Share

Chapter 44

Via

Maganda ang gising ko kinaumagahan. Bumungad din ang text sa akin ni Kian na hindi na niya ako masusundo at magrereport na daw sila ngayong araw. Hindi na ako nagtanong po kundi sinuportahan ko siya agad na kaya niya iyon.

Siguro ay pagkakataon narin para makabili ng bike niya. Hindi ko kasi nadaanan kahapon iyong shop at baka magka-idea siya.

Pagkalabas ko ng kwarto ay kaaalis din ni papa. Hindi ko na tinanong kung saan pupunta at siguradong sa trabaho siguro niya. Kay mama na ako nagpaalam.

Pagkalabas ko ng bahay ay sakto rin ang labas ni Gail. Sinalubongan ko siya ng malawak na ngiti.

Nagsalubong naman ang kilay niya ng makita ako.

"Ngiting painggit?" sabay irap sa akin.

"Hindi ah. Sadyang maganda lang ang gising." saka inipit ang ilang hibla ng buhok ko sa tenga ko.

"Weh. Ano naman ginawa niyo kahapon?" tanong niya.

Biglang sumulpot sa isipan ko ang nangyari sa park. Biglang lumawak ulit ang ngiti ko.

"So ganyanan na pala tayo ngayon. Ngitian nalang." medyo naasar nitong rekl
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status