Share

Kabanata Sixty-Three

TULAD ng ipinangako ni Doña Celestina ay dinalaw niya ako kinabukasan at may dalang pagkain at pamalit ng damit hindi lang para sa akin kun’di pati na para kay Nina. Walang araw na hindi niya ako binisita at sinigurong makakain kami ni Nina ng tatlong beses sa isang araw. Napakapalad talaga ni Helena sa kanyang mga magulang: ina na nag-aalaga at labis na nagmamalasakit sa kanya at ama na handang gawin ang lahat para maipagtanggol lamang siya na kailanman ay hindi ko nagawang maranasan dahil wala akong ama at ina na nasa aking tabi habang ako’y lumalaki, tanging si Lola Linda ang taong labis na nagmalasakit, nag-aruga at nagsilbing tagapagtanggol ko sa mga taong kukutya sa akin. Wala akong ibang pinagkakautangan ng buhay ko kun’di tanging si Lola Linda lang dahil kung hindi dahil sa kanya ay matagal na akong namatay.

“Napakapalad mo, Binibini ‘pagkat mahal na mahal ka nina Doña Celestina at Don Raul,” nakangiting sabi ni Nina.<

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status