Share

Chapter 44 - Nowhere But With Him

I need to leave right away. Hindi ako maaari na maabutan ni Kenji sa apartment ko dahil ito ang unang lugar na pupuntahan niya kapag dumating siya sa condo niya at nalaman na niya na umalis na ako. And I really can't afford to see him anymore, dahil baka hindi ko na magawa pa na layuan siya kapag nagkataon. Patuloy na nagtatalo ang isip at puso ko pa rin kahit na alam ko kung ano talaga ang nararapat na maging desisyon ko, at sigurado ako na kung sakali na magkita pa kami, muli na naman ako na hindi makakatalikod sa pangako ko sa kan'ya.

Pagdating ko sa apartment ko ay mabilis ako na nag-empake. Tatawagan ko na lamang ang may-ari ng bahay at sasabihin na matagal-tagal ako na mawawala. Sanay na rin naman siya siguro na hindi kami umuuwi rito ni Reina at wala siyang pakialam doon, basta tuloy ang pagbabayad namin. Pero saan pa nga ba ako kukuha ng pambayad pa rito kung hindi na ako makakapasok pa sa opisina dahil tiyak ako na pupuntahan din ako ni Kenji roon?

Wala na akong tiyak na pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status