Share

chapter 7

Pagkatapos nilang kumain ng meryenda ay agad ko namang niligpit para hugasan ang mga plato, kutchara at baso. Nakita kong lumabas silang lahat kasama si Lolo Mariano. Pero ang shokoy nagpaiwan at tinulungan ako sa pagliligpit. Hindi ko na siya kinibo pa, kahit aangal ako wala parin naman akong mapapala.

“Lessy, galit ka parin ba?”.....basag niya sa katahimikan.

“Hindi po!”....maikling sagot ko saka naglakad pabalik sa kusina.

“O hijo bakit ikaw ang nagdala niyan? Kaya na ni Lessery yan, ipasyal mo na ang mga kaibigan mo sa labas.”....si nanay Nida

“Okay lang po nay, nandoon naman si Lolo kasama nila.”

“Naku nay, nagpapabango yan sa kanyang irog. Mukhang may aabangan na kaming kasalan ng taon.”

“Queen, napakaingay mo mabuti nalang wala si clea.”

“O siya lumayas ka na, girl bonding muna kami chupiii.”...

Si ate Afsheen ay may tinawagan ito sa telephone at naka-video call pa. Hindi ko alam kong sino pero babae ito, baka kaibigan nya.

“Tita Malou kumusta po?" Okay naman po kami and guess where are we now?”

“Omg nasa bahay kayo?”

“Yes tita! At may hihilingin lang po sana ako sa inyo.”

“Ano yon sheen?”

“Tita, kuhanin nyo nang manugang ang babaeng ito.”....sabay pakita no ate Afsheen sa'kin sa camera kaya bigla akong natulala.

“Omg! She's pretty, girlfriend ba yan ni Zhykher ko?” “Hahaha mahina anak nyo tita mukhang mapag-iwanan na ng panahon. By the way tita pwedi ko po bang pakialaman ang kusina mo? Gagawa lang po ako ng cake for Lolo's birthday.”

“Oh dear Afsheen how sweet of you, sayang hindi ako nakauwi diyan. Anything you want dear gawin mo diyan. Kasama mo ba ang kambal?”

“Iniwan ko po ang triplets sa Lola nila tita. Ang twins lang ang isinama namin dito. Nandoon po sila kasama nina Lolo at Lola. Sige po tita maraming salamat po.”

“Okay sheen mag-iingat kayo diyan.”

Mama lang pala ni shokoy ang kausap ni ate Sheen. Nakakahiya talaga ng ipinaharap sa'kin ang video cam ni ate.

“Less, kumusta ang buhay?”

Okay lang po ate nakakaraos rin naman kahit papaano.

“Sabi ko naman sa'yo huwag mo na akong tawaging ate mahigit isang taon lang naman agwat natin eh. Friends na tayo diba kaya sheen nalang.”

“Call her Queen!” Ay shokoyyyyy!!!

...nagulat ako ng biglaang magsalita si shokoy sa may likuran ko sinamaan ko pa siya ng tingin.

“Aasawahin mo ba?”...taas babang tanong ni s-sheen at nakakahiya ang tanong niya.

May pinabiling mga ingredients si Sheen para daw sa gagawing deserts. Magaling yatang magluto ang babaeng ito. Mukhang sobrang mayaman pero ang ugali ay napaka bait. Ang sarap pakisamahan kasi hindi mataray.

“Less, feeling mo ba prank lang yong sinabi ko sa'yo kanina?"....bigla akong napalingon sa tanong niya.

Eh kasi Sheen, parang imposible namang paniwalaan ngayon palang tayo nagkikita at nagkakilala tapos bigla mo akong i-offer ng ganun. Oo mahirap lang kami pero nagsusumikap naman akong makatulong kina nanay at tatay at mabigyan ng pambaon at pamproject ang mga kapatid ko.

Nagtitinda ako ng isda sa palengke kaya lang ipinasara ni Mayor Robert Sanchez Ng ilang buwan para sa renovation project. Mabuti nalang at nag-offer si Lola Carmella para magtrabaho ako dito kaya sinunggaban ko na.

“I like how you answer my questions straight without any awkwardness infront of the squad. I saw your braveness and determination kahit babae ka. Pariho tayo ng pag-uugali, isa besis ko lang sinabi sa'yo na raise your head at huwag mong ikahiya kung ano ka. Nakuha mo agad ang punto ko. Less, hindi pa huli ang lahat, malayo pa ang mararating mo. Bukas na bukas pupunta tayo sa paaralan ng mga kapatid mo para hingin ang mga documents nila. Kaya ngayon tawagan mo sila na pumunta dito bukas ng maaga.”

Sheen, wala kaming phone eh....nahihiya kong sagot.

“Okay no problem, bibilisan natin ang pagluluto ng desert pagkatapos natin mamayang gabi pupunta tayo sa bahay ninyo.”

“Love, gutom yata si Afreen baka pwedi padedehin mo muna.”....ang asawa ni Afsheen.

“Sure love, akin na si baby....after 5 minutes dalhin mo rin dito si Afroze.”

Sheen, ang ganda naman ng baby mo kamukhang-kamukha mo. Ano ang mga pangalan nila?.

“Ang panganay ay triplets and their names are:

Jagger Spade Aragon

Jace Clubrian Aragon

Jasper Diamond Aragon

Jershey Afreen Aragon

Hershey Afroze Aragon

Wow ang gaganda ng mga names nila unique na unique.

“Ikaw anong pangalan ng baby mo?”...tanong ni sheen.

Ah Zachary Zaile Serreal ang pangalan niya.

“Sa'yo din naman unique ang pangalan ng anak mo. Nasaan ang tatay niya?”

Patay na, namatay sa sabaw ng sinigang  baboy dahil sa kababoyan niya....mapakla akong natawa sa sagot ko. Pero si Afsheen tawa ng tawa, pati anak niyang dumedede nagulat pa.

Ang galing ni Afsheen magluto expert na expert saka ko lang nalaman master chef pala ito, certified business woman at military aircraft officer ng Canada. Nakakalulan ang mga achievements niya pero ang ugali down to earth.

Ang dami naming deserts na hinanda para bukas. Cakes, cassava cake, suman, puto, kuchinta, macaroni, spaghetti, Maja de blanca, cupcakes at cookies. Ang buko salad ako ang pagtitimplahin niya. Si nanay Nida sobrang tuwa sa mga nakikita niyang deserts tingin pa lang daw nakakabusog na. Naka high temperature ang AC sa kitchen para daw fresh ang desert hanggang bukas.

Ang mga kalalakihan naman kasama ang mga tauhan sa hacienda ni Don Mariano ay sobrang busy sa pagkatay ng dalawang baka at limang baboy. Isang baka na may katamtamang laki ay gagawin daw letchon ni Lolo dahil ang mga bisita ni shokoy never pang nakatikim ng letchong baka. Dalawang baboy naman ay para sa letchon din. Ang simpleng handaan ni Lolo Mariano ay naging engrande dahil sa pagdating ng mga taga maynila.

Imbitado si Mayor Robert Sanchez at ang mga officials nito sa municipality. Imbitado din ang mga taga barangay.

9 pm na ng pumunta kami sa aming bahay para sabihin sa aking mga kapatid na kinaumagahan pumunta sa mansyon ni Lolo Mariano para sabay na kami ng pupuntang paaralan nila.

Kaming dalawa lang ni Afsheen ang naglalakad sa daan papunta sa bahay namin. Sanay na sanay Ito sa dilim dahil hindi man lang natatakot.

Nanay, tatay, Leandro, lerian pabukas ng pinto....tawag ko sa kanila.

“Ate, hindi ko bubuksan dahil nakalimutan mong tawagin ang pangalan ng isa.”

Umayos ka Leandro pipingutin ko na ang tainga mo kapag nakapasok na ako. Baby Zaile buksan mo ang pinto. Binuksan agad ng luko-luko kong kapatid.

“Mama!”....munting tawag ni Zaile.

Hala hindi pa ikaw tulog? Bakit gising pa ang baby namin?

Tay, nay, may bisita po pala tayo. Ito po si Afsheen asawa ng kaibigan ni senyorito shokoy este Zhykher po pala.

“Mano po nay, Mano po tay”...si Afsheen

“Kaawaan Ka Ng diyos pasok ka ineng at pagpasyensyahan mo na ang bahay namin.”

“Okay lang po nay, tawagin nyo nalang po akong sheen. Hindi po estado sa buhay at kayamanan ang dapat tinitingnan. Dapat pong tingnan ang kabutihan at kalinisan ng puso.”

Tumingin si Afsheen kay Zaile at biglang nagulat ito. Pagkatapos ay tiningnan niya ako na may pagtatakang tingin.

“Nay Sonia, Tay Lito hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa dahil gabi na po.

Bukas ng umaga itong dalawang anak ninyo ay maaga ninyong papuntahin sa mansyon ng mga Cruz. Sasamahan namin sila papuntang school nila para kuhanin ang transcript of records nila. Sa paaralan namin sa maynila na sila mag-aaral.”

“Po?????”...panabay na sagot ng mga kapatid ko.

“Yes! Tama ang narinig ninyo mag-aaral kayo sa Della Torres International State University. Lilipat na kayo sa susunod na linggo. Libre ang accomodation ninyo, libre ang pagkain at libre ang 5 hours extra job ninyo para sa allowance ninyo. Pero kailangan ninyong panatilihin ang standard ng mga grades ninyo para maipagmalaki kayo ng nanay at tatay pati si ate Lessery ninyo. Kaya nyo ba ang mga requirements ko? I want an honest answer.

“Kayang-kaya po! sanay na kami sa mga challenge namin sa buhay. Kung may darating man na mas malaking pagsubok naihanda na namin ang aming mga sarili. Ang importante nagsusumikap kami at humihingi ng protection sa panginoon para palagi kaming gabayan.”...si Leandro.

“Good boy!”

“Kakayanin ko po, nakaya nga ni ate na buhayin kaming lahat. Mas kakayanin ko pa at sila ang magiging inspirasyon ko kasama ang pananalig sa diyos.”...si Lerian

“Ayan spirit of girls yan.”

“Salamat anak at napaka buti ng puso mo. Mas lalong pagpalain ka sana ng puong maykapal para mas marami ka pang matutulongan na kapos palad na kagaya namin.”....umiiyak na sabi ni tatay.

“Huwag po kayong mag-alala tay, magiging maayos din ang lahat. At makakalakad kang muli. Next month babalikan ko kayo para dalhin sa maynila at ipapagamot kayo ng libre sa hospital na pag-aari ng bunso kong kapatid.”

Mas lalo namang naiyak ang nanay ko pati na rin ako hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Anong nagawa ko sa buhay at may isang anghel na hulog ng langit para tulungan kami. Kung isa man itong panaginip ayaw ko ng gumising para balikan ang masalimuot na mundo....anas ng isip ko.

“Baby Zaile ayaw mong umiyak? Silang lahat inaway ko kaya nag-iiyakan oh. Tita Sheen is bad right? Dahil pinapaiyak niya family ni baby Zaile.”....natawa naman ang anak ko. Sige nay, tay hindi na kami magtatagal baka hinanap na kami sa bahay.”

“Sige mga anak mag-iingat kayo at maraming salamat Afsheen sa kabutihan mo.”

“Walang anuman po! Kayo din mag-iingat kayo. Baby Zaile bye-bye see you again later.”

“Mama!”

Hinalikan ko ang aking anak at nagmano kina nanay at tatay saka sabay kaming lumabas ng bahay ni sheen.

“Less, pwedi ba kitang kausapin ng masinsinan?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status