Share

Kabanata One Hundred Four

Lahat ay labis na nagulat sa aking sinabi na halos lahat ay napasinghap at natigalgal nang sandaling iyon.

“Imposible! Imposible ‘yang sinasabi mo, Helena!” mariing tutol ni Mateo.

“Iyon ang katotohanan, Mateo,” seryosong saad ko.

“Hindi! Imposible ang sinasabi mo. Imposible na maging kapatid ko ang babaeng sumira sa ‘yo. Hindi!” mariin niyang tutol.

“Bakit hindi mo tanungin si Tiyo Emilio? Sa tingin ko may naaalala na siya sa mga nangyari,” wika ko habang nakatingin kay Don Emilio na gulat sa kanyang pagkakaupo at tila may bumabagabag sa kanyang isipan.

“Ama! Sabihin mo po sa akin hindi totoo ang lahat ng iyon! Hindi mo po nagawang pagtaksilan si Ina!” nagmamakaawang sigaw ni Mateo kay Don Emilio.

Nanatiling walang imik si Don Emilio habang pilit na inaanalisa ang mga pangyayari.

“Ama! Sumagot ka!” napapasiphayong sigaw ni Mateo.

Tumingin si Do

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status