LOGINMATAPANG na sinugod ng isang kabit ang asawa ng lalaking kinakasama nito. Intense ang mga pangyayari sa pagitan ng dalawang babae na nagmamahal ng iisang lalaki.
“Akin lang si Mikael, Amanda!” bulyaw ng babae. Parang tigreng mangangagat na kahit anong oras ay gusto siyang sunggaban nang matatalim nitong pangil.
“Anong sa ’yo lang ang asawa ko? Hoy babae kabit ka lang ng asawa ko kaya tigilan mo na ang kahibangan mo!” Ganti ni Amanda sa babaeng sumugod sa kaniya.
“Anong silbi ng pagiging asawa mo kung sa akin na siya sumasaya ngayon? Alam mo, kung magaling ka lang sana sa kama e ’di sana hindi na maghahanap ng iba ang asawa mo,” sarkastikong sabi ulit sa kaniya ni Rosalinda na puno ng pagmamayabang. Ang dakilang kabit na kung makapag-asta ay daig pa ang totoong asawa.
“Aba? Look at me! ’Di yata’y mas maganda at sexy ako kumpara sa ’yo. Siguro ahas ka at may dugong higad kaya mo nakuha ang loob ng asawa ko. Pero ngayon, hindi ko na hahayaan na magtatagumpay ka sa binabalak mong pag-agaw sa asawa ko.” Galit niyang saad na mas lalong ikinagalit ni Rosalinda sa kaniya. Na-hurt ang ego ng babae at nainsulto kaya mas lalo pa itong nagalit sa kaniya.
Hinablot siya ng babae at itinulak. Nawalan siya ng balanse at natumba. Pero mabilis naman siyang tumayo at gumanti. Sinakal niya ang babae nang mahigpit. Nagkaroon na siya ng pagkataon na maipatikim sa malanding higad ang premyo nito para sa pang-aagaw sa asawa niya kaya itutudo na niya ito. By hook or by crook.
Nagpupumiglas ang babae dahil hindi na ito masyadong makahinga.
Lumaban din si Rosalinda at nakipagsabunutan sa kaniya. Natumba sila sa lupa at nagpagulong-gulong. Hindi binitawan ang isa’t isa.
“Akala mo Briana hindi kita papatulan, kung ang bawat kilos mo ay tutuhanan na! Hindi na ito kasali sa script kaya humanda ka!” mariing saad ni Mayumi na mas lalong diniinan ang kaniyang mga kuko sa ulo ni Briana.
“Aray! Akala mo ba Mayumi, magpapatalo ako sa ’yo?” Briana laughs sarcastically. “No way!” Ani nito sa kaniya saka mas diniinan din ang pagsabunot sa kaniya.
Hindi nagpatinag si Mayumi, sa halip ay mas lalong ininis niya ang babae. Dahilan para magkasakitan na talaga sila ng husto.
“Sige pa. Iyan lang ba ang kaya mo?” sarkastikong tanong niya sa babae saka sinampal ito nang todo na ikinabigla naman nito. Hindi nito inaakala na gagawin niya iyon.
“Talaga bang sinasagad mo na ang pasensya ko, Mayumi?” galit na wika ni Briana na napahawak sa mukha niya.
Gaganti na sana ito ng sampal sa kaniya, pero mabilis siyang nakailag, dahilan para sugurin niya ito ulit at sabunutan.
Napansin naman ng kanilang director ang kakaibang girian sa pagitan nilang dalawa.
“Cut!” sigaw nito para tumigil na ang dalawa, pero hindi sila nagpa-awat at huminto. “I said cut!” sigaw nito ulit sa megaphone. Inutusan na nitong awatin ang dalawa.
“Ano ba ang nangyayari? OMG. Awatin na ninyo ang dalawa!” natatarantang sigaw ni Bunny.
Kaagad na lumapit sa kanila ang mga taong naroon at inawat sa ginagawa nilang gulo.
Parehong sabog ang kanilang mga buhok at nasira na ang kanilang mga damit.
Nilapitan naman siya ng manager ni Briana at tinaasan ng kilay.
“Hoy bruha! Anong tinitingin-tingin mo at tinataas mo ng kilay mo si Mayumi? Anong drama na naman ang naisip ninyo ng bruha mong alaga?” nanggagalaiti na tanong ni Bunny sa manager ni Briana na si Rubi.
“Wala lang. Natutuwa lang ako dahil sa mga eksena. Ang galing talaga ng alaga ko ano?” nakangising wika nito habang nakapamaywang.
Matalim na titig ang ipinukol ni Mayumi kay Briana habang inaayos niya ang sariling buhok.
Gosh! Nanggigigil talaga siya sa bruhang ’yon. Matagal na itong may galit sa kaniya na hindi naman niya maintindihan kung saan nanggagaling ang galit nito. Gayon sa pagkaka-aalam niya ay wala siyang tinatapakang tao at higit sa lahat purely business lang ang pag-aartista niya.
Kahit masakit ang ulo niya, hindi niya iyon ipinahalata. Ipinapakita pa rin niyang okay lang siya. Ayaw niyang magmukhang katawa-tawa at talunan sa paningin ni Briana.
“Mayumi, ayos ka lang ba?” agad na tanong ni Bunny sa kaniya. Puno ito ng pag-aalala nang inabutan siya ng facial wipes.
Tinanggap naman niya iyon.
Ngumiti siya at nagwika. “Yes, of course. Tingnan mo ang mukha ko ’di ba walang may nasirang make-up?” kompansiyadong turan niya.
“Anong wala, huh?” Ani nito. “Sino ba ang nauna na gumawa ng kabalastugan? Siya ba? Nako! Pigilan mo ako at masasampal ko iyan.” Ani nito habang tumataas-baba ang mga balikat sa pagpipigil sa galit nito para kay Briana.
“Bunny, tama na! Away lang namin iyon at huwag ka nang makisali dahil mas lalo pang lalaki ang gulo,” saway niya.
Tumingin naman ng masama sa kanila si Briana. Halatang nagpupuyos din ito ng galit sa kaniya. Parang gusto siya nitong suggaban at lunukin ng buhay.
Nginitian naman niya ito nang nang-aasar bago tumalikod. Sumunod sa kaniya si Bunny hanggang sa makalapit sila sa kanilang director na halatang stress din dahil sa nangyari.
Mayamaya ay lumapit din si Briana. Kasama ang manager nito.
“Kayong dalawa, bakit kayo nag-aaway, huh?” galit na tanong nito.
“Direk, hindi po kami nag-away ni Mayumi. We just did our best para mas maging makatutuhanan ang scene namin.”
Nangunot ang kaniyang noo nang tingnan niya ito.
“Hoy bruha! Anong best ang sinasabi mo? Ang sabihin mo, sinasadya mong saktan ang alaga ko,” sabad ni Bunny.
“Hindi ko sinaktan si Mayumi.”
“Yes you did.” Giit pa nito.
“Tama na. Okay, next week na lang natin itutuloy ang shoot na ito para sa next episodes or shall I say last episodes na pala. Magtatapos na ang unang teleserye na magkakasama kayo. Sana sa susunod ay hindi na kayo magkakasama para walang problema. I have to go at dapat na mag-ayos na kayo. Ayaw ko nang may girian sa pagitan ninyong dalawa,” sabi pa nito at kaagad nag-walk out sa harapan nila.
Kaagad din naman siyang tumalikod at umalis, kasama ang kaniyang manager.
“Tara na Briana, umalis na tayo.”
“Mauna ka na. Susunod na lang ako,” sagot nito.
“Ano pa ba ang gagawin mo? Halika na.”
“Just go ahead. Susunod ako. May tuturuan lang ako ng leksiyon.” Ani nito saka tumalikod agad.
Nangunot na lamang ang noo ng bakla habang sinusundan nito ng tingin ang babae. Pero mayamaya, napabuntong-hininga na lamang ito at umalis na rin.
“Masaya ka na ba, Mayumi?”
Kunot ang noo na napahinto si Mayumi at lumingon sa kaniyang likuran. Nakita niya si Briana.
“Of course, I am. Bakit, ikaw hindi pa ba?” sarkastikong sagot niya. Tinaasan niya rin ito ng kilay saka sarkastikong nginitian.
“Hindi pa hanggat hindi ka pa nawawala sa landas ko. Ito ang tandaan mo. I will do everything to see your loss. Sa akin pa rin ang huling halakhak, Mayumi.” pagbabanta nito sa kaniya.
“Ano ba kasi ang problema mo sa akin, Briana?” tanong niya. “Wala naman akong maalala na may ginawa akong kasalanan sa ’yo, a!”
Ngumisi ito sa kaniya. Pero bigla ring naging seryoso pagkuwa’y. “Inagaw mo na ang lahat sa akin. Ang kasikatan ko noon na ngayon ay nasa sa iyo na.”
She smirks. “As far as I know, wala akong inagaw sa ’yo, Briana. At alam naman nating pareho na hindi ka magaling sa pag-acting. Mas magaling ako kaysa sa ’yo kaya sa akin na pabor ang mga tao. Mas magaling akong umarte kaysa sa ’yo kaya kita nasapawan. Kaya gumising ka na sa kahibangan mo Briana.” Mapanuyang saad niya rito.
“Aba! Ang lakas ng loob mo ano?” Ani nito at pagbubuhatan sana niya ng kamay, ngunit agad naman niya iyong nasalo.
“Paki-usap lang, tumigil ka na, Briana! Ayaw kong saktan ka pero kung sumusubra ka na ay hindi na talaga ako magpipigil pa at talagang masasampal na kita gaya ng gusto mong gawin sa ’kin.” Tiim-bagang na binitawan niya ang kamay nito at hindi na ito nakaimik nang agad niya itong tinalikuran.
Naiwan na lang si Briana na nakatayo at ’di pa rin makapaniwala na kaya siyang labanan ng ganoon ni Mayumi.
Nanggagalaiti namang tumalikod na rin si Briana at tinungo ang kotse nito.
“What’s wrong?”
Hindi nito sinagot ang manager saka binuksan na ang passenger seat pero hindi agad ito pumasok. Masama pa rin itong tumungin sa direksyon ni Mayumi.
“Pasok na at nang maka-alis na tayo, Briana.”
“Hindi pa sila nakakaalis kaya huwag muna.”
“Let’s go, Mayumi.” Anang Bunny sa kaniya. “Baka ma-stress pa lalo itong beauty ko dahil sa Briana na ’yan.” Nakakainis ito nang husto. “Gusto ko siyang mawala sa landas mo.” Dagdag pa na saad nito.
Bigla namang kumunot ang noo ni Mayumi sa narinig na sinabi ng kaniyang manager.
“Oh, ano naman ang gagawin mo?”
“Hahanapan ko ng baho ang babaeng iyan saka ibubulgar ko at nang makatikim ng kamalasan sa buhay niya,” wika nito saka pabirong humalakhak. “Ay, teka, saan ba kita ihahatid? Sa condo mo ba o sa bahay ninyo?” nang mapaandar na nito ang kanilang sasakyan.
“Sa St. Phillip cemetery mo ako ihatid, Bunny,” sagot niya saka tumahimik bigla.
Nakasandal lang siya sa gilid ng bintana at nakatanaw sa labas.
“Why?”
“Dadalawin ko lang ang puntod ng mommy ko.” Saad niya saka biglang nalungkot ang mukha.
“Ah. Ganoon ba!”
Hindi na siya nag-abalang sumagot pa. Ngayon niya kasi labis na ramdaman ang pananakit ng kaniyang ulo dahil sa pananabunot sa kaniya ni Briana.
NASA LABAS na ng St. Philip Cemetery si Mayumi. Nagsuot na siya ng kaniyang shades at sumbrero saka pumasok sa gate. Napakatahimik ng buong paligid. Wala rin siyang makitang tao roon. Siya lang ata mag-isa.
Naglakad siya hanggang sa makarating sa puntod ng kaniyang mommy.
Saglit niyang tinitigan ang lapida saka siya umupo sa tapat ng musuleum ng mommy niya. “Mom, I miss you so much. I’ll promise I will give justice for your death. I will make them pay for what they did to you,” wika niya. Mayamaya, nang tumulo ang kaniyang mga luha, mabilis niyang pinunasan iyon.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nanatili roon habang kinakausap ang punto ng yumaong ina. Naglabas siya ng kaniyang mga nararamdaman, even the happy moments na nangyari sa kaniya lately.
Malalim na paghinga ang pinakawalan niya sa ere.
“Mom, kailangan ko nang umuwi. Sa susunod na dalaw ko ay mas tatagalan ko na. See you again next time. I love you Mom.” Saka siya tumayo at muling isinuot ang kaniyang ray-ban.
Hindi na niya kayang magtagal pa roon dahil bumibigat na ang kalooban niya at kinakailangan na niyang umuwi dahil pagod na rin siya mula sa shoot ng huli niyang teleserye para taong ito. Last year na rin ng contract niya sa Ayala Entertainment. Kapag naisipan niyang hindi muna mag-renew ng contract niya ay hindi na siya magiging busy. Mapapadalas na rin siyang makapunta sa puntod ng mommy niya. Gusto na rin naman niyang magbakasyon para kahit papaano ay makapag-relax siya dahil sa sunod-sunod na nangyaring problema sa kaniya lately.
Habang naglalakad palabas ng sementeryo, may nakabangga siyang lalaki na hindi na rin niya pinagkabalahang nilingon. Nagtuloy lamang siya sa kaniyang paglalakad hanggang sa makalayo na siya.
Samantala, ang lalaking nabangga niya ay napaawang na lang ang bibig habang sinusundan nito ng tingin ang dalaga.
Bumuntong-hininga na lamang siya at napailing saka ipinagpatuloy na rin ang paglalakad hanggang sa makalapit siya sa isang bench na nasa may harapan ng gate ng sementeryo. Mayamaya ay nangunot ang kaniyang noo nang biglang may lumapit sa kaniyang isang matandang babae.
“May kailangan po ba kayo?” nagtatakang tanong niya sa matanda.
Hindi naman ito agad nagsalita. Sa halip ay saglit siyang tinitigan ang kaniyang mga mata.
“Hindi mo matatakasan ang sumpang nakabalot sa buhay mo at sa buhay ng babaeng nakabangga mo. Hindi mo matatakasang mapalapit sa kaniya at dapat mo iyang tandaan,” sabi nito mayamaya. Pagkatapos ay kaagad itong tumayo at tumalikod na.
Mas lalong nagsalubong ang kaniyang mga kilay. Nagtataka siyang sinundan ng tingin ang matanda. Pero ilang saglit lang, tumayo rin siya.
“Sandali! Huwag po muna kayong umalis,” wika niya. “Ano po ba ang ibig ninyong sabihin? Hindi ko naiintindihan.”
Huminto naman ito, ngunit hindi na nag-abalang lingunin siya. “Protektahan mo siya at ganoon diin siya sa ’yo. Ang sumpang nakabalot sa inyo ay magwawakas sa pamamagitan ng isang tunay at wagas na pag-ibig.” Saka ito nagpatuloy na sa paglalakad.
Nagtaka siya sa mga sinabi ng matanda. Sino ba ang tinutukoy nito? Nalilitong nag-isip siya. Pero mayamaya, natawa siya nang pagak at napailing. Hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ng matanda. Para sa kaniya, baliw lang iyon kaya kung ano-ano ang mga pinagsasabi sa kaniya.
“I won’t believed that old woman. It’s impossible. Wala akong pakialam sa babaeng iyon. Bahala siya sa sarili niya. I don’t have any responsibility for other people aside for my Dad.” Saka siya naglakad pabalik sa kaniyang kotse.
HABANG isinasawaga ng doctor ang operasyon ay nasa labas lang si Mayumi naghihintay ng mga posibilidad, maganda man o masama. Agad na lumapit sa kanya sina Michelle at Auntie Maya na kitang-kita ang pag-aalala at pagtataka sa mukha.“Yumi! Ano ba talagang nangyari?!” bungad ni Michelle habang hawak ang braso ni Mayumi. “Sino yang lalaking yan? Bakit duguan? At bakit dito mo pa dinala sa isla? Delikado ba siya? O may humahabol sa kanya?” Sunod-sunod ang mga nito.Hindi masisi ni Yumi ang mga ito dahil sobrang bigla nga ng nangyari. Kahit siya, hindi pa rin makapaniwala na nasa harap niya ngayon ang CEO ng Ayala Entertainment na halos kalaban niya palagi.Huminga nang malalim si Mayumi at sinubukang pakalmahin ang sarili bago sumagot.“Mich, Auntie Maya... siya si Kalel. Si Sir Kalel... ang boss ko at anak ni Sir Sebastian,” mahina ngunit malinaw na sabi ni Yumi.Nanlaki ang mga mata nina Michelle at Auntie Maya sa gulat. “Ha?! Si Kalel?! Yung boss mo na sinasabi mong sobrang sungit?!
ISANG gabi, nagbar sina Mayumi at Bunny para mag-bonding. Matapos ang nakakapagod na schedule sa taping at sa opisina, naramdaman nilang kailangan nila ng pahinga—kahit saglit lang. Doon sa isang private lounge kung saan hindi masyadong matao at safe, doon sila nagtungo para kumain, uminom, at magkwentuhan.Matapos ang ilang oras na jamming at tawanan, medyo tipsy na silang pareho. Hindi naman lasing na lasing, sapat lang para mawala ang stress at gumaan ang pakiramdam.“Yumi, uuwi na ako, ha? Inaantok na ako oh,” sabi ni Bunny habang humihikab at inaayos ang bag niya. “Sobrang bigat ng talukap ng mata ko, baka kung ano pa mangyari sa akin kung magtatagal pa ako dito.”Tumawa lang si Mayumi. “Sige na Bun, ingat ka sa daan. Mag-drive ka nang dahan-dahan ha.”“Oo naman! Ikaw din ha? Huwag ka nang magtagal dyan. Umuwi ka na rin agad pagkatapos mo,” paalala ni Bunny bago tuluyang umalis.Naiwan si Mayumi sa mesa. Tinitigan niya ang natitirang isang shot ng vodka sa harap niya. “Isa na lan
NATAPOS na ang anim na buwang bakasyon ni Mayumi sa Batangas. Anim na buwan ng kapayapaan, ng mga ngiti ng matatanda, hiyawan ng mga bata, at simoy ng sariwang hangin sa isla. Panahon na para bumalik sa Maynila at harapin ang reyalidad ng trabaho. Umaasa siya na baka nagbago na ang ihip ng hangin at baka naging mabait na si Kalel.Ang katotohanan ay, sa bawat araw na lumilipas sa Batangas, may bahagi ring nag-iisip siya kung paano na ang mga proyekto sa Ayala Entertainment, kung paano na si Kalel—kung nagbago na ba ito. Nami-miss niya nga ba ang masungit na boss? Hindi niya masabi, pero may kuryosidad.Ngunit, nagkamali siya.Pagpasok niya sa opisina, sinalubong siya ng malamig na tingin ni Kalel. Walang "welcome back" o ngiti, tanging seryosong ekspresyon na parang hindi siya umalis ng kalahating taon."Late ka ng limang minuto. Start working now," malamig na sabi nito at tinalikuran siya, ibinalik agad ang dating realidad.Parang binuhusan siya ng malamig na tubig. Wala talagang pin
ANG pagbabalik ni Mayumi sa Batangas ay para sa paglanghap ng sariwang hangin matapos ang mahabang pagkakakulong sa mausok na siyudad. Hindi na siya ang stressed at laging busy na tao. Ngayon, siya si Mayumi – ang babaeng may malaking ngiti, ang babaeng masaya sa simpleng mga bagay, masayang makasama ang mga tao sa isla, ang makatulong sa nursing home at sa mga bata. Masaya siyang makabalik at manatili ng matagal dito sa isla Verde. Marami siyang magagawang makabuluhan kasama sina Michelle at Auntie Maya. Bukod sa pagiging malapit sa mga tao ang pinakagusto niya sa lugar ay ang bahay nina Michelle, na nasa tabi mismo ng dalampasigan, na parang isang paraiso. Ang tunog ng alon, ang amoy ng dagat, at ang sariwang simoy ng hangin ang palaging hinahanap ng sistema niya.Dito niya tunay na natagpuan ang kapayapaan. Tahimik ang buhay, presko ang hangin, at ang pinakamahalaga, wala si Kalel. Pangalan pa lang nito ang maririnig niya ay inis na inis na siya. Ngayon kinalimutan muna niya an
MATAPOS isulat at pirmahan ang resignation letter, malalim na bumuntong-hininga si Mayumi. Tinitigan niya ang papel na nasa mesa at ngumiti nang mapait pero puno ng determinasyon."Bye-bye na sa trabaho, bye-bye na sa sungit at antipatikong boss na 'yan! Hindi ko na kaya! Sobrang nakaka-drain na," bulong niya sa sarili habang pinapatungan ng stamp ang papel.Buong-buo na ang loob niya. Alam niyang ito na ang tamang desisyon para sa kanyang sarili. Hindi na niya kayang manatili sa lugar na puro stress at away lang ang hatid sa kanya. Enough is enough.Kinabukasan, maaga pa lang ay pumunta na siya sa opisina. Suot niya ang pinakamaganda niyang outfit, parang wala lang sa kanya pero deep inside, kinakabahan din naman siya. Dumiretso siya sa opisina ni Sebastian at ibinigay ang envelope na naglalaman ng kanyang resignation letter.Nang mabasa ito ni Sebastian, napahawak siya sa kanyang sintido. Alam niya ang ugali ng anak niyang si Kalel at alam niyang hindi naging madali para kay Mayumi
BUONG-BUO na ang isipan ni Mayumi na bumalik ng Maynila. Isang linggo na siyang nasa probinsya at sa tingin niya ay sapat na iyon para magpalamig ng ulo at mag-isip nang malalim tungkol sa mga nangyari. Kahit na masaya at payapa ang buhay doon, alam niyang kailangan niyang harapin ang mga responsibilidad at mga taong naiwan niya sa siyudad.Pagdating niya sa Maynila, dumiretso siya sa Ayala Entertainment dahil ipinatawag siya ni Sebastian. Gusto ng boss niya na maliwanagan ang lahat tungkol sa nangyari sa Ifugao at sana ay magkaayos na sila ni Kalel. Alam ni Sebastian na may pinagkakaabalahan sila at gusto niyang ayusin ito bago pa lumala ang sitwasyon.Pero bago pa dumating si Sebastian, nagkasalubong na sila ni Kalel sa lobby ng opisina. Agad na sumama ang itsura ng mukha ng lalaki nang makita siya."Talagang may mukha ka pang magpakita pagkatapos mo akong iwan sa Ifugao. At ngayon mo lang din naisipang bumalik?""Wala akong dapat ipaliwanag sa iyo. Nandito ako para makausap si Sir
MAAGANG nagising si Mayumi upang maghanda ng sarili para sa Imbayah festival. Nagsuot siya ng katutubong damit na bagay sa kaniya. "I'm excited," maikli niyang sabi saka naglagay ng kaunting makeup. Pinasadahan ang mukha sa malaking salamin, "perfect!"Lumabas na siya ng banyo at nakita niyang gising
PAGKAUWI ni Briana galing Ifugao ay dumiretso siya sa kaniyang Tita Shirley, nagsumbong siyang iniwan siya ni Kalel sa Ifugao at muntik pa siyang maligaw pauwi dahil hindi niya kabisado ang lugar. Galit na galit siyang nagsumbong ng mga nangyari. In the first place, siya ang may kasalanan nun, siya
"HUMINTO KA! Huwag kang tumakas kung talagang matapang ka. Harapin mo ako," sigaw ni Mayumi sa kaaway niya. Nasa shooting siya ngayon. Siya ay si Clarisse sa bago niyang role, isang bodyguard ang ginagampanan niya. Nasa habulan ang scenes na kinukunan nila ngayon. Nasa kalagitnaan na siya ng daan ng
WALA sa mood na sinundo ni Kalel si Mayumi sa condo unit nito. Alam na niya ang room number nito dahil sinabi na ni Sebastian ang details ng tirahan ng babae. Nag-doorbell siya. Kaagad na bumukas ang pinto at sumungaw ang napakagandang dilag. Ngumiti si Mayumi sa kaniya kaso fake iyon."Let's go," ti







