LOGINKADADATING lang ni Kalel sa Condo unit niya buhat sa sementeryo. Dinalaw kasi niya ang puntod ng kanyang yumaong ina.
Kumuha kaagad siya ng beer sa refrigerator saka uminom. Hindi naman siya apektado sa mga sinabi ng matanda pero napapaisip pa rin siya kung sakaling totoo nga iyon. Ano ang gagawin niya? Sino naman sa mga nakabangga niya ang babaeng iyon? Sa dinami-dami kaya ng mga tatanga-tangang babae ang nakabangga na niya, kaya sino kaya sa mga iyon?Napapailing siyang naupo sa couch. Pumikit at hinilot ang sintido."How terrible," naibato niya beer in can sa may trash bin. Di ito pumasok pero 'di na niya pinagka-abalahang damputin.Tumunog ang cellphone niya. Kaya tumayo siya para tingnan ang kung sino nag-text. Nang makita kung sino ay mas uminit ang ulo niya.Ang step-mother niya si Shirleyang nag-text. Pinapauwi siya ng bahay dahil may dinner na gaganapin."Why is she inviting me for dinner? Something fishy. She's not like this before," pumikit siya ulit at inilapag ang cellphone sa gilid niya. Humiga siya saka pumikit ulit.Nagkibit-balikat lang siya dahil wala siyang ganang pumunta. Mula kasi ng mamatay ang mommy niya ay tila nawalan na rin siya ng gana na manirahan sa bahay nila at makasama ang step mom niya. Hindi naman naging masama ang turing sa kanya nito pero noong ipagpilitan nitong makipag-date siya kay Briana ay hindi na niya ito nagustuhan. Bakit si Briana, ang dami namang mas magaganda at matinong babae.Hindi niya gusto na diktahan ang mga gagawin niya at desisyon niya sa buhay ng kahit sino maliban sa utos ng ama niya. Hindi naman sa ayaw niya sa step mom niya pero ang hindi lang niya gusto ay ang diktahan pati ang puso niya-kung sino ang mamamahalin niya.Humiga siya sa sofa saka pumikit. Ayaw niya talagang pumunta dahil simple dinner lang naman ito kaso nag-text na rin ang Dad niya. Hindi siya maaaring tumanggi.For almost 10 years of staying in States, he started to feel bored when he already finished his studies. Doon na siya nag-stay mula ng mag-high school at mag-college siya.Ayaw niya sanang sabihin sa Daddy niya na umuwi na siya, gusto niya itong surpresahin kaya labis naman ang kanyang pagtataka kung bakit nalaman ng mga ito na nakauwi na siya. Sa palagay niya ay may mga staffs ng Ayala Entertainment ang nakapagsabi sa Daddy niya. Unang araw kasi ng uwi niya ay doon kaagad siya nagtungo. At doon din niya nakabangga ang babaeng napakayabang at ang unang babae na nagpahiya sa kanya. She's totally freaked."Bakit pa ba ako kailangang pumunta doon?" He hissed, no choice but to obey his Dad.Mabilis siyang naligo at nagbihis. Nag-spray ng pabango niya na may tamang bango at cool aroma saka lumabas na ng condo unit niya.Sumakay na sa bagong niyang kotse. Ipina-junk na kaagad nito ang nasirang kotse noong kamakailan lang. Pwede namang ipa-ayos iyon dahil windshield lang naman ang nasira pero parang sinasakal siyang makita iyon, mas maaalala lang niya ang babaeng sumira noon. Mayaman naman siya kaya anytime makakabili siya ng bagong modelo ng sasakyan.Pagkarating sa labas ng mansion ay kaagad siyang pinagbuksan ng gate ng mga security guards. Expected na siya ang darating dahil ipina-alam niya sa daddy niya ang kanyang sasakyan.Kaagad siyang bumaba mula sa kotse niya.Marami ang napapatingin at napapatiling mga kababaihan ng makita siya. Swabe ang pagkakatayo niya ng makalabas ng kotse.Daig pa niya ang prinsipe. He looks so stunning and handsome in his outfit. Guwapong-guwapo ito sa suot na back long-sleeved at white jeans. Simple lang pero ang astig ng dating. Given na kasing guwapo kaya kahit anong isuot niya ay bagay sa kanya.Pagkatapos ng ilang mga sandali matapos makababa ng kotse ni Kalel ay in-i-welcome siya ng mga guest sa may lawn. Nilagpasan na niya ang mga ito, besides hindi niya mga kilala."Siya na ba si Kalel ang Unico hijo ni Sebastian?" mga bulong-bulungan sa paligid. He acted naturally, 'di nakakabawas ng kaguwapuhan kung dedmahin niya ang mga iyon.Ngumiti lang siya sa mga guests habang napatingin naman ang lahat ng nandoroon habang siya ay nagmamartsa papasok.Mas lumakas ang mga bulungan habang papasok na siya ng bahay."Siya na ba ang anak ni Sebastian?""Yes he is. He's not a kid anymore.""Exactly, he's a grown man, now."Napag-chismisan pa naman siya ng iba ng harap-harapan.Ang ilan ay nagsitanguan lang at ngumiti sa kanya habang dinadaanan niya ang mga ito.Hindi niya inaasahan na isang party pala ang ganap sa mansion at hindi lang simpleng dinner.Agad na nahagip ng mga paningin niya ang isang imahe ng pamilyar na babae sa kanya. Nakatalikod ito habang nakikipag-usap sa mga guest. Hindi na sana siya mag-aabalang lapitan pa ang mga iyon pero napuna siya ng isang guest at ngumiti ito sa kanya dahilan upang lumingon ang babae.Automatikong nagpaalam ang babae sa mga kausap nito at nilapitan siya. "Hi! Long time no see. How are you?"Naging formal ang mukha niya. "I'm fine. How about you?"Ngumiti ito ng napakatamis. "Of course, I'm very fine because I see you now. I miss you so much Kalel," may tunong paglalandi ang boses ng babae.Nagkibit balikat lang siya sa sinabi ng babae. Wala siyang paki-alam sa damdamin nito. He doesn't even like her. He felt irritated everytime he saw Briana's face. "Okay. Please excuse me. I have to go."Pinigil siya nito. "Dito ka na muna, ano ka ba? Ngayon lang ulit tayo ulit nagkita tapos aalis ka na kaagad saka busy pa naman ang Daddy at Mommy mo sa pakikipag-usap sa mga business partner nila. I miss to be with you, please stay.""I'm sorry Briana but I have to go. See you later."Asa ka pa Briana na babalikan ka niya mamaya. Naiirita siyang makita niya ang babae, that's why she should stop acting that you she's important to him.Nainis siya sa ginawa ni Kalel. "Kahit kailan wala ka talagang paki-alam sa'kin. Humanda ka. One of this days luluhod ka rin sa harapan ko. Mark my word."She smirks."See you later."Nakasalubong naman ni Kalel ang Daddy niya. Palabas na rin pala ito. "Good evening Dad,"bati niya sa ama niya. Sunod ay nakipagkamay na rin siya sa mga kasamahan nito."Is he your son, Sebastian?" nakangiting tanong ng mga kasamahan ni Sebastian."Yes, he is. Parang kailan lang bata pa siya ng umalis dito. But now-see, he's a grown man that is capable to handle a big responsibility," masiglang tugon ni Sebastian sa kasamahan niya. Binalingan siya ng ama niya."Am I right son?" baling nito sa kanya.Ngumiti lang siya at tumango dahil hindi niya alam ang isasagot sa ama niya. Hindi naman niya alam kung ano ang ibig nitong sabihin."Sir, dinner is ready," anang receptionist.Tumango lang sila at nagsitungo na sa mesang inilaan para sa kanila.Nagsitipon na ang lahat dahil magsisimula na ang dinner. Pagkatapos nito ay may nagkahandang surpresa para sa lahat. Wala namang nakakaalam kung anong surpresa ang tinutukoy ng mga guest.Kasama ng step mom niya si Briana at piniling umupo sa tabi niya. Hindi tuloy siya makakain ng husto dahil naiirita siya sa babae na nagpapansin sa kanya. Inaapak-apakan kasi nito ang paa niya. Sarap tuloy batukan ang babae pero nagtitimpi siya para hindi masira ang party.Naunang nagtapos ng pagkain si Sebastian at pumunta sa harapan. May i-a-anounce siguro ito dahil nakahawak na ito ng microphone."Good evening ladies and gentlemen, please lend me your ears for this few announcement. Hindi matatapos ang gabing ito na hindi ko naipakikilala sa lahat ang aking unico hijo na si Kalel at taga-pagmana ng Ayala Entertainment at Monteverde Groups of Company. Anak, samahan mo na ako dito sa gitna."Halos hindi siya makapaniwala na ipinakilala na siya ng ama niya sa publiko. Di niya inisip na after so many years ay maisasa-publiko ang pagkatao niya.Lumapit naman siya sa kanyang ama kahit napipilitan. Ayaw niyang mapahiya ang ama sa mga tao."Please welcome our new Ayala Entertainment CEO, my son Kalel," sunod na pahayag ng ama niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin o sasabihin man lang. He is still on the process, he never expected this to happen. Kung iisipin nga dapat siyang magpapasalamat sa daddy niya na siya ang magiging CEO ng Ayala Entertainment dahil sa Mommy niya ang companya na ito. Hindi naman niya gusto na mapunta sa step mom niya ang pamamahala. Wala siyang tiwala kay Shirley, basi s pagkatao nito ay hindi niya kayang pamahalaan ang kompanya ng yumao niyang ina."Dad, why? Bakit napa-aga naman ang pagiging CEO ko? I can't handle this," protesta niya. Halos ibinulong lang niya ang sinabi niya.Ngumiti lang ang Daddy niya. "I know but I think you can do it. You're already 25 years old, right?"sagot nitong puno ng determinasiyon.Kahit labag sa kalooban niya ay tinanggap niya ang kagustuhan ng Daddy niya. Nagbigay din siya ng maikling speech para sa mga tao.Nagpalakpakan naman ang mga guest. Hindi nila alam na labag iyon sa kalooban niya. Wala siyang magawa kundi ang tanggapin ang pagiging CEO.Ngayon na siya na ang magiging CEO ng Ayala Entertainment ay masusubukan na ang galing niya na pamahalaan ang kanilang kompanya,di niya alam kung kaya niya itong gawin.Labis naman ang ngiti ni Briana ng marinig ang announcement. Siguro tuwang-tuwa ito dahil gusto niyang akitin ang lalaki para mapasa-kanya na ng lubusan.Pinalabas naman sa television ang pag-aanunsyo ng bagong CEO ng Ayala Entertainment. Nakilala siya ng buong bansa na siya na ang bagong youngest CEO ng taon.Pagkatapos ng gabing iyon ay agad na siyang umuwi at nagkulong sa condo unit niya. Hindi pa talaga siya makapaniwala sa kanyang pagiging CEO. Hindi naman niya pinangarap na magkakaroon ng malaking responsibilidad. Naisip niyang sana hindi na lang umuwi ng Pilipinas.LUNES ngayon at ito ang unang araw na siya na ang mamamahala sa kompanya. Dahil hindi pa niya alam ang tamang pasikot-sikot ng kompanya ay tuturuan muna siya ng daddy niya. May one week training siya at pagkatapos noon ay siya na lang ang bahalang gumawa ng mga tungkulin niya.Nagpatawag ng board meeting si Sebastian, ang daddy ni Kalel. Lahat ng staffs ay dumalo kabilang na si Bunny. Napag-usapan ang maraming pagbabago sa pamamahala ni Kalel.Also this coming month ay may i-la-lunch na bagong magazine ang kompanya. Si Sebastian mismo ang nagmungkahi na si Mayumi ang kukuning cover ng magazine dahil sa pagiging sikat nito at umani ng magagandang feedback mula sa madla.Natapos ang meeting at tanging ang mag-ama na lang ang naiwan upang mag-usap.Kaagad nagtanong si Kalel. "Dad, who is Mayumi?" he asked curiously.Natawa ang daddy niya. Sikat ang babae pero hindi niya ito kilala. "She's Mayumi Suarez Collins. She's a beautiful and famous actress in our country today. She is perfect to be the cover of our newest edition of this year-end magazine. Hindi mo ba siya kilala?"Medyo nagulat siya sa kanyang narinig. Naaalala niya ang pangalan na iyon. Ito kasi ang babaeng minsan na niyang naka-away dahil muntik na niya itong maligis ng kotse sa may parking lot ng Ayala Entertainment several days ago.Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay nabasa niya ang pangalan ni Mayumi sa Magazine na binato nito sa mukha niya."Is there anything wrong with her?" puna ng Daddy niya ng makita siya nitong nagulat."Nothing. But Dad, are you sure with her?""Why? May problema ba sa kanya? Kung gusto mo palitan natin siya. Si Briana pwede naman siya, hindi ba?""No, Dad. She's okay. I don't want to see Briana. I don't like her to be with."Natawa naman ng bahagya si Sebastian. "Ikaw ha, bakit naman? Parang sukang-suka ka yata sa kanya ah? Dahil ba iyan sa gusto ng Tita Shirley mo na siya ang i-date mo?""Somehow, lets not talk about her anymore Dad. Let's focus on my training."Natawa na talaga ng husto si Sebastian sa naging reaksiyon ng kanyang anak. Hindi ito nagmana sa kanya na chicks boy noong kabataan niya. Buti na lang at hindi ito nagmana sa kalokohan ng ama niya noon.HABANG isinasawaga ng doctor ang operasyon ay nasa labas lang si Mayumi naghihintay ng mga posibilidad, maganda man o masama. Agad na lumapit sa kanya sina Michelle at Auntie Maya na kitang-kita ang pag-aalala at pagtataka sa mukha.“Yumi! Ano ba talagang nangyari?!” bungad ni Michelle habang hawak ang braso ni Mayumi. “Sino yang lalaking yan? Bakit duguan? At bakit dito mo pa dinala sa isla? Delikado ba siya? O may humahabol sa kanya?” Sunod-sunod ang mga nito.Hindi masisi ni Yumi ang mga ito dahil sobrang bigla nga ng nangyari. Kahit siya, hindi pa rin makapaniwala na nasa harap niya ngayon ang CEO ng Ayala Entertainment na halos kalaban niya palagi.Huminga nang malalim si Mayumi at sinubukang pakalmahin ang sarili bago sumagot.“Mich, Auntie Maya... siya si Kalel. Si Sir Kalel... ang boss ko at anak ni Sir Sebastian,” mahina ngunit malinaw na sabi ni Yumi.Nanlaki ang mga mata nina Michelle at Auntie Maya sa gulat. “Ha?! Si Kalel?! Yung boss mo na sinasabi mong sobrang sungit?!
ISANG gabi, nagbar sina Mayumi at Bunny para mag-bonding. Matapos ang nakakapagod na schedule sa taping at sa opisina, naramdaman nilang kailangan nila ng pahinga—kahit saglit lang. Doon sa isang private lounge kung saan hindi masyadong matao at safe, doon sila nagtungo para kumain, uminom, at magkwentuhan.Matapos ang ilang oras na jamming at tawanan, medyo tipsy na silang pareho. Hindi naman lasing na lasing, sapat lang para mawala ang stress at gumaan ang pakiramdam.“Yumi, uuwi na ako, ha? Inaantok na ako oh,” sabi ni Bunny habang humihikab at inaayos ang bag niya. “Sobrang bigat ng talukap ng mata ko, baka kung ano pa mangyari sa akin kung magtatagal pa ako dito.”Tumawa lang si Mayumi. “Sige na Bun, ingat ka sa daan. Mag-drive ka nang dahan-dahan ha.”“Oo naman! Ikaw din ha? Huwag ka nang magtagal dyan. Umuwi ka na rin agad pagkatapos mo,” paalala ni Bunny bago tuluyang umalis.Naiwan si Mayumi sa mesa. Tinitigan niya ang natitirang isang shot ng vodka sa harap niya. “Isa na lan
NATAPOS na ang anim na buwang bakasyon ni Mayumi sa Batangas. Anim na buwan ng kapayapaan, ng mga ngiti ng matatanda, hiyawan ng mga bata, at simoy ng sariwang hangin sa isla. Panahon na para bumalik sa Maynila at harapin ang reyalidad ng trabaho. Umaasa siya na baka nagbago na ang ihip ng hangin at baka naging mabait na si Kalel.Ang katotohanan ay, sa bawat araw na lumilipas sa Batangas, may bahagi ring nag-iisip siya kung paano na ang mga proyekto sa Ayala Entertainment, kung paano na si Kalel—kung nagbago na ba ito. Nami-miss niya nga ba ang masungit na boss? Hindi niya masabi, pero may kuryosidad.Ngunit, nagkamali siya.Pagpasok niya sa opisina, sinalubong siya ng malamig na tingin ni Kalel. Walang "welcome back" o ngiti, tanging seryosong ekspresyon na parang hindi siya umalis ng kalahating taon."Late ka ng limang minuto. Start working now," malamig na sabi nito at tinalikuran siya, ibinalik agad ang dating realidad.Parang binuhusan siya ng malamig na tubig. Wala talagang pin
ANG pagbabalik ni Mayumi sa Batangas ay para sa paglanghap ng sariwang hangin matapos ang mahabang pagkakakulong sa mausok na siyudad. Hindi na siya ang stressed at laging busy na tao. Ngayon, siya si Mayumi – ang babaeng may malaking ngiti, ang babaeng masaya sa simpleng mga bagay, masayang makasama ang mga tao sa isla, ang makatulong sa nursing home at sa mga bata. Masaya siyang makabalik at manatili ng matagal dito sa isla Verde. Marami siyang magagawang makabuluhan kasama sina Michelle at Auntie Maya. Bukod sa pagiging malapit sa mga tao ang pinakagusto niya sa lugar ay ang bahay nina Michelle, na nasa tabi mismo ng dalampasigan, na parang isang paraiso. Ang tunog ng alon, ang amoy ng dagat, at ang sariwang simoy ng hangin ang palaging hinahanap ng sistema niya.Dito niya tunay na natagpuan ang kapayapaan. Tahimik ang buhay, presko ang hangin, at ang pinakamahalaga, wala si Kalel. Pangalan pa lang nito ang maririnig niya ay inis na inis na siya. Ngayon kinalimutan muna niya an
MATAPOS isulat at pirmahan ang resignation letter, malalim na bumuntong-hininga si Mayumi. Tinitigan niya ang papel na nasa mesa at ngumiti nang mapait pero puno ng determinasyon."Bye-bye na sa trabaho, bye-bye na sa sungit at antipatikong boss na 'yan! Hindi ko na kaya! Sobrang nakaka-drain na," bulong niya sa sarili habang pinapatungan ng stamp ang papel.Buong-buo na ang loob niya. Alam niyang ito na ang tamang desisyon para sa kanyang sarili. Hindi na niya kayang manatili sa lugar na puro stress at away lang ang hatid sa kanya. Enough is enough.Kinabukasan, maaga pa lang ay pumunta na siya sa opisina. Suot niya ang pinakamaganda niyang outfit, parang wala lang sa kanya pero deep inside, kinakabahan din naman siya. Dumiretso siya sa opisina ni Sebastian at ibinigay ang envelope na naglalaman ng kanyang resignation letter.Nang mabasa ito ni Sebastian, napahawak siya sa kanyang sintido. Alam niya ang ugali ng anak niyang si Kalel at alam niyang hindi naging madali para kay Mayumi
BUONG-BUO na ang isipan ni Mayumi na bumalik ng Maynila. Isang linggo na siyang nasa probinsya at sa tingin niya ay sapat na iyon para magpalamig ng ulo at mag-isip nang malalim tungkol sa mga nangyari. Kahit na masaya at payapa ang buhay doon, alam niyang kailangan niyang harapin ang mga responsibilidad at mga taong naiwan niya sa siyudad.Pagdating niya sa Maynila, dumiretso siya sa Ayala Entertainment dahil ipinatawag siya ni Sebastian. Gusto ng boss niya na maliwanagan ang lahat tungkol sa nangyari sa Ifugao at sana ay magkaayos na sila ni Kalel. Alam ni Sebastian na may pinagkakaabalahan sila at gusto niyang ayusin ito bago pa lumala ang sitwasyon.Pero bago pa dumating si Sebastian, nagkasalubong na sila ni Kalel sa lobby ng opisina. Agad na sumama ang itsura ng mukha ng lalaki nang makita siya."Talagang may mukha ka pang magpakita pagkatapos mo akong iwan sa Ifugao. At ngayon mo lang din naisipang bumalik?""Wala akong dapat ipaliwanag sa iyo. Nandito ako para makausap si Sir
"HUMINTO KA! Huwag kang tumakas kung talagang matapang ka. Harapin mo ako," sigaw ni Mayumi sa kaaway niya. Nasa shooting siya ngayon. Siya ay si Clarisse sa bago niyang role, isang bodyguard ang ginagampanan niya. Nasa habulan ang scenes na kinukunan nila ngayon. Nasa kalagitnaan na siya ng daan ng
WALA sa mood na sinundo ni Kalel si Mayumi sa condo unit nito. Alam na niya ang room number nito dahil sinabi na ni Sebastian ang details ng tirahan ng babae. Nag-doorbell siya. Kaagad na bumukas ang pinto at sumungaw ang napakagandang dilag. Ngumiti si Mayumi sa kaniya kaso fake iyon."Let's go," ti
MAAGANG nagising si Mayumi upang maghanda ng sarili para sa Imbayah festival. Nagsuot siya ng katutubong damit na bagay sa kaniya. "I'm excited," maikli niyang sabi saka naglagay ng kaunting makeup. Pinasadahan ang mukha sa malaking salamin, "perfect!"Lumabas na siya ng banyo at nakita niyang gising
PAGKAUWI ni Briana galing Ifugao ay dumiretso siya sa kaniyang Tita Shirley, nagsumbong siyang iniwan siya ni Kalel sa Ifugao at muntik pa siyang maligaw pauwi dahil hindi niya kabisado ang lugar. Galit na galit siyang nagsumbong ng mga nangyari. In the first place, siya ang may kasalanan nun, siya







