Share

Kabanata Sixty-Seven

HINDI ko magawang alisin ang mga titig ko kay Joaquin habang patuloy ako sa pagbihis at kahit nang alalayan ko si Nina na binabalot pa rin ng takot at hindi pa rin natitigil sa panginginig ay ni hindi nagawang mawaglit ng aking mga mata sa kanya.

“Tapos ka na ba?” tanong niya.

“Oo,” maikli kong sagot.

Humarap siya sa akin habang tinitignan si Nina na yakap-yakap ko. Walang imik na lumapit siya sa kinaroroonan namin at naupo sa tabi ni Nina.

“Nina,” mahina niyang tawag sa kanyang kapatid.

Tumingin si Nina sa kanya na may labis na takot. “Kuya…” naluluhang tawag niya kay Joaquin. Umalis siya sa aking pagkakayakap at lumipat sa kanyang Kuya Joaquin.

“Kuya!” humahagulgol na iyak ni Nina. Sa bawat pagtawag at luhang umaagos sa kanyang mukha ay ramdam na ramdam ang hirap na sakit na kanyang pinagdadaanan at sa punto na namang ito wala na naman akong nagawa para sa kanya.

Nanlulumo at nanliliit ako sa sarili ko puro ako salita pero ni kahit isa ay

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status