LOGIN3RD POV
“Mr. Alcantara, talo ka na. Ano pang ipupusta mo?” tanong ng dealer. “Ang kumpanya ko.” wika niya na ganid na sa pera at gustong makabawi pa halos ilang bilyon na nga ang napaubos nito at hindi pa rin makuntento. “Sige.” Nagsimula na ulit maglaro ang matanda hanggang sa natalo ito. “Hindi! Hindi, madadaya kayo. Pinagloloko niyo lang ako.” sigaw ng matanda at nagsimulang maghysterical na rin. Lumapit ang bouncer rito at binuhat ang matanda palabas ng Casino. Lugmok na lugmok ang daddy ni Ashley sa nagyari. Hindi niya alam kung anong gagawin niya kapag nalaman ng mag-ina niya na bankrupt na sila at mawawala pa ang kumpanya. Hindi umuwi ang matanda sa kanilang bahay dahil alam niyang aawayin lang siya ng kanyang asawa. The last time na nalaman nito na nagsugal siya galit na galit ito sa kanya. Walang nagawa ang matanda kundi lumayo muna dahil nahihiya siya sa kanyang anak sa nangyari. Nakarating kay Davidson ang balita. Galing siya sa isang meeting at narinig niya na nagyayabang ang matandang Lazaro. Nakuha na raw nito ang kumpanya ng mga Alcantara Hindi siya naniniwala kasi sobrang hambog ng matandang ito. Kaya pina imbestigahan niya ang totoo nag hired siya ng isang private investigator para malaman ang lahat lahat. Hindi rin niya gusto ang pinagkakalat nito na ikakasal na ito sa unica hija ni Mr. Alcantara Napag alaman nga niyang totoo ang lahat ng iyon. Lahat gagawin niya makuha lang ang kumpanya ng mga Alcantara mula sa matandang iyon. Sa totoo lang hinahanap hanap niya ang naganap sa kanila ng anak nito. Kaya nakaisip siya ng ideya para mas mapalapit sa dalaga. Habang nasa loob siya ng building. Tumawag ang private investigator niya at sinabi nito na split na ang pamangkin niya at ang babaeng kanyang napupusuan. Nagpasalamat siya rito. “Good job, Mr. Larkin. I will send my payment in your bank account after this call.” aniya. Nakangiting ibinaba ni Davidson ang kanyang cellphone. Pero hindi siya dapat magpakampante ngayon dahil kailangan niya ng mabawi ang kumpanya ng mga Alcantara sa kamay ng matanda. At baka gawin pa nito ang masamang plano kay Ashley at iyon ang hindi niya hahayaang mangyari. ---- Hindi pa rin alam ni Ashley ang totoong kundisyon niya at nangyayari sa kanilang kumpanya. Hanggang sa nagpunta ang matanda sa kumpanya nila at hinahanap siya. Humahangos na nagpunta si Ellaine sa kanyang opisina at habol ang kanyang paghinga. “Ma’am Ash, nang gugulo ang matandang Lazaro sa baba. Hinahanap ka at kung di ka raw magpapakita sa kanya palalayasin niya lahat ng empleyado. At pinagyayabang niya rin na siya na raw ang nagmamay-ari nito. Totoo ho ba?” wika nito. Ang di niya lang maintindihan ang tanong nito. “Teka, huminahon ka nga. Ano ba yang pinagsasabi mo? At anong ginagawa ng matandang iyon sa building ng AGE.” tanong niya rin rito. “Hindi ko alam ma’am Ash, mas mabuti ho na babain niyo na siya.” sagot nito sa kanya. “Sige, mauna ka na at susunod na ako.” sagot niya. Inayos niya muna ang kanyang mga gamit sa table at sinukbit ang kanyang cellphone. Lumabas siya ng opisina, sumakay ng elevator pa ground floor. Pagbaba niya doon niya nakita na prenteng nakaupo ang matanda. Kilala niya ito sobrang obsessed nito sa kanya. “Oh! What bring you here, Mr. Lazaro? Hindi niyo ba alam ang tamang daan palabas ng pintuan?” tanong niya rito na may kasamang pang babastos. Hindi naman kasi dapat siyang galangin. Nang lumapit ito at tangkang hahawakan siya umiwas agad si Ashley. “Hey! Don’t you dare to touch me. I swear you’ll pay for this. Guard! Palabasin niyo na nga ito–” natigilan siya ng magsalita ito. “I’ll touch whatever I want. Hindi mo ako mapapalayas dito dahil ako na ang nagmamay-ari ng kumpanya na ‘to. This, that and there all of it ay sa akin lahat.” mayabang na wika ng matanda. Na hindi pa rin maintindihan ni Ashley kung anong pinagsasabi nito. “Are you drunk? Or naghahalucination ka na. Anong pinagsasabi mo?” “Heto! Ang magaling mong ama lang naman ay pinusta ang kumpanya niyo sa sugal. Natalo siya at ako ang nanalo so sa akin na ang kumpanya. Kaya ngayon pa lang magbalot balot ka na ng gamit mo. Pero, hwag kang mag-alala madali naman akong kausap. Basta susunod ka lang sa gusto ko. Ibabalik ko ang kumpanya niyo ng buong buo kung magpapakasal ka sa akin.” wika ng matanda. Halos parang sinakluban ng langit at lupa si Barbara sa kanyang narinig. “No! I don’t believe you. Hindi magagawa ng daddy ko na ipusta ang kumpanya sa sugal. Lumayas ka dito kung ayaw mong ipakaladkad kita sa guard.” sigaw niya. Nang akmang lalapit ang guard nagbanta ang matanda. “Babalik ako at sana sa pagbabalik ko bukas may sagot ka na sa offer ko.” ani nito sabay tawa na parang demonyo. Nang maka alis ang matanda iyak ng iyak si Barbara sa loob ng kanyang opisina sa sama ng loob sa kanyang daddy. Na isang buwan na ring hindi nagpapakita sa kanila ng kanyang Mommy. Hindi nga nila alam kung buhay pa ba ito o patay na. “Ma’am Ash, gusto niyo ng tubig?” alok ni Ellaine sa kanya at nilapag na lang sa table niya. “Salamat.” sagot ni Ashley na hanggang ngayon ay gulong gulo sa nangyayari. Nagtrabaho pa rin siya at hindi siya naniwala sa sinabi ng baliw na matanda sa kanya. --- Sa loob ng Casino. Maingay at nagyayabang ang matandang Lazaro. Naririnig ito ni Davidson mula sa kanyang Mansyon. Naroon kasi ang tauhan niya para manmanan ang matanda. At dinig na dinig niya ang bawat usapan ng mga ito. “Talaga ba? Magpapakasal sayo si Ashley? Paano mo siya na kumbinsi?” tanong ng kasama nito sa sugal. “Simple lang alam ko mahalaga sa kanya ang kumpanya ng pamilya niya kaya susunod siya sa utos ko.” mayabang na wika ng matanda. Tila hindi nagugustuhan ni Davidson ang kanyang naririnig kaya naman inutusan na niya ang kanyang tauhan. At alam na nito ang gagawin. Two hours later.. Nabalitaan ni Davidson na niraid ang pasugalan ng matandang Lazaro at ang iba pa niyang mga negosyong walang permit at ilegal. Nasakote rin sa matanda ang mga drugs. Kaya patong patong ang kaso ng matandang ito. Hindi na siya makakawala sa batas. Hindi nga niya malaman kung bakit parating nakakatakas sa batas ang matandang iyon. Tingnan niya lang kung dito ay makatakas pa ito. Isang iglap lang nawala ang yabang nito. Hindi nga nito malaman ang gagawin hanggang sa maibenta na rin nito ang kumpanya ng mga Alcantara sa ibang tao pero ang totoo si Davidson pa rin naman ang nagmamay-ari nito. Hindi niya hahayaang may makakuha sa babaeng nagpapabaliw sa kanya.DAVIDSON Bago ako umuwi may nalaman ako mula kay Auntie. Tandang tanda ko pa ng makwento niya sa akin na may pasyente siyang nagngangalang Ashley Alcantara. Kaya naghanap agad ako ng picture nito online. At may nahanap naman ako kaso nga lang medyo bata pa siya rito kaya naman nagtry ako maghanap kay Uno ng medyo latest picture nito at nakita ko ang mismong account nito at agad kong ipinadala kay Auntie. "Auntie may I know if this girl in the picture the one that you told me?" laman ng email ko. Medyo matagal sumagot ito at baka busy. Pero malakas ang kutob ko na ito ang tinutukoy niya. Naghintay pa nga ako nga ako ng ilang oras at boom nagreply na nga si Auntie. "Yes, she is Ashley Alcantara. Do you know her, hijo?" tanong ni Auntie pero hindi agad ako nakapag reply sa excitement na naramdaman ko. Alam ko na ako ang daddy ng dinadala nito dahil virgin siya ng makuha ko at isa pa binilang ko kung ilang buwan na siyang nagdadalantao at tumutugma naman ito sa buwan na may n
ASHLEY Nagulat ako ng makita ko si Mr. Alcala na nasa labas ng bahay ko. Ang huling kita lang namin ay nang tulungan niya ako sa problema ko at wala na. Hindi pa nga niya alam na nabuntis niya ako. Hindi ko sasabihin at wala naman akong balak pa. "Ms. Alcantara, nandyan ba ang daddy mo?" tanong nito. Pero ang totoo naman ay ginawa lang nitong alibi na hinahanap ang daddy ni Ashley pero siya naman talaga ang pakay nito. "My dad? Nasa business ventures siya. Sabihin ko na lang na pumunta ka pag bumalik na siya." pagsisinungaling ni Ashley dahil gusto niyang pagtakpan ang pagtatago ng kanyang daddy. At hindi niya rin alam kung saan ito hahanapin pa. "I see. How about Mrs. Alcala? Can I talk to her?" pag-iiba nito ng tanong at gusto kong makaramdam ng pagkairita. Pero hindi ko naman magawa. Kaya nagpasya na lang ako na papasukin nga ito sa bahay. "Wait, tatawagin ko lang ang Mommy ko dyan ka lang sa sala at babalik ako." bilin ko at wala naman akong choice pa. Naglakad ako p
DAVIDSON Natapos ko ang lahat ng mga kailangan ko. At bumalik na ako ng Pilipinas at doon naman ako mag aasikaso para sa year end party ng kumpanya. Marami kasing kailangan pirmahan ako kapag nadating ang year end. Lahat ng funds na gagamitin para sa event ay kailangan kong icheck at i-approved ito bago ang party. May mga nabigay naman na sa akin kaya may mga mangilan ngilan na lang rin naman akong irereview para isubmit ko na ito sa accounting officer. Pag balik ko ng Pilipinas diretso lang muna ako sa bahay dahi napagod ako at bukas balak kong bisitahin ang puntod ng kapatid ko. Matagal tagal na rin kasi ng huling dalawin ko ang kapatid ko. Nang makauwi ako ng bahay pagod ang katawan ko kaya diretso ako sa kwarto ko sabay salampak ng katawan sa kama. Wala akong pakialam sa paligid ko basta na lang akong nakatulog ng mahimbing at di alintana ang mga nangyayari. Kinabukasan nagising ako pasado alas dyes na ng umaga. Nagmamadali na akong bumangon at hindi na nga ako kumain. Nal
ASHLEY Halos manlumo ako ng hindi ko na matawagan si Daddy. Hindi ko alam kung saan ba siya talaga hahanapin. Nahihirapan na ako sa kalagayan ko pero masaya ako na malaman na buhay pa rin ito. Hindi ko muna ipapaalam sa Mommy ko na tumawag sa akin ang Daddy dahil wala naman akong nalaman tungkol rito. Hindi nga kami nakapag usap ng maayos at naputol na ang linya. Hindi tuloy ako mapakali ngayon. Paano ko ba hahanapin ang Daddy ko at saan ako magsisimula. Ang hirap naman kasi talaga maghanap ng ayaw magpakita. Iwinaksi ko na lang muna ang tawag ni Daddy at kailangan kong magfocus sa kumpanya at sa baby ko. Hindi dapat ako nagpapaka stress at kawawa ang magiging anak ko kapag palagi akong magpapaka stress. Lalo sinabi sa akin ng obgyne na kailangan kong mag-ingat dahil nasa risky stages of pregnancy pa ako. Possible pa akong makunan kapag nagpabaya ako sa sarili ko. At iyon ang hindi ko hahayaan dahil dugo't laman ko ang nasa loob ng sinapupunan ko. Maybe, it's not a perfect timing
Nagsimula ang meeting ng tahimik na nakikinig ang lahat. Walang nagsasalita na kahit ano. Ang lahat ay sumasang ayon base sa mga reaksyon nila at galaw ng kanilang ulo. Marami ring mga taong nagta type sa ipad or laptop and even their cellphone except me only to hear what the presentor saying and memorize it. After about one hour presentation. The meeting is adjourned without violent reaction, recommendation and suggestion. Maaga akong umalis dahil may iba akong lalakarin. Gusto ko kapag uwi ko ng Pilipinas wala na akong iisipin pa sa Los Angeles. Nagdrive ako patungo sa restaurant na sinasabi kong magandang puntahan at kainan, bukod sa masarap na food napaka cozy ng place para makapag relax ka talaga. Hindi rin ganon kamahal like the other. Nang makarating ako roon. Nagpark muna ako ng maayos at bumaba ng sasakyan. Naglakad ako papasok ng restaurant at nag hanap ng table. Marami kasing tao roon at dinadayo talaga ng mga tao. Nang makakita ako ng vacant table from a far. Naglakad n
DAVIDSON Nakarecieved ako ng calls mula sa Los Angeles at kailangan kong lumipad papunta roon. A soon as possible ang sinabi sa akin ng business partner ko roon. I have several business in and outside the country. Kaya ngayong gabi lumipad ako pa Los Angeles gamit ang isa sa chopper ko. Hindi ako nagpaalam kay Auntie or kay Uno. Is none of their business naman at isa pa wala naman kaming pakialamanan pa. Naka alis na ako ng bahay at nagpadrive na lang ako kay Mang June. Nakarating kami ng AGE building. At nakapasok na ako sa loob sumakay ako ng elevator at tumaas na ito patungong rooftop. Kung saan naroon ang aking chopper. May private pilot rin na naka assign rito.. Kapag may urgent kasi akong business ventures. Ang choppe ang gamit ko para mas mabilis akong makarating sa pupuntahan ko. Pag bukas ng elevator lumabas na ako at sinalubong ako ni pilot Kevin. Sumaludo lang ako at naglakad papasok sa loob. Mga ilang saglit lang naramdaman ko na ang unti-unti naming pag angat hanggang s







