Share

chapter 6

Zhykher pov

What a f*ck! Damn it, ano bang pinagsasabi ko kay Lessery. Bakit ba ako nagpadala sa inis ko doon sa lalaking kasama niya, oh sh*t!.

Kahapon bago siya umuwi sa bahay nila naririnig ko siyang kausap si Lola at nanay Nida. Nakakatuwa tingnan ang maaliwalas na hitsura ni Lola sa mga banat ni Lessery. They find themselves as a good friends, for an instant.

The heck! Wala siyang cellphone kahit normal man lang? Mga kabataan ngayon namamatay dahil sa kagagamit ng cellphones magdamag pero si Lessery pangtawag man lang wala.

Nais ko sana siyang ihatid pauwi sa bahay nila. Kaya lang baka susungitan na naman ako. Habang naglalakad siya nakasunod lang ako sa kanya. I just want to see that she gets home safely....yon nga lang ba ang dahilan zhyk?....kontra ng kabila kong isip.

Madaling araw pa lang maaga na akong gumising para mag-jogging. Sinasadya ko rin para makasabay siya habang papunta siya sa bahay ni Lolo. Hindi ko naiintindihan ang sarili ko kung bakit gusto ko siyang makita. Kaya kahit mahamog pa nag-e-effort akong mag jogging para makasabay siya.

Pero sa kalagitnaan may isang lalaki na tumawag sa kanyang pangalan. Tuwang-tuwa pa si Lessery habang kausap ito. Hindi pa nakontento at sumabay pa ito sa paglalakad. Damn it at talagang hinatid pa. Dahil sa inis kaya ayon umusok ako at napagsalitaan ko si Lessery ng hindi kaaya-ayang mga pananalita.

Nagulat ako sa bigla niyang pagsampal sa aking mukha at napatda ako sa mga sinasabi niya. Wala siyang kakimi-kiming bigkasin ang salitang tam*d. Bakit ko nga ba siya hinuhusgaan gayong nakita ko naman na simple lang silang nag-uusap nung lalaking kasama niya. Hindi naman sila naghaharutan o naglalampungan, naging paranoid lang ako.

I have to apologize her dahil talagang mali ang ginawa ko sa kanya. Habang naglilinis siya ay hindi siya tumingin sa'kin at panay na din ang iwas niya sa'kin. F*ck up self, how I apologize to her kung iiwasan niya ako. Habang nagtatanggal siya ng tuyong dahon sa swimming pool sinubukan kong kausapin siya.

Lessy, can I talk to you for a while please? Alam kong mal---- sh*t walang pasabing umalis na hindi ko pa natapos ang sasabihin ko.

Naghintay nalang ako sa room ko dahil alam ko namang maglinis siya doon. Inabot na ako ng siyam-siyam sa kakahintay sa kanya pero hindi siya pumanhik sa room ko para maglinis. Tumawag ako sa intercom na naka connect sa kusina. “Nanay Nida, pakidalhan ako ng aking almusal dahil may trabaho pa kasi akong na tinatapos.”

“Sige hijo ipapadala ko nalang kay Lessery ang iyong agahan.”

Yes!....my mind rejoice.

Di nagtagal ay kumatok na siya dala ang aking agahan. Pasok bukas yan, nakita kung tinulak niya ang pinto gamit ang isa niyang paa. Inilagay niya sa center table ang aking almusal. At agad pumihit paalis,kaya tumayo ako kaagad dahil alam kong umiwas na naman siya.

Lessy, sandali lang!...hinawakan ko ang kanyang braso. Walang emosiyon niyang tiningnan ang kamay ko kaya kusa ko ng binitawan.

Lessy, I'm sorry sa mga sinasabi ko sa'yo. Patawarin mo ako sa mga salitang hindi ko dapat binibigkas. Sorry kung hinusgahagan at nainsulto kita. Holy sh*t hindi parin siya sumasagot. She still no have any emotion habang tiningnan lang ako.

Lessy talked to me please!

“Ah senyorito mawalang galang na po, hindi nyo na po kailangan na mag-sorry dahil mababang uri lang po akong babae. Mga ka-level nyo lang po ang pwedi nyong hingi-an ng sorry kapag may pagkakamali po kayo. Pasyensya na rin po kung nasampal ko kayo. Nadala lang po ako sa aking emosiyon. Feeling ko kasi wala kayong pinagkaiba sa mga taga palengke na tsismosa at doon sa mga kapitbahay kong mapanghusga.”

“Pero napagtanto ko rin po na mali rin ang pagsampal ko sa inyo. Apo kayo ng amo ko kaya dapat nererespito ko rin kayo kahit ano pa man ang mga sasabihin nyo. Kung wala na po kayong ibang sasabihin aalis na po ako. Mamaya ko nalang lilinisin ang silid nyo kapag tapos na kayong mag-almusal.”

Lessy listen to me! I sincerely apologize for the mistake that I do.

“Okay na po! Tapos na po yon. Nasabi ko na rin ang mga dapat kong sabihin. Sige po kainin nyo na po ang inyong almusal. Marami pa po kaming gagawin ni nanay Nida sa kusina.

F*ck you jerk!...mura ko sa aking sarili. Di ako sanay sa walang emosiyon niyang pakikitungo. Gusto ko yung dating Lessery. Kasalanan mo yan eh, feeling jealous boyfriend ka kasi kung maka-react....tudyo ng kabila kong utak.

Kinain ko nalang ang almusal na dala niya kahit nawalan na ako ng gana.

Pagkatapos kong kumain ay ako na mismo ang nagdala ng mga pinagkainan ko sa kusina. Alam kong maraming bisita ang darating lalo na ang mga kaibigan ko. Hindi siguro makakasama ang asawa ni Afzal at Jeremy dahil maliliit pa ang mga bata. Si Clearose tatlong buwan palang ang twins niyang babae. Habang si Afsheen five months na ang twins niyang babae. Nakakatuwa dahil marami na kaming Inaanak samantalang kaming mga single naghihintay pa kung kanino kami magpupunla ng semilya.

“Oh hijo bakit ikaw ang nagdala niyan dito, papanhik naman si Lessery para kunin yan.”

Ok lang nay, aalis muna kasi ako kaya dinala ko nalang iyan pagkababa ko. Nasaan po si Lolo?

“Tingna mo doon sa mga panabong niyang manok. Wala namang ibang pinagkaabalahan iyang Lolo mo kundi magbabad sa mga pangsabong niyang manok.

Sige po alis na po ako. Pakilinisan nalang ang room ko kapag may libre kanang oras. Sabay tingin ko kay Lessery pero kahit isang sulyap man lang ay niya ginawa. G*go ka kasi....sabi ng kabila kong utak.

Kinahapunan nagsidatingan na ang mga pasaway kong kaibigan. Si Clearose hindi nakasama dahil maliit pa nga ang mga supling nito. Pero ang aming Reyna ay sadyang makulit dala ang kanyang dalawang limang buwang anak ay sumama sa grupo. Mas okay na rin na naandito siya para mas lalong masaya. Alam kong iinggitin na naman niya ang kanyang bestfriend na si Clea.

Napagdisisyonan na rin namin na since si Afsheen ang may pinakamataas na rank tatawagin namin siyang Queen. Ayaw ni pareng Jeremy na sobrang dami naming palayaw sa kanyang asawa.

Tatlong helicopter ang dala nila. Ang helicopter ng Queen ay sadyang malaki. Mabuti nalang at malaki ang space ni Lolo at nagkasya ang tatlong helicopter.

Nakakatawa  dahil ako lang ang walang helicopter sa grupo pero may lapagan si Lolo. But very soon bibili na talaga ako para maisakay ko sina Lolo at Lola dadalhin ko rin sila sa island naming magkakaibigan.

Hi Queen, I kissed her forehead as a sign of our respect to her.

“Maganda naman pala ang lugar ng Lolo mo di mo kami dinala dito noon.”

Busy kayo sa lovelife nyo kaya wala akong chance na imbitahin kayo.

“Sa digmaan ako busy zhyk, kaya huwag kang epal.”....

Guys this is my Lolo Mariano and this is Lola Carmella.

“Hello Lolo at Lola pasyensya na po kung guguluhin namin ang tahimik ninyong mundo.”...si Afsheen.

“Love, huwag ka ngang maingay baka mainis Si Lolo at Lola paalisin tayo kaagad.”

“Naku mga apo mas gusto namin ang bibong ugali dahil nawawala ang stress namin.” si Lolo

“Oo nga! Mukhang may katunggali na si Lessery sa kapilyahan.”...dagdag pa ni Lola

Ito si nanay Nida kasambahay namin at si Lessery---

“Maybahay ni Zhykher, ayehhhh kasalan na.”...singit ni Afsheen.

Iniwas ko sana ang topic mas lalo namang nakakuha Ng pagkakataon ang Reyna.

Nagsitawanan naman silang lahat pero nakita ko si Lessery na sobrang namula.

Pinakilala ko sila isa-isa at magalang naman silang nagmano sa Lolo at Lola ko.

“Mga apo pumasok na kayo sa loob at ng makapag meryenda tayo. Nida ihanda mo ang meryenda at ikaw Lessery hija ihatid mo sila sa Guest room.” si Lola.

“Lola kaming mga babae sa isang room pwedi na. Ang mga kalalakihan pagsama-samahin mo na kahit magmukhang sardinas na siksikan sa loob.”...afsheen suggested aangal pa sana ang asawa kaya lang pinandilatan na ng Reyna.

“Bro, fasting ka muna sa hug ang kisses ni queen.”....pambubuska ni Ryan.

“Ang ganda ng maybahay ni Zhykher Kaya pala ayaw tayong papuntahin dito.”si Justine

Tumigil nga kayo, naiilang na sa inyo yung tao eh.

“Why don't you say that your wife is not comfortable with our conversation.”....si Froilan.

Tumigil nga kayo mga gago.

“Pre, ang lagkit ng mga tingin mo eh, nagtu-twinkle twinkle little star iyang mga mata mo.”....si pareng Afzal.

Nakita kong maaliwalas na ang hitsura ni Lessery at parang kampante na siya kay Afsheen. I really appreciate the Queen's heart kaya niyang magpaamo ng tao in a minute.

Maraming nakalatag na snacks at panghimagas sa lamesa kaya pala sobrang busy ng tatlo kanina. Isang malaking balde ng buko salad ay nakahain at talagang iyon ang mas nilalantakan nila dahil sobrang sarap daw nito. Nagtanong pa si Afsheen kong sino ang gumawa at sinagot naman ito ni nanay Nida na si Lessery daw ang nagtimpla nito.

Can I call you Less? not than not more! friends na tayo diba. Napailing-iling nalang kami sa sinabi ni Afsheen.

“Okay lang po ate.”

“Uy huwag mo naman akong tawaging ate 22 pa ako. Sandokan mo naman ng buko salad ang jowa mo naghihintay ng grasya oh.”

“Hindi ko po yan ano, katulong lang po ako dito.”...sagot naman ni Lessery.

“Ooopppsss! Correction sis, don't think yourself as katulong. You are kasambahay as in kasama sa bahay. Tama ba ako Lola Carmella?...nag thumbs up naman si Lola. Raise your head Less, huwag mong ikahiya kung ano ka. Ikaw ilang taon ka na ba? Anong natapos mo?”...walang prenong tanong ni Afsheen.

“21years old po! BS Secondary Education major in Mathematics. Scholar po ako sa Ramon Magsaysay State University. Second year lang po ang natapos ko.”

“And why? What is the reason?”...dagdag pa ni Afsheen.

“Single Mother is the reason po, paralytic patient po ang tatay ko. May pinapaaral po akong dalawang kapatid scholar din sila sa Ramon Magsaysay State University pero kailangan parin nila ng pang-baon at pang project. Ang isa po ay nasa second year na ngayon sa kursong inhinyero ang bunso po namin first year sa kursong BS Business Administration Major in Marketing Management.”....she straightly eye to eye contact with Queen habang sinasagot ang mga katanungan nito.

“I got yah baby! Bukas na bukas samahan mo ako sa Ramon Magsaysay State University para kuhanin natin ang transcripts of record ng mga kapatid mo. Kahit sa ayaw at ayaw mo sa University na namin mag-aaral ang mga kapatid mo. Free foods and free accommodations free jobs for their allowance. Full scholarship at ako ang sponsor.”

“PO?????”....gulat na sagot ni Lessery.

“Ang kapalit basta pakasalan mo lang ang ugok na yan.”....nanlaki ang mga mata ni Lessery.

“Hahaha it's a prank lang na pakasalan mo si Zhykher. Hindi ako boto diyan para sa'yo.” Natawa silang lahat sa sinabi ni Afsheen.

“Less, basta bukas ng umaga tuloy tayo sa University ng mga kapatid mo. Para pag-uwi namin ng maynila kasama na sila.”

“Ganda naman po ng prank nyo.”.....mapaklang tumawa si Lessery saka bumalik sa kusina. Alam kong hindi nagbibiro si Queen. She is always true to what she says.......

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status