sa mapupula nitong labi. Bigla niyang napagtanto kung gaano na katagal mula nang matikman niya ang mga labi nito.

“At least hindi tulad mo. Tatlong araw at tatlong gabing nawawala para magsaya.”

Malamig ang boses ni Sariah.

“Oh? Maghuhukay tayo ng lumang issue?” May mapaglarong kislap sa mga mata ni Zayne.

“Gusto mo bang subukan ulit ako? I'm already experienced?”

Hindi pa nakakasagot si Sariah nang biglang umabot ang malaking kamay nito sa batok niya.

Hinila siya nito palapit. At saka siya hinalikan.

“Hmm...”

Nanlaki ang mga mata ni Sariah. Agad niyang itinulak ang dibdib nito gamit ang dalawang kamay. Pero mabilis na hinawakan ni Zayne ang kanyang mga pulsuhan.

Wala siyang kawala.

Mapangahas nitong sinakop ang kanyang mga labi at pilit binuksan ang kanyang depensa.

“Zayne... mmph...”

Hindi siya pinakinggan nito. Parang gustong angkinin ng lalaki ang bawat hiningang lumalabas sa kanya.

Mahigpit siyang nakahawak sa dibdib nito habang lalong bumibigat ang pakiramdam niya.

Apat na taon. Apat na taon na ang lumipas.

Sa harapan naman, mabilis na itinaas ni Cesar, ang driver, ang privacy partition.

Sa pagkakataong iyon, ang tanging hiling niya ay sana bingi at bulag na lang siya.

Nanlaki ang mga mata ni Sariah. Sa wakas ay natauhan siya. Buong lakas niyang kinagat ang labi ni Zayne.

Agad kumalat ang lasa ng dugo sa kanyang bibig. Doon lang siya binitawan ng lalaki.

“Zayne, wala kang hiya talaga!”

Tagumpay na ngumiti si Zayne. “Pero mukhang nag-enjoy ka rin naman.”

Napanganga na lang siya. Ayaw na talaga itong patulan ni Sariah.

Nakakainis na lalaki!

Pagkaraan ng dalawampung minuto, huminto ang Rolls-Royce sa harap ng high-end Solaire Hotel.

Pagkababa pa lang ng sasakyan, mabilis nang lumapit si Joseph Go, ang presidente ng Chamber of Commerce ng Verdes City, at personal na binuksan ang pinto para salubungin sila.

Ang pagbabalik ni Zayne sa Verdes City matapos makuha ang Heaven Corporation ay isa sa pinakamalalaking usapin sa buong upper-class circle.

At ang sentro ng lahat ng atensyon ay hindi ang Heaven Corporation.

Kundi si Zayne mismo.

Ang Sarayne Capital na itinatag niya sa ibang bansa ay isa nang higanteng investment company na may halagang umaabot sa trilyon.

Halos lahat ng proyektong pinasok nito ay nagtagumpay at kumita nang malaki.

Ngayong gabi, halos lahat ng negosyante sa Verdes City ay gustong-gustong magpakilala sa kanya.

Kung maaari lang, isusulat na nila ang pangalan nila sa noo para lang matandaan sila ni Zayne.

Noon, apat ang pinakamalalaking pamilya sa Verdes City.

Ang pamilya Sanchez, Gomez, Jimenez, at Borromeo.

Pero lumipat na sa ibang bansa ang pamilya Jimenez at Borromeo.

Dalawa na lang ang natira.

At ngayong bumalik si Zayne, awtomatiko niyang nakuha ang isa sa pinakamataas na puwesto sa lungsod.

Ayon sa isang kilalang financial magazine, nasa 1 trillion and 6 hundred billion na ang halaga ng kanyang yaman.

Tinatawag siya ng marami na Black King of Investments. Kapag may kumpanya siyang gustong pabagsakin, kaya niya itong wasakin sa loob ng isang gabi.

At kapag may kumpanyang napusuan niya, siguradong aangat ito nang husto.

Walang in between. Either success o tuluyang pagbagsak. Walang pangatlong posibilidad.

Kaya mula nang bumalik siya sa Verdes City, parang niyanig ang buong business world.

Maraming promising startup companies mula sa ibang bansa ang nagsimulang bumalik sa local market.

At mula noon, si Zayne na ang kinikilalang pinakamakapangyarihang tao sa mundo ng negosyo ng Verdes City.

Pagkababa nila ng sasakyan, biglang inalok ni Zayne ang braso nito. Parang inaanyayahan siyang kumapit.

Biglang kumabog ang dibdib ni Sariah. Hindi siya agad gumalaw.

“Secretary Quiambao, be professional.”

Napabuntong-hininga siya. Trabaho lang naman ito. Wala nang ibang ibig sabihin.

Huminga siya nang malalim bago marahang inilagay ang kamay sa braso nito.

Agad niyang naramdaman ang pamilyar na init ng katawan ni Zayne kahit may manipis na tela ng suit sa pagitan nila.

Napakasimple lang ng kilos na iyon. Pero hindi niya maintindihan kung bakit parang bumilis ang tibok ng puso niya.

Uminit agad ang kanyang mukha.

Apat na taon na. Apat na taon na mula nang maging ganito sila kalapit.

Dahil sa sobrang kaba, pinagpawisan pa ang kanyang palad. Napansin ni Zayne ang bahagyang pagbabago ng ekspresyon niya.

May lumitaw na halos hindi mapansing ngiti sa gilid ng labi nito.

Pagpasok nila sa banquet hall, parang sabay-sabay na napunta sa kanila ang lahat ng tingin.

“OMG! Siya ba si CEO Suarez? Ang gwapo niya pala sa personal!”

“Pumunta pa ako ng Hermosa City dati at dalawang linggo akong naghintay pero hindi ko siya nakita!”

“Ang ganda naman ng babaeng kasama niya. Is she his girlfriend?”

“Siya pala ang investment king! Ang pinakamayaman sa Verdes City ngayon!”

“Maski sina Mr. Sanchez at Second Young Master Gomez, natabunan na niya!”

“Talagang si CEO Suarez na ang hari ng Verdes City ngayon!”

Sunod-sunod ang bulungan at paghanga mula sa mga tao. Mabilis na lumapit si Joseph Go at ipinakilala siya sa lahat.

“Ladies and gentlemen, ito po si CEO Suarez, founder ng Sarayne Capital! Welcome back to Verdes City!”

Agad na umalingawngaw ang malakas na palakpakan.

Hindi nagtagal, pinalibutan na si Zayne ng mga negosyante mula sa iba't ibang industriya.

Parang hindi na ito makahinga sa dami ng gustong makipagkilala. May ilan ding magagandang babae na lumapit.

Tatlo sa kanila ang halatang galing sa mayayamang pamilya.

Ang mga relong suot nila sa pulso ay sapat na para makabili ng isang bahay.

Habang abala ang lahat kay Zayne, tahimik na naghanap ng dahilan si Sariah upang makaalis. Dahan-dahan siyang lumabas ng grupo.

Pagdating niya sa labas ng hall para magpahangin, may isang babaeng nakasuot ng mamahaling haute couture gown na humarang sa kanya.

“Ikaw ba ang secretary ni CEO Suarez?”

Magalang na tumango si Sariah.

“Hello.”

Diretsahang inilabas ng babae ang isang tseke at iniabot sa kanya.

“Gusto ko ang schedule ni CEO Suarez para sa susunod na isang buwan. Ito ang bayad ko sa 'yo.”

Sinulyapan ni Sariah ang halaga.

Tatlong milyon. Talagang generous.

Kasabay nito, nakilala rin niya ang babae.

Si Helen Fuentes.

Anak ng pamilya Fuentes ng Juan City at founder ng isang sikat na jewelry brand.

“Pasensya na po. Parte ng trabaho namin bilang secretary ang protektahan ang privacy ng boss namin.”

Tumaas ang kilay ni Helen Fuentes.

“Kulang pa ba?”

Agad nitong hinubad ang mamahaling bracelet sa kanyang pulso.

“Worth millions ito. Isasama ko na rin. One month schedule lang naman ang kailangan ko.”

Biglang napangiti si Sariah.

Marahan niyang itinaas ang kamay at hinawakan ang asul na diyamante sa kanyang leeg.

“Miss Fuentes, nasa jewelry industry ka. Sigurado akong kilala mo ang kuwintas na suot ko ngayon.”

Napatitig si Helen Fuentes. Masusing sinuri nito ang kuwintas. Ang deep color ng pagiging asul nito.

Ang halos perpektong pagkakagupit ng bato. Nanlaki ang mga mata niya.

“The Deep Blue Heart?!” Halos mapasigaw ang babae. “Imposible! Hindi puwedeng totoo ito!”

“Excuse me.” Ayaw nang makipagtalo ni Sariah kaya tumalikod na siya.

Sa unang pagkakataon, naisip niyang masarap din palang magmukhang mayaman.

Samantala, masamang-masama ang tingin ni Helen Fuentes sa kanyang likuran. Puno ng inggit at galit ang mga mata nito.

Paanong makakasuot ng ganoong kamahal na kuwintas ang isang simpleng secretary?

Maliban na lang kung...

Nanigas ang ekspresyon niya.

Nang-akit na ba ito kay Zayne?

Bwisit! Kaya pala ayaw ibenta ang schedule. Gusto nitong sarilinin si Zayne!

Sino ba naman siya para gawin iyon? Mabilis niyang kinawayan ang isang lalaking waiter.

Paglapit nito, isinuksok niya agad ang tseke sa bulsa nito. May malinaw siyang balak.

Pagbalik ni Sariah sa banquet hall, may narinig siyang pamilyar na boses sa likuran.

“Secretary Quiambao, magaling ang paggamit mo sa pangalan ko para takutin ang iba.”

Napatigil siya. Narinig pala nito?

Paglingon niya, nakangiti na siya sa paraang propesyonal.

Lumapit siya rito at nagsalita nang mahina upang silang dalawa lang ang makarinig.

“CEO Suarez, ikaw na ang parang diyos ng Verdes City ngayon. Bilang secretary mo, normal lang na makisabay ako sa liwanag mo.”

Hindi alam ni Sariah na sa paningin ni Zayne, napakaakit-akit niya sa sandaling iyon.

Bahagya siyang nakatingala. Kumikislap ang kanyang mga mata habang nagsasalita. At iyon lang ay sapat na para guluhin ang isip ng lalaki.

Piliting pinigilan ni Zayne ang sarili.

Apat na taon na. Apat na taon na niyang pinipigilan ang sarili.

At sa pagbabalik niya sa Verdes City, wala siyang planong manatiling ganoon habambuhay.

Mahigpit niyang kinontrol ang init na unti-unting umaakyat sa kanyang katawan.

Sakto namang may isa pang negosyanteng lumapit.

“CEO Suarez, magandang gabi po. Ako po si Blair Geronimo ng Crusade Technology...”

Lumiko si Zayne at tumingin kay Sariah. “Kumain ka muna. Hahanapin kita mamaya.”

“Sige.”

Tumango si Sariah at naglakad papunta sa buffet area. Sa totoo lang, gutom na talaga siya. May dumaan na waiter na may dalang champagne.

Kumuha siya ng isang baso at uminom ng ilang lagok.

Pagkatapos ay kumuha rin siya ng ilang maliliit na dessert at dahan-dahang kinain ang mga iyon.

Pero ilang minuto lang ang lumipas, bigla siyang nakaramdam ng kakaibang hilo.

Parang nanghihina ang buong katawan niya. Kasabay noon, may unti-unting init na kumalat sa kanyang katawan.

Natigilan siya.

“Lasing na agad ako?”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Falling for My Ex-Husband Who's Now My Boss   CHAPTER 50

    Totoo nga.Isa talaga si Zayne sa mga lalaking bihirang makita sa mundong ito. Halos wala kang mahanap na katulad niya.Napakagaling niyang magsalita ng French. Malinis ang accent niya at may kakaibang lalim ang boses na madaling makahatak ng atensyon.Paminsan-minsan, bahagya siyang lumilingon kay Sariah at may ilang bagay na sinasabi sa Chinese tungkol sa mga importanteng detalye ng meeting.Dahil magkalapit sila ng upuan, madalas na dumadampi ang mainit niyang hininga sa gilid ng tainga ni Sariah.Bahagyang humigpit ang hawak nito sa panulat pero nanatili siyang walang emosyon habang maingat na isinusulat ang bawat detalye.Kapag umaabot sa mga masyadong teknikal at propesyonal na termino ang usapan, sinisenyasan ni Zayne ang interpreter para ito ang magpaliwanag sa kabilang panig.Ang totoo, napakahusay ding magsalita ng French ni Sariah.Pinaghirapan niya iyong aralin noon para makapunta sa Tuolouse City. Isang lungsod na French ang opisyal na wika.Pero sa pagkakataong i

  • Falling for My Ex-Husband Who's Now My Boss   CHAPTER 49

    BANG! Malakas na bumukas ang pinto.Sunod-sunod na lumabas mula sa loob ang grupo ng mga bodyguard na naka-itim na suit, halatang nagulat at nagkagulo.Pumasok si Sariah habang karga si Little Peanut. Pagpasok niya, nakita niyang kakabangon lang ni Sharmaine mula sa ibabaw ni Alexis. Mahigpit nitong hawak ang kaliwang bahagi ng dibdib niya na para bang masakit pa rin.Mabilis na hinubad ni Alexis ang suot niyang coat pero mas mabilis si Sariah.Agad niyang ibinaba si Little Peanut at ibinalot ang sarili niyang coat kay Sharmaine.“Ayos ka lang ba?”Nang makita ni Little Peanut na mukhang hindi maganda ang pakiramdam ni Sharmaine, itinaas niya ang kalahating bote ng gatas na iniinom niya.“Ate Sharmaine, drink milk-milk.”Bahagyang yumuko si Sharmaine at marahang hinaplos ang ulo nito.“Good girl. Hindi iinom si Ate Sharmaine.”Pagkatapos ay tumakbo si Little Peanut papunta kay Alexis.Bigla niyang tinapakan ang mamahaling leather shoes nito gamit ang maliit niyang paa. Aga

  • Falling for My Ex-Husband Who's Now My Boss   CHAPTER 48

    Ang lalaking unang tinarget ni Sharmaine ay mabilis na nag-react. Agad nitong itinaas ang kanyang braso upang harangin ang suntok na tila kidlat sa bilis.BANG! Umalingawngaw sa buong silid ang tunog ng pagbangga ng kamao at braso.Isang malinaw na patunay ng puwersang nagbanggaan. Ngunit hindi nagpatinag si Sharmaine. Ginamit niya ang momentum ng pagharang upang mabilis na umikot at magpakawala ng isang malinis na roundhouse kick patungo sa binti ng isa pang kalaban.Hindi ordinaryong tao ang mga lalaking ito. Mistula silang mga pader na gawa sa bakal at kalamnan.Malalaki.Matitigas.At tila hindi nakakaramdam ng sakit.Ngunit sa bawat pagtama ng suntok at sipa ni Sharmaine, lalo lamang nag-aapoy ang kanyang determinasyon. Para bang bawat galaw niya ay isang sumpang kailangan niyang tuparin. Mabilis siyang dumulas sa ilalim ng isang malapad na kamao.Bahagya lamang na nakaiwas sa suntok na halos humipol sa gilid ng kanyang mukha.Sa isang iglap, umikot ang kanyang katawan

  • Falling for My Ex-Husband Who's Now My Boss   CHAPTER 47

    "CEO Geronimo."Biglang pinutol ni Alexis ang sasabihin ni Domingo. Lumamig ang boses niya."Kapag nagsalita ka pa ng isa pang salita..." Bahagya siyang sumandal sa upuan. "Iuurong ko ang lahat ng kontrata."Tahimik ang buong conference room. Pagkatapos ay mabagal siyang nagpatuloy."At kung sakaling maglabas ng pahayag ang Sanchez Corporation na may problema ang produkto ng kumpanya ninyo..."Bahagya siyang ngumiti. Ngunit walang init ang ngiting iyon."Naniniwala akong wala nang negosyante sa Verdes City ang mangangahas na pumirma pa ng kahit isang kontrata sa inyo."Direktahang pagbabanta iyon. Walang pagtatago. Namula ang mukha ni Domingo ngunit wala siyang lakas ng loob para sumagot. Isa man lang na salita ay hindi niya masabi. Napakagat si Sharmaine sa loob ng pisngi niya."Sige." Malamig niyang sabi. "Kung gusto ni Mr. Alexis Sanchez ng ganitong laro..."Bahagya siyang tumingin sa paligid."Pwede naman akong tumawag ng dalawang tao para tumulong, hindi ba?"Kaswal n

  • Falling for My Ex-Husband Who's Now My Boss   CHAPTER 46

    Sa loob ng malamig at tahimik na infusion room ng ospital, tanging ang mahinang tunog ng patak ng dextrose ang bumabasag sa katahimikan.Halos hindi nakapikit si Sariah mula pa kaninang madaling-araw.Pagkatapos biglang lagnatin si Little Peanut, halos liparin niya ang daan papunta sa ospital, mahigpit na yakap ang anak na para bang isang mahalagang kayamanang hindi niya kayang bitawan.Nakaupo siya sa isang matigas na upuan. Ang sarili niyang katawan ang nagsisilbing panangga ng bata laban sa malamig na hangin ng aircon.Binalot niya si Little Peanut sa sarili niyang coat. Tanging ang maliit nitong mukha, maputla at basang-basa sa pawis, ang nakalitaw.Ang maliit nitong kamay, na may nakatusok na karayom ng dextrose, ay mahigpit na nakakapit sa laylayan ng kanyang damit.Paminsan-minsan ay umiimpit ang bata habang natutulog. At sa bawat mahinang pag-ungol nito, para bang may humihigpit sa puso ni Sariah.Nanatili siyang halos hindi gumagalaw sa loob ng maraming oras.Tahimik.

  • Falling for My Ex-Husband Who's Now My Boss   CHAPTER 45

    Pagkatapos noon, wala man lang pag-aalinlangan na hinubad ni Sharmaine ang pantalon ni Alexis.Sa huli, ang natira na lang sa katawan nito ay ang bahagyang nakabukas na puting polo at itim na boxer shorts.Sa buong buhay ni Alexis, iyon ang unang pagkakataong natalo siya ng isang babae.Napakadilim ng mukha nito. Parang kayang tumulo ng tubig sa sobrang sama ng timpla. Pinigil nito ang galit habang nagsasalita."Sharmaine Geronimo." Mababa at malamig ang boses niya. "Mas mabuti pang pakawalan mo na ako ngayon at kakalimutan ko ang lahat ng nangyari."Huminto siya sandali. At mas lalong naging seryoso ang tingin. "Huwag mo akong galitin."Ngunit parang wala lang kay Sharmaine ang lahat ng babala niya. Pinagpag niya ang mga kamay niya na parang walang nangyari. Pagkatapos ay inilabas niya ang cellphone niya."Sige, tingnan natin." Sabay tutok ng camera kay Alexis.Click.Click.Click.Sunod-sunod siyang kumuha ng litrato. Iba't ibang anggulo pa. Mahigit sampung larawan ang kin

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status