LOGINASHLEY
Dalawang linggo ang nakakaraan buhat ng mangyari sa buhay ko ang mga hindi ko inasahan na mangyayari. Pero hindi naman dito matatapos ang ikot at takbo ng buhay ko. Patuloy akong lumalaban sa hamon ng buhay. Ako ang pumalit sa Dad ko bilang CEO ng aming kumpanya. Mahirap pero kinaya ko naman niya dahil nakatulong sa akin ng malaki na graduate ako ng business administration and major in marketting. Kahit hindi naman ito ang gusto ko kaso yan ang hiling ng lola ko bago mamayapa. Noong una ay magaan lang sa akin ang trabaho hanggang sa isang araw bigla na lang sumama ang aking pakiramdam sa oras pa ng board meeting. Mabuti na lang natapos ko muna ito. Bago ako nawalan ng gana. Pumasok agad ako ng comfort room. At doon na ako nagduwal ng nagduwal. Naweird-uhan nga ako dahil ni isang patak ay wala man lang akong naisuka kundi puro laway lang kaya nag hilamos na lang ako ng aking mukha at bibig at inayos rin ang kanyang sarili para bumalik ng trabaho. Nang makasulubong ko si Ellaine ang secretary ng aking daddy at ngayon naging secretary ko na rin. “Miss Ash, may pinapa pirmahan pala sayo. Iniwan ko na sa table mo.” wika nito. “Sige, sige! Salamat, Ellaine.” ani ko. Naglakad na ako papalayo rito at pumasok sa loob opisina. Habang nagba browse ako ng mga finance biglang nakita ko na may malaking perang nawawala at hindi lang ito isang daang libo kundi milyon pa. Agad kong tinawagan ang finance department para malaman ang totoo. Hindi ako papayag na may mandurugas sa loob ng aming kumpanya na ilang taong pinag paguran rin ng aking mga magulang. Nagta trabaho ang lahat ng employees rito kaya hindi pwedeng may gagawa ng anumalya. Hindi ako maka alis ng kumpanya hanggang di ko malaman ang sagot sa lahat ng tanong ko. Nang may kumatok sa pintuan. Alam ko na agad kung sino nga ba ito. “Pasok.” wika ko at sapat na para marinig mula ng tao sa labas ang boses ko. “Ma’am Ash, heto na po ang files na pinapahanap niyo sa akin.” ani nito. “Thank you.” sagot ko at kinuha ang usb mula ieto at sinalpak agad sa laptop na gamit ko sa opisina kapag nagta trabaho ako sa labas. Nang makita kong nakatayo pa ito agad ko siyang sinabihan na lumabas na muna. Ayaw ko kasing may maka alam ng mga hakbang ko lalo na’t hindi pa naman ako sigurado. Kung sino talaga ang may sala ng mga pagnanakaw na ito. Isa-isa kong binuksan ang bawat files at doon ko na kumpirma na naglalabas ng pera ang daddy ko ng malalaking pera bawat araw. Hindi ko gustong kwestyunin ang aking daddy pero hindi pwedeng magpatuloy ito dahil mababankrupt kami kapag nagkataon. Nagmamadali akong hinugot ang usb at pinatay ang aking laptop. Kailangan ko ng umuwi ng kanilang bahay para kausapin ang aking daddy patungkol sa nawawalang pera na ito mismo ang kumukuha. Gabi na ng nakauwi ako sa aming bahay at wala pa doon ang aking Mommy. Palagay ko nasa bakeshop na naman ito dahil mahilig magbake ang aking Mommy Carmina. Pinuntahan ko naman sa study area ang aking daddy pero wala rin ito roon. Ayaw ko na sanang ipagpabukas ang lahat lahat kaso mukhang walang balak umuwi ang daddy ko ngayon. Pumanhik ako sa itaas ng aking kwarto at natulog na rin. Kinaumagahan nagising ako sa lakas ng katok ni Mommy Carmina. Nasa labas siya ng pintuan ko. Kahit tinatamad ako bumangon ay pinilit ko dahil magagalit talaga ito sa akin kung di ko siya pagbubuksan. “Hija, gising ka na ba? Halika nagluto ako ng breakfast mo bago pumasok.” lambing ng aking Mommy na nakapasok na rin naman sa loob ng aking kwarto. Naupo ako kinuha ang tray na may lamang pagkain. Naisip ko kung diko maka usap ang ang aking daddy baka may alam naman si Mommy. “Mom, si dad ba umuwi kagabi?” usisa ko at nanantay kung magsasabi ba ng totoo si Mommy sa akin. “Hindi hija, tumawag lang at may business daw. Pero, hindi ako naniniwala sa daddy mo. Alam mo bang nag away kami niyan kasi nalaman ko na nagpatalo siya ng malaking pera sa sugal.” kwento ng aking Mommy. Nagulat ako sa aking narinig. At di makapaniwala na kayang gawin ni daddy na magpatalo ng malaking pera sa pagsusugal. “Po? Sugal? Si Daddy, sigurado ka ba dyan Mommy? Baka nagkakamali ka lang.” patay malisyang sagot ko pero nandon na rin ang pangamba ko dahil sa nalaman ko sa nawawalang malaking pera ng kumpanya. Hindi nga malabo na nagsusugal ang aking daddy dahil malaking pera ang nilalabas nito araw-araw. “Oo, hija. Hayaan mo na nga. Nangako naman na siya na hindi niya na uulitin pa.” aniya. “Sana nga Mommy.” umaasang sagot ko. Tiningnan na niya ang dala ng kanyang Mommy at mukhang masarap dahil amoy pa lang nito. Sinimulan ko itong kainin habang nagkukwento si Mommy at nakikinig lamang ako. Nawala na rin sa isipan ko ang itatanong ko rito dahil mukhang nasagot naman na agad ng tanong ko. Marami pang nakwento sa akin si Mommy at tila nakalimutan ko na ang mga agam-agam ko. Pero sana lang talaga tumupad na si daddy sa mga pinangako niya kay Mommy. Malaki na ang isang Milyon sa isang araw lang. Hindi ko pa matukoy kung saang pasugalan siya nagtatapon ng pera gabi gabi at ayon pa ang gusto kong malaman.3RD POV “Mr. Alcantara, talo ka na. Ano pang ipupusta mo?” tanong ng dealer. “Ang kumpanya ko.” wika niya na ganid na sa pera at gustong makabawi pa halos ilang bilyon na nga ang napaubos nito at hindi pa rin makuntento. “Sige.” Nagsimula na ulit maglaro ang matanda hanggang sa natalo ito. “Hindi! Hindi, madadaya kayo. Pinagloloko niyo lang ako.” sigaw ng matanda at nagsimulang maghysterical na rin. Lumapit ang bouncer rito at binuhat ang matanda palabas ng Casino. Lugmok na lugmok ang daddy ni Ashley sa nagyari. Hindi niya alam kung anong gagawin niya kapag nalaman ng mag-ina niya na bankrupt na sila at mawawala pa ang kumpanya. Hindi umuwi ang matanda sa kanilang bahay dahil alam niyang aawayin lang siya ng kanyang asawa. The last time na nalaman nito na nagsugal siya galit na galit ito sa kanya. Walang nagawa ang matanda kundi lumayo muna dahil nahihiya siya sa kanyang anak sa nangyari. Nakarating kay Davidson ang balita. Galing siya sa isang meeting at nar
ASHLEY Dalawang linggo ang nakakaraan buhat ng mangyari sa buhay ko ang mga hindi ko inasahan na mangyayari. Pero hindi naman dito matatapos ang ikot at takbo ng buhay ko. Patuloy akong lumalaban sa hamon ng buhay. Ako ang pumalit sa Dad ko bilang CEO ng aming kumpanya. Mahirap pero kinaya ko naman niya dahil nakatulong sa akin ng malaki na graduate ako ng business administration and major in marketting. Kahit hindi naman ito ang gusto ko kaso yan ang hiling ng lola ko bago mamayapa. Noong una ay magaan lang sa akin ang trabaho hanggang sa isang araw bigla na lang sumama ang aking pakiramdam sa oras pa ng board meeting. Mabuti na lang natapos ko muna ito. Bago ako nawalan ng gana. Pumasok agad ako ng comfort room. At doon na ako nagduwal ng nagduwal. Naweird-uhan nga ako dahil ni isang patak ay wala man lang akong naisuka kundi puro laway lang kaya nag hilamos na lang ako ng aking mukha at bibig at inayos rin ang kanyang sarili para bumalik ng trabaho. Nang makasulubong ko si
DAVIDSON Kanina pa nga ako hindi mapakali dahil nagising ako ng ngayong umaga at wala na ito. She was so definitely perfect woman in my eyes. Hanggang ngayon nakikita ko pa rin ang maganda niyang mga mata, mapupulang labi na tila nang aakit. At higit sa lahat ang maamo niyang mukha. Hindi ko alam kung kailan kami magkikita ulit. Ni pangalan niya ay hindi ko man lang naitanong. Bumaba ako ng sala baka sakaling maabutan ko pa ito kaso nakaalis na siya ayon sa mga maid. Paakyat na sana ako ulit ng hagdanan ng makita ko ang aking pamangkin na si Uno na may kalampungan sa sala. Gusto ko sanang mainis dito pero hinahayaan ko na lang siya at iba na naman ang kasama. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at mas mahalaga ang tulog ko kumpara sa mga walang kwentang bagay. Nang makarating ako ng aking kwarto nahiga ulit ako. Hindi pa nga nakakatagal sa pagkakalapat ng katawan ko sa kama panay naman tunog ng aking cellphone at tila ayaw tumigil. “Hello! If it's not urgent, Karla. Do not d
ASHLEY Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Maganda, mabango. Pero hindi ko alam kung saan ito. Ang tanging natatandaan ko lang ay nag inom kami ng mga kaibigan ko. At hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari.. Nagulantang ako sa aking nakita. Kitang kita ko ang mukha nito. It was him--- Uno's Uncle. Mr. Davidson Alcala. Hindi niya ako kilala pero siya kilala niya ito dahil nakita niya ito sa isang event na dinaluhan nila ni Uno noon. Hindi lang sila nagkapag daop ng palad dahil masyadong busy ito.. She was shocked and a little bit nervous. Agad niyang pinulot ang polo sa lapag at mabilisang isinuot. Hindi niya kasi mahanap ang damit niya. Kumaripas siya ng takbo palabas ng pintuan. Iniwan ko ito na nahihimbing sa pagtulog. Hindi niya ako pwedeng maabutan pa rito. Nag dahan dahan akong bumaba ng hagdanan. Nang makita ako ng maid nito. Nagkatinginan kami at mukhanh nakikilala niya ako dahil tinawag niya ang pangalan ko. "Miss Ash." Hindi ko na siya pinakinggan pa. At n
DAVIDSON Gulat ang rumihestro sa mukha ko ng mapagtanto na may babae kaming kasama sa loob ng aking sasakyan. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa loob? Kanina ko pa pinapagalitan ang driver ko kung bakit may babaeng nakapasok rito. Dumaan lang kami ng bar galing akong business venture at ayoko naman biguin ang mga kaibigan ko. "Who is she??" laman ng utak ko. Hindi ko siya kilala. Pero may bahagi sa puso ko na kakaiba. Wala akong nagawa kundi iuwi muna ito ng aking bahay. Two hours bago kami nakarating ng Villa. Binuhat ko ang babae at dinala ko sa guest room. Nagpakuha ako ng gamit sa maid para linisan ito. Amoy alak na naghalo sa perfume nito. Para akong nalasing sa amoy niya. Nang mabihisan siya ng mga maid. Sumaglit lang ako para tingnan kung maayos nga ba ang kalagayan nito. Pumasok ako sa loob at lumapit rito.. Pinagmasdan ko ang maamong mukha nito na animo'y anghel na bumaba sa kalangitan. Her innocent face would attract me. Lalo na ng makita ko na suot niya an
ASHLEY Halos gumuho ang mundo ko sa natuklasan ko. Seeing him with other woman would made my life incomplete. My 11 years full of love, hopes and dreams would lost in one single snap. Nalaman ko kasi na ilang taon na akong niloloko ng fiancee ko na si Uno. Kaya naman pala hindi niya pa ako magawang pakasalan dahil kaliwa't-kanan ang mga babaeng kanyang naikakama.. I was devastated that day. Halos dumagundong sa kaba ang puso ko ng marinig ko ang mga ungol ng isang babae na tila nasasarapan at hindi nasasaktan. I was in totally shock!! "Uno--" ayon lang ang nasambit ko ng makita kong nakikipagsex siya sa tinuring ko pang halos kapatid na nga. My best friend Klea na sa palagay ko ay hanggang ngayon na lamang ang aming pagkakaibigan. Gulat ang rumihestro sa mukha ni Uno at Klea marahil hindi nila alam na darating ako. Hindi nila alam na sinundan ko si Uno dahil malakas na ang kutob ko na may ginagawa itong kababalaghan. Although marami ng tao ang nagsabi sa akin ng mga kasinun







