Share

5

NABULABOG ang pagtulog ni Mayumi ng gisingin siya ni Bunny. Ang sarap-sarap nang kaniyang tulog pero biglang nasira ang mood niya nang magising siya. Wala naman siyang dapat gawin ngayon kundi ang matulog buong araw. Sa susunod na linggo pa naman ang next taping nila, that's why, she's free this time.

Kahit hindi pa siya nakadidilat ng mga mata ay kaagad siyang nagtanong kay Bunny kung bakit parang may emergency nang yugyugin siya nito.

"Is there anything wrong, Bunny? Inaantok pa ako," tanong niya habang nakatalukbong pa rin ng kumot.

"Gumising ka na. May mga ibabalita ako sa'yo. It's a good news and at the same time bad news," anito.

Nakapikit pa rin ang mga mata niya, tila walang ganang bumangon at pakinggan ang mga sasabihin ng manager niya. "Sabihin mo na muna ang good news saka na ang bad news at nang sa ganun makabalik na ako sa pagtulog. I want to have a good sleep and I want to relaxed, kahit ngayong araw lang Bunny."

Napapailing na lang si Bunny sa reaksiyon niya. "The good news is, ikaw ang napiling bagong cover ng magazine na i-la-launch next month. 'Di ba ang ganda at hindi si Briana ang napili? Kapag nagkataon tataas na naman ang hangin sa ulo niya at kung parang sino na."

Walang epekto ang sinabi ni Bunny sa kaniya. Nakapikit pa rin ang mga mata niya. Niyugyog siya ulit ni Bunny para malaman kung gising pa ba siya o natulog na ulit. "Mayumi, are you awake? Sige ka. Hindi ko na i-re-renew ang kontrata mo sa Ayala Entertainment this year kapag hindi ka pa diyan gumising."

"I don't care. I'm just listening to you. Please go on. What's the bad news?" sabat niya kay Bunny.

"Huwag na lang. Hindi ko na sasabihin sa'yo dahil baka masisira ang araw mo."

Dumilat siya dahil sa sinabi ni Bunny. "Tell me, please. Kung masira man ang araw ko. Okay lang, dagdagan mo na lang. Kanina mo pa naman nasira ang umaga ko," seryoso nitong sagot.

Bigla namang kinabahan ang baklita. Natakot ito sa kaniyang sinabi. Hindi niya alam na nagbibiro lang si Mayumi ng sabihin niya ito. "I'm sorry Mayumi," napalunok siya ng kaniyang laway. Ngayon pa talaga siya kinabahan kay Mayumi, 'di pa siya nadadala na anytime ay pwede itong magdrama sa harapan niya.

Tumawa naman si Mayumi nang makitang natakot ang baklita. Artista kaya siya at pwede naman siyang magdrama anytime. "Tell me, please."

"Kaloka ka, Mayumi."

"Bunny, naman. Masanay ka na sa akin. Okay, tell me now."

"Okay. The bad news is, bago ang CEO ng Ayala Entertainment. At hindi mo magugustuhan kung malalaman mo kung sino siya."

"Hindi magugustuhan?" she laughed sarcastically. "I don't care. Babae ba o lalaki? Name please," dagdag pa niyang tanong, natatawa pa siya ng mga sandaling iyon.

Napalunok si Bunny ng kaniyang laway nang hindi man lang kakikitaan ng pakialam si Mayumi.

Natawa naman si Mayumi nang makita ang reaksiyon ni Bunny.

"Tell me, please. Kanina mo pa ako binibitin, sino?"

Nagkamot muna ito ng batok. "He is Kalel Monteverde, the guy that almost hit you by his car," wika nito na kaagad na namutla.

Nanlaki naman ang mga mata ni Mayumi sabay napatayo mula sa kaniyang higaan. Nasira na tuloy ang araw niya. "What? Papaanong siya? Ano ang kinalaman niya sa Ayala Entertainment?" Nagpupuyos sa galit si Mayumi pagkarinig pa lang ng pangalan ng lalaking malaki ang naging kasalanan sa kaniya.

"Ang yumao niyang ina ang may-ari ng Ayala Entertainment. What should we do? You will renew your contract this year or not?" natataranta na tanong nito.

Tumaas ang kilay niya saka ngumiti ng nakakaloko. Her smile is like a demon disguised as an angel's disguise. "Yes. Why not? I will make him pay for everything," she said, then she laughed sarcastically.

Biglang naguluhan si Bunny sa naging reaksyon niya."Huh? Anong ibig mong sabihin? You will take revenge for him? Hoy, huwag mo nang babalakin iyan baka pagsisihan mo pa sa huli."

"Why not, abir?"

Nagtaas ng kilay ang baklita. "Gwapo ang mokong na 'yon, baka mahulog ka sa kaniya, and in the end, ikaw lang naman pala ang masasaktan."

Natawa naman ulit si Mayumi sa sinabi ng manager niya. "Na-a-adik ka na siguro sa panonood ng telenovela, Bunny."

Hindi naman nangyayari sa totoong buhay ang mga sinabi niya. Sa mga palabas lang ito sa TV at sa mga nobela kadalasang nangyayari. Ni hindi nga siya mahilig manood ng TV o magbasa. Hindi siya naniniwala sa mga ganito. Only she thinks is to take revenge. At iyon lang ang intention niya. Wala ng iba pa.

Tuluyan na siyang bumangon at nag-ayos ng sarili.

"Bunny, I want to go to Batangas, if we don't have any important appointments today. I think I'm gonna be there for three days," aniya saka kaagad na nagtungo sa banyo para maligo.

"Teka lang bago ka pumunta roon sa kaibigan mo, pumunta muna tayo sa Ayala Entertainment. Gusto ka makita ni Mr. Sebastian Monteverde." Hindi alam ni Bunny kung narinig ba siya ni Mayumi o hindi.

UMUPO na lamang muna si Bunny sa may couch at matiyagang hinintay ang alaga niya na matapos maligo.

Kahit palagi siya nitong pinagtitripan at sinusungitan ay nasanay na siya sa dalaga. Napamahal na rin siya sa ugaling mayroon si Mayumi. Parang bestfriend at kapatid na ang turingan nilang dalawa sa loob ng 7 taon niyang pamamayagpag sa mundo ng showbiz.

Dati isang simple at tahimik lang siyang manager pero ngayon sikat na rin siya dahil kay Mayumi. He owe everything from her, kaya hindi niya ito kayang pakawalan o masaktan. To the rest back siya sa mga nang-aaway sa dalaga.

PAGKALABAS ni Mayumi sa banyo ay diretso siyang nagbihis at nag-ayos ng sarili. Naglagay ng kaunting makeup para maging natural lang ang looks niya. She wears jeans and beige off- shoulder. Tama lang, bumagay naman sa kaniyang maputing balat. She's gorgeous inside and out.

Lumabas na siya baka nainip na si Bunny sa kahihintay sa kaniya. Mismo.

"Let's go," sabi niya saka naunang lumabas ng pinto. Sumunod naman sa kaniya ang baklita palabas.

As usual nakikisakay lang siya sa sasakyan ni Bunny kahit may sariling kotse naman siya. Tinatamad siyang magmaneho ngayon.

"Bunny, si Sir Sebastian lang ba ang kikitain natin ngayon?" usisa niya habang busy sa pagkakalikot ng cellphone niya.

"Of course not. Lahat ng mga staffs at ang bagong CEO ng Ayala Entertainment ang nandoon sa conference. Today, you're going to signed your new contract with the management and for the upcoming launch of the year-end magazine," paliwanag nito.

"What? Bakit hindi mo kaagad sinabi?"

"Bakit? Kung sinabi ko ba kaagad ang lahat kanina sasama ka ba?"

"Definitely not."

"See!"

"That's not my point, Bunny. Sana nakapagbihis man lang ako nang mas presentable at 'di ganito lang. Talagang sasama naman ako kasi gusto kong makita ang antipatikong lalaking iyon, gusto ko siyang patayin," natawa pa siya sa kanyang sinabi.

"Really?"

"I'm just kidding."

Natawa naman si Bunny sa sinabi niya. Akala kasi nito na nagagalit siya dahil sa nalamang nandoon din si Kalel. "It's okay, you still look gorgeous with your simple outfit."

"Bunny! Nakakainis ka. Binobola mo na naman ako."

"Hindi kaya. Maganda ka kahit na nakapajama at naka-t-shirt ka lang. Inggit nga ako sa'yo e. Kung ganiyang mukha ba naman ang nakuha ko, edi marami akong boylet."

Tumawa na lang si Mayumi mula sa sinabi ng manager niya. Kumuha ng salamin sa maliit niyang bag saka nanalamin. Tiningnan niya kung maayos lang ba talaga ang itsura niya. Hindi naman sa gusto niyang magpa-impress ng looks mamaya kundi para malaman kung okay lang ba ang itsura niya kapag makaharap niya ang mag-ama. At baka kukutyain siya ni Kalel dahil sa ayos niya.

Hindi naman siya pinakialaman pa ni Bunny. Nag-focus na lang siya sa pagmamaneho.

NANG makarating sila sa Ayala Entertainment ay kaagad na bumaba si Mayumi ng sasakyan saka ipinarada naman ni Bunny ang kotse.

Pagkatapos sabay na silang pumasok.

Matagal na siya sa showbiz industry pero ngayon ay kinakabahan siya at parang gusto niyang sumabog sa galit, pero kailangan niyang kumalma.

Makikita ba naman niya ang lalaking nagpakulong sa kaniya ng walang dahilan. Umiinit ang ulo niya sa tuwing maalala ang ginawa nito sa kaniya.

"Mayumi, are you okay?" Nahalata siya ni Bunny na parang masama ang expression ng mukha niya.

"Of course, I'm fine."

Pinakalma niya ang kaniyang sarili. Pumasok na sila sa may elevator. Pagbukas nito ay diretso na sila sa conference room.

Naunang pumasok si Bunny, sumunod lang siya at pinakalma muli ang kaniyang sarili. She needs to act professional sa harap ng karamihan.

PAGKAPASOK niya ay tumambad kaagad sa paningin niya ang kabuohan ng kinakainisang lalaki. Gwapong-gwapo ito sa suot nitong black suit.

Napakurap-kurap niya ang mata niya. Pero denidma niya ito sa huli.

Sumama naman ang titig nito sa kaniya ng mapatingin sa kinatatayuan niya ang lalaki. Kaya kaagad niyang binawi ang tingin at hinarap ang mga nandoon at ngumiti.

"Good morning Mayumi, please have your seat," anang Sebastian.

Ngumiti lang siya saka umupo na sa nakalaang upuan para sa kaniya.

Pagkatapos ay nagsalita kaagad si Kalel patungkol sa mga bagong patakaran. Sunod ay para sa bagong year-end magazine.

Hindi naman siya gaanong nakinig dahil naiinis siya sa boses ng lalaki. Manly naman ang boses nito pero para sa kaniya parang sintunado. Malayo ang focus ng isip niya. Excited kasi siyang magbakasyon sa lugar ng kaibigan niya at bumisita sa nursing home para makita ang mga kabataang pumupunta roon.

"Miss Collins, are you still willing to be part of our Company? Papa-anong magiging cover ka ng magazine namin kung mag-e-end na pala ang contract mo rito," Kalel asked her. Wala itong emosyon ng titigan siya.

Nang marinig ang lalaking nagsalita at tinatanong siya ay naantala ang mga iniisip niya. Hindi niya masyadong narinig ang mga katanungan nito sa kaniya.

"Excuse me. Pardon please."

"Okay. I'll repeat my questions. Miss Collins, are you still willing to be part of our Company? Papa-anong magiging cover ka ng magazine namin kung mag-e-end na naman pala ang contract mo rito?"

Ngumiti siya na parang walang nangyari at tiningnan nang husto ang lalaki. "Yes of course, Mr. Monteverde I always love to be part of Ayala Entertainment. Besides showbiz is my fashion. I will be grateful if I will continuously work with you," sagot niya na ikinatuwa ng lahat.

Wala ng naging sagot pa si Kalel maliban sa pagmasdan siya nito mula ulo hanggang sa kabuuan niya. Nakakailang pero hindi siya nagpapahalata. 'Di siguro ito makapaniwala sa mga sinabi niya.

"Wow. Great job Mayumi. Nice to hear that," sabad ni Sebastian. Masayang-masaya ito mula sa narinig na sinabi niya.

"Thank you for trusting me, sir," sagot niya na puno ng lambing, nakita niyang umigting ang panga ni Kalel. Nagalit ba ito sa ginawa niya? Nainis niya ba ito?

Nagsitanguan at ngitian naman ang lahat ng mga naroon sa conference room maliban kay Kalel na naiinip ang mukha nito. Tahimik lang si Bunny gaya kanina. Ayaw niyang umawat o magsalita man lang.

"Okay, here is your new contract Miss Collins. Please have it signed first. Then we will have a picture takings after," saad ng isang staff.

"Sure," saka tinanggap niya ang documents.

Mabilis niyang natapos permahan lahat ng mga documents. Isa-isang nakipagkamay sa kaniya ang mga staffs at maging si Sebastian. Si Kalel na lang ang naiwang hindi nakipag-shake hands sa kaniya. Wala itong balak, nandidiri ito sa kaniya.

"Hijo, bakit hindi mo pa kinakamayan si Miss Collins? Just congratulate her for being with us again," utos ni Sebastian sa kay Kalel.

Parang wala naman sa modo ni Kalel na i-congratulate ang babae sa pag-re-renew nito ng contract.

Hindi naman nag-eexpect si Mayumi mula sa lalaki. Magkaaway sila kaya pakialam ba niya sa lalaki. CEO lang siya at kaaway pa rin ang turing niya sa lalaki. Pwede naman niyang gamitin ang mga pagkakataon na nandirito siya sa kumpanya para maisakatuparan niya ang mga plano niya.

Nakatayo si Mayumi mahigit dalampung minuto na dahil marami ang nagpapa-picture sa kaniya. Hindi niya alam na na malapit na pala sa kaniya si Kalel.

"Sir Kalel and Miss Mayumi. Smile," wika ng photographer. Kinuhanan sila ng litrato.

Nagulat naman si Mayumi pero hindi niya ipinahalata sa halip ay ngumiti siya at mas lumapit sa lalaki. Humawak siya sa braso nito na ikinabigla naman ni Kalel.

Napangiti naman siya. Ini-enjoy niya ang bawat kuha sa kanila ng picture. Kahit peke iyon dapat na lumabas pa ring natural.

"Get off your hands on me b*tch," bulong nito sa kaniya. Tinutukoy nito na kunin niya ang kamay niyang nakahawak sa braso nito. What if ayaw niya? Gusto niya itong asarin ng sobra.

Nagbibingi-bingihan lang siya sa sinabi nito. "Mamaya na. Kumukuha pa sila ng pictures. Don't worry hindi ko makakalimutan ang kasalanan mo sa akin Mr. Kalel Monteverde. Our beloved CEO," mahina niyang wika saka umismid.

"What? Are you crazy?"

"Maybe, you are."

Hindi na siya pinansin ni Mayumi. Sa halip tudo awra lang ito sa camera. Hindi niya pinapansin ang naging reaksyon ng lalaki. Abir, mag-collapse pa ito sa sobrang galit wala siyang pakialam.

"Last picture," anang photographer.

Pagkatapos ng huling picture ay binitawan na siya ni Mayumi at nagtungo na ito sa kinauupuan ni Bunny.

"Bunny, I have to go. Mauuna na ako sa'yo. Call me, if may mga urgent dito. Thanks."

"Sige. Mag-ingat ka. Kapag may problema ka roon kina Michelle, feel free to contact me, okay?"

"Sure."

NAGPAALAM si Mayumi kina Sebastian at sa mga kasamahan niya na mauuna na siyang aalis. Nakita niyang masakit ang mga paningin ipinukol sa kaniya ni Kalel.

"Mamatay ka na sa galit, Kalel," usal niya saka natatawa na pumasok ng elevator.

Habang si Kalel ay galit na galit na pumunta sa opisina niya. "How could she do this to me? How pathetic. Damned that woman."

Hinanap ni Sebastian ang anak pero hindi niya ito natagpuan sa kahit saang sulok ng conference room kaya pinuntahan niya ito sa opisina nito.

"Oh. Nandito ka lang pala? Kamusta naman ang pakikipag-usap mo kay Mayumi? Is it good?"

"No, Dad. We're not a good match. I really hate her," he growled.

Nagulat si Sebastian sa sinabi nito. "Ow? why? Nagkakilala na ba kayo dati or nagka-away?"

"Yes, we are. Hindi maganda ang unang pagkikita namin Dad. Hinagisan ako ng babaeng 'yon ng magazine sa mukha, when I never recognized her. At talagang hindi ko siya kilala that time kahit na sikat pa siya dito sa Pinas. I hate her so much," pagsusumbong nito. Kasalanan din naman niya ang nangyari sa kaniya. Hindi lang niya ma-admit sa sarili na may kasalanan din siya. Sa subrang excitement niyang makita ang ama niya ay muntik na niyang masagasaan si Mayumi at imbes na siya ang magsorry ay hindi niya ginawa.

"Ganun pala? Don't act like that. Hayaan mo na 'yon. Baka may kasalanan ka rin naman sa kanya. Mabait ang batang iyon. Matagal ko na siyang kilala kaya baka misunderstandings lang 'yon. Malaki ang project niya sa company natin kaya, be nice with her, okay?"

Bumuga siya ng hangin saka tumayo. "Okay, Dad. Kapag hindi ko pa ulit magustuhan ang ugali niya, I will fire her."

"Huwag mo iyang gawin. She gave fame to our company kaya be nice to her. Kung makilala mo talaga siya, magugustuhan mo si Mayumi."

"Hindi ko maipapangako sa'yo, Dad. Basta ako ang magdedesisyon kapag gusto ko siyang tanggalin sa kumpanya. Marami pa ang magaling na artista ang papalit sa kanya."

"Ow? Okay. Pero pagsisisihan mo ang gagawin mo kapag nagkataon. Try to be good to her. By the way, next week kailangan na nandoon ka sa photoshoot para ma-assess mo ang kakayahan niya bilang isang magaling na model at actress. Ikaw na ang bahala sa susunod na gagawin mo. I'll go first. I have another meeting to attend."

Naiwan si Kalel na nakatayo. Maya-maya pa ay umupo siya sa kaniyang swivel chair. Naikuyom niya ang kaniyang kamay sa labis na inis. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata.

Mas nainis pa siya ng maalala ang una nilang pagkikita hanggang sa pangyayari kanina. He really hates her for no reason. Hindi niya alam kung bakit galit na galit siya sa babae.

Sa pagkabagot tumayo siya at tinawagan ang mga kaibigan niya para lumabas at mag-hang out. Gusto niyang makalimutan ang mga pangyayari kanina at pati na si Mayumi. Mabilis siyang umalis at nagtungo sa napagusapang lugar.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status